Isa na namang blog entry galing sa magaling na kordoba. Literal na magaling na ako. Yahu. :) Ang saya saya. Nagising ako kaninang umaga ng umuulan. Sana umulan pa. Para walang pasok bukas. Yipee. Ayoko ng pumasok. Argh. School sucks, right?
Wala akong magawa. Ay, meron pala kaya nga ngayon na ako gumagawa ng blog entry e. Haha.
Blog. Naalala ko ang luma kong blog. Ang first time kong magblog. Etc. Ang una ko ay sa xanga. Parang project kasi sa comsci noong 3rd year. So gumawa ako at inupdate ko hanggang 4th year. Tapos nagblogspot ako. Sa blogspot ko naipagpatuloy ang mga blog entries ko. 1 taon din ako dun. Nandun din ata ang link ko sa lumang blog. Hehe. Tapos nung college, tinry ko na magmultiply. Mas nagenjoy ako. Kaya dito na ako nagtatayp at kinocross post ko na lang sa 2 blog ko, sa blogspot at livejournal :) So ayun. Haha. Diyan nagsimula ang paggawa ko ng walang kwentang posts na dumadaloy mula sa neurons ng utak ko to my fingertips na siyang pumipindot sa keyboard. :)
Tanong nga, natutuwa ba kayo sa blog ko? Pasensya na kapag galit ako. May pinatatamaan minsan. Minsan talagang binabanggit ko ang name. Tapos ayun mumurahin ko. Etc. Minsan naman pinagsusulat ko rito ang napapansin ko sa paligid. Pasensya na ah. Haha. At siguro, wala ring pakialamanan kasi blog ko to. Pero mahirap maiwasan kapag nakakasakit ka na ng iba. Kahit sabihin mo pa na private blog to, open pa rin to sa public kaya hindi lang ikaw ang nakababasa. Kahit opinion mo iyon, kailangang intindihin mo rin ang mga taong pwedeng makabasa ng entry mo. Mga ganung bagay.
BTW, si *toot* pala ay may boypren na. Hindi ko lubusang maisip na kamukha rin ni *ehem* ang magiging boypren niya. Haha. Kaya pala. Ang pangit nung guy ah. Kawawa si *toot*. Maganda pa naman. Hehe. Kilala na ito ng mga madalas kong kausap.
Comment ko lang sa issue na iyan (walang pakialamanan haha, 'di niyo naman kilala kung sino sila e) masaya naman sila kaso talaga, ampangit nung lalaki. Haha. Kung sabagay hindi lang naman physical features ang basehan. Pero siyempre kahit anong gawin mo, kasama pa rin 'yon! Haha. :D
Gusto niyo pa ba ng chismis? Haaaaauuuum. Haum. Haum. Confirmed na! Haha. Basta. Confirmed na. Dalawa 'to. Haha. Wala na akong maisulat. Pagpasensyahan mo na.
Sa mga may natitira pang SSP next sem, kumuha kayo ng SocSci2. Maganda siya in fairness. Gusto ko ang mga discussion. Nakatutuwang isipin na may mga tao palang kapareho kong mag-isip. Alam niyo naman ako bigla na lang napapaSocsci or Psych. Haha. Mala V3 ang dating. Pero mas malala siya sa akin. Tama ba ang balita ko? Sinabi niya na hindi na planet ang JUPITER. How engotski. Pluto po ang hindi na planet, hindi Jupiter. Hay. Kawawang V3.
O siya, 'yan lang muna. Nitatamad na akong magtype. :)