Saturday, June 28, 2008

Haha.

Kakatapos ko lang ng Eclipse at The Dogs of Babel. Maganda silang pareho. Sorry Steph kung uunahin ko muna ang The Client. Wala lang. :) Sorry matagal ko pang ibabalik ang books mo!

Sumama ako sa biyahe ng Tito ko kanina. At napadpad kaming Rob Manila dahil magpapapalit ang Tita ko ng mani. Haha. Ayun. Nang makakita ako ng sapatos, biglang sabi ni Tita "Ano ba gusto mo para sa birthday mo?" Ugh. Naalala ko na malapit na pala ang birthday ko. Mga 21 days from now. Ugh. Tatanda na ako. 16 years old na. Yak. Yak. Hehe.

Gusto ko ng chucks na brown. Kaso may brown na ako. Pero gusto ko talaga nun. O kaya bayolet. E gusto ko rin ng sketchers! Wa. Pano ba to. Huhu. :( Hirap mamili. Waa. Pero mas mahal sketchers. At marami pa akong sapatos sa bahay pero di ko ginagamit. Yak kasi sila. Haha. Arte ko talaga.

So nagliwaliw kami sa Rob at dun ko lang napansin na naka all black ako at ampangit nilang tingnan. Haha. At habang naglalakad, nakita ko si Api este ang lalaking kamukha ni Api. Mukhang namukaan ako. Haha. Ayun! Sama ng tingin sa akin. :)) Api! Eto ang proof na magkamukha kayo.

Api. :)

Vincent. :)

MAGKAMUKHA SILA. :)) DPSM tweenieeeees. Haha. Tama na nga to. Mukhang umaapaw na ang galit ni Api sa akin. Hahahahahahahaha. So funny talaga. At nakahanap na naman ako ng pic niya. :)) Natatawa ako.

So, ayun, pauwi natsambahan namin ang Tito ko na naman at sinabayan ko ulit hanggang SM Nagliwaliw sa SM at umuwi. At medyo kakauwi ko pa lang. :)

Naalala ko nung isang araw! Haha. Sa Jollibee. With Andrea, Gumbee and OF COURSE (angelic voices singing) " THE STINKY GIRL"! At naalala ko ang production. Haha. And the straws na ginawang arms. Pati ang mga Diyosa na mga cups at Diyoso rin pala. Haha. Fun fun fun!

O siya, layas na ako. Pasensya na sa isa na namang walang kwentang post. :))


left at 1:50 AM

Tuesday, June 24, 2008

Maraming beses ko na silang naririnig. Sana dapat ganyan, sana dapat ganito. Sana dapat mayaman na tayo. Di ko maiwasang isipin na napakaraming maling desisyon ang nagawa nila. Sana di mangyari sa akin ang mga iyon.

"Panapanahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon…"

Maling mga halimbawa. Nagresulta sa pagkatakot. Pagkamahiyain. Natakot sa mga bagay na sana'y hinarap para sa mas magandang bukas. Ngunit lahat ng ito'y nasa nakaraan lang. Di na natin maibabalik pa. Sana ginawa nila ang nararapat ngunit hindi. Nanguna ang kanilang pagkatakot. Iba na sana ang buhay namin ngayon.

"Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?"

May mga bagay na lumisan na. Na hindi na babalik pa. Sila ay binago na ng panahon. Kay hirap talagang balikan ang mga bagay na nawalay na sa atin. Mga bagay na sana'y tinuwid na natin noon. Mga bagay na sana'y nakapagpasaya sa atin kaysa sa takot na una nating naranasan ukol rito. Mga bagay na sana'y di na lang tinalikuran pa.

"Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?"

Nagbalik ang mga alaala. Palagi na silang nagbabalik ngayong nagkaisip na sila. Kung kailan nakatayo na sila sa sarili nilang paa. Ngayong hindi na sila takot. Nagbabalik upang pagsisihan nila ang lahat. Na sana ay noon pa man ipinaglaban na nila ang kanilang karapatan. Ang kanilang kagustuhan. Na ipaglaban ang lahat ng bagay na mahalaga para sa kanila. Ngunit, kahit anong mangyari, hindi na natin maibabalik pa ang kahapon.

"Panapanahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon…"

Ang pagkatakot. Yan ang tema ng ilang dekadang nasira. Ang pagkatakot. Yan ang tema ng isang pamilyang nagsisisi at gustong balikan ang nakaraan. Ang pagkatakot. Yan ang tema ng isang taong hindi nakayang ipagtanggol ang kanyang pangarap. Ang pagkatakot. Yan ang tema ng buhay na nasira na.

Sira man, unti unti namang bumabangon. Umuunlad. Ngunit napapaisip din na kung hindi sila naunahan ng takot, sana'y mas matiwasay na ang buhay nila. Mas masaya. Mas maginhawa. Mas perpekto.


left at 2:53 AM

Saturday, June 21, 2008

Business ko! Whoo.

Ako ay isang printer.

Bigay niyo sa akin ang ipapaprint, kung wala akong copy nung ebook. Mura lang paprint aabot ng 50cents per page tapos free brown envelope. :)

Ako ay isang tindahan ng lab equipments.

Sabihin niyo lang ang order at free delivery na. Weekly akong dadaan ng Bengbeng.:)

Ako ay isang library.

Pocket books, reference books, meron ako niyan. Lalo na ang referrence books. Science high school books ang GE books. Inquire lang kayo.

Yan pa lang sa ngayon. :) Dadami pa ang services ko sa susunod. :D


left at 11:57 PM


Buhay Yelo. Yan ang ginawa ko simula Friday. Natulog ng natulog habang nagpapalamig magdamag. Yey. Pero wala pa akong naaaccomplish. Pakshet.

So. Malamig ngayon. Ang sarap, as in super duper sarap matulog. Sana matulog na lang ako forever. :D Pero wala namang mangyayari sa akin kung puro ganoon ang gagawin ko. Mahirap na. Tsk.

Hm. Baha sa Tayuman. As in. Walang pumapasadang jeep. Ugh. So paano ako pupunta sa church? Luluson sa hanggang tuhod na baha. Actually kanina pang umaga ang hanggang tuhod na yan. E hindi pa tumitigil ang ulan. So hanggang baywang sa siya ngayon. Waa. Huhu. Hay buhay.

Nagbabasa ako nung Grimms' Fairy Tales. Andaming walang kwenta. At andaming maganda rin. Matatapos ko na siya. Haha. Inuna ko pa yun kaysa sa school work? Tamad ko talaga.

Schoolwork. Eto ako, di pa rin tapos ang biolab manual na unang una kong ginawa sa lahat ng schoolwork. Nandun na ako sa part na didiinan na nag mga pencil marks to make it carker plus shadings. Pinagiisipan ko pa kung kukulayan ko. :D

May test sa Physics bukas. At wala pa akong naaaral. Sana talaga walang pasok bukas. Tapos wala pa akong naaaral sa NOMENCLATURE! Argh. Ang naaalala ko lang ay ang mga Alkanes. Ang pooooor ko talaga. Plus andami pang problema like the SSP/PE problem. Gahd. Sa Quirino extension pala yun. Baaaadtrip. Mala Supergirl na ako ng Quirino-Faura. Whoosh. Pumayat sana ako dun.

So, may ilang din issues na di ko pa rin maresolba. Huhu. Poor ko talaga. Hay. At sa karamihan ng nababasa kong blog, puro wikang banyaga. Wala silang pagpapahalaga sa wikang Filipino! Hay. Hehe. Palusot ko lang yan. ALam niyo namang bugok ako sa ingles kaya di ako nagiingles sa mga blog ko. Baka mali mali grammar or something. *ngisi*

Malapit na bertdey ko. Medyo lang pala. At medyo naguguluhan ako. UPm o masci? Huhu. Bahala na si Supergirl. Teka, teka, ako si Supergirl e! Huhu. Waa. Bahala na ang Diyos maykapal sa lahat ng mangyayari. Amp na buhay ito.

Nakakatamad pang mag-aral ng Chem18! Gaaahd. Nakakaasar na. Yung tipong ayaw mo na kasi alam mong "alam" mo na. Pero pagdating sa test di mo pala alam. Yung ganun. Amp na buhay tooooo.

Sana walang pasok bukas. Magrerejoice ako! Oo, pangit na kasi head and shoulders sa akin. Kaya magrerejoice ako! Yuhu.

5.53pm na sa pc kong lokbu. At isa pa lang, teka, di ko pa nga tapos e, 3/4 pa lang ang naagagawa ko. Hay. Magawa ko sana lahat!

Sa susunod muli.

With all due respect, Kordoba.

PS.

1. Kath, sorry na. Well, alam kong kahit magsorry kami di na naman namin maibabalik at mababawi pa yun. So ayun, sorry. :( Inabuso namin kabaitan mo.

2. Nagtitinda na pala ako ng mga ebook. Este mga printed chapters ng bruice. Hehe. At gloves at gas masks. At kung ano ano pa. Just inquire. :)


left at 10:46 PM

Wednesday, June 18, 2008

Yipee. Enrolled na rin ako sa wakas. Yey! :) Mahal ko talaga si Sir Li. :) Kung 'di siya ang adviser ko, bukas pa siguro ako makakapagenroll. Ang saya!

Napabili na naman si Steph ng libro sa BookSale. Nakakaadik talaga ang BookSale. Nahawa na 'ata namin si Alex na bumili ng Rule of Four at Message in a Bottle na hardbound kanina. At ako bumili rin ng librong mukhang maganda sa halagang 15php.

Wala ring SocSci kanina. Yeeeeey! Me so happy! Nakakatuwang makipag kwentuhan about books, fairy tales and stories kina Alex and Annie. Waa. Andami ko ng babasahing libro.. :(

Andami ko ng biniling libro. As in. Pero mura lang lahat sila. Kailangan kong matapos in 2 days ang The Good Wife Strikes Back. At mukhang marami akong maipopost na reviews ngayon sa sobrang dami ng babasahin ko.

Ayun, nagenroll na rin pala ang FH ni Kath. Haha. Fucking Human este Future Husband. Nako, magkasing haba na kami ng hair. Haha. Ayii, si Kath masaya na naman. :D

Ano pa ba? Kailangan mabasa ko na ang Eclipse. Wala lang. Huhu. Ang ganda ng Twilight sagaaaa. :( Ang ganda ganda. Hehe. Naku, tama si Steph, kung kailan super dami at hirap ng mga subjects, dun kami nagbabasa ng mga ganito. Hay. Kay weird ng buhay.

Sige, sa susunod muli. Babay. Ingat! :)


left at 2:13 AM

Tuesday, June 17, 2008

Ayan. Di pa rin ako enrolled. Walangyang OCS! Nasiraan ng pesteng printer. E may bio kanina, so di ko nakuha form 5 ko. Amp.

Ano na ba nangyayari sa akin? Hm. Mondaaay. Let me think. Ayun. Nakasama ko si Sally sa chem18. Napakamahiyain ni Jetin! Grabe siya, di siya tumabi sa akin. Buti nandun si Sally at siya ang katabi ko. :) Natutuwa ako kay Sir Robi. Mahina boses niya, pero magaling magturo. Medyo nakakaantok rin pala siya. Di ba this sem pa lang magcacalculus ang bio? Ayun, nagturo ba naman ng integrals and derivatives si Sir! Awww. I miss math. Alam niyo namang yun ang favorite subject ko at hindi chem o kung ano man. Ayaw lang sa akin ni math kaya mababa grades ko. Pero mula bata ako, mahal ko na ang math! Enough of that. Masyado ko ng sinasamba ang math!

Di ko man lang nakilala si Sir Baclig. Alam niyo bang di kami pumasok sa Physics makakuha lang ng EPN form? Tapos walangya, ngayon kami pinapunta ng cybernook. Waa. :(

Tapos bio. Nasa book lahat ng tinuturo. Ehem.

Wala na akong makwento about the "monday" incident. :D

Ay, mahal na mahal ko si Roxy. Ngunit ayaw niyang tanggapin na mahal ko siya! YOY! :( Haha.

Tuesday. Nagyon. AS in now. Wa. Si Sir Agsalon kilala ako. huhu. Kasalanan ni Sir Domingo. Huhu. Madami ng nakakakilala sa akin from DPSM. Huhu. Natatakot ako. Lalo na kay Sir Mong na kung ano ano tsinitsismis sa akin. Haha. Peace! Mahal ko naman si Sir Mong kahit papaano. Magaling siya magturo, OO! Magaling! Hehe. At siyempre si Sir X na nagbigay ng Kor noodols sa akin. Labyu Sir! Whoo. Miss ko na rin pala si ma'am Rubio. Haha. Hay. Bu. Hay. Ano pa ba? Haaam.

Nakakaantok si Sir Villarante. At ang korni niya! Pero in fairness natututo ako sa bago kong Ama. Yey. Asteeeg, k? Haha. Magaling magturo. Kaso may mga minutong inaantok ako sa klase niya. Pwede niyong masilip notes ko for proof, just call or text me. Naks. O siya. Tapos nagKORNING joke na naan siya na tinapatan ko na tinapatan niya rin. Haha.

Bio. Huhu. Ang ingay namin ni Katkat. Mukhang nagalit si Sir sa amin. Ang seryoso niya pa. huhu. Pero saya ng bio, pero mas masaya ang chem lab. Ewan ko ba. Medyo bored ako sa bio lab e. Isa yung dahilan kung bakit hindi ako nagbio.

KATKAT. Uy, sorry niloloko ka naming TAE. Huhu. Sama kasi ni Mao at ni Master Paeng. Wag kang magreklamo Api, ikaw si Master Paeng. :D Waa. Sorrrrry. Hehe. Kaw kasi e. Anlaki talaga ng cards ko! :)) Joke. Wag na yu galit sa akin. Yu na lang galit kay Mao and Paeng. :D Aylabyoooow.

Haha. Naalala ko lang si Sir Tabin. Rockyroad. :))

That's all for now. Mukhang ang haba na nga e. :D

Labyuwol.


left at 3:41 AM

Saturday, June 14, 2008

Well ok na ako. Kasama ko na ang block sa halos lahat ng subject. Ang nakuha kong chem 18 ay yung kasama ang bio block with Sally. Yey. Kaso may problema. Sayang naman kung hindi ko sisiksikan ng isang GE. MapaAH man siya or SSP. Ang tanging pag-asa ko ay Wednesday. Kaso ang PE ko ay sa Quirino pa. So ano yun, magteteleport ako?

Kukumbinsihin ko si Alex na kumuha kami ng ibang PE para may kasama naman ako. Or baka mag 9-12 na lang kami ng SSP tapos magpapalipat ako sa 1-3 na Badminton. Wa. ANg gulo. Puno na rin daw pala slot sa Walking. So, lagot ako. Kung sakali, kakausapin ko rin ang magiging guro namin kung papayag siya na malate ako. Mukha naman kasing maleleyt ako sa layo ng aking pinanggalingan. Wa. Isang malaking desisyon na naman ito. GUSTO KONG MAGBADMINTOOOON. YOY! Shortchut yang ng, why oh, why. Haha.

Natatakot na ako. Sana maganda mapili ko or pumayag ang soon-to-be teacher ko.

BTW, napanood ko na Kung fu panda. ANg cute! Kamukha ni API! At lab na lab ko yung Mantis at yung Snake. LALO na yung Snake. At yung batang Tai Long ba yun? Bwahaha. Panoorin niyo. :)

O siya! 5 cd ang hiniram ng nanay ko at lahat gusto ko except dun sa isa. Excited na akong panoorin ang vantage point. Maglalagay ako ng review nun dito. Ewan ko. Feel ko yung movie.

Nga pala. Nakabili na ako ng dissecting kit! Whoo! Kung gusto niyong magpabili, inform niyo lang ako.

Whee. Labyuol. :)

PS.

Matapos ko na sana ang NEW MOON. :(


left at 4:52 AM

Wednesday, June 11, 2008

Medyo Quick post.

Wala na ang Math74 ko. Next sem ko na kukunin, unfortunately. Sana one year lang akong magsuffer. Next sem sana ayos na. :(

Nagpicnic kami kanina at ang saya! Nag marco polo at killer killer. Yebah!

At marunong na ako ng 4x4x4. :D

Yey.

PS.

Nakakaadik ang booksale. BAKITTTT???? Argh. :D


left at 4:28 AM

Friday, June 06, 2008

Hay. Minsan nakakainis kapag may nagtag sa'yo. Para walang problema, wala akong itatag. Naku. Pagbibigyan ko lang si Kath. Hehe. (paturo ng 4x4x4 ah! :D tangengots kasi ako e.)

My mission is to:

Post 10 things which would give you extreme happiness. Then tag 12 people and oblige them to post this in their blogs.

1. Passing grades. Kasi feeling ng mga tao sa bahay, sobrang galing ko. Well, sorry hindi. Di ako matalino. Average student lang ako, walang iba. Oo, seryoso. Wala akong pinagkaiba sa ibang tao. Simple lang ako at korni. Hindi espesyal ang pag-uutak. Kaya masaya na ako kapag napasa ko ang isang subject, kahit 3 pa ang grade ko. Unfortunately, *ehem*.

2. Panonood ng TV/Movie. Ewan ko ba kung bakit nasisiyahan ako sa panonood ng mga kung ano ano. Andami kong movies na alam. Adik nga e. Pero masaya ako sa panunood. Hehe. Ewan. Parang tumatakas ako sa mundo at pumupunta sa nyekok. Joke!

3. Pagbabasa. Oo, mahilig akong magbasa pero isa rin itong pagtakas sa masalimuot na mundo ng realidad. Masarap magbasa lalo na kapag hindi tungkol sa acads ang binabasa. Haha. :D

4. Kapag *ehem* nasusunod gusto ko. Ewan ko ba. Gusto ko kasi ako palagi nasusunod. At natutuwa ako kapag ganun. Sensya sa isang 'to. Medyo makasarili talaga ako. Well. Ewan. Ganoon ata talaga e.

5. Pamilya ko. Bwahaha. Ewan ko. Makukuli sila at mukhang ewan at times pero ayos sila. Sumusunod sila sa akin. Joke! Laging masungit pero ayos naman. Naiintindihan naman nila lahat. Hay. Sarap makipagdebate sa kanila. Sarap makipagsigawan. Sarap kumanta kasama sila, ng kung ano anong kantang gawa lang namin. At sumayaw ng mukhang ewan na sayaw. Mukha kaming baliw, but, who cares? Haha. Saya talaga.

6. Kaibigan. Hay. Ang makukulit kong kaibigan. Pero mas makulit ako. Bwahaha. Mas korni. Natatanggap nila every korni joke ko. Bwahaha. Pero minsan pag seryoso na, seryoso na rin sila. Sarap din kausap. Parang pamilya na rin. Nakikinig sila at alam mong naiintindihan ka nila. Hehe. Whee.

7. Money. Yak. Materialistic talaga ako. At mukhang pera. Ew. EWWWWW. Bwahaha. Natatawa ako. Pero natutuwa talaga ako sa pera. Alam kong di ko to madadala kapag namatay ako. Pero masaya ako rito. Gusto ko ng maraming pera. Yihee. Sensya, pero masaya ako kapag marami akong pera.

8. PC. Mahal ko PC ko. Ewan ko ba. Kung wala nito. Wala na ako. Materialistic ko talaga. Ew. Pero ewan. Feel ko necessity 'to and all. Ayun. So kailangan ko ng PC at kailangan ko nung bago. *evil laugh*

9. Pagkain. Naku. Sige ha! Wag kang kumain. Like duh. Well, lahat ng tao kailangang kumain. No need to explain.

10. Umunlad ang sambayanang Pilipinas. Grabe. And everything will follow. Again, 'di na kailangan iexplain.

Hehe. Weirdo ko talaga no? Pasensya.


left at 5:03 AM


Hay. So, alam niyo na kung anong nangyari.

Sana makayanan ko ang first sem. Kapag nakaya ko at naipasa ko lahat ng mga subjects, back to normal ako ulit. So kailangan kong magtiis ng isang sem. Isang sem lang. Sana kayanin.

Ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi pa kami pinasa mi ma'am kung kaya niya. Super walang partial points. Gahd. Pero wala na akong magagawa sa desisyon niya. So, kailangan ko na lang tanggapin lahat.

Mahihiwalay na rin pala ako sa block. So, isang sem lang 'yon. I'll catch up. Makakasama ko ang bio block, comsci block(2nd and 4th year), at intarmed siguro. Hay. Sana di kami maghiwahiwalay nina May, Maray at Cristian. Alam kong mas kakayanin ko na kasi iba na guro ko. Di na yung mga terror.

Hay. May pag-asa na naman ako. Basta. Sana wag ng maulit ang nangyari last sem. Pabaya na nga ako, *ehem* pa yung guro. Yan tuloy. Mukhang tanga na uulit ng major subject. Mukhang tanga ng pinagpipilitan ang sarili sa course na di bagay sa kanya.

Hay.

Yan lang muna ngayon. Bye blockmates. :(


left at 4:30 AM

Tuesday, June 03, 2008

Bukas na ang enrolment. Bukas na rin ang resulta ng test. Hindi ako confident na papasa ako. Wish us luck.

Antagal ko ring 'di nagmultiply. Andami kong gustong iupload kaso walang time. Nyehehehe. Ngayon ko pa lang naeenjoy ang bakasyooon. masyado na atang late. Sana ayos pala ang enrolment bukas. Sana nasa unahan ako ng pila. Bwahaha.

May TM na pala ako! Ayos naman siya. Asteeeeeg. Tapos bumili na rin ako ng orig na Rubiks. Astig din hehe. Nakakatuwa. Ang sarap laruin. :D Haynako. Haybuhay. Gusto ko talaga ng Life at Clue. Waa. Tapos nakakairita 'yong Sorry at Mad dito sa bahay kulang kulang na. Baaaakeeeeeeeeeeeeet?? 'yong scrabble lang 'ata 'yong matino rito 'yon kasi 'yong favorite nila. Hanggang dito may favoritism? Whyyyyy..

Hay. Ano pa ba? Birthday ni Vina at Clauds ngayon. Happy birthday mga mahal ko. Mukha pa akong ewan at si Api dearie ang binati ko kahapon. Gahd. Oh well.

Wala na akong maipost. Masalimuot kasi ang nakaraang linggo ko. Isa pa, isipin mo, 2 days before the lecheng removals, nanoond pa ako ng pyro olympics. Hay. Sana talaga pumasa na ako.

Magpipiadina kami! Yebaaaaah. :D

PS. Patapos na ang Babangon Ako't Dudurugin Kita. Suportahan natin. Grabe, ang gandaaaa. Super.. kakaiba talaga. Ako nga inaabangan ko e. Ikaw na rin! Abangan natin ang pagtatapos nito!! :D


left at 4:55 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.