Sunday, March 29, 2009

Leaderboard
Create your own Friend Test here


left at 12:47 AM

Saturday, March 28, 2009

Ahaha. Wala pa akong tulog. Ay meron pala. 30 minutes. Tapos ang mean ng pagtulog ko ay 2 hours na may standard deviation na 45 minutes. Haha.

Epekto ng stat. Duh.

Parang tanga lang ang lec exam ko. Walang effort. Sure fail. Tapos pinasa ko agad ang papel para makapagpaphotox ng z, chi and t table. Pinaphotox ko na rin si Jude kawawa naman e. Pati nga calculator kinalimutan e. Joooke. Haha.

Tapos naglibot ako sa school. Kailangan ko ng lab clearance. Nakalimutan kong kumuha. Duh. Bobs ko talaga. :| Tapos nalaman ko score ni Ruth sa CS130. Haha.

Nagtest kami ng lab. Namigay ng chocnut si Mam habang tulog ako. Oks lang ang test. Mas ok kaysa sa lec. Tapos ayun. Haha.

(Habang nagtetest sa stat..)
Mam Len: Ang bonus question ko ay kung bibigyan kayo ng pagkakataon gumawa ng bonus question, ano ito at ano ang sagot dito.

(After sometime..)

Ako: Idol Ahmad, ano bonus question mo? :)

Ahmad: Wala, wala.

(Hinablot ko ang papel sabay basa.)

"sino idol?
si kordoba"

Oha. Labs ko talaga si Kuya Ahmad. Haha. Tsup nga Idol. Haha. Funny talaga. E kinukulit pa naman namin kanina kung sino pipiliin nya. Ako, si Ejae o si Bea at ako ang pinili nya!!!! Yay. Haha. Labyu and TSUUUUUP Ahmad. Yikee. :)

Ok na sana. Pauwi na. Ng... Ayun. Basta. Nafeel lang namin magDDR. Ako, Paul, Bea and Yani. And guess what? Nasira ang machine habang naglalaro kami ng candy. Haha. 8 tokens pa naman yun. Inayos naman ni Kuya. Tapos ayun. Kaya ko na ang difficult ng Venus at Sunkiss. Oks lang pala. Haha. Yaaaay. Sa uulitin. Pssst Bea. Haha.

Tapos uwian na. Nagmonster float ako kanina. Ang laki!!! Ang saya. Haha. Supeeeeer. :) Tapos jeep kami ni Bea. Yay. Haha. Kwentuhan na naman.

Nalaman ko rin pala na 2.0 lang ako sa math. Alam niyo naman kung ano ang hinahangad ko 'di ba? Tanga ko kasi. Tsk. Kaasar. Pero akalain mong magkagrade kami ni Daddy Nikko? Haha. Oks na rin. Hahaha.

NagIMAX kami. Monster VS Aliens. Cool movie. E 3D pa. So superrr cool. I love Mr. Cockroach. NagDDR pa siya sa movie. Loooove ko rin si BOB. Siyempre si Susan din. Cool din si Missing Link. Pero ang peyborit ko ay Insecto-something. Search ko mamaya. Cute cute nya. Hahahahahaha. Whee. Me lab moooonsters. Astig talaga Dreamworks. IDOL. :P

Star City mode na. Grabe, matatanda na kasama ko. Kaya ayun. Haha. Inenjoy ko sarili ko kahit boring na lahat ng rides sa akin. Boohoo. Lahat sila nakakaantoook. Sana natikman ko yung star flyer. Sana natry ko. Kaso closed, sayang.

Tapos ito ako ngayon. Halos kauuwi lang. Matutulog na ako. At gigising ng 6. Langya. Critic and lab report for biochem 14 lab and ppt for chem31. Good luck sa akin.

O siya. Tulog na ako. Kailangan ko na ng rest. Babay!!!



PS. Taasan niyo naman scores niyo sa friendtest! :D


left at 7:19 AM

Thursday, March 26, 2009

Leaderboard
Create your own Friend Test here


left at 4:47 AM

Wednesday, March 25, 2009

Wahaha. Haha. Amaaazing.

Nacancel ang test? Akalain mo 'yon. Hahaha. E wala pa naman akong kaalam alam. Thank you Lord. Life is a miracle. Love you Lord. :) Superrrrr.

Physics mode naman ngayon. Bleh. Ang plastic ko kay Bongbong kanina. Hahahahaha. Pero at least hindi halata. :)

Hoy Bea, huwag kang maingay sa mga pinagkukwento ko kanina ah. Andami ko pa namang kinuwento. Haha. Mga kagaguhan ng buhay ko. Pucha. Wahaha.

Ang saya ko. Salamat sa lahat ng nagturo sa akin kahit wala naman test kanina. Wahaha. At least kaunti na lang ang aaralin ko dahil sa inyo. Haha. Naku. Papasa ako. Si BS nga pumasa e. Kakayanin ko rin. Yikee. Ika nga ni Tutut. TUTUT! Hahahaha.

Pinagod ko pa si Bea kanina. DDR kami. Inabutan pa kami ng CS dun. Haha. Tapos dapat uuwi na. Punta ng SSWC para makita ang chever ko sa arnis. Naaalala ko si Sir Bau. Diretso ng masci. Naalala ko yung pinabibili sa akin. Diretso Rob. Ang saya. Labyu Beaaaa.

O siya aaral na ako. For real na this time. Ayoko ng magsayang ng oras. :D

YAY.

Labyuol. Teka. Nakita ko pa si Stalker 1 kanina. Nabighani na naman ako sa langyang kagwapuhan niya. Oha.

Babays na talaga. :)


left at 11:09 PM



left at 11:09 PM


Panapanahon ang pagkakataon.

Maibabalik ba ang kahapon.

Naalala ko lang ang kanta. Haha. Pinapatugtog ko kanina. Akalain mong kinakaya ng cp ko ang tristancafe? Haha.

Pero ayun. Maganda nga ang message ng kanta. Hay. Weather weather lang talaga ang buhay.

Naaasar ako ngayon pero ok na. 'di ko lang talaga maintindihan kung bakit ganun. Siguro ako na naman ang may problema. Kung kayo ang nasa kalagayan ko, you'll feel the same way. E ano bang magagawa ko? Tapos malalaman mo pa na ganun. Tsuk!

Beaaaaaaa. May ikukwento akooo. I-PM mo ako kapag nabasa mo 'to. Or bukas na lang. Haha. Natuwa na naman ako, wahaha.

May mga bagay sa mundo talaga na hindi ko makakamit at never magiging akin. Pero kahit ganyan ang ikot ng buhay ng bawat mamamayan sa mundo, kahit hayop nga e, marami pa ring mga bagay sa mundo ang hindi pa nadidiscover at nakalaan para sa atin. Oha. Haha.

Gusto kong magsorry sa ilang tao. Haha. Kahit hindi nila alam na nagsosorry ako, magsosorry ako. Hahaha. Naku. Napa-isip na naman kasi ako kagabi. Tsuk! Haha. Ayun. Ayun. Sorry. Stupid meeeee.

Gusto ko ring pasalamatan ang ilan sa walang sawang pagsuporta sa mga kagaguhang ginagawa ko. Wahaha.

Teka, nag-eemo na naman ako. Haha. Dahil siguro sa kantang Kanlungan. Pero in fairness, gusto ko talaga ang kantang 'yan. Hahaha.

Salamat sa mga nagpasaya sa akin sa araw na ito, Especially IDOL Ahmad. Winiwish ko na sana iadd niya na ako sa multips. Haha. Tsuk! Labyu Ahmad!! Yikee.

O siya. Mag-aaral na ako. Tinanggal ko lang ang random thoughts inside my mind.

Babush! :)


left at 1:36 AM

Tuesday, March 24, 2009

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Err. Ano oras test bukas? Wala kasing nagrereply sa mga text ko e. Nagbabakasakali ako na may magrereply rito. Haha. Salamat. :)


left at 5:34 PM


Napulot ko kay Ate Nix. Enjoy. :)

~31 Secrets about Yourself~

RULE: Be honest no matter what.

[1] From whom was your last text from?

- Kelvin

[2] Where was your primary picture taken at?

- Quad ng DPSM

[3] What's your middle initial?

- S.

[4] Your current relationship status?

- Single. Poreberrrr.

[5] Does your crush(s) like you back?

- Sana. HAHA. =))

[6] What is your current mood?

- Depressed. :|

[7] What's your last name?

- Cordova.

[8] What color shirt are you wearing?

- Yellow.

[9] What was the last thing you drank?

- RC cola.

[10] If you could go back in time and change something, would you?

- Yes. Hay. Bobita kasi. Tsk.

[11] Have a crazy side?

- Dapat ang tanong kung may SERIOUS side ako. HAHA.

[12] Favorite song? (at the moment)

- Hinahanap hanap Kita. Yikee.

[13] Something you do a lot?

- Plurk??.

[14] Do you wanna date somebody?

- Err. Yes? STALKER 1. :))

[15] Name someone with the same birthday as you

- Claudine Barretto.

[16] When was the last time you cried?

- Err. Di ko na maalala.

[17] Who would you do anything for?

- Wala. Every man is an island.

[18] Who is your idol?

- AHMAAAAAAD. LOL.

[19] What's the first thing you notice about the opposite sex?

- Personality? Naks. Inner beauty e 'no? :))

[21] What's your biggest secret?

- Gusto kong hambalusin si TUTUT sa tuwing nakikita ko siya. Haha. Ewan ko ba.

[22] Where are you?

- Living room.

[23] Favorite movie?

- Forrest Gump. Duh. Tinanong pa. HAHA.

[24] Do you still watch kiddie movies or tv shows?

- Oo naman. Wahaha.

[25] What are you eating or drinking at the moment?

- Gusto kong kumain. Haha.

[26] Do you think someone's thinking about you right now?

- Sana. Si Tutut. At si Stalker 1. :D

[27] Describe your life one word, what would it be?

- Rollercoaster? :D

[28] What should you be doing?

- studying Biochem, Stat, Organic Chemistry, Physics.

[29] Do you act differently around the person you like?

- Halata ba? Haha.

[30] What is your favorite color?

- Brown.

[31] Who was the last person who made you smile?

- Si Tutut. Joke. Si BEAAAAAAAAAAAAAAA. :))


left at 4:37 AM

Monday, March 23, 2009

Peste. Peste. Nonsense na naman 'to. Winawarningan ko na kayo.

Walanghiya. Punyeta. Punyeta. Leche. Super. Kainis.

Bobo ko kasi. Tae. Tae. Kahit anong basa ang gawin ko 'di ko pa rin magets. Hina ko kasi. Leche. Leche. Ayoko ng bumagsak. Peste. Hirap talaga. Tae. Tae. Nakakabanas. Di ata ako aabutin ng removals. Tanga ko kasi. Tanga tanga tanga.

Hay.

Sana hindi ko na lang inalam ang score ko.


left at 9:51 PM



left at 6:46 AM

Sunday, March 22, 2009

Oo. Tama ang nabasa niyo. Gusto kong magkaroon ng outing. At ayoko ng boring at nakakaOP na outing. Gusto ko 'yong fun. At 'yong makakapagbonding ang lahat.

Haha. Summer na summer na ang utak ko 'no? Gusto ko rin ng overnight. Gusto ko ng pangdetox. Masaya. Masaya. Haha.

Pero, ang tanong, magkakaroon kaya ng isang successful na outing? Tipong lahat pupunta at makikiparty? Tipong walang maOOP? Haha. Malabo 'no.

Hehe. Pero ayun. Gusto ko ng isang get together. Mahirap na rin kasing hagilapin ang iba kapag ganitong sumasummer na. Siyempre ang iba may sarili na ring outing.. Tsk.



Haha.

Siyangaps, nasa akin pa rin ang 3k at wala pang nagsusuggest ng dapat gawin dun.

Whoo. Tama na ang summer talks. Aral na muna. Napuno lang kasi ng tubig ang utak ko.

Babush. :)


left at 3:37 AM

Saturday, March 21, 2009

Haha. WTF ang title. Haha. May naiisip lang ako. Haha.

Nanonood ako ng Madagascar 2. Benta talaga ang palabas. Magkaugali kami ni Alex. Grabe. Haha. Panoorin niyo. Maaalala niyo ako. Tsk. :(

At ako ay, hindi pa natutulog ng maayos. Mga 2 hours pa lang ang tulog ko ngayon e last night 2 hours lang din nung kahapon at nung isa pang araw. Tapos kapos pa ako kumain, Tapos DDR pa ako kanina tapos DM at nakamax combo na 1037. Oha. Haha. Pagod na ako.

Nangangayayat na raw ako. YAY, sana pumayat na ako. As in. Gusto ko na. Haha. Para naman iba na image ko. Ayoko ng maging cute. Gusto ko maganda na. JOOOOKE. Haha. Umaasa lang naman. E ampangit ko naman e. Haha. Pabayaan niyo na ako. Minsan lang ako magfeeling. :))

Haha. Tapos ayun. Huhu. WTF ang test ko. Pero sure pass na naman e. Ayoko ng pagusapan. Haha.

Tapos umuwi ako. Ay nagSM San Lazaro ako. Namili na naman sa National Bookstore. Huhu. Adik talaga sa mga school supplies. Andami na nila. Hindi na kasya sa lalagyanan ko. Adik. Adik. Adik. Pusoyeros, alam niyo na ireregalo sa akin sa birthday ko. Haha. Grabe talagaaaaaa. Huhu.

Nagbooksale ako at nagkita kami ni Sir Bau. YAY, Grabe, kwentuhan to the max kami. YAY. Haha. Tuwa naman ako. Malandi na phone niya. Katulad na nung kay Tintin. Haha. Landi talaga ni Sir. Nakakamiss! :))

Naghiwalay na kami. At nagkita na kami nila Mommy. NagDDR saglit. Tapos nagDM. Haha. Adik? Tapos umuwi.

Walang kwenta ang araw na ito.

Naisip ko na naman. Ang naisip ko noon. At ngayon, At magpakailanman.

Mayroon talagang misteryo sa buhay ko ngayon. At hindi ko na masasagot pa dahil misteryoso rin ang taong pinagmumulan ng misteryo. DUH. Ewan ko ba. Naisip ko dahil TUTUT. Hay. Mapapansin naman agad kung kayo ang nasa kalagayan ko e. Pansing pansin. Ayoko maging feelingera and all that kaya ayun, wala pa akong nasasabihan ukol sa naiisip at matagal ko na iniisip na bagay na ito. Ampangit kasi pakinggan. And I won't even risk a thing para malaman pa ang kasagutan sa mga tanong ko. Pero gusto kong malamaaaan. Masyado ko lang pinoprotektahan ang image ko. Hay. Bakit ba kasi ganun. Bakit ba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Tsk.

Kailan ko pa kaya malalaman ang sagot sa tanong na bumabagabag sa akin ng ilang buwan na.

Malalim na ang gabi. Matutulog na ako at pupunta pa kami sa Bato Springs bukas. Babays. :)


left at 5:15 AM


Dear : _______


I ____ you.
You have a nice ______.
You make me _______.
You should _______.
Someday I will ______.
You + me = ________.
If I saw you now I'd __________.
I want to ________ you.
I would build a _______ just for you.
If I could sing you any song it would be _________.
We could __________ under the stars.

Love,
_______________

(P.S. ______________.)

Oh and I am __________ (going/not going) to post this under my notes and see what you write about me.

_____________


left at 3:38 AM

Thursday, March 19, 2009

Haha. Wala lang ang title. Walang kinalaman sa post ko. Pero winiwish ko na sana, sa lalong madaling panahon, magkaalaman na.

Haha. Parang ewan lang ang araw na ito. Nagsimula sa sobrang nakakaantok na chem31. Tapos nitry kong makinig sa Biochem14. Pero nalingat lang ako, ibang topic na agad. At parang lahat ng sinasabi ni ma'am importante. Huhu.

Nagkwentuhan lang kami ni May. Naglaro ng Marble at Tower Bloxx sa BAGONG cp ni Vina. Haha. Tapos naging k girl. Natapos ang klase at nakita ko si BEAAAAAAAAAA. Haha. Beaaaaaaaaaaaaa with matching trailing voice. :))

Nakita ko sina Ruth. Ayun. Pinakilala ko si Beaaaaaaaaa sa comsci friends. Haha. Tuwa naman siya. Nagrob kami dahil sa cheesecake na nauwi sa isang round ng DDR. Hahahaha. Sakit sa paa. E pano kasi naman nakaslippers lang me. Nagikot sa powerbooks at kumuha ng powercard. Inggit si Bea, ganda na nung akin. :P Kasama pala namin si Api nun.

So cheesecake mode kami. Oreo cheesecake me. Kanya Devil's food cheesecake. Tapos diretso Tom's world. Nakita namin sina Ruth, Pash at Faye. Sheeeeet. Ang galing na ni Faye. Level up na 'tooooo. Tapos naman si Pash, hindi binibigyan ng hustisya ang dance pad. Pucha. Wag na kayong magdream na maging dance pad. Kawawa kayo kay Pash. Haha. Tapos si Ruth, dahil super galing na, ayun. Tayo na lang. Tingin tingin.

Dumating din si Ph pero di na namin napanood. Umalis na kami. Usap usap ni Bea. Haha. Nagcr. Umuwi.


Eto ako ngayon nagdurugo ang tenga sa boses ng aking ina. Pangit na nga, pilit na nga, mali pa tono. Wahaha.

May utang pa pala ako kay Manong Ned/Nep. Sheeet. Baka magalit 'yon. Shet. Haha.

Btw, nagjeep ako pauwi. Ang gago ng driver. Binigyan ko siya ng sampu sabay sabing "Ma bayad po, isang estudyante, Tayuman." Hiningi ko sukli ko ni g nasa city hall na. Wala pa rin. Pagdating sa Tayuman, ayaw niya talaga akong suklian. Puta. Sabi niya Tayuman na raw. Ayokong umalis. Tiningnan ko siya. Tapos galit niyang ibinigay ang sukli ko. 2 lang ang binigay nya. Naknampuuuuts. E 7 lang naman ang pamasahe ko. Shitty siya. Kanya na ang piso ko. Baka mamatay pa siya dahil dun. Kuripoooots. Badtrips.

O siya. Alis na ako. Wala pa akong naaaral. Anong oras ba ang test sa Biochem14.1?? Salamaaaat.


PS Haha. Napaparanoid na ako sa paligid ko. Alam kong *toot*, pero, ay siguro ganun. Haha. Tadhana nga naman.


left at 9:25 PM

Wednesday, March 18, 2009

Haha. Isa lang ang masasabi ko. Uber fun ang araw na ito. Yay!

Nagsimula ang lahat ng umalis ako ng bahay ng 10.15. Take note, 10 ang class ko. Haha. Funny. Pero dahil suicidal freak ako, nagjeep pa ako. Oha oha. 10.47 na ako nakarating sa skul. Happy!!! Kasi walang CLASS. OMG. Tapos evaluation lang. Malamang tinodo ko na ang evaluation kay Bongbong. Define TODO. Haha. Uber. Natatawa ako habang ginagawa. Puro SD at siyempre siya ang THE WORST haha. Tawa pa tayo. At least nakaganti ako.

Tapos Monday pa ang pasahan ng lab rep nila Kuya Paulgie so kokopya na lang ako sa Monday. Haha. Happppy. Hindi na ako nagmamadaling gumawa. Oha oha. :))

Tapos dahil wala ng klase, nagyaya si Bea magDDR. Haha. Kahit wala ang 200 na load ang powercard niya, tinodo as in TODO na namin ang paglalaro. Haha. Nakakatuwa. Nagdouble pad ba 'yon pa kami. At officially, difficult na talaga ako. Haha. At naadik si Paulgie at Bea sa Doesn't Really Matter. At ako ang mga favorite songs ko. Alam niyo na 'yon. Haha. Baka may magalit pa kapag binanggit ko pa 'yon. Wahaha. Tapos tinodo talaga namin. Ang tagal e. Tapos ang dami. Tapos load ng load si Bea. Haha. Yaaaay.

Uuwi na sana kami ng nagdecide kaming magcheesecake. Wahaha. Blueberry cheesecake akin at caramel walnut kay Bea. Haha. Ang ewan nung cashier habang kinakain namin 'yong cake. Orgasmic daw e. Hahahahahahahaha. At kinilig pa si Paulgie sa super sarap na caramel walnut. Hahahaha. :))

Tapos uwi na si Paulgie, sinamahan ko si Bea sa Faura. Nakakatawa. 'yong magic trick. Gash. Gusto ko nun. Kaso 150 e. Tapos maliit lang daw. Tapos nilalagay sa bao. WTF. Ano 'yong punyetang bao na 'yon. Kaasar 'yong emo haircut guy. At 'yong red shirt guy. Isa lang matino sa kanila. Basta, natakot kami ni Bea. Haha. E kasi. Basta basta. Pero maghahanap ako ng ibang bilihan ng trick na 'yon. Tapos magmamayabang ako sa kanila. Behlat. Gaganti ako.

Pagbalik sa UPM. Ayun. Tapos nakita ko si Dan. Ayun. Tapos nagsalo kaming tatlo nila Bea sa apple ice tea. Ayun. Haha. Tapos uwi na ako.

Habang papunta pala kaming rob, nakita ko si Tin. OMG. Haha. Namiss ko talaga 'yon. Tapos nagtilian kami. Wahaha. Akalain mong tinignan daw kami ng guard sa Supreme court sa lakas ng tili namin?? Haha. Funny.



Paguwi. Ayun. Nagkaputulan ng kuryente sa amin. 'yong mga illegal. Nakakatuwa. May sense of fulfillment. Tapos sana nakita niyo 'yong mukha nung nagputol. Natatawa siya. Sa wakas, nabawasa ng burden ang meralco.

O siya. Haha. Masyado ng masaya araw ko. Aaral na lang muna ako. Kailangan e. GC mode daw. Hahahahahahahaha. Woot. Tinulugan ko lang reporting nila. Kailangang basahin ulit. At umaasa akong maka one point something sa Math74. Haha. Aja me.


Alis na talaga ako. Haha. Babays!!


left at 9:54 PM

Tuesday, March 17, 2009

Huwag niyo ng basahin. Nonsense mode ako ngayon.

Napaisip lang ako.

Sayang. Haha. Tanga ko kasi. Hindi ko naman talagang sinasadya na ganun ang mangyari. Wait. Take note, luma na 'to. Haha. Ngayon ko lang talaga naisip. Haha. Sayang. Tsk. Tsk. Dapat ipanagpatuloy ko na lang ang nasimulan na. Ok sana ang buhay ko ngayon. Hay.

Teka, pang ilang post ko na ba 'to??

Haha. O siya. Alis na ako. Tinanggal ko lang 'yan sa utak ko. Nanghihinayang pa rin kasi ako. Ay bobo. :))


left at 10:12 PM


Haha. Pero maghahanap pa ako ng pics. Next post ko na 'yon or sa 400th o 500th post ko. YEAH. :))


ABANGAN.


PS Parang tanga 'yong exam. Sana puro Z na lang. :(


left at 3:35 AM

Monday, March 16, 2009

Battle of the HOTTIES.



Sino ba ang mas hot?

Si Argaminosuccinate ba?

O si Pasiababes?




Cast your votes
NOW! Haha.






:))


left at 5:11 AM

Sunday, March 15, 2009

Eto na naman ako, magpupuyat para sa isa na namang pagsubok na dapat harapin bukas.

Napagalaman kong mas magaling magturo si Stryer kaysa kay Mathews.

Inililipat ko ang pahina. Kahit anong lipat ko, tila walang katapusan ang mga dahon sa libro. Kadalasan, 'di natin alam kung saan magtatapos ang nasabing chapter at tayo ay nagsawa na kaya't napilitang isara na lamang ang aklat. Walang nagudyok sa ating tapusin. Huli na kapag nalaman nating isang pahina na lang pala at tapos na. Sayang, may natapos sana tayo. Sayang.

Bakit ba hindi nating magawang magtiyaga? Tipong lagi tayong naiinip at pinipilit na lang tapusin agad ang mga bagay. Hindi man lamang natin tinatapos ang mga bagay na nasimulan na. Sayang naman talaga kung patapos na rin pala.

Nonsense ko na naman. Haha. Nakikiwifi na naman kasi ako. Bawal gumamit ng pc e.

Balik tayo sa ikinukwento ko. Katulad ngayon, patapos na pala ako sa chapter na 'to. Buti na lang hindi ako naggive up! Haha. Aja. :)



Bangag na naman ako. Nagchevers pa kasi sa MOP kanina. Argh.

Ayun. Ayoko ng magpakachever. Andaming post ngayon sa tabi tabi na medyo deep. Ayokong sumabay sa pagpapakadeep. Haha. Sa susunod na. Yaaaay.

O siya, wala ng tao rito sa baba. Nanakaw na me ng chocolates.

Gooood night. :)


left at 5:19 AM

Saturday, March 14, 2009

Wala pa akong matinong tulog. Grr. At 'di pa ako nag-aaral ng maayos, nakatulog ako kagabi. Nakakaiyak. Mahaba pa ang aaralin ko.

Haha e aalis pa kami.

Hay. Nakakaewan. Pero dapat matapos ko na 'to before ako umalis.

Aja me! :)


O siya aral na me. Katamad talaga gumawa ng post sa cp. Mamaya na lang. :)


left at 1:49 PM

Friday, March 13, 2009

Haha. Maya maya lamang ay parating na ang Tita ko. Kasama ang tambak tambak na gamit, chocolate, laptop ko etc.

At ilang oras na rin magsisimula na ang halos 7 hours straight na test ko.

Mukha lang talaga akong tanga. Haha. Sana mataas ang score ko sa math. *fingers crossed*


Hay. Hay.


At ayun. O siya. Alis na ako. YAY. :)

Aykendudis. :)


left at 3:33 AM

Wednesday, March 11, 2009

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


WALANG MATH 75. ARGH. Naaasar ako.


left at 2:45 AM


Haha. Bago ang paghuhukom, gusto ko muna magsulat.

Ilang oras akong nagrebyu kaso nastuck ako. Wala akong magets. Boohoo. Tanga tanga ko talaga. At may sessions na naman kami nila Kuya Paul, Reg at Bea bukas. Wahaha. Ang saya. Sana makareview kami.

At YAY! May kasama na akong maghum2! Sana pumasa na sina Dan at Allen sa Comm2 nila para happy ang lahat. Sana makahum2 kami sa first sem. YAY. Ang saya saya. Wahaha. :))

At namove na pala sa Monday ang Biochem test. Kayang kaya na SANA. Hay.



Yay. Masaya na naman ako. Makulit ulit. Kahit walang kwenta ang Physics forever. At nagwiwish ako na sana maka1.something ako sa Math 74. YAY. YAY.

Inaayos ko na ang buhay ko. Oks na ulit sa bahay kasi ginawa ko na ang pinapagawa nila. YAY.


Basta. Happy na. YAY. :)


left at 1:49 AM

Monday, March 09, 2009

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Okay na ako.

Salamat friends. YAY.


left at 3:22 AM


Yeah. Magreremove ako bukas for arnis. Goodluck sa amin ni Kim. Huhu.

E kasi naman 'di ba. Biglaan. Hay. Gusto ko ng makuha ang pagkasunodsunod ng mga chevers para pumasa kami ni Kim. *fingers crossed*

Hay. Ang chever ko talaga these days. Gusto kong ipasa ang PE. Buti pa sina Dan pasado na. Huhu. Kasi kami RAW 'yong ABNORMAL na class niya. Punyeta talaga. Oh well. Isasacrifice ko na naman ang orgchem para sa sa arnis. Nakakaiyak! Huhu.

Tapos, hindi ko talaga nabalakang magPhysics kanina. Nagpasa lang ako ng lab manual then fly away na ako. Sumama kina Ruth. YAY. Haha. Nagrebyu ng Orgchem. Pagdating ni Dan, nagdate na naman kami papuntang CAS. At dahil 2.30 pa pwede si Kim, nakispeech11 na lang ako kina Dan.

Tapos ayun. Nagpractice kami ni Kim. Pagpray niyo na sana pumasa kami. Makikiepal pa naman kami sa PINAKAMAGALING na class ni Sir.

Hay. Masaya naman ang araw ko ngayon dahil sa ilang tao sa mundo. YAAAAAY.



O siya. Alis muna ako. Magnenet muli ako ng 10.30. :)


left at 2:45 AM



left at 2:45 AM

Sunday, March 08, 2009

Naisipan kong gumawa ng blog entry. Nakabukas naman kasi ang wifi at may gusto lang akong sabihin.

Ayun. Ayun.

Bakit ba parang walang nakakapansin ng effort ko? Parang ang dami kong sinasacrifice maplease lang ang mga tao pero parang wala silang isinusukli kahit man lang kaunti.

Parang sayang lahat ng effort kong mapasaya sila. Pero, kung sa bagay, sino ba naman ako para magsabing "Hoy, ang dami ko ng ginawa for you, inoobliga kitang icomfort ako ngayon.".

Kung sino pa 'yong mga taong pinagsasayangan ko ng oras sila pa err. Basta err na lang. Tapos 'yong mga taong akala ko makakatulong, pinapaasa lang ako. Alam mo 'yon. Akala ko masaya na ako pero wala. Ganun pa rin. Hiwalay pa rin. Kahit anong effort ang gawin ko para maging kaclose ang mga tao, wala pa rin. Walang wala.

Hay. Salamat sa mga taong nagkecare kahit hindi ko sila pinagsasayangan ng iras tulad ng iba. Salamat at pinasaya niyo ako sa mga oras na super down ako. Hindi ko maisip na kayo pa ang gagawa nun para sa akin. Hindi ko ineexpect na kayo pa ang magkocomfort sa akin. Dahil sa lahat ng 'yon, salamat.



Hay. Matutulog na ako. Hay. :(


left at 4:57 AM

Friday, March 06, 2009

Isang tao. Isang naglalakad. Hindi alam ang pupuntahan. Alam niya kasi na wala na siyang patutunguhan.

Sira na buhay niya. Wala na. Wala na. Nahihirapan na siya. Pressure sa bahay. Pressure sa school. Mahirap na subjects. Hell weeks. Hindi na niya kaya. Hindi sapat ang kanyang kaalaman para sa sitwasyon ngayon.

Minsan, gumagaan ang loob niya sa ilang maliliit na bagay tulad ng paglalaro ng DDR, paggawa ng blog entries, pagplurk, pagpetsoc. Pero hindi 'yan sapat sa lahat ng dapat niyang naabot para sumaya ang nakararami.

Hindi niya rin kayang pasiyahin ang lahat ng tao sa paligid niya. Pilitin man niya, wala. Ayaw naman e. Pero alam niyang kaya niyang maging mabuting kaibigan. Kaya niyang makinig.

Pero sa ngayon. Wala. Wala. Hindi na niya kayang makinig. Sumusobra na kanyang mga problema.

Sa kasalukuyan, ang pagsusulat lang niya sa blog niya ang tanging pagtakas niya sa realidad. Ang tanging pagtakas niya sa lahat ng problemang humahabol sa kanya.

Masaya siya kaninang umaga. Pero nagbago ang lahat pagdating ng hapon. Wala. Wala.

Walang nakikinig sa kanya. Wala na siyang makapitan. Nanpanghihinaan na siya ng loob. Wala naman siyang magawa.


Habang naglalakad, naluha siya. At paikot ikot siya. Wala na siyang patutunguhan. At siya ay naglakad.

Iniisip niya ang mga taong nakapaligid sa kanya. At siya ay naglakad.

Iniisip niya ang mga taong akala nila'y nakakatulong sa akin pero wala. Wala naman sila talagang naitutulong. At siya ay naglakad.

Iniisip niya ang mga taong gusto niyang tulungan pero parang pinagkakaitan siya ng kabaitan at oras. At siya naglakad.




Naglakad siya ng parang walang bukas. Walang pakialam kung masagasaan na. Nagjeep na lang siya pauwi para makalimutan ang lahat.

Nakauwi siya ng masaya. Ngunit kahit anong ipilit niya, hindi niya na mapigilang lumuha.



Hindi na talaga niya kaya.


left at 12:42 AM

Thursday, March 05, 2009

Haha. Malapit na ako diyan. Palapit na.

Lalo na ng malaman kong Thursday na ang Physics Test. Grabe. Magpapaadvance exam ako ng Biochem. Baka Wednesday. Super kailangan e. Huhu. Tapos puno na talaga ang next week ko. Kasama pa ang finals ng PE. At ang pagdating ng Tita ko. Grabe.

Hindi ko na kaya. Masyado maraming dapat gawin. Grabe. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag bumagsak ulit ako. Ayoko na talaga. Sira na buhay ko. Hindi ko na talaga alam. Hirap na ako. At nagkasabaysabay pa ang pinakaimportanteng bagay sa buhay ko ngayon. Ang hirap talaga. Huhu.

'di ko alam kung kakayanin ko pa. Haha. Sumabay pa 'tong iPod ko. Pero buti maganda ang song. You're Not Alone ng Saosin. YEY. Haha.

At huwag ng bumoto bukas. Sayang sa oras. Haha.


O siya. Ito na ang lyrics ng You're Not Alone. Haha. Bago ako masiraan ng bait.

It's just like him

To wander off in the evergreen park

Slowly searching

For any sign of the ones he used to love

He says he's got nothing left to live for

(He says he's got nothing left)

And this time I think you'll know



You're not alone

There is more to this I know

You can make it out

You will live to tell



She's just like him

Spoiled rotten, confused by the lies she's been fed

And she's searching for no one (but herself)

Her eyes turn to green and she seems to be happy that she is hurt

And this time I think you'll know



You're not alone

There is more to this I know

You can make it out

You will live to tell



You're not alone

There is more to this I know

You can make it out



(There is more to this)



We're not alone

There is more to this I know

You can make it out

You will live to tell



(So tell me)



You're not alone

There is more to this I know

You can make it out

You will live to tell



You're not alone

You're not, your not alone


left at 12:38 AM

Tuesday, March 03, 2009

"Don't ever tell anybody anything. If you do, you start missing everybody."
--Holden Caulfield

Weird. Favorite book ko pa rin 'yan, kahit na anong mangyari. Grabe ang epekto ng buhay ni Holden sa akin. Hay. Galing talaga ni Salinger. :)

BTW, ok naman ang math. AS usual, nakatul
og ako sa Math lec. Haha. Benta ang drawing ni Kuya Ahmad na senswal na Pikachu. Aking hinala ay lagi niyang napapanaginipan si Pikachu ng ganun kahalay. WAHAHA. Funny.

Chowking time! Kumain ako ng ever loving MSG based Pork Chao Fan with free ligo ng soup. Tama ang inyong nabasa. Free ligo ng soup. Mainit init pa. Paso ang legs ko dahil dun. Wahaha.

NagDDR pala kami ni Kuya Paul. NAKANANG! Basic na ang lolo mo. Haha. Nalito lito siya sa LoveShine at Why Not. Haha. Pero at least nakaya niya ang uber friendly na Honey Punch. YAY!

At nagpunta ako sa Ninang ko. Nagpaay
os ng dapat ipaayos. Kumain. Umuwi.



Matutupad na ang sabi kong pasabog nga ba noong huling linggo ng Enero pa. Kaso baka sa Abril o Mayo ko na masimulan gawin... ang SURPRISE! Wahaha. Pumayag na sila kasi libre naman. Laking tipid
kaya beybeh. :))





Hay. May bagong Komix si Manix! Yahuu. Ito ang multiply niya. At ito ang groups. SALI KAYO! Benta talaga si Manix. Saludo ako sa iyo.

Noong una kong nalaman na may panlimang komix na, napaluhod ako at naiyak sa sobrang tuwa. Propeta ng mga korni. Waa
. Nakakaiyak. *sniff* Grabe. One of the best komix evaaaar made. Oha. Oha. Haha.

At ito ang cover niya. :)


Ang cute. Waa. tapos bibili pa pala ako ng Para Kay B. Ngunit bago ang lahat, kailangan ko munang matapos ang semestreng ito ng may lumilipad na kulay. Kahit nangungulot lang ok na, huwag lang macoke sakto. :|


ATTENTION: Haha. Narinig niyo ba sa news 'yong about sa havs? Wala lang. Haha. Buti na lang hindi na havs ang bibilhin ko sa sweldo ko. WATCH OOOOUT.



O siya. Alis na ako. Babays. Kiss ko na kayo. :-*


PS Inaalay ko ang kantang ito sa ano. Wahaha.

adik sayo
awit sa akin
nilang sawa na sa ting
mga kwentong marathon
tungkol sayo
at sa ligayang
iyong hatid
sa aking buhay
tuloy ang hanap ng isipan koy ikaw

chorus

sa umaga sa gabi sa
bawat minutong lumilipas
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita
sa isip at panaginip
bawat pagpihit ng tadhana
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita

sabik sayo
kahit maghapon
na tayoy magkasama
parang telesine
ang ating ending
hatid sa bahay nyo
sabay goodnight
sabay may kiss
sabay bye-bye

chorus

pilit ko mang ikay limutin
lagi kong natatagpuan
ang iyong tinig at awitin
twing sasapit ang ulan
mga linggo pang pinagsamahan
para bang nalimot na
ng yong pusong biglang lumisan
may kapiling ng iba

chorus

sa skul sa flag cerem
hanggang uwian araw-araw
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita
at kahit na magkaanak kayot
magkatuluyan balang araw
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita



left at 11:33 PM

Monday, March 02, 2009

Kinuha ko kay Ms. Matibag na kinuha niya kay Ms. Sandoval. :))

RULE: Bold everything that applies to you.

Hindi ko mabold kaya hinaylayt ko na lang. :D

Noong First year:

Naculture shock ka
Naliitan ka sa school mo
.
Nakabisa mo na ang school mo within 3 days
Takot ka pa sa mga higher years.

Tumatambay kau sa bahay kubo.
Kilala mo lahat ng kabatch mo.
Wala ka pang kina-cut na klase.
Kumakain ka ng lunch sa hallway, sa hagdan, at kung saan-saan pa dahil puno ang canteen.
Namimiss mo pa ang mga Grade 6 classmates mo.
Mabait ka pa sa mga teachers mo.
GC ka pa. (SOBRA)
Nangopya ka na.

Di ka pa marunong mangopya.
Umiyak ka nung bumagsak ka sa Math
Naging campus heartthrob ka.
Nagkaroon ka na ng first crush sa school.
Cool pa ang corny jokes.
Nilipad ang palda mo nung mahangin or may bagyo.
Takot ka pa ma-late sa subjects mo.
Binili mo lahat ng libro na reference ng teacher mo.
Nagkaroon ka na ng group of friends.
Loner ka pa.
Nakitambay ka pa sa mga dati mong kaklase noong Grade 6 ka.
Nagalaga ka ng sisiw
Madami kang nirepeat sa drafting. (di eh, magaling ako sa drafting.. ahaha!)
Bumagsak ka sa kahit anong subject.
Merong subject na sa sahig ka umupo.

Library period & Music free time. (pati French, MAPEH nung 3rd yr .)
Naintindihan mo ng buong puso ang Micro Ace

Nashock ka kasi Algebra agad ang tinuro sa inyo.
Bumili ka ng sweets na binebenta ng teacher during class.
Sinusundo ka pa ng nanay mo sa labas ng skul. (Si Tita ang akin.)

Second year:

Tumaas section mo.
Bumaba section mo.
Ganun pa rin section mo.
Gumamit ka ng liquid eraser para maging white ang background color ng ID picture mo dahil bawal ang colored

Nagtetext ka pag Bio time. (minsan)
Nalimutan niyong magdala ng frog para sa Bio.
Hindi kayo nag dissect ng frog.
Nag-dissect kayo ng frog.
Puti lahat ang buhok ng teacher mo sa Bio.
Itim lahat at shiny ang buhok ng teacher mo sa Bio. (Wahaha. Kilala na kung sinooo!)
Nakakatulog ka sa Comp Lab pag naglelecture ang teacher niyo.
Nagdadala ka ng Campbell sa school. (lagi)
Kumpleto notes mo sa Bio.
Kinabisa mo ang Kreb’s Cycle. (Madali pa ang Biochem noon. WAHAHA.)
Kumpleto notes mo sa lahat ng subjects.

Napatayo ka na sa Geom dahil wala kang HW.
Napagawa kau ng banderitas ng teacher mo sa English para sa piyesta ng barangay nila. Nagkadevelopan kayo ng seatmate mo

Nashock ka dahil may Bio Chem at Physics na agad.
Nanonood kau ng MYX top 20 habang wala pa ang teacher at nasa classroom na ang TV.
Nagkaroon ka ng kaaway sa higher batch.
Nagkaron ka ng friends sa lower batch.
Masaya ka dahil may mabubully ka ng lower year.
Fave Subject mo ang MAPEH.
Inenjoy mo ang HATAW2.
Kinanta nio ang HATAW2 dahil sira ang karaoke.

Naging bibbo ka.
Music = free time.
Nakita mo ang slippers ni ma’am yumang.
Nagtinda ka ng chicharon sa classroom nyo para sa entrepreneurship.
Bumagsak ka sa Asian History exam

Third year:


Tumaas section mo.
Bumaba section mo.
Ganun pa din section mo
Dalagang-dalaga/binatang-binata ka na.
Malungkot ka kasi ang tagal ng dismissal time mo
Masaya ka kasi ang ganda ng dismissal time mo.
Umiyak ka dahil sa napakahirap na test niyo sa Chem.
Nag-prom ka sa high school grounds.
Nag-prom ka sa hotel.
Tinawanan mo ang Chem book na makapal kasi hindi naman masyadong ginamit

Naguluhan ka sa mga exam sa Advance Biology.

First time mong makakita ng precipitate
Ginamit mo ang buhok mo para itago ang mukha mo dahil natutulog ka sa klase

Natuto ka ng umuwi ng late dahil sa mga school projects.
Natuto ka ng umuwi ng late dahil sa SABAYANG PAGBIGKAS.
Dinugo ka sa Research.
Dinugo ka sa Chem.
Nahirapan ka maghanap ng research topic.
Nangopya ka ng research topic ng mga higher years na graduate na.
Nagkaroon ka ng madaming friends
Excited ka bago mag Prom.
Maangas ka sa mga lower batches, lalo na pag wala ang fourth year.
Nagjournalism ka.
Nagaccounting ka.
Naghome economics ka.

Natuto kang magconnect ng circuit.
Kilala mo si MoKing.
Naging teacher mo si “walking sleeping pill”
Nag-CAT kau sa trigonometry class.

Fourth year:

Kumuha ka ng review classes para sa entrance exams, hindi para mag-review, kun'di para maka-kilala ng mga tao at para makapaglakwatsa after.

Nag-alala ka sa magiging resulta ng UPCAT/(school na gusto mo)
Nagexam ka sa lahat ng college na pwede mong pagexaman. (UP DLSU Arneo USTe,)

Naluha ka sa Les Miserables.
9am ang lunch time nio.
Kayo rin ang bumibili ng mga produkto nio sa BAKING CLASS/TLE.
Tinatiming mo ang paglabas nyo ng classroom para kumain sa pagdating ni Ma’am Diaz.
Bumagsak ka sa Analytic Geom.
Nakagat ng aso at nagleave ang teacher mo sa economics.

Namatay ka sa kakatawa sa Advance Chemestry.
Alam mo kung ano ang “Acidic acid”.
Gumamit ka ng gawgaw para lang mapatayo ang panyo mo sa CAT.
Tumatakbo ka na pag late na sa CAT dahil may demerit.
Naging platoon leader sa CAT.
Excited ka sa last Prom at Grad ball mo.

Napamahal ka sa mga kaklase mo.
Binisita mo ang mga bahay ng mga kaklase mo para sa project.

Nanghihiram ka na lang ng research paper ng ibang group dahil tinatamad ka na gumawa ng iyo.
Binaboy mo ang huling Filipino exam dahil 'yun na ang pinaka-huling exam mo sa high school
Naranasan mo ang magplan ng layout ng kuryente sa future house mo.
Nagdala ka ng canister.
Nagwawala kayo noong last day of classes.

Namroroblema ka kung anong school ka magcocollege.
Nagkagusto ka sa kabatch mo.
Nagkagusto ka sa lower batch.
Nagkaroon ka ng kaaway sa lower years.
Nagkaroon ka ng maraming friends sa lower years.
Natutuwa ka kasi ikaw na ang ate/kuya sa school mo.
Nalulungkot ka dahil mamimiss mo ang mga school friends mo.
May umaaway sa inyo na teacher.(Hindi teacher. 'yong NURSE! Wahaha)
Muntik na kayong hindi gumraduate.
Muntik na bawiin ang diploma nyo.
Pumasok kau the day after graduation.


Over-all:
Naglalaro kayo ng card games sa mga classroom.
Naglaro kau ng volleyball sa loob ng classroom.
May mga planner nga na binibigay ang school pero hindi mo ginagamit.

Nagtapon ka na ng clay sa ceiling

Mas gusto mong mag-banyo sa cr na malapit sa room ng mga thirdyear nung 4th yr ka.
Kilala ka ng mga tao sa canteen.
Kilala mo si ate retail.
Nagkaron ka ng bf/gf sa school mo.

Nakikishare ka ng inumin kung kanikanino lang...at pati pagkain.
Nagpapalibre ka.

Humihingi ka ng mga piso o mag barya.
Humihingi ka ng papel sa seatmate mo.
Nakapagbigay ka na ng papel sa seatmate mo.

Isang linggo ka nang walang papel.
Isang linggo na walang papel seatmate mo.
Nag lecture na kayo nang brown out.
Umikot ka na ng malaking ikot para lang iwasan si Teacher pag inspection ng haircut. lam mo kung sino ang parating kapag nakarinig ng kalansing ng mga susi.
Naka kopya ka na ng homework.
Nagpakopya ka na ng homework.

Nanduktor ka na ng papel.
Nangodigo ka.
Sinulatan mo ang calculator mo ng formula/ formulas.
Sinulatan mo ang desk mo ng formula.
Sinulatan mo ang pader ng formula.
Present ka nung nagkabagyo at 30 minutes before dismissal bago nasuspend ang klase.
Inabangan mo ang iba pang weeks na half day.
Alam mo ang free day.
Memorized mo ang holidays ng saints.
Memorized mo ang iba pang holidays.
Nagtetext ka sa klase.
May tumunog na phone sa klase.
Alam mo ang Batis ng diwa.
Kabisado mo ang kanta ng Maynila.
Alam mo na ang original na first line ng hymn ay “Batis ng diwaNG ginto’t dalisay”.

Sumali ka sa choir.
Nagiging iba ang relehiyon mo pag may mass kasi ayaw mo umupo ng matagal sa quad.
Nagpatintero kau sa harap ng Bordner.
HABORDNER ang un among basa sa H.A. Bordner

Nagtop ka sa klase mo. (hahaha!)

Kung 4th year ka o madalas ka ma late, alam mo na studyante ang nagtataas ng Flag.
Nagcharge ka na sa classroom ng phone or ipod.
Nagtanong ka na sa YM o txt kung ano ang HW.
(lagi)
Natanong ka na kung ano ang HW, at ikaw rin mismo ay di mo alam.
Nagtanong ka ng homework, at nang malaman mong madali, di mo rin ginawa at nag cram ka nalang kinabukasan sa school.

Bahay mo na ang classroom

Nahuli ka ni Teacher dahil wala kang ID.
Hindi mo kinakanta ang Lupang Hinirang.
Umabsent ka dahil tinamad ka lang.

Nanalo kau sa sabayang bigkas. (never)
Nanalo kau sa choric interpretation.
Nanalo kau sa carol fest o kahit anong choir contest.

Natulog ka habang sinasagot ang NCAE.
Nakatulog ka habang nagsasagot ng exam.

Pumupunta ka sa school kahit sabado. at linggo.
Nagcut ka ng last subject para makauwi agad.
Humingi ka ng papel sa katabi mo kahit sinabi ng guro na bawal.
Nandaya ka na sa mga running exercises ng PE.
Bahagi na ng iyong buhay ang malate at paglinisin ng garden.

Nagiging athlete ka tuwing Intrams.
Kinakareer ng bawat klase ang Carolfest.
Ginawa niong practice ground ang Paco Park.
Nagppractice kau after class at every weekend kahit bawal.
Nagbibihis kau sa classroom
Nabighani ka kahit minsan sa chem. teacher mo.
Iniimpersonate nio ang mga teacher nio.
Masarap masaksihan ang mga away ng mga lalake sa batch niyo.
Nagseservice/school bus ka pa.
Nalulungkot ka dahil walang fieldtrip.
Ang Filipino Department ang pinaka-astig.
Dinugo ka sa Florante at Laura, pati na rin sa Noli at El Fili.

Alam mong maraming pagkain tuwing Christmas Party.
Napikon ka na minsan sa Trigo teacher mo.
Pumupunta kang library dahil sa Values teacher mo.
Nakakatulog ka tuwing Econ time.
Gumagawa ka ng homework sa umaga o kaya sa 5-minute break

Pinapangarap mong pumasa sa Physics.
Nakapagtanim ka na ng puno para sa bio.
Nakapaglaro ka na ng DOTA.
Natalo ka na ng bading sa DOTA.
Apat lang ang gusto mong pasukan sa Pilipinas: UP Ateneo, La Salle, o UST.

Second choice mo kadalasan ang UP kahit na mas mahirap makapasok dito.
Alam mo kung kailan dapat gamitin ang rito at dito at ang ng at nang.
Utang na loob mo sa classmate mo na marunong ka nang uminom at magyosi.
Binuhat ka ng isang nanay na hindi mo naman kilala dahil baha.

Masaya ka tuwing walang klase.

Naenjoy mo ang highschool mo.



Grabe. Ang kanta pa sa iPod ko All I Ask of You. I miss Masci. Waaaaa. High school. :(


left at 10:58 PM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.