Thursday, May 29, 2008

Hay. Bukas may gala ang Newton and I'm not coming. Unahin ko muna ang acads. Maeenjoy ko pa naman ang summer after ng removals. May celebration pa ng birthday ni Api at Vina sa Laguna plus ang lakad namin para sa birthday ni Sarah.

Oo, mahirap magdecide. Naku. gusto ko talagang sumama sa lakad kaso may test nga. Yang gala na yan, pwede pa naman yang bawiin next time, pero kapag binagsak ko ang removals, ibang usapan na iyon. Sana talaga maipasa ko at todo aral na ako for this. Whoo. Sana makeri ko.

Ewan ko ba. Sabi ko di ako sasama theba, tapos sila naman, biglang sabi, di ka kasi nag-aaral e. Hay. Sama naman. Ang hirap kaya. At sa kung ito lang kaya ng utak ko e. Hay buhay.

May isa este dalawa pa akong problema, kaso di ko maisulat dito sa kadahilanang baka may makabasa at magtampo magalit whatever. Ayun. 2 medyong malaking desisyon ang dapat kong gawin. Mahirap mamili. Oo, nahihirapan ako. Mee nee mee nee may NEMO sa dagat? Argh. Mahirap talaga. Paano ba yun. Kung sabagay, matagal ko pa naman dapat isipin yun pero theba, kailangan mapag-isipan na ngayon pa lang. So help me God.

Btw, kung magmamadre kami ni Istep, sino kaya ang unang kukunin? Hm. Ako siguro, mas MUKHA akong anghel e. Wehehe. Joke. Ewan. Maipluwensyahan pa namin ang simbahang katoliko ng YAOI. Mahirap na. Nyahaha.

O siya, mag-aaral na ang batang walang kamuangmuwang at feeling inosente. Babayooooow. :D


left at 2:32 AM

Monday, May 26, 2008

Quick Post.

NakaKWATRO ako at masaya na rin. Mag-aaral na ako. Sana maging TRES. :D

PS.

Excited na ako sa bertdey ni Apilabs at Vinalabs. :D


left at 12:03 AM

Sunday, May 25, 2008

Andami kong libro sa bahay. SCHOOL BOOKS.

Kung may gusto kayong pilhin, pm niyo lang ako. Huhu.

Kumpleto.

Libro sa Masci.

Geo books

chem books

Libro ni Dadufalza..

Mga ginagamit sa UPM GE subjects.. Hehe.

Sabihin niyo lang sa akin. Baka may copy ako. Sa susunod na yung listahan. May gagawin pa ako e.

Wait.

Geo book ni tarbuck (2 ganito ko e.) yung isa 250, isa 300. Colored yung isa.

Dadufalza Reading into Writing 1/2, tig100 na lang. :D

Algebra and Trigo ni Leithold 300 na lang.

Sa susunod na nga yung iba. :D


left at 3:57 AM

Saturday, May 24, 2008

Pansin niyo bang walang kakwentakwenta na naman ang aking title? Haha. Pero oo nabubwisit ako sa nanay ko.

Inis na inis siya sa akin kasi 'di ko raw iniingatan iPod ko. Kanina, habang nanununod ako ng TV, bigla siyang bumaba sabay sigaw, "nasira ko iPod mo!" O shet, nainis ako. INIINGATAN KO YUN. Tapos siya pa yung nakasira? Tapos biglang sasabihin, "Eto pera, pagawa mo." Like duh, ako pa magpapagawa at haller, mahal pagawa ng iPod dito sa pinas. Leche talaga. Siyempre sa authorized service center ako magpapagawa kasi orig ang iPod ko. Nakakairita lang. ARGH.

Btw, buti naman wala ng sama ng loob sa akin si Kath. Akala niya kasi siya yung pinariringgan ko. Hindi ikaw KATH. HINDI talaga. Ano kaya pumasok sa kokote mo at naisip mong ikaw? Haha. Alam mo namang mahal kita.

Namimiss ko na rin pala si Lao. Ewan. Hehe. Missyu.

Sana talaga makapagremove ako. Gusto ko sanang kulitin si Mam kaso baka naman magalit si Mam. Tama na siguro yung mga pangungulit na ginagawa ko. Hehe.

Nainis ako kay *toot* kahapon. (Kath, hindi ikaw 'to). Nakakaasar siya. Ang yabang. Same issue na naman, ang ethnocentric niya. Akala niya kasi lahat ng tao na naman katulad niya. Hehe. Bahala na nga.

O siya. Babay na sa susunod na muli. :D


left at 8:48 PM

Thursday, May 22, 2008

"Sigurado may chance ka pa kasi hindi pa kumpleto 'yung mga exercises etc."

(Martin, 2008)

Nabuhayan ng loob. Ewan ko ba. Binigyan lang siguro ako ng kaunting pag-asa. Hehe. :D

Pero ok na rin 'di ba? Mag-aaral na rin ako. Kung sakaling keri pa, e 'di ok! Kapag 'di umabot ok na lang din. 'di naman sayang 'yong pinag-aralan ko thebaa..

Me so HAPPY. :D


left at 8:00 PM

Wednesday, May 21, 2008

Quick post.

Ipinakita mong hindi kita kauri.

Ipinakita mong wala talaga akong kwenta.

Well, hindi ako galit sa'yo, naiinis lang.

Sorry, 'di ako kagaya nilang lahat.

*sana magremove ako*

PS: Di ako galit kay Mam Martin at hindi siya ang pinatatamaan ko. Ang binabanggit ko ay walang kaalamalam na may sama ako ng loob sa kanya.. :D


left at 6:10 AM


Ok. First ever bagsak ko. Amp kasi bobo.

So lumabas na result sa chem18 finals at super wala ng pag-asa ang score ko. BOBO kasi.

Naiiyak na naman ako.. Ayoko talagang bumagsak.. Ayun.. NAKAKAHIYA ako. NAKAKAHIYA. Kaso ganun talaga e. BOBO e.

Pucha, uulitin ko ang subject na 'to. Pucha.


left at 1:58 AM

Saturday, May 17, 2008

Sumaglit lang ako rito kasi SOBRANG tinatamad na ako sa hinayupak na HS20 na 'to. GAHD, ang haba pa naman ng interview ko. Idagdag mo pa ang fact na hindi pa ako nakakapag-aral sa puchang Chem na yan. Nakakapeste. Gahd. GAHD. Puta.

Pesteng buhay 'to. UBER cramming. ARGH!


left at 6:54 AM

Friday, May 16, 2008

Tinag ako ni Petut, Kath at Arvi. Alangan namang gawan ko yun isa isa? Haha. Here it goes...

THE RULES:
1. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
2. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.
3. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names.
4. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.

****

  1. May sleeping disorder ako. Oo, kapag gustong matulog at nakatulog ng mahaba, laging inaantok. Kapag di naman makatulog, di na talaga ako matutulog.
  2. Adik ako sa pusoy dos. Haha. Wala lang.
  3. Minsan naiinis ako sa course ko dahil sa hirap nito. Wa.
  4. Mahilig akong magsulat ng mga kailangang gawin. Medyo mahina kasi memory ko.
  5. NAWALA ko roari ko at naiinis ako sa sarili ko dahil dun.
  6. Mahal ko na ang block ko. Salamat Dibina sa malamig na hapon na pinainit mo kanina.
  7. Medyo adik akong magtext at maggm. Ewan ko ba kung bakit. Hehe. Pero ayos naman.
  8. Paborito ko ang math pero di ko alam kung bakit ayaw sa akin nito.
  9. Nagkaroon na ako ng gurong Diwata na nagbebenta pa ng Avon products. Di ko rin namalayan na ang anak niyang Diwatito kaklase ko rin.
  10. May 2 akong bulok na computer at gusto ko na silang itapon sa dagat at sana'y manalo sa lotto para makabili ng macbook! :D

Ayan. Kailangan bang ipagkalat? mukhang lahat ng contacts ko nag ganito na. Sorry. Haha.

O siya, itatag ko si Vina, Jose, Mileng, Ibo, Lori, Lao, Jetin, Yanna, Emma, Thea. :D

*****

Bago magpaturok, inabutan pa namin ang Free Big Mac sa Sta. Cruz sa Carriedo. Yipee. 3 nakuha namin. Bwahaha. Diretso ako ng UP para magpaturok at ayos naman. Tapos muntikan pa akong maligawgawgawgaw papunta sa Tasty DUmplings. Salamat talaga Danette! Ansarap sarap nung pochap isama mo pa ang pagkakita ko sa mahiwagang paa ni Daney. Ay ang kasama ay sina: Andrea, Lorena, Alex, Jamie, Mao, Evan, Herra at Gumbee.

After kumain, diretso kami kina Daney. Haha. Nagmonopoly kami at super happy naman. ako. Go Regent St.! Haha. Nga pala, kahit pumangalawa lang ako sa nanalo, at least nabankrupt ko si Evan(muna) at Alex(harhar). Haha. Peace! Aftyer nun nag Pusoy pa kami. Tas uwian na.

Dahil sa sobrang lamig, nakatulog ako at kakagising ko lang. :D


left at 3:22 PM

Tuesday, May 13, 2008


left at 4:23 AM

Monday, May 12, 2008

Hindi pa ako natuturukan. Sa Friday pa raaw. Alam niyo bang pagkauwi ko, nakatulog ako hanggang 1am! Wala akong nagawa. Kawawa naman ako. Nakakatamad pang gawin ang mga assignments ko. Gusto ko pang mag-aral ng electrochem kaso WALA, as in, WALA akong maintindihan. Napakapakshet na buhay talaga o.

Magsishift na pala si Kath at Steph. Gahd. Paano ako? Maiiwan ako kay BJ at Mao? Sila na lang ang mascians na matitira. Isa pa, 'di ko alam kung sino ang kasama ko next sem. Napahiwalay ako sa chicoooom. Naiinis ako ng kaunti kasi 'di ko sila makakasama next sem e sila na alang ang natitira kong ligaya sa block kung nagkataong nakashift nga yung dalawa. SUPER kaunti na namin kapag lahat ay napayagan magshift. At nag-iisip na rin ako kung sino ang mga possible lab partners ko.. Si Maray sana. Please please? Sana same sched kami.. Wala na kasing pag-asa sa chicomm, Gumbee, Herra etc. O kaya si Vivien or Nikko, pwede rin. Basta huwag lang si BJ. Bj, alam kong nagbabasa ka ng aking blog. So ayun, diretsahan, ayaw kitang maging lab partner..

Ansama ko naman kung ipagdasal ko na 'di sila makashift e gusto naman nila. So yun, sana matupad ang mga pangarap niyo at sana naman, sa 2nd sem kasama ko na ang chicomm. Yun pala ay KUNG papasa ako, hehe.

Haaaay. Di pa ako ready sa Wed at Thursday. Haaaay. Kailangan mag-aral pero ewan ko ba sa makitid kong utak kung bakit wala akong maintindihaaaan. So bobo na meeee.

Haay. :D:D

Sana pumasa ako ng CHEM18. PLEAAAAAASE.

O siya "aral" kuno na ako. :D


left at 7:33 AM

Sunday, May 11, 2008

Naks. Ang title. Agaw pansin lang yan. Haha. NAku, natatawa tuloy ako sa mga magrereact. Haha.

Sa totoo lang katabi ko si Herra ngayon, tulog. Kakatapos ko lang gawin 'yong written report sa Chem. Ayan na naman. Ang issue. ANG ISSUE na ginawa ko. Blog ko 'to kaya walang pakialamanan.

Lilinawin ko lang ang ilang mga bagay.

Hindi ko ipinagmamayabang ang UPM. Period.

OO, mas nafifeel kong mas mahal ko na ang block, burbank na rin(hehe) kaysa sa haaaay.

Ika nga ni Master Lelong, FOCUS.

Hay.


left at 5:50 AM

Friday, May 09, 2008

(QUICK POST)

Tama ang nababasa mo magfifinals ako. Sana kayanin. Sana makapagpiadina kami. Go singko-sa-kem club, mawala na sana ang club next sem!

Ayun. Hay. Bukas na ako gagawa ng mahabang post.

Sabi nga ni Master LELONG,

FOCUS.

PS.

Kung galit ka sa akin, sabihin mo na. Amp e.


left at 3:05 AM

Saturday, May 03, 2008

Kagabi, sinabi ko sa sarili ko na gumising ng maaga para magawa ang aking hs20. Sa kasamaang palad, 12noon na ako nagising. Badtrip talaga.

Sira na naman pc. Inayos namin hanggang mga 5.30. Tapos nagsiliguan na kami kasi manunuod kami ng World Pyrolympics sa MOA. So 7.30 na kami nakarating sa MOA. Maganda nama. Tapos mga 12 na kami nakauwi. Piyesta sa amin kaso, wala lang. Parang ordinaryong araw lang. WALA LANG talaga haha.

Yung pc namin nakakadiri wala pang 5 minutes binuksan nagaauto shut off na. Buti na update ko na iPod ko at dumami na ang laman. YEY! Hehe. Kaso mukhang sa laptop na ako makakagawa ng project ko sa HS20 eh uber bagal nito. Haaaay. Ieedit ko pa ang magagawa kong video Wala pa nga akong istorya. Di ko pa alam format. test na naman pala sa Wed at hindi pa ako handa. Waa. Natatakot nga ako e. Nagpapakaba nga na naman si ma'am Martin e. Di pa niya pinopost ang 2nd depex. Haay, sana pumasa ako.

Kath. sige sa Monday tayo bumili. Hehe. Goodluck pala sa atin sa Experiment 9. Natatakot akoooo, di ako handa. Mukhang di ko keri. Hay..

O siya hanggang dito na lang. Sana maayos na pc namin... HAAAAAY.


left at 6:18 AM

Friday, May 02, 2008

Badtrip talaga ang DAC simula ng makilala ko ang departamentong 'yan. Puro GE na nga ang tinuturo, pahirapan pa makakuha ng matataas na grades. First sem lang ata ang ayos. Beri kasi eh. Pero si Mishi, gahd. Hirap talagang magexpect. Akala ko talaga mataas ibibigay niya. Tapos biglang 2.5! I did my best, but I guess my best wasn't good enough.. *sniff sniff* Ilang araw kong pinagpupuyatan ang mga proyektong pinapagawa niya. Tapos 2.5 lang ibibigay niya?? I deserve a grade higher than that! Amp.

Ngayon, ito namang si Devour ang nagfifeeling. Mabait siya, oo, kaso super demanding. Andemanding na nga ng Chem18, nakikisabay pa siya. Nuong una, documatation lang gamit ang pen and paper ok na. Ngayon kailangan nakavideo/tape recorder na! At meron pa nung Alamat Society na yun. Haller?? Di kami Phil Arts no! BAYOKEM kami at napakalayo niyan sa Phil Arts. Badtrip talaga. Wala pa akong story. Me gonna cry!!! :((

Hay. Bakit kaya ganito. First dep ko sa lab ay ok. Para sa akin, ok na yung grade. Di ganun kataas pero pumasa. Bagay lang sa lebel ng maliit kong utak. Yung lec, GRRRR. Bumagsak ako unfortunately. Kailangan humabol para maexempt. Makakahabol pa kaya ako? Hindi kasi ako kagaling talaga. Gusto ko ng course ko kaso mukhang swerte lang talaga ako kaya pumapasa. Hay. Sana humatak pa yung grade ko. Feeling ko yung mga katulad ko yung panira sa pangalan ng UP eh. Huhu. well, sana kayanin ko.

Kath, samahan mo ako sige sa pagbili ng aking havs. May pera na ako, dalhin ko next week para kung maaga(mukhang hindi dahil sa experiment 9 na super kinakabahan na ako) ang uwian, daan tayo ng rob. Sabihin mo sa akin kung kailan ka pwede kasi baga biglang kasama mo si Yellow. Hala. Baka maOP ako haha. Tama, di ako bibili ng may prints. Yung simple lang siguro pwede na sa aking mukhang luyang paa. Para magmukhang ayos. Haha. Nako, reachkid na rin ako. EWWW. Gusto ko rin pala ng rubik's. Magkano bili mo? 212 php yung sa rob. Bibili ako. Haha. Whee. Pagiipunan ko rin ung Cluedo talaga. Haha.

Nagpapabili na rin ako kay Tita nung cards na super liit na bicycle pa yung tatak. Card collector na ba ako? Hehe. Andami ko ng cards. At mahal na mahal ko silang lahat kahit may mga taong masama sa kanila. They're just a deck of cards!! Harmless sila! Baka siguro tingin nila may ngipin.

O siya, layas na ako. Mag-iisip na muli ako ukol sa HS20. :D


left at 4:07 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.