Tuesday, October 31, 2006

Nandito na naman ang inyong pinakamamahal na meymi ng bayan. Kahit na nung mga nakaraang mga araw medyo nagaagaw ang kapighatian at kasiyahan sa puso ko, nalaman kong nangingibabaw pa rin sa akin ang kasiyahan.

Ngayon ay Martes. Ikatlong araw ng linggo. Wala masyadong kaugnayan yan sa aking ilalathala ngayon. Kanina ay masaya, naman kahit alam ko na yung iba kong mga kaklase ay hindi na masyadong nakikipagusap sa akin. Pero hindi naman sila ganoon ka importante. Ipinapakita kasi nila na kailangan ko sila. Ayokong magdrama ngayon.

"Ang Paglalakbay ng Ating Sugo este Sugpo sa Araw na Ito"

Si Steph ay nagtest sa math kanina, at dahil wala siyang alam, alam niyang babagsak siya. Napawi ang kalungkutan ni Steph nang malaman ang kanyang nakuhang iskor sa pagsusulit sa TLE. Wala ng iba pang klase si Steph. Isa lang pala.. MAPEH!!! Wala ang guro ni Steph. Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa silid aralan sa asignaturang Filipino. Nagtalakay lamang sila ng El Fili na tiyak na HINDI kinagigiliwan ng mga bata, lalo na ni Steph. Tapos non ay tanghalian na nila. Pumwesto siya sa tabi ng palikuran ng mga lalaki na sobra ang panghe. Wala siyang magawa dahil pinalayas sila sa lugar na mas mahalimuyak.

Kinilabutan na naman si Steph dahil nagkaroon sila ng pagsusulit sa asignaturang Ingles. Buti na lamang ay medy alam niya. Tapos noon, wala siyang ginawa sa asignaturang Pisika. Gumawa lamang siya ng takdang aralin para sa asignaturang Adchem. Tapos noon wala na namang klase.

Kasama ni Steph kanina si Soleil. Habang naguusap sila, may naamoy silang hindi kanaisnais. Kala ni Steph ay naglabas siya ng sama ng loob. Iyon pala, nadumi ang isang batang nasa ikatlong taon. Lalaki siya, maputi pero mabaho ang kanyang amoy. Nagtawanan na lamang sila. Nang umalis ang nasasakdal, bumango ang paligid. Nakalanghap na naman sila muli ng sariwang hangin.

Malapit ng magtapos ang paglalakbay ni Steph para sa araw na iyon. NagAdchem lamang sila at uwian na. Wala kasi silang Ekonomika.

Pumunta siya sa Rob at bumili ng pamalit ng laman para sa kanyang G-Tech at isang notebook. Bumili rin siya ng libro. Pagkatapos noon ay umuwi na siya.

Nagbasa siya ng Little Prince, tapos ay nanood ng Gless House, at American Dreamz. Ngayon ay may ginagawa siya sa harap ng kaniyang laptop.

Diyan nagtapos ang kanyang paglalakbay...

left at 9:06 AM

Monday, October 30, 2006

san ba nanggaling ang bible? Bakit lahat ng tao na niniwala dito?

Ayokong magsulat ng marami tungkol dito..

Wag kayung magagalit sa akin ahh..

pero bakit kayu naniniwala sa isang librong di nio naman alam kung saan naggaling???

Di ako tumataliwas sa faith ninyo pero nangibabaw sa akin ang kyuryositi...

basta,,, isa lang ang masasabi ko...

ang bible ay di galing sa langit, kundi gawagawa lamang ng tao..

para sa akin yan..

kung feeling mong mali yan..

tulungan mu ako na malaman ang katutuhanan..

left at 6:31 AM


Sorry sa lahat ng pumunta rito last week. Wala po kaming dialtone. Alam kong napakasaklap nun. Haayyy... Walang communication sa mga classmates kong hindi globe(unli kasi aku).

Pagod ako. Nung sembreak ah.. Basta... Nagsimula nung magtest sa UST. Tapos ung paggawa ng project sa physics na leche, di naman pala ipapasa ngayon. Pinaghirapan ko yun! Putek.. Argghh...
Tapos Burbank "reunion" daw.. Eh wala pa kami sa kalahati eh.. Tapos ayun.. Nood kami ng WTC ng aking mga lifelong friends.. Di ko feel yung movie. Sabi nila inspirational.. Hindi naman pala.. Joke time naman kasi parati.. Basta, maganda siya pero.. basta! Ayoko sa kanya... Ayun.. Layas layas ako... Hirap ikwentu.. Basta.. umiiyak talaga ako dahil walang dialtone..

Kahapon lang nagkaroon... ng dialtone.. at ako'y nagdiwang! Napakasayang isipin na may dialtone ka na.. Makakausap mo na ang mga Smart users!! Weee....^__^

Ayan na.. Yung mga nangyari ngayun.. Wala masyado.. Wala si Clauds.. Kasama niya si Jay-V..
Uu nga pala.. Malungkot ako kanina.. Wala ang aking *pinakamamahal na kaklase.. hayy.. Nakakainis.. Wala siya!!

Ayun, nagusap lang kami ni Soleil ng mga bagay bagay... Waa... Bigyan ninyu nga ako ng notebook.. Isusulat ko dun lahat ng paniniwala ko.. Basta... Ang hirap isulat dito. Baka may makabasa at bugbugin ako.. Alam ninyo naman ako.. Basta.. Mahirap siya iexplain.. Ako na lang kausapin ninyo.. Hint: tungkol siya sa religion.. Ayaw kong makipagtalo.. OO! ayaw ko..

Ayun.. May FM na.. At alam ninyo ba ginawa ko? Nakatulog na naman ako.. Pakshet... Lecheng mga mata!! T__T Nasa gitna pa naman ako... Pero K lang yan.. Ako pa..(deep inside nandidiri ako...)

Uwian na pala sunod.. Tapos kasabay ko si ATE LARRS!!!! Tapos punta SM.. Uwi... Kain, Tulog.. Gising.. At eto na aku!!! Wee...

uu nga pala..
* ang aking pinakamamamahal ay walang iba kung di si...

John Kier Aquino... ^__^

left at 6:03 AM

Sunday, October 29, 2006

musta na blog? sorry ngaun na lang ako nakapagupdate.. Sa maniwala ka.. Almost 2 weeks walang dialtone... Mahirap lang kami kaya PLDT vibe lang at alam ninyo naman na gagana lamang ang internet kapag may dialtone.

teka.. sinisigawan na ako ng nanay ko... at ng tita ko.. mamaya o bukas ko na lang ikukwento.. ang nangyari sa sembreak ko...

HINT: napagod ako.

left at 1:51 AM

Saturday, October 21, 2006

kahapon, umalis kami... kala ko.. dami pupunta.. lam mo nangyari?? 3 lang kami.. waa.. un lang..

left at 7:45 AM

Thursday, October 19, 2006

Ang malas ng araw na to! Pero ikukwento ko sa inyo ang nangyari buong araw..

Nagsimula ang lahat ng gumising ako, kumain ng sopas na walang lasa.. Maligo.. At humiga.. Paghiga ko.. TAE! Di ako makagalaw.. Di ko maiangat ang katawan ko... Parang ambigat ko, sobra.. Tapos, mga 5 minutes akong nagpipilit na tumayo.. pero ayaw talaga.. So ayun...Mayamaya, nakatayo na ako..

Nakapunta ako sa school.. AT AKO, oo, ako, ang unang una sa rum.. Inutusan pa nga ako ni ma'am chisco sa paghahanap ng "formika" ewan.. parang ganun... Tapos, madadali lang ung mga tests.. kasi hinulaan ko lang... ^__^

After nun, dapat aalis kami nila Kalen kaso.. Kakausapin niya raw si Tupe.. Kaya ayun.. Iniwan ko na siya,,

Nakita ko sina Yani.. Sumama na lang ako sa kanila.. ^__^

Ayaw pa nga ni Grande sumama ehh, pero napilit rin namin.. Ehehe.. Afterwards.. Papunta na kami ng Rob nang bigla kaming hinarang.. Sa kabilang entrance, ngunit nabigi kami.. Lakad pa kami, sa ilalim ng mainit na araw.. 3 o 4 na entrance yata un natanungan namin, hanggang sa wakas nakapasok na rin kami.. Kumain kami sa Kenny.. ng tsiken.. At nag banana split pa kami.. Inaasar pa namin Grande..

Nagpapic kami.. Ahehe.. Cute daw.. Cute sila aku hinde.. Ahehe... Tapos punta kami G-Box.. Nagphoto hunt... at naadik kami sa kakalaro nung house of the dead.. Grabe!! Di ko akalaing maaadik kami!! ^__^..

Kinuha na namin pic.. Tapos alis na kami ni Tita.. Eto pa pala malas.. Nagstop ung escalator habang nakasakay kami.. Wala lang..

Ayun, punta kami powerbooks.. At nakakuha ng rapol tiket.. baka manalo ako ng isang set ng asoue.. pero meron na ako nun eh.. Baka ibents ko pagnanalo ako..

Punta kami City Hall pero walang nangyari.. Tapos SM San Lazaro.. Nakausap ko pa sina Michael Joe at Aimee.. Dami ko nalaman!! Ahahaha.. Nakakatawa..

Tapos uwi na ako...

Kain..

Eto na ngayon...

^__^

ps.. Eto pala ung pics..




left at 5:17 AM

Wednesday, October 18, 2006

Ngayon na lang ako nakapagupdate. Andaming nangyari.. Pagod na ako..

Di ko na alam minsan kung anong gagawin ko. Bumalik na naman.. Di ba sinabi ko tapos na? Anong nangyari?? Meron pa rin eh.. Sobrang lungkot ko.. Wala na akong makausap.. Wala na talaga.. Napaparanoid na naman ako.. Ewan ko.. Galit talaga sila sa akin..

Ano ba ang Pangit sa ugali ko? pakisabi nga.. PM nio nga ako.. Gusto ko talaga malaman.. Ano ba ang dapat kong gawin para magustuhan ako ng mga tao?? Wala na yata eh.. lahat kasi ng gagawin ko mali.. Lahat mali.. Kahit tama, mali pa rin.. Kakainis..

Wala na talaga... Ayoko na.. Kailangan ko talaga ng kausap.. Kahit makikinig lang.. K na yun.. Kaso wala ehh... Andami kong problema.. Kung alam lang nila.. KUNG alam lang talaga nila...

Nakakainis ang buhay.. Pero di pa rin totoo na life is unfair. Life is FAIR pa rin. Iba iba lang talaga natin inaayos ang ating buhay, pero pareho lang ang pinanggalingan at hahantungan natin.. Totoo yun.. lahat din tayo mamamatay..

Talagang malungkot ako.. SOBRANG lungkot ko.. Tatry ko talaga ang lahat para bumalik muli ang trust nila.. Pero di ako magiging pleaser.. Basta.. Magbabago na ako..

Pwede bang umiyak? wag na lang daw.. Sabi nga ni ano, Theyre not worth my tears.. Sino nga ba sila? Ahehe.. Nandiyan pa naman sina ano ehh.. Yun iba nga, di ko ineexpect na concerned,, Ahehe.. Kahit papano, may nagmamahal pa sa aking kadiring ugali..

Gusto ko ng maayos to.. Actually inayos ko na.. Pero.. Alam na.. Ginulo pa nila muli.. Waa... Nakakainis na nakalulungkot talaga... Y__Y..

Basta.. Anghirap sabihin lahat dito eh.. Baka mabasa pa nila.. At kung sakaling nabasa mo.. Oo, ikaw nga! Turo turo ka pa dyan.. PM mo ko for more details.. Kailangan ko talaga ng kausap..

Kanina masaya.. sobra.. dance maiax kami.. Nilibre naman nila ako eh.. Kasama ko kalen, lal at Ange.. Hehe.. kahihiyan.. Pero at least masaya.. Masaya... Ayun.. Usap kami Kalen..Dami napagusapan.. Nakakatuwa.. Ahaha..

LA na ako masabi... WALA... Pero salamat pala sa lahat ng mga taong concerned... Pakiss nga!! Tsup! Bertday Kris ngayon.. Di ko nabati.. Haayy...

Dito na to magtatapos..

left at 8:25 AM

Saturday, October 14, 2006

Jeepney

by Spongecola

Bumaba ako sa jeepney
Kung saan tayo'y dating magkatabi
Magkahalik ang pisngi nating dalawa
Nating dalawa


Panyo mo sa aking bulsa
Kung ang kahapon ay naroon pa rin
Tawa nati'y humahalay
Sa init nating dalawa


REFRAIN
Subalit ngayo'y wala na
Ikaw ay lumayo na


CHORUS
Naaalala ko ang mga gabing nakahiga sa ilalim ng kalawakan
Naaalala ko ang mga gabing magkatabi sa ulan


Kulay ng iyong ngiti
At tikwas ng iyong buhok
Ang lambot ng iyong labi
Ng iyong labi


Kahit anino mo sa malayo
Ay nais masulyapan, hagkan
Upang mapawi
Ang lamig


[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS]


AD LIB


[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS twice]


(Naaalala, naaalala) Magkatabi sa ulan
(Naaalala, naaalala) Dungawin ang araw
(Naaalala, naaalala)
(Naaalala, naaalala)
(Naaalala, naaalala)
(Naaalala, naaalala)
[Fading]
Haayy... Tagal ko ng di nakakapag update..

Marami ng nangyari..

Tae, feeling ko bagsak ako sa mga tests... Hayy.. Masaya naman ang foundation day...

Medyo malungkot lang...

Malungkot pala... Hindi lang medyo.. Hayyy...


left at 8:14 AM

Wednesday, October 04, 2006

hayy... la ako masabi.. test na next wik.. gc mode..

hayy.. naadik na talaga ako.. 4 hours pa lang ang natutulog ko sa 3 araw...

at.. gusto ko na talaga magtatag ng sariling religion..

left at 7:54 AM

Sunday, October 01, 2006

hello blog.. tagal ko ng di nakakapagupdate...

4 na araw pong walang pasok.. at andami pong natumbang puno sa amin.. isang araw na walang kuryente at 5 araw na unli.. halo halo ang emosyon.. halo halo...

uhmm.. panu ba sisimulan??

THURSDAY:
la akong ginawa.. 2 pm na nagisisng... at... uhmmm... un lang... nagsm,.. at ang init sa sm.. walang AIRCON! nagquantum ba yun kami.. kasama ang lifelong friends ko.. si TEETHA at si MAMI!! mwahaha... bumalik kami sa pagkabata.. uhmm.. after nun.. umuwi kami.. uhm.. :) natulog...

FRIDAY:
nanood lamang ng mga hiniram ni lifelong friend MAMI.. 5 hiniram nia.. tae.. sumakit mata ko.. movie marathon..

SATURDAY:
nagpatuloy ang movie marathon..

NGAYON:
nagsm.. bumili ng bagobg file case, bumili ng cd ng hale.. uhm.. namili.. nagsimba... at eto ngayon..nagbablog...

hayy... maong pa rin bukas.. yan na lamang ang masasabi ko..^__^

left at 7:26 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.