Wednesday, December 31, 2008

THIS YEAR HAVE YOU...

[x] lost a friend yet i do not feel bad
[x] stayed single almost the whole year
[ ] kissed in the snow
[ ] kissed in the rain
[x] fell up stairs
[ ] walked into a glass door
[x] had a stalker (dalawa pa. naks. naks.)
[ ] questioned your sexual orientation
[ ] came out of the closet
[ ] got pregnant
[ ] got somebody else pregnant
[ ] had an abortion
[ ] got married
[ ] had a divorce
[ ] had a gay marriage
[x] kissed someone of the same sex
[ ] dated someone you'll never forget dating
[ ] found someone you really loved
[x] lost faith in love for a while
[x] done something you've regretted
[x] lost someone (si marky. :()
[ ] kissed under mistletoe
[x] caught a shoplifter
[ ] been caught shoplifting
[ ] got a promotion
[ ] changed jobs
[ ] lost your job
[ ] quit your job
[x] applied for a job (RA!!!)
[ ] dated a co-worker
[ ] dated your boss
[ ] got fired from your job
[ ] got straight A's
[x] met one teacher you really like
[x] met one teacher you really hate
[x] found one thing you love doing
[x] failed a class
[x] cut class
[x] got into a verbal fight with a class mate
[ ] got into a fist fight with a class mate
[x] did something you were proud of
[x] discovered a new talent (magaling pala akong stalker. :D)
[ ] gave the teachers a reason to teach
[x] proved to yourself that you're an idiot
[x] embarrassed yourself in front of the class
[x] fell in love with a teacher
[ ] was in a school play
[x] were involved in something you'll never forget
[ ] got sent to the office
[ ] painted a picture
[ ] wrote a poem
[ ] ran a mile

[x] listened to music you cant stand
[ ] double dipped
[ ] skinny-dipped
[ ] went to a sleep over
[ ] went camping
[x] threw a surprise party
[ ] had a party thrown for you
[x] laughed til you cried
[x] slept the whole day

[ ] flirted with a girl/boy/girlfriend/boyfriend

[ ] visited a different country
[x] cooked a gross meal
[x] lost something important to you (cellphone koooo. :(()
[x] got a gift you adore
[x] realized something new about yourself
[ ] went on a diet
[ ] tried to gain weight
[ ] tripped over a coffee table
[X] dyed your hair
[x] came close to losing your life (hellloooo?? palagi naman e. kapag tumatawid. :|)
[ ] lost someone close to you
[x] went to a party
[x] drank alcohol
[x] drank alcohol underage
[ ] got drunk
[x] read a great book
[x] saw a great movie
[x] pretended to like someone (haha. palagi naman e.)
[x] saw a movie that made you cry
[x] saw one of your favourite bands/artists live
[x] saw someone famous in person (nasa harap ng salamin palagi e. :D)
[x] got sick
[x] passed out on a floor
[x] met new people
[x] played video games
[x] enjoyed this year overall

Whee. Ang korni kow. :)


left at 7:44 PM

Tuesday, December 30, 2008


left at 5:07 PM


Wala pa akong tulog. Kaparehas kahapon ang sleeping pattern ko. Gising ng gabi to madaling araw. Tulog ng tanghali to hapon. Ang kinaibahan lang, hindi ako matutulog ngayon. Itutuloy tuloy ko.

Mga 7.30, naglakad na kami ni Tita papuntang SM para mamili ng tinapay, pumuntang Laloma para bumili ng lechon at pumuntang Blumentritt for the karne of the baby back ribs and calderets my fave.

Tapos tumulong sa kusina. Whee. Gagamitin ko ang damit kong pangchef! Kaso mickey mouse siya at pangbata. Pero cute pa rin. Hehe.

At ngayon, nakakarindi na ang Secondhand Serenade na paulit ulit pinatutugtog ni Tita sa radyo naming malaki ang speakers at pauulit ulit na Your Call. Ano ba ang nagustuhan ni Tita sa Secondhand Serenade? Haha. Tapos Eraserheads. Tapos Parokya. Haha. Adik talaga Tita ko.

Haha. Sana hindi ako makatulog mamaya habang nagluluces. Whee. Sana masaya tayong lahat sa pagsalubong sa bagong taon. Sana wala tayong sugat lahat. Talon tayo para tumangkad ah?

Whee.


left at 2:26 PM


Eto na ang entry na isusulat ko ang lahat ng taong gusto kong pasalamatan ngayong taon na ito.

CORNMASTERS

Stephani Macalino. Waw. First on the list! Siyempre ikaw ang isa sa mga una kong pasasalamatan this year kasi ikaw ang palagi kong kasama. Nakakasawa man minsan ang mukha mo, 'yong nakakasawang factor na iyon ang ayaw kong mawala. Naks. Salamat sa lahat ng naitulong mo. Walanghiya ka talaga. Hehe. Whee. Dami mo na ring kacheveran. Whoo. Sana mas masaya tayo next year. Haha. Sana nga. Labyu so much dearie. Huwag masyado mainit ulo minsan. Pakiss nga! :*

Kathleen Aquino. Siyempre hindi ka mawawala sa listahan ko. Mahal na mahal kita. Ano ka ba. Hehe. Kahit minsan naiirita ka sa akin, ginagawa ko naman ang lahat upang magbago. :) Salamat sa lahat ng binigay mo sa akin, material man o hindi. Maraming salamat. Masaya ako at lagi kong nakikita ang cute na cute mong mukha. Aral ka mabuti at pengeng Havs. Haha. Ingat ka lagi. Labyu labidabs! :*

Rafael Navarro. Hehe. Api dearie! Pasensya minsan kung inaasar kita palagi sa kakambal mo. Hehe. Naku. Ang galing galing mo talaga. Hehe. Masaya ako at naging close tayo. Ikaw ang pangatlong mukha na lagi kong nakikita sa araw araw. Haha. Naku. Sana magkabalikan na kayo ni JM. Labyu Api. :*

Jannine Kuizon. Ja! Ngayon lang tayo naging close pero masaya ako at nakapiling kita. Naks. Huwag kang magbabago. Nakakatakot ka lang minsan biglang nagiiba mood mo. Stay happy. Salamat sa lahat ng suporta at tulong mo sa akin. Gumagaan loob ko kapag kasama kita. Naks. Labyu. Poreber. :*

Roxanne Hidalgo. Hehe. Ikaw! Labs na labs kita. Ewan ko ba. Ang sweet sweet mo kasi! Super. Sarap mong kasama. Salamat sa lahat. Sa lahat lahat. Huwag kang magbabago. Ok ka na kasi e. :) Labyu. Pahug nga! Hehe. Ingat lagi. *hug*

Jude Pineda. Cornmaster ka na kaya nandito ka na. Whee. Salamat din Jude sa lahat. Kahit hindi pa tayo ganun kaclose. Sana one day maging close ka na sa amin. Stay korni. Haha. Laging magbanana dance ah! Ingat lagi Kuya! Whee. Labyu! Pakiss! :*

Marc Maniquis. Hindi pwedeng mawala ka Marc. Mabasa mo man ito o hindi, naging parte ka ng cornmasters. Whee. Nasaan ka man ngayon, sana masaya ka. Huwag mo kaming kakalimutan ah! Miss ka rin namin minsan. Hehe. Go Nyekok! Ingat ka palagi Sandara Marc. :)

Labidabs.

Nina Clavio. Hehe. Irog! Ikaw ah. Labs kita. Super. Susuportahan kita sa lahat. :) Ambait bait mo talaga. I super love you. :) Ingat ka palagi. Salamat sa lahat. Kahit minsan sumusobra na ako sa iyo. Pasensya na. *hug*

Lyssa Lao. Makakalimutan ba kita? Isa ka sa mga kaibigan kong mahal na mahal. Kahit malayo ka na sa piling ko, nandito lang ako palagi para sa iyo. Ingat ka palagi dearie. Salamat sa lahat. Sa mga encouragements and everything. Grabe ka. I love you so much! Makakashift ka. I believe in you. *hug* Tsup!

May Bernardo. Labs. Pasensya sa lahat. Alam mo naman na mainitin ulo ko. Pasensya. Sorry. Pero ikaw pa rin naman ang labs ko e. :) Labs you pa rin. Salamat sa lahat. Sa pagiintindi sa akin and all. *hug*

Blockmates.

ChiComm. Chicomm.Alex, Andrea, Jamie, Lorena and Danette. Salamat sa lahat ng tulong niyo sa akin. Malaking tulong talaga kayo. Uber. Pasensya yung utang ko! Kapag may pera ako, wala kayo, kapag wala akong pera sinisingil niyo ako. Pasensya ah. Pero salamat talaga sa lahat. Miss ko na kayo. :( *hug*

Gumbee Gumabon. Ikaw Gumbee. Salamat sa lahat. Andami mong ginagawa para magkaayos ang lahat. Sobrang salamat sa lahat ng tulong mo. Isa ka sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ng lubusan. Pasensya minsan kung uber pasaway ako. Pagsabihan mo lang ako. Siyempre susunod ako sa Mami Gumbee ko. :) Labyu so much. *hug* Napakagumbeelicious mo! :)

Inno Emnacen.


left at 3:15 AM

Sunday, December 28, 2008

Yes. Makakagawa na rin ng year ender special.

Ibubullet form ko na lang very month.

Pasenysa kung may mga nakalimutan.

Wheeeee.

January

February

March

April

May

June

July

August

September

October

November

December

O ayan na ang timeline. Whoo. Nakakapagod.

Naging masaya ako ngayon taon na ito dahil sa mga pangyayaring 'yan. Masaya. Malungkot. Halo halo. Grabe. Grabe ang mga nangyari. Pero masaya pa rin ako at buhay pa ako at masigla pa ang tao sa bahay. Whee.

Sana mas masaya sa 2009! Labyuol! :)


left at 3:27 AM

Saturday, December 27, 2008

NAME: Kordobs
AGE: 16
YEAR: 2008

***** PLACES:
1) PLACE YOU HUNG OUT THE MOST IN THIS YEAR: UPM, Bahay, Rob Manila, Sm San Lazaro

2) FAVORITE NEW PLACE YOU DISCOVERED: GAB sulok at bridge. Haha

3) PLACES YOU WENT ON DATES: Err.

4) FAVORITE VACATION SPOT FOR THE YEAR:Bahay??? :D

5) PLACES YOU MADE OUT IN (OR MORE) THIS YEAR: Ano?

****PEOPLE:
1) PERSON WHO TAUGHT YOU ALOT THIS YEAR: Marami e. :) Danette? Gumbee? Sa Acads. Sa ibang larangan, marami.

2) AN OLD FRIEND YOU REDISCOVERED THIS YEAR: Wala. Wala. Haha.

3) PERSON WHO TOLD YOU THE NICEST THING ABOUT YOURSELF: Cornmasters? Hehe. Marami e.

4) PERSON WHO DID SOMETHING REALLY GREAT FOR YOU (AND WHAT): Pangit naman kung papangalanan pa. Hehe. Marami rin kasi. :)

5) PERSON YOU SPENT THE MOST TIME WITH THIS YEAR: Mga tao sa bahay, mga kaibigan, blockmates, cornmasters. :)

6) PERSON YOU DID SOMETHING REALLY GREAT FOR (AND WHAT): Hehe. Marami rin. Cornmasters again? Hehe. Basta marami rami.

7) SOMEONE YOU WISHED YOU TALKED TO THIS YEAR: Hehe. Sila ano. Basta. High school people. :)

8) SOMEONE WHOM YOU STARTED A GREAT NEW FRIENDSHIP WITH THIS YEAR:
Marami. Ayoko ng sabihin baka sabihin FC ako. Sina Jannine Kuizon, Api Navarro, Paul Sanchez, Tin Altavano, Jan Pasia, Jude Pineda, Faye Juinio, Fer de Guzman, Kristin Fon, Ejae Magno, marami talagaaaaaaaa. :D

9) OLD ENEMY/S YOU MADE PEACE WITH THIS YEAR: Wala. Asa.

10) SOMEONE YOU LOST THIS YEAR: Paanong lost?

11) PERSON/S YOU KISSED THIS YEAR: Haha. Marami. :D

12) PERSON WHO MADE YOU LAUGH THE MOST: Cornmasters. Bona. Labyu Bona! :)
13) PERSON WHO MADE YOU CRY: Err.

14) PERSON YOU DISLIKED WHEN THE YEAR BEGAN BUT ENDED UP BECOMING GOOD FRIENDS WITH: Meron ata. Papangalanan pa ba? Marami rin pala. Isa diyan si Pasia. Ayii.

15) PERSON YOU CRUSHED ON THE ENTIRE YEAR: Johnny Depp? Haha.

16) SOMEONE YOU WISHED YOU APOLOGIZED TO: Marami. Hehe. Basta. Alam niyo na naman e. :|

17) PEOPLE YOU WENT OUT ON DATES WITH: Cornmasters? :)

18) FRIENDS YOU WENT OUT WITH ALOT: Cornmasters. :D

19) COOLEST PERSON YOU MET THIS YEAR: BONA! :)

******* STUFF:
1) CLOTHING ITEM YOU WORE THE MOST THIS YEAR: 'yong purple shirt ko. hehe.
2) NICEST PRESENT YOU GOT THIS YEAR:Monopoly from the block. :)
3) FAVORITE SONG FOR THE YEAR: I'm Yours. :)

4) COOLEST EVENT OF THE YEAR: Hum2 field trip? Kahit hindi ako naghuhum :)

5) NEW HOBBY YOU PICKED UP THIS YEAR: mangolekta ng sandamakmak na ballpen. :|

6) BEST BOOK OF THE YEAR: Na binasa ko this year? Angels and Demons. :)

7) BEST MOVIE: DARK KNIGHT. :)
8) MOST SHOCKING NEWS HEADLINE OF THE YEAR: Patay na si Marky Cielo. Huhu.

9) FAVORITE FOOD FOR THE YEAR: Morcon. :|

10) FAVORITE NEW ARTIST THAT CAME OUT THIS YEAR: Err. Hmmmm. Wala.

***** LESSONS:
1) WISEST THING YOU DID THIS YEAR:Ipasa ang removals ng Physics 71. Haha.

2) STUPIDEST THING YOU DID THIS YEAR: Magbagsak ng 2 chem subjects ng magkasunod. AT *toot*.
3) BIGGEST CHANGE IN YOUR LIFE THIS YEAR: Meron ba? Meron siguro.

4) BIGGEST CHALLENGE OF THE YEAR: Ipasa ang mga majors. Waa.

5) SOMETHING YOU LEARNED THE HARD WAY:Chem18! Nyahaha.

6) GREATEST LESSON YOU LEARNED THIS YEAR ABOUT: Every man is an island.

7) BEST JOKE YOU'VE HEARD ALL YEAR: 'yong sa teacher na maraming asawa. Alam niyo na 'yon. :D

8) BIGGEST DISAPPOINTMENT OF THE YEAR: Bumagsak ako ng chem31.

9) BIGGEST BLESSING OF THE YEAR: Marami e. :)

10) BIGGEST THING YOU DISCOVERED ABOUT THE WORLD: Meron ba? Magugunaw na ang mundo?

11) BIGGEST THING YOU DISCOVERED ABOUT PEOPLE IN GENERAL: Every man is an island.

****AND LASTLY!!!
1) GOALS/DREAMS FOR NEXT YEAR:
- pasahin ang phychem. :D
-maging 1.something ang GWA
- makahabol. :)


2) PREDICTIONS FOR NEXT YEAR ON:
A. LOVE - Asa
B. CAREER - Pumasa sa mga majors. :)

============================
PART 2

Where did you begin 2008?
- Sa bahay.

What was your status by Valentine's Day of 2008?
- Single. as usual

Did you have to go to the hospital?
- Err. Nga ba? Yeah. Nagpapaturok.

Did you have any encounters with the police?
- YES.

Where did you go on vacation?
- Walang bakasyon. May summer sem e.

What did you purchase over $500?
- Wala. Asaness.

Did you know anybody who got married?
- Wala.

Did you know anybody who passed away?
- Yes. MARKY!

What sporting events did you attend?
- Badminton chevers. Go TEN! :)

What concerts/shows did you go to?
- MCR

Where do you live now?
- Dito pa rin sa Almeda.

Describe your birthday.
- Masaya. After ng test ng Chem31. Whoo. Grabe. Uber. :)

What's the one thing you thought you would never do but did?
- Uminom? Haha.

Any new additions to your family?
- Wala. :)

What was your best month?
- July??? :)

Who was your drinking buddy?
- Wala.
Made new friends?
- Oo :)

Any regrets?
- Marami.

What do you want to change in 2009?
- Study habits. Putrages.

Overall, how would you rate this year?
- 2 out of 5. 1.9 kasi.

Have any life changes in 2008?
- Meron. Dahil sa aking mga bagsak. May mga nagbago.

Get a new job?
- Yeah. RA! :)

How old did you turn this year?
- 16 :)

Did anything embarassing?
-Marami. :|

Get married or divorced?
- Err.

Be honest - did you watch American Idol?
-Asa.

Start a new hobby?
- Nangongolekta nga PO ng ballpen

Are you happy to see 2008 go?
- Hindi.

Drank Starbucks in 2008?
- Oo. :)

Been naughty or nice.
- Naughty. :)

What are you wishing for 2009?
1. magandang mga grado
2. bagong cp
3. kasiyahan :)


left at 9:06 PM


Haha. Dahil nainggit ako sa idol ko, magpapasalamat na rin ako sa mga fans kong walang sawang sumusuporta sa akin.

Sa lahat ng blog entries ko, sa lahat ng pinopost kong pics, sa lahat ng kagaguhan ko sa multips, salamat! :D

Salamat kay Kat siyempre idol ko, kay Maray, Tin, Gumbee, Aika, Ejae, Maki, Aldie, Ruth Anne, Vina, Alex, Darren, Anna, Mileng, Petut, Edward, Bona, Cristian, Paulgie, Nina, Jude, APi, Kawaii, Roland, Fer, Cheng, Pia, Katz, May at sa lahat lahat. Hehe.

Tama si Katkat, insipiration ko kayo. Hehe. Masaya ako kapag maraming views ang post ko. Masaya ako kapag mabenta ang post ko. Masaya ako kapag mabenta lines ko sa post ko. Tipong kinoquote quote pa. :D

Haha. Basta. Masaya ang feeling. Lalo na kung talagang hindi lang nagbasa, nagreply ka. Tipong marami pa silang gustong malaman ukol sa post mo. Whee.

O ayan ah. Hehe. Gigisingin ko na si Tita sa baba. Walanghiya e. Biglang nakatulog. E anong oras na! :)

O siya. Babay at salamat! Gagawa ako ng year ender special. Maghintay kayo. :):):)


left at 7:44 AM


January 5, 2009.

Batch ID shooting. Err.

5pm onwards. After ng klase ng lahat. :)


left at 12:25 AM

Friday, December 26, 2008

Ok. So black na buhok ko.

'yon lang. Haha.

January 3 daw ang shoot ng batch ID.

:|


left at 7:55 PM


Nanuod ako ng Shake, Rattle and Roll X. Okay lang. Haha.

Err.

Mamili nga kayo.. G900, N78, N79 o N82??? Waa. Lahat sia may wi-fi. Lahat maganda. Hindi nagkakalayo ang mga presyo..

Pili kayo dali. Wawawee. I need a new phone na talaga. :):):)

BTW, gagawa na ako ng mga dapat gawin. Sagot kayo sa poll ah. :)


left at 3:41 PM

Wednesday, December 24, 2008

Ang saya ko. Salamat sa lahat ng nagregalo. Ang taunang regalong pantulog ni Tita. Ang headband na regalo ni Kat. Ang CD at socks na regalo ulit ni Kat. Ang mug ni Istep. Ang pinagnanasahan kong starbucks mug ni Katz. Ang chucks from Mileng and Ayie. Ang coleto pen ni Mileng. Ang CD na pinaburn ko from Milengski pa rin. Ang chucks mula sa Ninang ko. Ang per *woot* na ibibigay ng nanay ko pambili ng bagong cp. Ang pera galing kay Tita Liza. Waaaaa. Ang hamon, cake, morcon at baby back ribs na pinapilit kong ipaluto kay Tita. I could not ask for more.

Masaya ako. Pero err, wala pa akong nagagawa para sa acads ko. Waa. Cram na mamayang hapon. Woohoo. Pero siguro magagawa ko naman ayii.

Wala na akong maikukwento pa. Wish me luck sa paggawa ng sandamakmak na assignments. :):)

Labyuol! Happy chirstmas muli! :)

PS. Pwede pa kayong humabol sa pagbibigay ng regalo! :)


left at 7:22 AM

Tuesday, December 23, 2008

Haha. Whatta title. Pero ayun, dadasalin ko rin sa pasko na sana maging si Api na ulit at ang chever niya. Whee. Para may kajug na siya kapag nalulungkot siya. Akalain mong pati bear may jug?

Sayang pamasahe kanina. Err. Nagpunta kami ng Quiapo, sarado na ang tindahan ng ham. Nagpunta kami ng Blumentritt sarado na rin ang mga katayan ng Yobab. Hay.

Kanina pala sa Carriedo, isang kamay ang nagbrush sa kamay ko. I mean, dumampi ng kaunti. The next second bukas na ang bag ko. Buti walang laman. BEHLAT. Gusto ko tuloy bumalik dun tapos maglalagay ako ng mouse trap. Haha. Ipit ang kamay mo beybeh! Pero ang mahirap makakalimutin ako. Kawawa naman ang pretty hands ko. :(

Namili ako ng gift worth 100php. WALA NA TALAGA AKONG PERA. At may nabili ako. Ang kaso, baka mainggit si Ina sa regalo ko kay Tiyang. Haha. Pero almost the same na rin naman. Hehe. Hirap maghanap ng mga regalong maganda at mumurahin. Tsk.

At 2 ang keso de bola namin! Isang Marca Pina at isang Marca Pato. Yum yum! Magbabakasakali kami bukas sa Quiapo for the ham sabay bili na rin ng manok for the salad. :):)

Listahan ng aming handa:

Haha. DAMI! Tataba na naman ako. May kulang pa ata diyan. Tsk. Hindi ko na maalala.

O siya. Babay na! :)


left at 3:03 AM


Hehe. Gulat ba kayo sa AlTin pics? :)

After ng simbang gabi, diretso kami ng Blumentritt para bumili ng buntot ng baka, tuwalya, mani para sa kare kare at karne ng baka at baboy for the morcon. Tapos tambay kami ni Ina sa Jabee kasi bumili si Tita ng dibdib... ng manowk.

Diretso na kami ni Tita (si Mami pinauwi na) sa Quiapo. Mga 5am pa lang nun. Tiktak. Tiktak. Nagsimba muna kami sa Quiapo church at naligo sa holy water. Tiktak. Tiktak. 6 na at dumiretso na kami sa Excelente ham. 7.30 pa raw ang bukas. Nag-ikot kami sa buong vicinity ng tindahan ng ham. Tiktak. Tiktak. 6.30 umupo kami sa gilid ni Tita. Andaming tao. Lahat bibili ng ham. Tiktak. Tiktak. Biglang bumukas ang pinto at bumulusok ang tao papunta sa tindahan. Whee. Nakakuha kami ng hamon! 'yong buo with bone pa. Haha. Mas maraming bumibili nung per kilo na slice. E it's cheap ye know. Joke. Mas masarap kasi 'yong dikit sa buto.

Naaasar lang ako sa mga nagtitinda. 5am pa lang may tao na sa tapat ng Excelente ham pero 7.30 pa nila binuksan kasi INIPON muna nila 'yong tao. SANA 'di ba binuksan nila ng maaga. Mas malaki pa kita kasi alam ko may mga nakita akong mga nainip na. Bwiset. Tagal naming naghintay. Sana langawin tinda nila after ng Christmas! Che. Haha.

Diretso kaming SM at walang kaperapera kami ni Tita kaya ang pinangbayad namin ay ang mga naipong points sa SM advantage. Bread lang naman ang binili namin e. At naglakad na kami pauwi.

Dahil sa sobrang kapaguran, nagluto ako ng sinangag, ham habang naglalaba si Tita. Kumain habang pinariringgan ang orihinal na kumanta ng Last Christmas at Do They Know Its Christmas ng Band Aid na kinanta ng Band Aid 2 at Band Aid 20. Ayoko nung pangalawa. Astig 'yong oldest at latest kasi kumanta si Bono. AYLABYUBONOOOO! Haha.

Ayun. At ngayo'y nasa harap ng PC. Maya maya kasi tutulong na ako sa paghahanda ng food. As usual, hindi na naman ako natulog.

'di ba bagay si Alvin at Tin? :D:D

Look at the pics. :):)

Parang soulmates lang. :D

Isa pa. Ay wala na pala. :D

O siya. Bye na. Tulog muna me saglit. :)


left at 2:38 AM

Monday, December 22, 2008

Hehe. Gusto ko lang iblog.

Nagnavotas kami kanina para bumili ng push it, sog po, bang us, crab at kung ano ano pa. Haha. Ang saya!

Tapos kinukulit ko si Tita na mamili ng Excellente ham na ang pinakamasarap na ham sa balat ng tinalupang balat! :)

Haaaay. Kulang ang oras. Gusto ko gumawa ng fruitcake pero wala ng space sa ref kasi bumili sila ng isang kahong orange. Hay.

Gagawa na pala ako ng wishlist para mabili na ang mga tipo kong regalo. Whee. Babay!

Happy holidays! :)


left at 8:53 PM


Ayan. Pakain ni Jude. Wahaha.

Nakakatuwa lang isipin kasi si Kat at Istep hindi pumunta noong christmas party ng block pero pumunta ngayon kina Jude. Astig din e 'no?

Nagmadali pa ako papunta e wala pa namang tao run! Nagchever muna kami sa rob nina Kat, Istep at nakita rin namin si Fer. Dumaan sa Tom's World para maninghot si Fer ng kakaiba raw na amoy at naglakad lakad.

Biglang nagtext na si Jude na nasa brickwall na sila na walang bricks. Dali dali kaming pumunta. WAW. Bagong gupit si Jude kaya nagpakain! Wahaha. Astigggg. Ako rin 'pag nagpagupit magpapakain din. Hehe. Joke! Ayun. So naghintay kami. Habang si Jenn, Fer at Tin ay sinisilip ang pototoy ni Oble. Wahaha. Mga maldita talaga.

Naglakad lakad kami papuntang Ibarra's kasi doon magpapakain si Jude. Sana. Pero hindi. Nilibreeee ako ni Jude ng pamasahe! Lakas ko talaga kay Kuya Jude.

Napagalaman namin ang iba't ibang bagong whatever. Ang hindi magalaw na screen saver na whatever. Ang blizzard whatever [pinakamabenta sa akin 'to]. Ang flying whatever. Ang dancing banana whatever. Ang super whatever at kung ano ano pa. May IW pa nga at WOW e. Haha.

At pumunta na sila sa bahay naming tatlo este sa bahay nila Jude. Kaming tatlo ang unang kumuha ng pagkain. Wahaha. Nilantakan namin ang BBQ. Haha. Adik kasi. Masarap ang amplaya nila. Masarap ang canton na may pampatulog. Nagpacanton kasi si Jude. Masarap ang kaldereta ba 'yon. Masarap lahat. At akala ko PIPINO ang mangga. Haha.

At ang pinakapeyborit ko ay ang buko salad na uber sarap. Wahaha. Tapos tumungga si Alvin ng san mig light na hindi naman magaan. Tapos natutuwa ako kay Aids kasi naaalala ko ang tanag jokes sa kanya. Pero hindi ko sinasabi na tanga siya. E kasi naman, nilagay sa baso ang beer tapos uminom sa bote. Astigin din e 'no?

Ayaw nila rin palang magsikantahan. Ewan ko ba. Sa birthday ko ah. KAKANTA KAYO. Hehe. Ayun. Sinaniban kami ng coke kasi ang lakas ni espirito. Korni...

Nanood din pala kami ng Alvin and the Chipmunks. Naaalala ko ang cornmasters. Me is Alvin, Istep is Simon, Kat is Theodore and Marc is Dave! Whee. Ang cute cute talaga nila. Hehe.

Nakilala ko rin pala ang dancing senyoritas. Ang maliliit na Jude. :D At ang puppy bear na mukhang sirena. Haha. Nakakatuwa. :):):)

4.30 na at kailangan na naming umalis. Naiwan sina Tin at Fer. Umalis na kami nina Istep, Kat, Jenn, Tano, Alvin, Monica, Aids and Marian. Nilibre ako ng Jude ng pamasaheeeee. Pero walanghiya siya. Dapat nag Divi na lag ako para dalawang sakay lang. Whee.

Tapos dahil walang tulog, tuliro ako kanina. Bumaba ako ng Bambang kasi namalikmata ako. Akala ko Tayuman na. So naglakad ako papuntang SM. Namili kami ni Tita. Bumili ako ng vooooddkkkkaaaaa. Whee. :):):) Vodka is LOVE! Ayun.

So eto ako ngayon. Kagagaling sa simbang gabi. Nagupdate kasi nabura ang ginawa ko kanina.

Hehe. Masaya naman ako. Watch out for my year ender special. :)


left at 9:00 AM

Sunday, December 21, 2008

Gusto ko lang ikuwento.

Habang nagfifilm kami noong movie, 'yong part na sa labas ng bahay, tinatanong (ata) nila si Jude kung chinese siya o hindi. Tapos biglan binaling ng mga bata ang kanilang atensyon sa akin at itinanong ang parehong tanong.

Sa aking pagkakaalam, haha, hindi nila alam na nakatira ako sa bahay namin. Tipong ngayon lang ako nakita. Napagkamalan nila akong KAPATID ni Jude. Wahaha. Nakakatawa lang isipin.

Tingnan niyo sa mga litratong ito. Nalaman ko na ang nasa isip 'nong batang babaeng nagtanong. Wahaha. :D

Isa pa. Haha.

KUYA JUDE! Wahaha. :)


left at 11:51 AM


Hello! Cornmasters 'to.

Add niyo kami sa multiply or friendster.

Ang email add namin ay corn_masters@yahoo.com. Salamat!


left at 10:18 AM


Pasensya na.
Hindi ko talaga maupload ang pics.

PagOL na lang ako, tsaka niyo hingin. Ayun. Thanks. :)


left at 9:23 AM


Yeah. Pucha.

Hindi ko na marelink ang mga dapat irelink. Puchang PC 'to. Nakakabanas.

Payagan kaya si Istep pumunta ulit sa amin after ng chevers kina Jude? Huhu. AYOKO NAAA. Nakakatamaaaaad naaaaaa you know.

Wala na akong masabi. Gulong gulo ang isip ko ngayon. Hindi na nga rin ako matutulog today e. BWISET kasi. Walang tulugan ang drama ko. Err. :| Wala pa akong pera para bumili ng regalo sa mga tao sa bahay. Wala akong pera papunta kina Jude mamaya. Waa. WALA NA AKONG PERA.

Badtrip ako. Uber. Sa maraming bagay. Wala pa akong nasisimulang acads. Andami kong gustong iprint. Waaaaa. Pakamatay na ako. Tulad ng aso na nakita ko sa tulay. Nakatanikala sa isang bakal papunta sa estero. Pakamatay na lang tayo tulad ng asong iyon.

Hindi ako masaya. Sana sumaya naman ako mamaya. E ang kaso, baka maOP naman kami. Err. ERR. Grabeeee. Matuwa naman sana ako mamaya. Pero natuwa ako sa fact na hindi umattend ng Christmas party si Kat at Step pero pupunta sila sa chevers ni Jude. Wahaha. Astigin din e 'no.

Ayun. Sana humupa na ang lahat ng kagaguhan na naiisip ko. Bwiset. Naaalala ko 'yong batang tingin ng tingin sa akin kanina. Ang sarap laslasin ng leeg. Hehe. Grabe. Isipin mo! Iniimagine ko 'yon sa loob ng simbahan. Wahaha.

Ayoko na. Hehe. Baka masiwalat pa ang mga balak ko sa mundo. Wahaha.

O siya. Sana masaya mamaya. :):):)


left at 7:34 AM


Yeah. Pucha. For the thid time, ieedit ulit ang film.

Sino ang willing magedit? Nakakasawa na e. Nakadalawang beses na kami ng pageedit. Pucha. NABURA pa kasi.

Ayun.

Sana may mabait na mag-alay ng kaunting panahon niya sa pag-eedit. Salamat at magandang umaga.


left at 5:55 AM

Saturday, December 20, 2008

TEN FIRSTS
First Best Friend:
Elizabeth Ignacio
First Hamster: 2nd Year HS. Si Coby.
First Piercing: Noong ako'y pinanganak.
First high school crush: Err.
First CD: Billy Idol ba 'yon?
First Car: Err. Toy car? Noong apat na taong gulang ako.
First Love: Nanay ko. Wahaha.
First Stuffed Animal: Err. 'di ko na maalala. Noon pa 'yon.. Fetus pa lang ako.
First Concert: Err. Thalia? Nakinig lang kami sa labas. :D
First Time Drunk: Noong nasa sinapupunan pa lang ako. Haha.


NINE LASTS
Last Beverage: Pepsi
Last Vehicle Ride: LRT
Last Movie Seen: SAW
Last Phone Call: Tita
Last CD Played: Eraserheads Anthology
Last Bubble Bath: Mga pitong taon gulang ako.
Last Time You Cried: Err. Before open forum.
Last Kiss: Err. Roxanne?
Last Concert You Attended: MCR

EIGHT HAVE YOU EVERS
Have you ever dated one of your best friends? Asa
Have you ever been arrested: Asa.
Have you ever skinny dipped: Hindi pa.
Have you ever been on TV: Yeah. HAHA.
Have you ever had a sex dream about someone you knew: Err. >:)
Have you ever been sent to the emergency room: Yeah.
Have you ever been in a fist fight: Yeah!

SEVEN THINGS YOU'RE WEARING

1. shirt
2. short
3.under garments
4.
5.
6.
7.


SIX THINGS YOU'VE DONE TODAY
1. tulog
2. edit
3. kain
4. multiply
5. plurk
6. text


FIVE FAVORITE THINGS IN NO ORDER

1. TV
2. iPod
3.PC
4. Cellphone
5. pagkain


FOUR PEOPLE YOU CAN TELL ANYTHING TO

1. Claudine
2. Steph
3. Roxanne
4. Kat

THREE CHOICES
Eat or Drink? Eat.
Blonde or Brunette? Blonde
Pink or Black? Black

TWO THINGS YOU WANT TO DO BEFORE YOU DIE

1. Maging nobel prize winner
2. Makaikot sa buong mundo



ONE THING YOU REGRET
1. katamaran


left at 2:16 AM

Tuesday, December 16, 2008

Haha. Gusto ko lang sabihin na ang galing galing ng DPSM. Parang chever lang.

Mas magaling pa sa CM? Akala ko powerhouse na ang med e. Haha. Uberrrrr nakakatuwa.

GO DPSM!


left at 2:08 AM

Monday, December 15, 2008

Mga 8 na kami umalis ng bahay. Ako, Jude, Roxanne. Tapos wala naman palang Chem 35 sila tapos wala akong Chem31. Pessssteeeeee. Haha.

Ayos. Nagcherba ako sa CAS. Nakitext kay Moikel. Kay Mr. Darryl. Nangulit kay Dan. Pumunta sa apartment ni VINA.

Wala palang tao.

Pakshet. Naghallucinate ako sa uber antok at pagod. Super nakakatakot. May frame kasi dun kina Vina ng may tiger tapos bumabagsak tapos umaangat. Tapos nag-iba lahat ng gamit. Tapos 'yong dingding parang humihinga. Shet. Bigla na lang ako nagising tapos nakatulog ako ng more or less 20 minutes.

Nakakatakot ako maghallucinate. Dati akala ko kinakain ng pulang langgam ang binti ni Gerard. GRABE. Buti hindi ako sumisgaw kapag natatakot ako kundi lagot ako.

Parang akong nakadrugs. Super high ako. Uber nanlalamig. Pero sabi ni Baby Bro Api na uber init ko raw. Sheeet.

Nagholy cow kami. Nagparmesan chicken chevers ako tapos uber sarap. Haha. Natutuwa ako. Haha. Tapos uber busog. Nagpapicture kami. Sa susunod ko na ipapascan. Kasi naman. Ang hirap. Pero uber cute. Bayaran niyo ako bukas ah. Wahaha. Sayang 10 pisow kow.

Pumunta sa MS8 ba 'yon. Tsk. Haha. Sumasakit ang katawan ko. Nasusuka ako and everything. Pero naglakad lakad muna ako at kinuha muna ang pics. Walanghiya, nasandwich ako ng 2 kotse. Nakakatakot na a. Naaalala ko ang L300. Ayoko pang magpakamatay. Hindi ako suicidal freak. Argh. Nachechevers ako. Nakakaiyaaaaak. Ayoko pa.aging nabablangko ang isip ko. Uber. :(

Masaya ang xmas party. Ayoko ng isa isahin. Tapos happpyyyyyy. Haha. Camwhore with Arjohn! Arjohn, add mo meee. Haha. Post mo pics natin.

Tapos nagGBOX kami. Ang saya. Haha.

Tapos uwi na.

Invited pala ako sa bday ni Arvi. Salamat Arvi. :)

Ayoko pang mamatay. Hindi pa ako ready.

Simbang gabi na naman mamaya.

Nakikinig na ako ng Eraserheads.

Narealize ko na totoo ang hinala ko. Bakit gaaaannuuuuunnnn. Bwiset talaga. Argh.

Ang saya ng shooting. Uber bonding. Wahaha. Labyu Papang. Wahaha. Ganun talaga. Hahahaha. :)

Andami ko pang sasabihin pero hindi ko na masasabi pa. Andami e. Ang saya ko at 38 hours na rin akong gising. Pucha. Kailangan ko palang makausap si Jude. Err. :|

Wala naaaaaa akong masasabi pa. Ang gulo ko. Pucha. Haha.

O siya. Babaysh. :)


left at 11:34 PM


Walanghiya. Gamit ko pa rin ang laptop ni Jude, Tulog na siya sa left side ko at sa right naman tulog na si Roxanne.

Uber HOT na rin ng laptop ni Jude. OMG, Flamin' hot. Haha.

Wala na akong balak matulog pa. May nagawa na akong este si Jude na 3 block shirt ng biochem. May isa pang ginagawa pero tinulugan ako ni Jude e hindi ko naman memorize ang GIMP. Chever talaga.

Anong oras na. May class pa ako ng 8.30 tapos Holy cow tapos christmas party pa. Walang tulugan? Isama pa ang fact na hindi pa nachacharge ang cp ko. Waw ang galing galing.

Pero at least tapos na ang shoot. Sa editing kasama ko na naman si Jude. Nakakasawa na. UBER, Wahaha.



O siya. Manggigising na ako ng tao. Matagal pa raw maligo si Roxanne. Wawawee. Tapos uuwi na si Judeee.


Babaysh. :)


left at 9:55 AM


Pasia, die die, DIE!

Haha. Iniwan mo kaming nagiisa. Sa gitna ng shooting at basang basa pa ng dugoooooo, oh!
Pero huwag magalala, 'di namin pababayaan ang shooting.
Alam naman ngayon, chever ka naaaaaaa.


Whatever Pasia, Haha,

Wala pa kaming nagagawa kasi naman. EPAAAL. Haha,

Nandito na si Nikko! Makakapagshoot na sa wakas, Ang sarap pala ng luto ni Api, Haha, Ang alat. Joke. Let's make chever. Th




HAHAHAHAHAHA.

This just in, SI JUDE, NAGVIVIEW ng PORNSITES. OMG. Ang daming url na nakastore sa laptop niyaaa. I'm using his laptop ngayon. OMG talaga. HAHA. LABYU JUDE.

Ang galing pala ng CM. Walang wala ang DPSM, Tsk,. Haha.



O siya. Log out na kami, Sira na rin pala ang cp ni JUDE. Hindi raw kasi siya tanga para bumangga sa poste,

BABAYS.


left at 2:22 AM

Sunday, December 14, 2008

Kaunti pa lang nabibili ko UBOS na pera ko.

Regalo ko guys! :):):)

Pucha naman 'tong keyboard ko, ang hirap mag type. Pucha rin ang laptop. Haaay. Inaayos kasi ni Tita ang desktop so kailangan kong magtiis.

Argh. :|

Manunod na nga ako ng Survivor Philippines Special Editin ba tawag dun? Haha.

Shooting bukas dearies. :) Babush!


left at 2:51 AM

Saturday, December 13, 2008

Haha. Overnight hindi ba?

Christmas party tayo! Tapos magtatayo ng Christmas tree. Haha. Let's make bonding. Hahaha. Whee.

Chevers tayow. Regalo ko ah. HAHA.


left at 1:11 AM


Haha. Go DPSM! Haha. Manalo sana sa carol fest. Yahuu. Wala. Wala ang CAS. Go DPSM. 3 pa silang mascian na kumakantaaaaa.

Hindi ako makakaattend ng christmas party ng Newton at DPSM. How sad. :| Tapos parang gusto ko na ring umattend ng christmas party ng Biochem pero nauna na ang Cornmasters christmas party e. :( Huhu. Holy cow mode with Steph, Kath and Api. So HAPPY. Hehe.

Regalo ko guys. Whee. I'll appreciate your gifts. Whee. Hihintayin ko ah.

Mamimili na rin ako ng gifts maya maya. Wawawee. Haha. Wala pa akong naiisip na gift sa cornmasters labidabs kow. :|

Taposh. The tesht wash soooooo.... It's a biochem thing. Haha. NAKOW. Ang saya saya ko. Haha. Ang dami ko ng idea para sa block shirt. Kapag nakagawa na me, nako, ipopost ko. Pinakaastig yung Tryptophan, Histidine.. Haha. GRABE. Like chevers. Matutuwa ang block dito. Ang lakas talaga ng imahinasyon kow.

Happy kahit nakakaloka ang TEST. Pakialam ko ba sa PROTEIN MARKER??? Matinta ba 'yon. Pucha. Like PUCHA ang test. Haha. Ano ba 'yan. Huwag na ngang alalahanin. Pero ayos ang Math. I love Mr. Sumalapao. Dating Biochem pala siya. Wawawee.

Overnight sa Monday ah. Last day of shooting. Tapos magtatayo pa tayo ng christmas tree. Tapos parang mini christmas party na rin. Tapos.. Tapos. Whee. ME is happy. :):)

Wala pa pala tayong BATCH ID. :|

Ayos din pala ang PC. Uber bilis na. Uber ganda naaaa. Uber saya na meeee. Kahit nakakapeste pa rin ang Biochem test.

Manalo sana ang DPSM sa carol fest. Manalo sana ang Batch 07 sa DPSM week. Manalo sana ako sa laban ko sa buhay Biochem. Naks.

Wikendudis.

O siya. babay na. Labyuol. :)


left at 12:09 AM

Friday, December 12, 2008

Ayun. Upgraded lang ang PC. Nitry ko lang.

Aaral na nga ako. Babaysh. :)


left at 12:28 AM

Thursday, December 11, 2008

Hehe. Whoo. Part three na. :)

'yan lang muna ulit. Wawawee. :)


left at 4:43 PM


At ngayon ko pa lang ginagawa. How cool is that. Err.

Ano ba 'yan. 'di ko man lang nareklamo ang gumago sa braso ko. CHRISTMAS PARTY kasi nila. Pucha talaga. Argh. Uber argh. :|

Ay. After ng Biochem test, gagawa na ako ng block shirt. Ang cool ng mga naiisip ko. 'di ba Tin? Haha. Ang nice nice talaga. Haha. "Even Enzymes eat pizzas." Panalo! Wawawee.

O siya. May shooting bukas ah. Babay. :)


left at 2:36 PM

Wednesday, December 10, 2008

Haha. Chever.

Ayos ang film. 76% na. Yihee. Next week na SANA ang LAST day of shooting. Haha. Ang saya saya. Naaalala ko si JosE, LorE at RowE. Whee. Ang saya talaga.

Ang astig pa ng film. Ang cooooool talaga. Nakakatuwa. Yipee. Kaunti na lang guys. Wikendudis.

Wala pa rin akong boses ngayon. Tsk. Kasi ba naman, mangaroling sa CAS. Una kanta kanta lang kami ni Api sa bridge, pagdating ni Jude may hawak na kaming baso. Ang unang tao na nagbigay ay 'di ko pa kilala. Kinantahan namin ng "Habang May Buhay" tapos 5 piso pa binigay. Benta talaga. Wahaha. So FUN. Tapos naglakas loob kami sa RH lobby. Walang pumansin. Tapos malapit sa gate meron kaunti. Tapos LT walk, benta talaga. Nakakurakot kami ng 107 pesos. Whee. At ang malagim na kapalit nga ay ang boses ko. :|

Tapos ayos ang shooting. UBER fun haha. Chevers kasi. Chever? 110111010000011101010101010001010001111010101010110110! Haha. Magets niyo sana.

Wala pang isang oras ang tulog ko, pumasok na ako. Walang lab pero may exercise. Nagistarbaks ako at nakuha na ang planner ko. Yipee. :):):) Tapos nagclass, nakatulog nagreport, nagquiz, umuwi, natulog at kanina lamang ay kagigising lang. Labyu Irog.

Manonood na ako ng Joyride 2. Whee.

Step, Kat, Jude, Pash, sama kayo sa editing. :)

O siya, mga fans.

Babush.


left at 12:18 AM

Monday, December 08, 2008

Pahapyaw lang. Awoo.

Panalo ang shooting kanina. Haha. Astig. Go Judski. GO EMERSON! GO PAPANG. Ang COOOL ng film.

Wala ng galit sa puso ko. Basta. Ang saya talaga ng Royal Family of Villamucho. Happppyyyy.

Basta. Basta. Keri 'to bukas. KERI. Wikendudis. Go Papang. Go Yaya Boy.

Jude. Pahiram ng vain phone bukas. Wahaha. Ang cute ko talaga. :D Tapos panalo Ang JAJU. Whee. JAJU. :D


left at 2:02 AM

Sunday, December 07, 2008

Inaalay ko ang post na ito kay Marky Cielo. Hay. May you rest in peace. Hay. Sayang ka. Super. Huhu.

Lahat ng kasiyahan may kapalit na kalungkutan. Haaaaaay. At bakit madalas na ang mababait kinukuha agad ni Lord? :(

Bongbong day bukas at wala pa akong naaaral. Tsk.

Babaysh.


left at 12:14 AM

Friday, December 05, 2008

Hehe. Mas madaling bilhin. Mas madaling iregalo sa akin. :)

'yan lang muna. ULIT. Hay.

Masama nga sa post na ito na naaasar ako sa certain people. As in SOBRAAA. They're like plastics. :| Bwiset. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanila. At after nung bwiset na open forum na 'yan. Tsk. Talaga lang. Bakit ba kay plastic ng mga taow. :|

BWISEEEET. :|

Gusto ko tuloy ng Dark Cherry Mocha Frappe. :)


left at 9:18 PM


"Wait laaaaaaang."

(Judski, 2008)

Hehe. Bakit ba ako natatawa? Wala akong dapat tawanan.

Sige na. Didiretsuhin ko na. Habang naliligo ako, haha pasensya na ang sarap kasi mag-isip habang naliligo, naisip ko na may MALI sa lahat ng nangyari. MALI para sa akin.

Una sa lahat, hehe, ayun, nagdirecting, technical, production at CREATIVE (pati ba naman Creative?!) ginawa na naming tatlo. Kaya kahapon, naisipan din naming mag"TAMAD" kasi marami namang nagtatamad lang sa atin e. Nahihirapaaaan na kami. Huhu. Nagdrama. Ganun?

Pangalawa, huwag kayong matakot sabihin sa akin ang mga dapat kong malaman. Alam kong malakas ang pangramdam niyo at alam niyo ang sarili niyo. Naaasar ako sa inyo. Kaya nga hindi ko kayo kinausap kanina e. Sobrang sama ng loob ko sa inyo. Pucha. Dapat sinabi niyong hindi kayo magoovernight. PALAGING HULI AKO SA BALITA. Pasesnya na pero pucha talaga. Kung sinabi niyo lang kasi PO na hindi PO kayo magoovernight, dapat PO nasabihan si Jam at JLo at wala na PONG pinalitan sa CAST at dapat tapos na or malapit na sa pagkatapos ang movie. ANG BUONG AKALA KO MAGOOVERNIGHT KAYO KAYA PINALITAN KO LAHAT NG DAPAT PALITAN. Pucha. Bakit ba kasi hindi niyo sinasabi? Tangina talaga.

BWISET. Gusto kong sumigaw. BWISET.

Ano pa ba. BWISEEEET. Argh. Walanghiya. Please naman mga creative people, gawin niyo ang dapat niyong gawin. Hindi naman lahat kaya naming gawin. Pucha.

Pero let's look on the bright side. Ang saya ng overnight. Super. Hehe. Nakakatuwa. Ako, Jude, Jallen, Tin, Faye, Josha. Tapos sabi ni Faye, "Bakit sandali lang sila rito?" Biglang tayo si Jude! At tumakbo sabay sabing "Wait laaaaaaang." Haha. At ako ay tumakbo na rin. Whoo. Adrenaline rush. Tapos maka3 sigaw kami bago lumingon sila. At ang napapayag lang namin ay si Gajigan at si Herra. Ayun. SILA LANG. Hehe.

Basta, para sa akin, FUN ang overnight. Super. Hehe. Kahit 5 ang comsci este 6 pala kasama ako JOKE! Pero ayun. Masaya naman ako. Haha. Nakakatuwa reaction nila sa Hostel. Tapos ang cantunan sa umaga. Whee. Ang saya saya saya. Sayang. Wala ang KBA. Pero happy pa rin naman ako. Haha. Wheeeeeeee. :):):):)

Basta. Kahit badtrip ako sa ilang bagay, naging masaya pa rin ang araw ko dahil sa ibang tao. Naks.

Siyangaps, suicidal si Ejae kanina. Go pa tapos dirediretso siya. Haha. Parang kwan lang. Hehe.

At IC, kausapin mo naman kami sa Monday... Err.. Ano ba talaga ang nangyari..

Isa pa. Last na. Pasensya kung ang arte ko ah. Hehe. Ang EMO ko talaga. Nagbura na ako ng ilang number ng mga tao sa phone ko. Baka kasama kayo run. Mga taong WALA NAMANG PAKIALAM sa mga bagay bagay. Ayun. Mga plastic, mga emo, mga cheverloo lang. Basta. Bwiset.

Quotable Quotes!!!

Last Year:

"Fuck that video. Fuck that Biochem block. Fuck that DPSM week."

"Kayo nga 20 pesos lang e. E ako kanina pang umaga rito e."

This year:

"Ayoko na talaga. Quit na ako."

"Eto na ang props, bahala na kayo diyan."

"I quit." -Pash

"If he quits, I'll quit." -Steph

"We quit." -Judski.

Haha. Benta talaga ang last 3 lines. :):):)

Babay na may mga gagawin pa me. :)


left at 8:46 PM

Wednesday, December 03, 2008

Hehe. Nakalimutan ko kanina. Haha. Kung ano ano kasi ang nasa isip.

In random order.

WORLD PEACE :|

Starbucks Planner 2009

Macbook

Havaianas 2009 ed

Beatrice Letters

Jansport Bag

Game of Life

Converse

Senses Fail Album

Eraserheads Anthology Album

Secondhand Serenade Album

Manalo sa DPSM week

Unlimited Dark Cherry Mocha Frappe

N78

'yan lang muna for now. :):):):)


left at 9:55 PM


Hehe. Makagawa na nga ng aking wishlist! Pero bago ang lahat... Tentenenententen! May PNP shirts tayo for the movie! Wahaha. Ang okaaaay. Kewl talaga ni Titamylabs.

O siya. Eto muna. Walang magagalit a. Kasi alam niyo namang nageeffort ako sa movie natin and all. Kung ayaw niyo lang naman, ok lang sa akin. Huwag niyong pilitin na gusto niyo. Kung ayaw, 'di 'wag. Marami ring may gusto. Ayun. Nangako na kayo kay Cristian na manood ng Morg, that's fine. Dapat sinabi niyo lang ng mas maaga para nakapaghanda man lang ako. At sana bigay niyo naman ang best niyo sa mga ginagawa niyo for the movie. Talo pa kayo ni Tita e. Isa pa pala, kung may side comments, SABIHIN PLEASE. Huwag matakot. "Natatakot kasi kami sa 'yo e." Shit. Nakakainis. Hehe. Mas maganda kung sabihin niyo sa akin ang problema sa ginagawa ko kaysa sabihan ako ng ganyan. ANO AKO, HALIMAW?

Buti pa ang ComSci. Naks. Haha.

Ayun. At saka, err. Ewan ko ba. Hehe. Si GB kasi e. Haha. Bwiset na GB. Hehe. Words of endearment ang BWISET ah. Joke. A basta. Bwiset. Naguguluhan ako.

Ano ulit sabi ko? Kung ayaw, 'di 'wag. Tinatanong ko ng maayos, sasagutin ako ng pag-iisipin pa ako. Ikaw kaya pag-isipin ko? Haha. Manigas ka. Whoo.

Ano pa ba.. Napaparanoid na raw ako. At naniniwala ako na totoo. :| Hay. After ng open forum na iyan ang dami ng nagbago. Kailangan pa ba ng isa para umikot muli ang mundong ating ginagalawan at magsimula na muling bumalik ang nakasanayan dati? Asus. Babalik pa kaya. Hindi na. Malabo na. May lamat na. Plastikan pa rin kasi kahit ako hindi ko na sila pinaplastik. Hehe. Hay Buhay. :|

Ewan ko ba sa inyo. Ginugulo niyo lang ako. Err. Bahala na bukas. At least ready na kami. At least nalaman ko na. At least, nalaman ko na ang PANGIT ng My Only U. Hehe.

3 more stickers to go! Sa katunayan, 4 pa, pero reserved na kay Nina 'yong isa. I was thinking black or red. Ano ba mas maganda? Makapagpoll nga.

O siya. Makapagsampay nga muna. Kausapin niyo ako kung gusto niyong malinawan. Malay niyo, bukas iapproach ko kayo, tapos murahin, tapos yakapin tapos.. Hehe. Ayokong mangspoil! :D

Basta. I LOVE DARK CHERRY MOCHA FRAPPE. Ano raw? :D


left at 9:38 PM

Tuesday, December 02, 2008

Hehe. Wala pang dalawang oras ang tulog ko ngayon. At ang hyper ko. Bwahaha. Akala ko kasi magrereport kami ngayon. Irog, pagaling ka. Labyu. :)

Natutuwa ako kay Kuya Pol kanina. Bwahaha. Parang ewan kami sa lab exercise namin. Super specific. Ang saya. Si Ejae naman parang RAWR. Ako rin pala ang pinakamaagang, este ako PALA ang pinakamaagang pumasok kanina. Haha. Ayos. May chismax nga si Ejae e. Ang mananalo raw sa Survivor ay si.... Haha. Ay nako. Si Zita talaga. Pero solid Vern ako. Ok lang sa akin si JC. Si Charisse. Haha. Pareho kaming maldita kaya ok siya sa akin. Pero malakas ang kutob ko na si JC mananalo. Whee. AYLABYUJC. :D

Tapos NATULOG lang ako sa report nila Kuya Paul. Buti may nasagot pa ako sa madaliang quiz. Tapos gala kami ni Istep sa Rob at nag-usap ng ilang bagay.

Nakakaasar si Fiesta. Kilala niyo 'to. Lumalabas na ang tunay niyang budhi. ISA SIYANG MALAKING PLASTIC. Ok kapag kaharap ka. once na tumalikod, ano ulit sinabi mo? Grabe ka. Sana naman sabihin mo sa akin, kaya namang ayusin at tatanggapin ko naman ang mga sasabihin mo. Hindi 'yong magsasalita ka ng kung ano ba sa taong wala namang alam. Tapos, akala ko masaya ka sa nangyari 'yon pala andami mong side comments. Nakakaasar ka talaga. Tingin mo sa akin hangin kahit may halaga ka sa akin. 2 beses mo na akong tinuring na hangin. Siyempre masakit kasi AKALA ko CLOSE tayo. Pasensya, feeler ako. Akala ko kasi. Pero ngayon alam ko na. USER ka na, PLASTIC ka pa. Huwag mong sabihing hindi mo alam na ganito nararamdaman ko or something. Nandun ako. Pero turing mo talaga sa akin hangin. Parang wala lang. BWISET. Amplastic mo. Ang ganda pa naman ng image mo sa akin. ISA KANG PLASTIC. Super. Grabe. Akala ko pa naman. Ayokong maging plastic sa 'yo kasi TRUE FRIEND ang turing ko sa 'yo. Baka sabihin mong hindi mo sinabi ang ilang bagay dahil baka masaktan ako. Hindi. Sana nakatulong ka kung sinabi mo e. Pero sinarili mo. Tapos gagantihan ako patalikod. Pucha. Ang galing mo TRUE FRIEND. Bwiset ka.

Isa pa. Nababagabag talaga ako sa taong ito. Para ba akong si kamatayan sa tuwing dumadaan ako, o baka hindi ako? O baka emo ka lang? O inaantok ka? Masakit ang ulo? Nag-iisip? Pero GRABE ang kaemohan mo. OA na. Kung may sasabihin ka, sabihin mo hindi 'yong manghuhula pa kami kung bakit nagpapakaEMO ka sa isang tabi. At ano ako? Multo? Takbuhan daw ba? Mabaho ata ako. Layuan daw ba. Shit. So EMO. Hehe. Tip ko sa 'yo, pakamatay ka na lang para magdiwang na kaming lahat. 'di ko alam ang tumatakbo sa isipan mo. Balak mo bang maghigante? Err.

Andaming classmates ngayon ang EMO. Ilang bagay ang nagbago, tayo'y ganun pa rin, sila'y parang wala ng direksyon ang buhay. Loner na EMO pa. Nakakatakot. Nakaupo sa tabi. Walang imik. After ng class, magmamadaling umalis. EMO. Kung ganyan lang ang ikikilos niyo, mababagabag ang sangkatauhan. Magshare kayo ng problem. Ating lutasin. Huwag sarilihin. Ang emo talaga ng dating. Don't worry. Handa na ako sa araw na makikita kayong nakahandusay sa sahig at wala ng malay. Ano ba ang nangyari at sa isang iglap parang nahigop na ang lahat ng kasiyahan sa katawan niyo? Tila isang dementor ang dumaan ang nilamon ang kasiglahan sa buhay niyo? Hay. Weird talaga.

O siya. Kakain na ako. Tsk. Magbago na ang dapat magbago. Nakakamiss ang dati. :|

7 stickers to go! and also, gusto ko ng havs. Whee. WE WILL WIN. Pumunta sa Friday ah. :)


left at 6:11 PM


Woohoo. Ang saya talaga ng Chem31 kay del Rosario. Happy happy. Tapos NAKAKAANTOK SI Doc Nic. :| Hehe. Tapos whoosh. Uwian na.

Hindi pa ako umuwi. Nakipagmeet pa kay Ninaaaaa. :)

Ayun.

Nangyari na naman ang nangyari noong nakaraang 2 taon. Dalawang sitwasyon. Pero mas malala pa rin ang dati. Grabe.

Kinakarma na rin pala ako. At ayoko nung ginagawa nila. Unfair. Hindi naman grabe 'yong akin. Pero ayun. Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga maiiwasan 'yon. Sige. Go lang. GO lang. Haha. Maghanda kayo sa akin. Lagot kayooooo. At magiimbestiga pa ako. :D Pero ayun. Karmaaaaa talaga 'to.

Ano pa ba. May sasabihin pala ako. :| Bakit ganun? Ano bang problema ng taong 'yon? Ok naman ang pakikitungo ko sa kanya pero PARANG pilit niyang nilalayo ang sarili niyo. WTF. May ginawa ako sa karamihan, ngunit siya lang ang nagreact ng sobra. Akala siguro napakaimportante niya. Ang weird niya talaga. Ano ba talaga nangyari sa taong 'yon?

Gusto ko siyang tanungin kaso baka 'di naman magsalita. Grr. Nakakaewan. So ayun. Wala na talaga. Sinarado ko na kanina ang pinto ko sa kanya. Wala na rin mangyayari. Ang emo niya e. :|

Nakakagulat lang 'no. May mga taong bigla na lang magiinarte. Or baka 'di naman nagiinarte. Ayaw lang siguro magshare. Hehe. Bahala na nga sila.

Tapos mga tipong taong palagi mo namang kasama pero 'di mo mafeel na part ka nila. Tipong nandun ka na nga, kulang na lang magprisinta ka, halatang halata na na gusto mong makipaghalubilo pero parang hangin ka lang sa kanila. Ang saklap. Tapos mga taong "mababait" na tutulungan ka raw ngunit maaaninag sa mukha nila na ayaw nila. Ayun. Nakakaasar talaga. Bahala na nga sila. :|

Yuhu. Gagawa pa ako ng report. Gumaling na sana si Irog. At sana KARMAHIN tayong lahat. :D

8 stickers to go! :D


left at 1:34 PM

Monday, December 01, 2008

Friday na po ang next shooting. :D

Kailangan ng flashlights ah. Whee.

WE WILL WIN. :D


left at 2:38 PM


Haha. Talagang may mura pa 'no.

Sa mga hindi sumama, andami niyong namiss. Go Gajigan and Josha. Haha. Supah kewl ng movie.

Sana manalo tayo. Pero expect the unexpected. Pero, MANANALO pa rin tayo! Haha.

Ang astig talaga ng movie. Ang galing ni EJAE as cameraman/director. Haha. Papalitan na si Pasia. Joke!

Next shoot ay Friday. Tatapusin na. :)

Wala akong masabi. Happy birthday Fayyyye. :) Labyualot.

Ano ba. Ayokong mangispoil. Makalayas na nga.

WE WILL WIN.


left at 2:17 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.