Thursday, July 31, 2008

Floooooooood ang title kasi may baha sa Taft kanina. Yak.

Simulan natin ang post ko sa isang magandang panimula. Medyo boring ang umaga ko. Nagtest lang kami sa Physics at walang hiyang tupang bading, nakatulog na naman ako. Piste talaga. Pero oks naman ang test. Keri pa naman.

Chem18. AYAW NILANG PUMASOK NG CHEM! Alam niyo bang kami lang ni Andrian ang pumasok kanina? Badtrip talaga. Buti nagpaexercise lang si Sir Robidudski.

Nagtake sila ng Mathlab test kanina. Akala ko naman, 10 sila nagstart. Naghintay ako hanggang 12. Wala pa rin. Nagexercise muna. Mula CAS, naglakad papuntang OUR, tapos bumalik. Pagbalik, nakita ko sina Ruth. Sumama muna. Tumambay sa Pillars. Nakipagchismisan.

NAKOW! Andami kong nalamang chismax. Haha. Walang hiya talaga ako. Me so happy. Me know many gossip. Haha. Amputa. Natuwa ako sa mga nalaman ko. At siyempre angchismis din ako. Ambait ko nga raw according ke daddy Nikkow. Haha. Natatawa talaga ako. Umabot na ng 1pm ng makita ko si Inno na naglalakad sa ulan. tapos na pala ang test at nawawala sina Steph. Bigla na lang silang bumulaga sa akin. Like duh. Cornmasters ang dumating. Siyempre kasama si API. At remember, nasa Pillars kami kaya nandun si Quindoy. At nagkita na rin sila. Haha. Aylabit. Galit na galit si Api sa akin. Haha. Paluin daw ba ako ng TC7! Anlaki laki noon! Pero ayos ah. Mukhang nahiya si Quindoy kay Api. Soooo. Alam na ng buong block nila ang ishu according sa kambal na nagkahiwalay. Maitim lang si Api at mas mataba. Pero magkamukha talaga. 'di ba Nikko? Haha.

Tapos nagmagic lang kami sa sulok ng GAB. Haha. Nako. HINDI AKO 'YONG UMUTOT KANINA. Hehe. baka sabihin niyo tumanggi ako. Alam niyo naman ako. Kapag umutot ako, sasabihin ko. Hindi ko ikinahihiya ang pag-utot. Ang pag-utot ay normal lang sa isang tao. Kaya kapag umutot ang katabi mo, huwag ng magreklamo. Pabayaan na. Takpan na lamang ang iyong ilong at huminga sa bibig. Hehe. At hinintay namin mag2.30.

At as usual, kapag nakahawak ako ng cam, nagpipicture ako. Parang paparazzi lang. Hehe. At ubos ang memory ng cam ni Neeena. Haha. Pero ayos. Ako ang stylist ni Joshibeybs at nagpicturan kami. At ang cute niya! Gamit ang headband ko, nagpakagirly girly siya. Pakitingin na lang sa mga album ko. Haha.

Pagpasok sa loob ng classroom. Go go go! Another photo shoot, this time with Mao. As usual, kay landi ng pose nila. pakicheck na rin ang multips ni Macalino baby. Marami siyang gerlaloo pics. :) At biglang dumating si Ma'am. Class na naman.

As usual, tulog na naman ako. Pero nagising ako nung nagtatawanan sila. May dalang skeleton si Ma'am na super cute na gusto kong nakawin! Waa. Regaluhan niyo ako nun! Super cute talaga. At after ng class, photox mode kami ni Alex. Sa batcave.

Naroroon na naman sina Ruth, Nikko, Pasia, Josha at Gemy(?). So pinakilala ko si Neeena dahil biglang dumating. So ayun. Sabi ko kamukha siya ni Chanda Romero. At agree naman si Pasiabeybs at Daddy Nikko. Asteeeg. Sabi ko na nga ba e. Haha.

Nagpupusoy sila kanina. Wala lang. Naisip ko lang na ang buhay ay parang PUSOY DOS. Hindi mo alam kung anong cards ang makukuha mo at kapag natanggap mo na ang set of cards mo, nasa sa iyo na ang diskarte kung paano ito lalaruin para manalo sa laro ng buhay. (Makagawa nga ng separate post ukol dito.)

At umakyat kami para isauli ang pinaphotox. Paglabas namin, BAHA sa Taft. Nakaflats si Alex kaya sumugod kami sa Rob. Bumili siya ng banana peel. Pero napagalaman din naming sale sa rob. AT GUSTO KONG BUMILI NG SHOES LALO NA SA CELINE. Haha. 2 for 399 kasi. :) At kung saan saan pa kami nagtungo. Nagdesisyon kaming hintayin sina Andrea pero wala. Nauna rin sila. Sayang lang paghihintay namin.

Sumugod kami sa baha sa P. Gil. Baha din pala dun. May mga mamang tulayero na nandun. Nanghihingi ng barya kapalit ng pagtawid namin gamit ang tulay na gawa nila. Nakatawid naman kami ni Alex at nakasakay agad ng LRT. Nakauwi na rin.

Hay. Buhay. Buti ang swerte namin ngayon. Wala lang.

WAA. 'di ko alam kung paano tatapusin ang super habang post na ito. Kaya babush na lang! Gagawa pa me ng schematic. :)

PS. Si chorba pala ay nachorba na!


left at 2:48 AM

Wednesday, July 30, 2008

HAY. 'di ako nakapagtest ng first quiz sa SocSci2.

Nakakapagod ang badminton. Patalon talon na lang kami ngayon. At yes! Sa wakas. Wala ng footwork. Nakakapagod ang footwork. Pero ang patalon talon na 'to? Hanep. Sakit din sa binti. Madalas pa naman akong atakihin ng cramps.

At nag one on one na kami ni Sir. Kami, isa isa, versus Sir, my friend. HAHA. 2nd to the last ako, Gumbee kasi e. So ayun. Nahihirapan pa rin ako kasi bago ako tumira, hindi ko maiwasan ang paggalaw ng aking mga kamay. As in, parang mannerism na rin siya. Pero buti na lang natanggal ko na sila. Isa pang weak point ko ay ang shots ko ay puro high clear. Nahihirapan akong magsmash kasi nasa12 o'clock position ako palagi. Dapat 11 para pababa. Kailangan kong mapraktis. May power naman daw ako. Kulang lang sa praktis. O well.

Alam niyo bang 1.40 na ata kami umalis ng courtzone at ang klase ko ay 1pm? Graaaaabeeee. Dumatin kami ng UPm ng 2 something na. LATE na ako. Pero wala na akong magagawa. At nasa harap sina Alex. Ayokong makiepal at maglakad sa aisle ng klase habang nagdidiscuss si Ginoong Taguibs. Nagdesisyon akong pumunta na lang sa Akwe. :D

Ok naman ang Akwe. Nakilala ko na ang buddies ko. Si Ate Jinky, Ate Denise at Roi. Waw. Asteeeg. Pero parang hindi ko naman sila makakausap ng madalas. Alam mo naman ako, medyo mahiyain sa umpisa at baka isipin nung mga 'yong psychotic ako. Weirdo ko kasi.

So. Maraming sumunod sa kiddie attire. As usual, lampayatot na may IDA ang itsura ni Vinatots. Haha. Ansama ko. At ang cute ni Api. Sayang, hindi siya nagjumper. Sina Aika rin ay cute dahil nakasuspenders effect pa sila. Ang aking pinakamamahal na si BS ay nakasuspenders din at ang taas ng bewang. Asteeeg.

Tama na ang kaastigang 'yan. Kumain din ako. *ehem* Hehe. Ok naman ang food. Dapat okay kasi *toot toot toot toot toot*. Ayokong sabihin baka maalala pa. Haha.

Umalis ako ng maaga dahil may kukunin pa ako sa Rob. At umuwi. At natulog.

Gusto kong makapagteleport or patigilin ang mundo.

Gusto kong makapagteleport. Para mabilis akong makakapunta from courtzone to GAB. Kahit once a week lang ako pwede magteleport okay lang. Kasi kanina, kahit pala pumasok ako, walang mangyayari kasi pagpasok daw ni Taguibs nagpaquiz agad. So ayun. Isang magandang kakayahan 'yan, ang pagteteleport (tulad din 'yan sa kakayahang makacreate ng force field hehe). Isipin mo, makakapunta ka sa ninanais mong lugar in a split second! Mas mabilis ka pa sa sound waves kung sakali! ASTEEEG. Maganda siya, convenient kasi. Magagamit mo kahit kailan, 'di ka pa apektado ng nagtataasang pamasahe, bilihin, gasolina etc. Kasi nga, magteteleport ka na lang. Poof! Nasa bahay ka. Poof! Nasa school na! So, hindi rin siya time consuming, actually makakasave ka pa ng time. Kung ang pasok mo ay 7am. Pwede kang gumising ng 6.30, mag-ayos ng katawan at.. Poof! Nasa GAB 107 ka na agad! Asteeeg talaga. Hay.

Gusto ko rin patigilin ang mundo. Medyo may hawig din sila ng pagteteleport. Makakasave ka ng time. At mas marami ka rin pa lang magagawa kapag dito. Pwede kang magnakaw, mangopya haha. Pero maganda rin ito dahil pwede kang mapag-isa. 'yong tipong ikaw lang at ikaw. AT lahat ng tao ay pinagmamasdan mo lang, at patuloy kang nag-iisip kung ano ba dapat ang gagawin mo. Maganda rin ito kapag may exam. Hehe. Magkakaroon ka ng super habang extra time para makapagreview. :D Pero ayun. Kahit ano pa ang isulat ko rito, kahit anong puri pa ang gagawin ko sa powers na ito, walan mabait na ermitanyong magbibigay sa akin nito.

Minsan sa buhay, aasa na lang tayo sa mga milagro o imposibleng bagay tulad nito. Pero kahit ano pang gawin natin, nasa mga kamay natin ang kapalaran natin. Walang "fate" sa buhay. Walang nakatakda para sa atin. Ang gagawin natin ngayon ay makakaapekto sa mga mangyayari bukas, at ang mangyayari bukas ay hindi sorpresa kundi ang kinalabasan lang ng ating desisyon kahapon. Parang cause and effect lang ang mga nangyayari sa buhay. So, huwag na tayong umasa pa na an bukas ay mas maganda sa kahapon. Ang bukas kasi ay open at ang sarado ay close. I thank you, bow. Pero seryoso ako, hehe.

Think before you act. :)


left at 4:53 AM

Tuesday, July 29, 2008

The Dante's Inferno Test has banished you to the Fifth Level of Hell!
Here is how you matched up against all the levels:
Level Score
Purgatory (Repenting Believers) Very Low
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers) Very Low
Level 2 (Lustful) Moderate
Level 3 (Gluttonous) Very High
Level 4 (Prodigal and Avaricious) Very High
Level 5 (Wrathful and Gloomy) Extreme
Level 6 - The City of Dis (Heretics) Moderate
Level 7 (Violent) Very High
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers) Very High
Level 9 - Cocytus (Treacherous) High


Take the Dante's Divine Comedy Inferno Test

Masasabi kong totoo. Wala lang. I seem to be so happy pero. Haha. I'm planning some things, evil things. HAHA.

Naku.:)


left at 2:08 AM


Nabura ko first post ko. Pucha. Pucha. Katangahan. Haba pa naman nun.

So medyo iba na 'to sa nauna kong mas magandang post.

Walang kwentang araw. Wala talaga. Kasi nangopya lamang sa Physics. Nagenjoy gamitin ang sensor at 'di masyado type 'yong sa acceleration. Pero 'yong Hulog hulog effect, so fun! :) Haha. Huli pa ako ni Sir na kumakanta ng careless whisper. :|

Natulog lang ako kay Sir Vi. Kabore kasi at inaantok talaga ako. Noong 'di naman ako natutulog, gumagawa naman ako ng para sa bio. Ano ba 'yan. Haha. Tamad tamad ko talaga. :)

Break? NAGMAGIC KAMI! Asteeeg. Galit ata si Ja sa akin. Lagi akong pinapatay. At hindi ako nakapag-aral ng maayos para sa quiz sa bio. Katangahan ko talaga. Haha. At naaadik na ako sa choco mucho. :(

Bio. Dito nangyari ang main event for the day. Haha. So eto naman ako. Pinagdrawing para sa AKWE ng BCS. Hehe. Eto naman ako, uto uto, nagdrawing naman. Cornmasters dinrowing ko at lahat ng idea nila binuhos nila sa akin. So eto naman ako, drawing dito, drawing doon. Hehe. Wala kasi si Sir nasa bio meeting. At si Shuttlecock si master chef kasi siya ang naghiwa ng lahat ng prutas at seeds etc. :D

Ang masayng part ng bio ay noong sa sobrang tuwa nila, pinatayo na nila ako sa harap para magsabi ng kung ano ano tungkol sa aming mga *toot* so natuwa naman sila. Inubos ko lahat ng *toot* namin hanggang sa mga classmates naman ang napansin ko. Dumating sa point na nakasagutan ko na ang pinakakilalang blockmate namin. Tapos nadamay ko family niya. E ako makulit, inulit ko per I don't mean to hurt the dignity of his family. Dignidad niya lang. So ayun. Nagalit ang anak ng tinubuang kutong napulot sa kung saang planeta at binato niya ako. BINATO AKO! Buti naiharang ko ang kamay ko or else. AMP. Hay.

Naalala ko lang noon. Kilala niyo siya. Dahil paranoid siya at chismosa ako, binato niya ako ng salamin. Buti na lang umiwas ako kundi basag ang salamin at sira ng mukha ko. okay naman kami ngayon pero, 'di ba? Nakakaasar talaga.

Back to the present. After nun, hinila na nila ako. Baka kasi lumala pa. At siyempre may isip naman ako kaya tumigil na muna ako at nakipag-usap kay Dibina. Hindi naman ako tanag na pipilitin kong asarin siya at galitin. Ano ba ang mapapala ko dun, aber?

Malipas ang ilang sandali, bumalik na si Sir at simula na ng post lab discussion.Ok naman. Hehe,. Nakatulog ako unfortunately pero hay. Yaan na natin. Natutuwa ako. Inagaw ni Josh ang headnd ko at sinuot niya at pinapilit kong ipasuot sabay kuha ng pics. Ipopost ko sa susunod ang pics. Punta rin kayo sa multiply ni twinsis Steph kasi wala lang. Maraming pics dun. :)

So uwian na. Dumaan muna ako ng rob, at wala na dun ang gusto kong bag. KAILAN BA AKO MAKAKABILI NG BAGONG BAAAG! Sa SM na nga lang ako maghahanap. Sabay bili ng 4 na box ng tissue. Kasalukuyan kasi akong inuuhog. Haha. So ayun naman. Nakasabay ko si Kath sa national. Ayun, bumili pa ako ng eraser kasi mauubos na 'yong binigay ni Josh. :)

Umuwi na ako. Sa aking pag-uwi, napansin ko ang mga batang nagsusulat gamit ang yeso sa kalsada. Naaalala ko ang aking pagkabata. Well, hindi nila ako pinapayagang lumabas kaya sa bahay lang ako naglalaro gamit ang malaking crayola at gumuguhit sa linoleum(tama ba spelling?) namin. Hay.

Hindi ko naranasan ang mga mga bagay bagay na ganyan. Pero masaya na rin ang childhood ko. Kasama kong naglaro ang mga tita ko at mga pinsan kong 10 taon ang agwat sa akin. Masaya ang buhay bata ko. Kumpleto naman kahit papaano. Pero ayun, may mga bagay akong nakalimutang gawin bago ko tuluyang nilisan ang pagkabata. Bata pa rin ako pero hindi na appropriate sa social norms natin ang paglalaro ko ng piko sakalye 'di ba? Hay.

Eto ako ngayon. Kumakain ng saging. Ang sarap. O siya, bukas na lang ang mga blind items. :) Kakalap pa ako ng mga impormasyon.

PS. Wala pa akong isusuot sa AKWE. Gusto ko ng JUMPER.. I want jumper. XD. Ano naman isusuot ko bukas? Hay. Go pigtails! :) Pakyut mode ang bcs people bukas. Haha. :)


left at 1:52 AM

Monday, July 28, 2008

Napulot sa blog ni Mr. Magno. :)

Greed: High
Gluttony: Medium
Wrath: Very High
Sloth: High
Envy: Low
Lust: Low
Pride: High

Take the Seven Deadly Sins Quiz


left at 1:42 AM


Isang makabuluhang araw na naman ang nakalipas. :) Masaya naman kahit papaano.

Nagsimula ang lahat sa physics at ako naman ay nakinig. At as usual, natulog sa chem18 at nasagutan ng maayos ng quiz. At hindi ako pumasok ng bio dahil magkikita kami ni Mommy Katz at ayaw ko sa guro ko.

May bago ng tambayan ang biochem peepz. Ang library. Mali. Ang pagsalampak ng kanilang mga pwet sa library at maglean sa mga bookshelves. Asteeeeg. Natatawa tuloy ako. Hindi namin mapigil ang aming sarili sa pagmamagic kaya napilitan kaming bumaba sa sulok para magmagic. Masaya magmagic. At nakakalap din ako ng chismis, na naman, kay Allen. Sumali rin pala siya sa pagmamagic namin at asteeeg magmagic si Vina dear. Go BEAAANS. Haha.

Tapos nagkita na kami ni Katz. Di rin pala pumasok ng bio si Kathmaybeybilabs. Ayaw nya nga rin kasi. Haha. Nag-usap "panandalian" si Katz at si ex-Daddy pero Daddy ko pa rin. At natuloy na rin ang panunuod ng sine. Nanuod na naman ako ng The Dark Knight. Inaamin ko rin na nakatulog na naman ako sa moviehouseee. Naman naman naman. Pero oks naman. Nagkwentuhan kami saglit ni Mommy Katz then uwi na. Nakasabay ko sa LRT si JT. Namiss ko naman kahit papaano ang kutong lupang iyon. Haha.

A Very Special Love ang title kasi wala lang. Si Katz talaga, ngayon ko lang napagtanto na kamukha niya si Sarah Geronimo. E si Allen kamukha ni John Lloyd. Asteeeeg. Nuod kayo ng pelikula nila.

Sa kababasa ko rin ng blog ni Pasianess, naengganyo akong gumawa na rin ng blind items dahil nabubulag na ako sa dami ng chismis na aking nakakalap. About mascians, upm people, blockmates o baka ikaw! Haha. Basta. Hehe. Nahawa na talaga ako kay PasiasuperHOTHOTHOT. NapakaBI talaga ni Pasiabeybs. So narito na ang ilan sa mga nakolekta kong chismax sa mga nakaraang linggo/araw. Pasensya marami today. Kasi naipon. Haha.

Mga Nakalap na Chismax gamit ang MATALAS kong mata:

  1. Sexy babe. Sino itong churvaloo gerlaloo na ito na dati ay inosente na ngayon ay daring na? Ang kanyang mga pananamit at pagkilos ay biglang naiba dahil lumakas daw ang ihip ng hangin at ang kanyang mga damit ay nahagip. Gamit ang aking mga spy skills, iba na talaga ang porma ng babaeng ito. nagsimula ata ito ng magkaroon na siya ng special someone. Ganoon ba 'yon? Hm.
  2. Juggers. Sino ang pair na ito na dati pang napapabalitang may something pero wala raw pero malagkit ang tingin sa isa't isa? Gamit muli ang aking spy skills, nagkita sila ng minsan para sa isang maliit na bagay lang, in short palusot lang ang dahilan ng kanilang pagkikita. Ang nais talaga nila ay magkausap silang dalawa. Noon pa man daw, noong may jugjug pa ang girl na tawagin nating si Tilapia, ang boy na tatawagin natin si Galunggong ay may gusto na sa kanya. Si Tilapia, ayon sa aking mga sources ay may pagkatwo timer dahil may jug na siya pero may something special sila ni Galunggong. Maging sila na kaya sa hinabahaba ng panahon?
  3. Anak ng Lupa. Sino itong gurong ito na werido talaga ang fashion style? Gamit ang aking matalas na mata, namataan ko siya kanina na nasa side ang ponytail ng buhok, naka panghiphop na tops, capri pants at nakarubber shoes, tila magbebreak dance. Ayon sa aking source, namataan naman niya ang asawa nito na ubod ng pangit daw na akala mo ay agta.
  4. Bad Hair Day. Sino naman ang babaeng ito na lalong nawalan ng ganda noong nagpagupit ng buhok? Noon pa man, hindi na siya ganoon kaganda. Pero naisipan niya siguro na gaganda siya sa pamamagitan ng pagpapagupit ng kanyang buhok. Hindi bagay sa hugis ng kanyang mukha ang bago niyang gupit. Sa pagtitig ko sa kanya, masasabi kong mas maganda siya dati. Pero parang mas confident ata siya ngayon sa kanyang mukha. Isa lang ang masasabi ko. Hindi ako confident.
  5. To be or not to be. Sino naman itong gerlalow na ito na ayaw pa umamin sa lihim na relasyon? Matagal ko na rin namang minamanmanan ang babaeng ito at ang kanyang kinakasamang lalaki. Pero si gerlalow na tatawagin nating Advil ay hindi umaamin sa kanilang nasasabing relasyon. Si boylalow naman na tatawagin nating Dolfenal, ay sunod ng sunod lagi sa kanya. Lagi silang magkasama. Minsan, may nakahuling magkahawak kamay sila. Ano nga ba ang totoo? Sa aming pagtatanong kay Advil kung ano nga ang totoong mayroon, wala siyang masagot kundi kaibigan lang daw. Pero sa tuwing may kasama si Advil na kaibigang lalaki, masama tumingin si Dolfenal sa kasamang lalaki ni Advil. Pagseselos ba ito o nastiff neck lang si Dolfenal?

Haha. 'yan lang muna. Good luck sa inyong mga hangarin sa buhay! Haha. Salamt Katz ulit sa araw na nagkasama muli tayo. Babush! :)


left at 1:34 AM

Saturday, July 26, 2008

Isa na namang blog entry galing sa magaling na kordoba. Literal na magaling na ako. Yahu. :) Ang saya saya. Nagising ako kaninang umaga ng umuulan. Sana umulan pa. Para walang pasok bukas. Yipee. Ayoko ng pumasok. Argh. School sucks, right?

Wala akong magawa. Ay, meron pala kaya nga ngayon na ako gumagawa ng blog entry e. Haha.

Blog. Naalala ko ang luma kong blog. Ang first time kong magblog. Etc. Ang una ko ay sa xanga. Parang project kasi sa comsci noong 3rd year. So gumawa ako at inupdate ko hanggang 4th year. Tapos nagblogspot ako. Sa blogspot ko naipagpatuloy ang mga blog entries ko. 1 taon din ako dun. Nandun din ata ang link ko sa lumang blog. Hehe. Tapos nung college, tinry ko na magmultiply. Mas nagenjoy ako. Kaya dito na ako nagtatayp at kinocross post ko na lang sa 2 blog ko, sa blogspot at livejournal :) So ayun. Haha. Diyan nagsimula ang paggawa ko ng walang kwentang posts na dumadaloy mula sa neurons ng utak ko to my fingertips na siyang pumipindot sa keyboard. :)

Tanong nga, natutuwa ba kayo sa blog ko? Pasensya na kapag galit ako. May pinatatamaan minsan. Minsan talagang binabanggit ko ang name. Tapos ayun mumurahin ko. Etc. Minsan naman pinagsusulat ko rito ang napapansin ko sa paligid. Pasensya na ah. Haha. At siguro, wala ring pakialamanan kasi blog ko to. Pero mahirap maiwasan kapag nakakasakit ka na ng iba. Kahit sabihin mo pa na private blog to, open pa rin to sa public kaya hindi lang ikaw ang nakababasa. Kahit opinion mo iyon, kailangang intindihin mo rin ang mga taong pwedeng makabasa ng entry mo. Mga ganung bagay.

BTW, si *toot* pala ay may boypren na. Hindi ko lubusang maisip na kamukha rin ni *ehem* ang magiging boypren niya. Haha. Kaya pala. Ang pangit nung guy ah. Kawawa si *toot*. Maganda pa naman. Hehe. Kilala na ito ng mga madalas kong kausap.

Comment ko lang sa issue na iyan (walang pakialamanan haha, 'di niyo naman kilala kung sino sila e) masaya naman sila kaso talaga, ampangit nung lalaki. Haha. Kung sabagay hindi lang naman physical features ang basehan. Pero siyempre kahit anong gawin mo, kasama pa rin 'yon! Haha. :D

Gusto niyo pa ba ng chismis? Haaaaauuuum. Haum. Haum. Confirmed na! Haha. Basta. Confirmed na. Dalawa 'to. Haha. Wala na akong maisulat. Pagpasensyahan mo na.

Sa mga may natitira pang SSP next sem, kumuha kayo ng SocSci2. Maganda siya in fairness. Gusto ko ang mga discussion. Nakatutuwang isipin na may mga tao palang kapareho kong mag-isip. Alam niyo naman ako bigla na lang napapaSocsci or Psych. Haha. Mala V3 ang dating. Pero mas malala siya sa akin. Tama ba ang balita ko? Sinabi niya na hindi na planet ang JUPITER. How engotski. Pluto po ang hindi na planet, hindi Jupiter. Hay. Kawawang V3.

O siya, 'yan lang muna. Nitatamad na akong magtype. :)


left at 7:38 PM


So. Wala na ang lagnat ko. Whoo. Pero eto naman si legs. Super craaaaaaaaaaamps! Gusto ko ng Alaxan. Theba sabi ni Manny Pacquiao, ang cramps ay parang nagkapilipit ng muscles? Ganoon ang feeling ng both legs ko. Waa. Bawal sila mastretch. Huhu. Sasakit sila. :( 'yong right leg ko ngayon, 'yong muscles niya parang tinutupi. Argh! Ansakit. XD

Btw, speaking of illnesses, ang bukol ko sa kaliwang mata ay hindi pa rin nawawala. Waa. Ano ba 'to! Pugad ba ako ng sakit? Ilang buwan na rin 'to e. May ganto dati ako sa tuhod, nawala. Napunta sa kilikili, nawala. Napunta sa tenga, nawala. Ngayon sa mata? Medyo nakakatakot nga e. E kasi naman theba, baka cancerous na 'to or whatever. gusto ko na siyang mawala. Pero after ko na lang magpaturok for hepa. Baka hindi ko pa matapos 'yong sa Hepa thingy pag pinatingin ko 'to. Waa. :(

Isa pa pala. Bulag na ata ang left eye ng lola ko. Glaucoma ang sakit. Hay. Pero partang opk lang kasi matanda na naman siya. At makulit. Hay.

Good luck pala sa mga magtetest ng Math74. Waa. Mag-aral kayong mabuti ah! :)

Nagtext pala si David kanina. Nagpapasalamat. Well, you're welcome sir! Hehe.

Walang nangyaring ispesyal ngayon. Natapos ko na ang The Client. I can say na maganda siya pero ang simple lang. Pinahaba pa ang istorya kung ipapaalam din pala niya sa kinauukulan ang nalalaman niya. Wala lang. Hehe. 'di siya ganoon kaganda for me pero I'll rate it as 4 stars. Gusto kong basahin 'yong Good Earth. Sorry Steph. Ayoko pa talagang basahin 'yong the Turning. Hehe. :) Kaya The Good Earth na lang. Napakahuli ko na 'no? halos lahat ng kakilala ko nabasa na ang TGE samantalang ako. Whoo. Nakakadiri na talaga ako. :(

Ano pa ba? Wala na akong maikwento. Kawawang bata. :( Pasensya na sa mga entries kong walang katuturan at mahirap intindihin ah. :D Hehe. Pasensya na. Haha.

Natutuwa ako kay Jason Mraz lately. Walanghiyang I'm Yours at Lucky kasi 'yan. Waaaaaaaaaa. Ang hirap talagang maLSS sa isang kanta. :(

Magawa ngang entry ender ang I'm Yours. Babush na! :)

Well, you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted'
I fell right through the cracks
Now I'm trying to get back
Before the cool done run out I'll be giving it my bestest
And nothing's going to stop me but divine intervention
I reckon it's again my turn
To win some or learn some
But I won't hesitate, no more, no more
It cannot wait
I'm yours
Mmmhmm mhmm (hey hey hey)
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you're free
Look into your heart and you'll find love love love love
Listen to the music of the moment people dance and sing
We're just one big family
And it's our god-forsaken right to be loved love love love loved
So I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I'm yours
(scat)
Won't you scooch on over closer dear, and I will nibble your ear
Whooaa whooa whoa whoa whoa
I've been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
But my breath fogged up the glass
So I drew a new face and I laughed
I guess what I'ma sayin is there ain't no other reason
To rid yourself of vanities and just go with the seasons
It's what we aim to do
Our name is our virtue
But I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm yours
[Option 1]
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you're free
Look into your heart and you'll find the sky is yours
So please don't, please don't, please don't
There's no need to complicate
Cause our time is short
This oh, this oh, this is our fate
I'm yours!
[Option 2]
I won't hesitate no more, no more
It cannot wait I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
This is our fate
I'm yours!


left at 6:04 AM

Friday, July 25, 2008

Wala ng pusoy dos. Pinagalitan kami kanina.

Pero dahil adik kami ng aking ever loving friend na si Steph, tinuruan namin sila magMagic. Oo, tama ang pagkakarinig mo. Magic. Haha. As in 'yong nilalaro sa Masci. :)

Magic. Namiss ko ang larong ito. Super. Kaya ngayon, naaadik na naman ako.Kami. Haha. Naku. Ang top adiktus ay sina Josh, Claudz at Ja. Super nakakaadik magmagic. Ika nga ni Joss, "May ganito pala e, bakit pa nagpupusoy tayo?" Haha. Asteeeg. So ayun. Magic ang bagong kinaaadikan ng block. :)

And I'm happy. Napasa ko ang first dep ng Org Chem. Pasado at pasok sa exemption. Ang saya. Alam niyo bang nakatulog ako ng 3 beses sa test? Hindi na pala bago 'yon. Pero natutuwa talaga ako at nakapasa ako. :) Achievement kumbaga.

Kaso, nagkasakit ako kanina. Kahit ngayon naman e. Super. Nanghina ako. Lalo na sa lab. So natulog lang ako sa sulok. Sila gumawa ng experiment at naka plus 3 kami. Ang saya. Sorry Steph, kath, Mao, Vina. Masakit talaga katawan ko kanina at super sakit ng ulo. Grabe. Hindi ako makapag-ingay kanina. Antamlaytamlayko. Waa.

Ano pa ba? Hm. Wala pala akong test sa math74. HAYNAKO. Sana makuha ko siya next sem. At sana pwedeng AH ang HS 25. Gusto ko iyon. Para 1.25 na agad ako. Mahal ko naman si Devora e. :)

Nagbabasa na rin pala ako ng The Client today. Sana matapos ko na. Kay poor ko na talaga. :| Para matapos ko na ang sandamakmak na babasahin.

O siya, yan lang muna. Sakit na ng katawan ko. Babush!

PS. Pasensya wala pa rin yung pics nung beerday ko. Anak ng tilapiang bilasa, 'di ko pa rin sila naaayos. Sorry talaga.


left at 3:23 AM

Thursday, July 24, 2008

Sumusobra na ang katamaran ko. Sobra na. Nakakaasar na.

Mga signs na super tamad ko na:

Mukhang babagsak pa ako sa Bio kasi 'yong score ko kanina hindi pang UP. Pang lower forms of living things. Hay. Kaybobo ko ba o kay tamad? Siguro tamad lag. Wala nga thebang taong bobo. Nahihirapan kasi ako maging GC. Kapag nagpakaGC ka at mababa makukuha mo, maguguilty ka. Masakit sa loob. Kasi inaral mo tapos babagsak ka lang?

Actually nag-aral ako. Pero hindi 'yong tinest. Wala akong kaalamalam na iyon ang itetest. I hate myself. Hay.

Ang boring ng araw na ito. Nahirapan ako sa Free Buddy Diagram. Nakatulog sa Chem18 at nagkaroon ng exercise. Nagtest sa bio. Lahat diyan may exercise, seatwork at test. At lahat yun magkakalapit ang scores. Grabe. Whoo. Makakabawi pa siguro ako.

Bukas na rin pala ang resulta ng Organic Chemistry. So naman. Eto naman. Malulungkot na naman ba ako? Malulungkot nga siguro. Haaaay. 'yong pinakamababa ko sa mga nakaraang dep ex ay *toot*. Hindi pa naman siya bagsak. Eto naman. Waa. Ang Organic Chemistry. UNANG DEP, MUKHANG BAGSAK AKO. Kadiri talaga. Pero hindi ko masisisi sarili ko. Nag-aral ako at lahat ng kumuha ng test nahirapan. So baka mahirap talaga. Bukas na lang magkakaalaman.

May proposed block shirt sina Herra at Josh. Haha. Biochem07. Tama ba? Tapos may picture ng isang emong bata(lalaki) at nagdrawing si Josh ng girl version. Kulot, men! So ako yun. Haha. Pero mas kyut ako dun. Mukha akong may uhog na kulay red. YAK. Pero kyut inpernes. Dahil ako yun. HAHA. Labyu Josh. :)

Nga pala. Naaadik na ulit talaga ang block sa pusoy. Yeboi. Haha. Impluwensiya ng burpday ko. Haha. Nakakatuwa. Wala lang.

At buo na ang bagong cornmasters at gagawin na namin ang bagong pinagplanuhang tshirt. Wala na ang mukha ni Marc kasi hindi na siya pumapasok. I can say na patay na siya. Oo. Patay na siguro yun. O out of school youth na o.. Wag na nating sabihin. Baka ako pa ang mamatay. HAHA. :) So ang bagong cornmasters, new and improved ay siyempre ako, Katkat, Joyjoy, Pipi at Jaja. Whee. Aylabyuguys. Itaguyod ang karapatan ng bawat korning mamamayang Pilipinow! :)

Kanina pala sa lib kaya 'di ako nakapagrebyu ng maayos nangulit sina Josha at Nikko. Nagrereklamo pa si Nikko na kinuha na ng mga org ang Pillars na kanilang tirahan na ata. Haha. Ayun. Makikita mo sa mukha niya na galit siya. Haha. Palayasin daw ba ang mga org? Haha. Basta natatawa ako sa kanya sa pag defend niya at paggamit ng kanyang karapatan bilang mamamayang pilipino. Haha.

Ayun. Basta depressed ako. Haha. O siya gagawa na ako ng schematic. Babay na. :)

PS.

BIOLOGY REALLY SUCKS.


left at 3:55 AM

Wednesday, July 23, 2008

Sa lahat ng dumalo salamat. Sobra. :)

Pinasaya ninyo ako sa aking kaarawan. Salamat din sa mga regalong inyong ibinigay. Ako ay natuwa ng lubusan.

Aylabyu ol.

Bukas ko na ipopost ang mga pics. :)


left at 3:19 AM


Dapat matagal ko ng naipost ang mga pangyayaring ito kaso sa hindi ko alam na kadahilanan, ngayon na lang ako nagkaroon ng pagkakataong magblog. Marami akong dapat isusulat ngunit tila'y napakarami ko ng nakalimutan.

Noong Monday. Waa. Nakakaiyak ito. Binigyan ako ni Ginoong Alexis Villaflor ng inaasam asam kong cd ni Jason Mraz. Haller? Ang mahal kaya non! At isipin mo, former teacher ko ang nagbigay. At sabi ko "How can I repay you?", sabi niya... "No repay.." Waa. SALAMAT SIR X! Like super. Pero wala pa rin ang buko pandan ko. Hehe. :)

Ano pa ba? Ugh. Wala namang nangyaring significant nung Monday. Ay meron. Naadik muli ang block sa PUSOY. Courtesy of Josha, Nikko, Pasia, Ruth and Mr. Gem. :)

Tuesday. Haha. Wawawillie! At patuloy sa pagsikat ang kanta ko na Gumbeelicious with the Gumbee move.. Whoo. Super nakakaadik siya. Haha. Nung Tuesday magkatabi kami Josh. Tahimik ang paligid. Bigla akong may narining. "I don't think you're ready for my Gumbee.." kumakanta si Joshiebeybs! GAAAAHD. Haha. Nakakaadik na talaga. Like super. :)

Eto ang ilan sa mga lyrics este ang ginagawa ni Gumbs bago magtransform bilang shuttlecock. :)

*Gumbee move*

I don't think you're ready for my Gumbee.. 2x

I dont think you're ready for this

'Cause my body's too GUMBEElicious for ya BABE

MARC, can you handle this.

EVAN, can you handle this.

MAO, can you handle this.

I don't think you can handle this, whoo!

*Mitotic Division Move*

Prophase, Metaphase, Anaphase, Telophase...

SHUTTLECOCK!

Haha. 'yan ang Gumbee move. Wala. Nag Wowowee nga lang kami sa bio. Sabayan mo pa ng field trip sa halamanan ng CAS. At nagwala rin pala sa lab. Haha. At dapat sasabay ako kina Api manood ng dark knight e pinagalitan ako dahil may test daw ako kinabukasan. Duh.

Nagbasa ako ng The Republic at ako ay nahilo at nakatulog. Paggising nakipagaway pa kina Tita. Eeeee. Nakakaantok naman talaga si The Republic e. Amp. So ayun. Badminton mode at nakilala ko sina Pulot Girls, Pulot Boys, My Friend at mga kamag-anak ni Gumbee. :)

At nagSocSci2. Haha. WALA PALANG GRADED RECITATION. Pabasa basa pa ako. Nakakaantok si Taguibao. Alam niyo bang ang ulo ko ay nakadikit sa dingding at ako'y napapikit. Pagdilat ni mata iba na ang nakasulat sa board! Nakatulog na pala ako for 1 hour. Hindi ko namalayan. Hay.

Maaga kami pinalabas at ako ay nagtext kay Tita na manuod kami ng Dark Knight ngayon. Nalaman ko na mas mura pa ang slices na 2 for 49 kaysa bumili ka ng isang buong pizza. Isang buong pizza kasi 365. At per slice aabot lang ng 196 pesos. Asteeg no?

Sobrang nagandahan ako sa Dark Knight. Masasabi kong hindi siya pambata pero ang ganda. Sayang si Heath Ledger. Sobrang galing niyang umarte. Sobra. Basta maganda ang story, medyo malalim hindi pambatang predictable etc. Ang ganda niya talaga. Kahanay na siya ng The Prestige. One of the best films ever made, yet. Galing talaga. Ay! Pareho palang nasa palabas na iyan(yang dalawang yan) si Christian Bale! AylabChristianBale. Magaling din siya sa The Machinist e. Haha. Hay nako. Andami ko talagang nalalaman ukol sa mga movies ek ek. Nangangain ako ng mga pelikula e. Waa. Addict kasi ako.

Ang title ng entry na ito ay ukol kay Sir Villaflor so mag-aalay muna ako ng kaunting pangungusap ukol sa kanya.

Si Sir Villaflor aka Sir X, ang aking guro sa Math17 nuong unang semestre noong nasa unang taon pa lamang ako. Pinasa niya ako. Haha. Una siyang nagtext noong nahanap ko ang friendster niya at nagcomment ako ukol sa pagpasa ko sa subject niya. Tawag niya sa akin nuon "Pauline" Haha. Ayun.

After ng sem na iyon, lagi ko na siyang nakakatext at nakakakwentuhan. masarap siyang kausap. Masasabi ko na isa na siyang kaibigan, hindi lang bilang guro. Madali siyang lapitan. Naks.

Hindi ko na siya naging guro ulit at malabo ng maging guro pa pero blessed ako at nagkaroon ako ng guro/kaibigan na tulad niya! Go Kor noodles! :) Go Lexvill!

Mahaba na ata. Haha. Bukas na lang ulit. :)


left at 2:51 AM

Sunday, July 20, 2008




What Stephanie Pauline Sy Cordova Means

http://www.blogthingsimages.com/whatsyournameshiddenmeaningquiz/name.gif" height="100" width="100">


You are the total package - suave, sexy, smart, and strong.

You have the whole world under your spell, and you can influence almost everyone you know.

You don't always resist your urges to crush the weak. Just remember, they don't have as much going for them as you do.



You are a seeker. You often find yourself restless - and you have a lot of questions about life.

You tend to travel often, to fairly random locations. You're most comfortable when you're far away from home.

You are quite passionate and easily tempted. Your impulses sometimes get you into trouble.



You are friendly, charming, and warm. You get along with almost everyone.

You work hard not to rock the boat. Your easy going attitude brings people together.

At times, you can be a little flaky and irresponsible. But for the important things, you pull it together.



You are influential and persuasive. You tend to have a lot of power over people.

Generally, you use your powers for good. You excel at solving other people's problems.

Occasionally, you do get a little selfish and persuade people to do things that are only in your interest.



You are truly an original person. You have amazing ideas, and the power to carry them out.

Success comes rather easily for you... especially in business and academia.

Some people find you to be selfish and a bit overbearing. You're a strong person.



You are usually the best at everything ... you strive for perfection.

You are confident, authoritative, and aggressive.

You have the classic "Type A" personality.



You are very intuitive and wise. You understand the world better than most people.

You also have a very active imagination. You often get carried away with your thoughts.

You are prone to a little paranoia and jealousy. You sometimes go overboard in interpreting signals.



You tend to be pretty tightly wound. It's easy to get you excited... which can be a good or bad thing.

You have a lot of enthusiasm, but it fades rather quickly. You don't stick with any one thing for very long.

You have the drive to accomplish a lot in a short amount of time. Your biggest problem is making sure you finish the projects you start.















You are a very lucky person. Things just always seem to go your way.

And because you're so lucky, you don't really have a lot of worries. You just hope for the best in life.

You're sometimes a little guilty of being greedy. Spread your luck around a little to people who need it.



You are relaxed, chill, and very likely to go with the flow.

You are light hearted and accepting. You don't get worked up easily.

Well adjusted and incredibly happy, many people wonder what your secret to life is.



















You are a free spirit, and you resent anyone who tries to fence you in.

You are unpredictable, adventurous, and always a little surprising.

You may miss out by not settling down, but you're too busy having fun to care.



You are very open. You communicate well, and you connect with other people easily.

You are a naturally creative person. Ideas just flow from your mind.

A true chameleon, you are many things at different points in your life. You are very adaptable.



You are well rounded, with a complete perspective on life.

You are solid and dependable. You are loyal, and people can count on you.

At times, you can be a bit too serious. You tend to put too much pressure on yourself.



You are wild, crazy, and a huge rebel. You're always up to something.

You have a ton of energy, and most people can't handle you. You're very intense.

You definitely are a handful, and you're likely to get in trouble. But your kind of trouble is a lot of fun.



You are balanced, orderly, and organized. You like your ducks in a row.

You are powerful and competent, especially in the workplace.

People can see you as stubborn and headstrong. You definitely have a dominant personality.







You are very hyper. You never slow down, even when it's killing you.

You're the type of person who can be a workaholic during the day... and still have the energy to party all night.

Your energy is definitely a magnet for those around you. People are addicted to your vibe.

What's">http://www.blogthings.com/whatsyournameshiddenmeaningquiz/">What's Your Name's Hidden Meaning?

http://www.oneplusyou.com/bb/cadaver" style="color: #fff; text-decoration: none; display: block; width: 395px; height: 184px; padding-top: 121px; background: url(http://www.oneplusyou.com/q/img/bb_badges/cadaver.jpg) no-repeat; font-family: Arial, sans-serif; font-size: 24px; text-align: center;">$4980.00The Cadaver Calculator - Find out how much your body is worth.

OnePlusYou">http://www.oneplusyou.com/q">OnePlusYou Quizzes and Widgets


left at 6:33 AM


Whoo. Haha. Natapos na rin ang birthday ko. Alam niyo ba na ito ang pinakamasaya kong birthday bash so far? Haha. Super saya ko talaga. :D Haha. Salamat sa lahat ng dumalo.

Stephatuts, Vina, May, Maray, Roxanne, Ja, Api, Andrea, DANETTE THE EXPLORER, shuttlecock, Jamie, Aika, Mao, Claudine, Yanna, Herra, Joshibeybs, Lorena, Ruth, Nikko, Jallen, Stefen, Petut, Roemel, Sarah, Karen, Thea, Ralph. Miguel, Esther, JONAS CURA. Kung wala kayo rito, pakisabi na lamang.

Salamat blockmates sa MONOPOLY. Alam niyo namang antagal ko ng pinagnanasahan iyon. Sobrang saya ako at binilhan niyo ako. PaSoEn SoEn pa kayo diyan. Ang recipe pala ni tahong ay sikret sabi ni ina. :)

Salamat Chicomm sa cake. Favorite ko ang black forest. Super thank you. Mahal na mahal ko talaga kayo. Akala ko 'di kayo makakarating. :] Andrea, sana napasaya kita. Don't be sad na ah. :) Daneydaexploler. :D Haha. Aylabyudaney. :) Gumbee, please, huwag mo na akong kagatin. Yuck yuck yuck ka talaga.

Salamat Ruth(blue), Nikko(green), Jallen(black) and Josha(red) sa pilot tetracolor. Next year rotring na. Sayang 'di nakasama si Pare. Pero at least dumating kayo. Waa. Daddy ang galing mo talaga! AT sa wakas! Naconfirm na rin namin ang chismax. At salamat Jallen sa super HOT HOT HOTness mo. :) (Don't worry Ruthie, macho ka naman e.:D)

Salamat Thea, Sarah and Ralph sa cake. Sayang si Thea at Ralph, hindi nagtagal.

Salamat Petut at nag-abala ka pa sa akin. Alam mo bang matagal ko na ring pinagnanasahan iyon?

Salamat Roemel sa regalo mo. NICE.

Salamat Mileng sa bag. Pinagnanasahan ko rin iyon. Yey!

Salamat Tita at Ayie sa Rubik's. Yey! Nagkaroon na rin ako sa wakas!

Salamat Sir X sa album ni Jason Mraz. Whee. Aylabyu sir. :)

Well bago ang lahat, nagtest muna kami sa org chem at bago magtest nadulas pa ako at tumama yung likod ko sa edge. Hanggang ngayon masakit pa rin. Grabe! Siguro mga 2 minutes pa akong nakahiga bago tuluyang napatayo sa sakit. Haaaay. At 5 na kaming cornmasters! Si Ja ang neophyte ng CM. AylabJA. Somuch. :)

Ayun. Nagdugo utak ko sa test. Sa sobrang hirap, super hula na kami. :( Nakakaiyak nga e. Super. :(( Naiiyak ako. Ayoko na ngang banggitin pa. WAA. :|

Diretso na kami sa bahay. :) Tapos nagjeep pala sina Vina at Joshibeybs dahil sa ayaw nilang pabukas ang aking minamahal na Monopoly sa LRT. Aylabdem talagaaaaaa. Tapos eto namang si Aika, akala ko mayroong period talaga at nangangailangang bumili pa talaga ng napkin sa SM. Yun pala bibili sila ng cake. :) Thanks talaga ah.

Tapos nagulat ako ng bumili si Tita ng beer. I hate beer. I hate alcoholic beverages. At anlakas uminom ni Api dear! Sobra. tapos si Jonas nagwala. Si Miguel super kanta pa. Haha. Super saya talaga. Sumakit lalamunan ko sa kakatawa. :)) At kakasigaw. Haha. Super ganda ng boses ni Api. Waa. Haha. At si Stefen pakantakanta na lang din. Haha.

Ayun. So masaya talaga. Lalo na ang pusoy dos tournament. First time maglaro ni Josh pero naka 1st runner up siya. Si Daddy Nikko naman ang CHAMPION! Asteeeg sila ni Ruth. Naglaban sila. Si Pasia na super HOT HOT HOT lang talaga ang wala. Haha. Loooooser. Joke lang Pasiabeybs. :D Ang galing. Binigyan ko sila ng isang deck (na sana ireregalo ko kay bestfriend noong pasko) with my autograph. Asteeeeeeg. :)

Ano pa ba? Nagmonopoly kami magdamag. Kumain ng kumain. Haha. At 'di kami natulog ni Vina dahil sa monopoly. Badtrip lang me kasi si VINA hindi sinabi sa akin na magoovernight si JOSHIBEYBS. Sana napigilan ko pa siya. :(

Basta. Super saya niya. Hindi ko talaga ineexpect na ganuon kasaya ang magiging birthday bash ko. Haha. The best siya so far. tapos ang mga dumalo ay ang mga minamahal kong blockmates at super dami nila kaya super natuwa ako. Haaaay. Kaysaya ng buhay.

O siya. Try ko namang magupload ng pics. :)

PS. Salamat talaga sa lahat. :)


left at 2:53 AM

Friday, July 18, 2008

Birthday ko na bukas. At organic chem test na rin. Pero keri 'yan. :)

Kasalukuyang nagdodrawing ng mga resonance structures ng maisipan kong magOL. Haha. Sana masaya bukas. :) Blockmates, ComSci people, MaSci friends. :) Ansaya nito. :D

Ang mga mahal ko sa buhay ay lahat darating bukas. Pero isang matinding pagsubok ang kailangan kong harapin bago matamasa ang rurok ng tagumpay at kasiyahan na dulot ng aking kaarawan.

16 na ako. Sa wakas. Tumatanda na. lagi na lang kasi akong bata. :( Haha. Ok lang 'yan. Please wish me luck tomorrow. MAHIRAP daw e. Pero kakayanin. Lagi naman e.

Nadepress ako kanina ng sobra. Haay. Basta. Sikret na kung bakit. Kay bobo ko kasi. :(

O siya. Babush. :)


left at 3:24 AM

Thursday, July 17, 2008

Second post for the day. Promise after nito lalayas na ako sa mukha ng pc.

Nabasa ko ang blog ni Kath kanina. Hay. Napakainsensitive ko talaga. Well. Alam niyo na iyon. Parang palengkera ang bibig. May pagkaburaot. Out of control.

Minsan talaga, hindi ko mapigilan chumismis, magtanong, mamansin. Alam mo 'yon? 'yong isang bagay na sana sa loob loob mo na lang pinag-iisipan, pinagrtatawanan pero imbis na pag-isipan mo, naisisiwalat so ma sangkatauhan? Hay. Talagang minsan mahirapa kong pigilan. Once I started it at parang naengganyo ang tao sa kung ano man ang sinabi ko, go go go na ako not thinking of the consequences. Maiisip ko na lang iyon kapag may nakapagsabi sa akin na tumigil na. Pero minsan 'di pa rin e. Matagal bago ko marealize na mali ako. Matagal. Sobrang tagal.

Iniiwasan ko at times. As in iniisip ko pagbangon ko na sana this day would be different. 'yong parang ang mga ginagawa ko ay taliwas sa nakasanayan ko na at nakasanayan na ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero ayun, kapag nalalapit sa tsismisan or parang nadarama na ng mga tao na iba ako that day, they'll start asking questions. Ok ka lang ba etc etc. So ako naman, back to my old self. Hay. Yan palagi ang nagyayari. Wala ring nagbabago sa akin. Takot maiba ang reputasyon kumbaga.

Hay. Ayun lang. Hirap talaga. Buti yung iba madaling magbago. madaling irenew ang sarili nila. Ako kasi, idaan pa sa sobrang daming counseling, ipapsychoanalyze mo pa kung trip mo, ipakausap sa isang psychologist, may tendency akong sumagot ng iba sa totoo kong naiisip nararamdaman. Kaya ayun. mahirap talaga. Mukhang okay ako pero sa totoo lang pinagmumukha ko lang okay ang sarili ko dahil ginagawa ko ang "normal" behavior ng isang tao. Hindi ko ipnakikita ang flaws ko pero alam ko namang lumalabas din yun. Ay basta. Humahaba na. Baka bigla na lang akong magSocSci rito or magPsychology. Hay.

Inconsistent ang pinagsasabi ko. Random thoughts na naman kasi. magulo talaga ako. Weirdo. At mukhang sumusobra na ang pagiging insenstitive ko. Hay. Mawala na sana nag insensitivity na ito. Baka maipahamak pa ako.

Hay.


left at 3:04 AM


Haha. Wala lang. Para naman magcomment si Faye maylabs sa akin. :))

Bago ang lahat. Natuwa ako sa fact na kahit antamad tamad ko mag-aral, naabot ko ang exemption grade, which is 70% in Bio. Haha. Sabi ko nga kay Api, huwag na lang mag-aral, gumaya sa akin para naman pumasa siya. Unfortunately, kahit super aral siya kasi, he didn't make it. Sa susunod Api, tataasan pa natin.

Isa pa pala, habang tumatakbo si Sir X sa klase niya na kinabibilangan nila Ruthie, pinasabi ko kasy Sir na iremind sina Ruthie dun sa regalo kong album ni Jason Mraz. Aba naman si Sir! Inako! Siya na raw bibili ng gift na iyon. Ibang gift na lang daw ang ipabili ko sa comsci people. Waa. Asteeeg. mahal ko talaga si DAVID. Haha. Plus buko pandam pa and kor noodles.

So ayun. Walang kwentang araw. Wala dahil natulog lang ako sa chem18 at hay, as usual, 'di ko feel ang Bio. So wala talagang kwenta araw ko ng biglang nakita ko si FAYE at sinigawan niya ako ng happy birthday.

Si Faye ang nagbigay liwanag sa walang kwenta kong araw. :)

Si Faye. Nakilala ko sa CWTS. Parehas kaming OB. Kasama rin namin si Bb. Jennifer Ong at Bb. Vina VARINA Zaldua sa OB section. Ilang linggo rin kaming nagsulat dun ng mga pangalan ng taong may myoma, buntis etc. Si Bb. Ong ay minsanan ko lamang makita ngunit si faye ay palagi. Duon kami nagkakilala.

(Andrama no.) Ayun, lagi namin siyang kasama ni Vina. Inaasar ko siya palagi kay WRAPPI. Haha. At naaasar siya. Tinetext ko siya palagi lalo na kapag unli ako tapos nagrereply siya kahit di siya unli. At sinabi niya sa akin noon, "Ikaw lang ba may karapatang mag-unli?" dahil nagulat ako isang araw dahil nagtext siya. :))

Kinuha ko YM id niya at lagi ko siyang kinukulit sa YM lalo na kapag nagkacram na siya. At ako rin nangungulit rin siya minsan. Lagi ko rin siyang kinukulit kapag nakikita ko siya sa school. Kalabteam este kalabpartner ni raw ang pinakaGWAPONG lalaki sa balat ng DPSM na si Ginoong Jallen (Gasgas na kasi apelyido niya.).Naniniwala din si Faye sa mga sinasabi ni Ginoong Jallen tungkol sa mga bagay bagay. Hindi sila tao, hindi rin hayop. Bagay sila 'no? Haha. Wag pala. Nasisira ang dignidad ni Faye.

Ayan. Si Faye pala ay magaling magdrawing(Binigyan niya ako ng artwork niya kanina..) At ako ngayo'y nahuhumaling sa kanyang SKILL. Nakakaadik, nakakasabik. :)

Kapag nahanap ko ang hahanapin ko para sa iyo, isesend ko agad.

Iyan si Fidelis Juinio, lose kami. Layo ng PEY sa Fidelis no? Sana Fi na lang as in ang pagbigkas ay as is. Or Fifi. Pwede ring Fay. Pwede ring Deli. Or Lisa? Or lissi. Or marami e. Haha.

Faye. Hihintayin ko ang panali sa buhok ni Wrappi.

Wala na akong maisulat. Tungkol nga kay Faye ang entry na 'to theba? Haha.

Baboosh na. Aral pa ako ng Org Chem. :)

PS.

Aylabyu Fifi. :)


left at 1:53 AM

Wednesday, July 16, 2008

Ang tamad ko ngayon araw. Pero dahil may kasipagan din, naisipang pumasok kahit baha sa Tayuman, Avenida at Taft. Nilusong ko lahat 'yan para magROB. Oo, tama ang nabasa ninyo, magROB. Kasi naman, wala palang P.E.. Papasokpasok pa ako. Kung sabagay, last week hindi ako nag SocSci2. Ngayon lang. At amboooring talaga ng Socsci2. Natulog lamang akow. Haaay. Nakakabweseeeet. Next week graded recitation.

Hindi 'yan ang pakay ko sa post na ito. Naaasar ako kay Sir Villarante kasi binago pa ang oras at araw ng test sa Org. Chem. Sa JULY19 na! SA araw ng birthday ko. Nakakairitaaaa. Paano na 'yan! Kaunting blockmates lamang ang makapupunta. Nakakaiyak. Huhu. Gusto ko pa naman buo ang block. At gusto ko ang mahabang panahon kapiling sila. Haaaay.(Hindi ba ako nagsasawa?)

Trivia: Pareho kaming iPod ni *toot* at pareho pa ng silicone case. Meant to be? Wowowee? Haha. Alam niyo naman kung gaano 'yon naiinis sa akin. Haha. Kung gustong malaman kung sino, iPM ako. Haha.

Nga pala, nakakaasar din ang LRC. 9 pages, 20PESOS? Grabe. Kapal ng mukha. Mas mura pa magpaphotox. iniisip ko na lang kailangan nila ang tubo run para mapaayos ang mga computers ng LRC at para makatulong sa mga nangangailangan. Naks. Anlalim. Pero sa totoo lang, kurakot talaga sila. Pero theba, think positive, :D Haha.

Nakakaasar gusto ko talagang magmaaaath. Hindi dahil sobrang miss ko na siya, kasi magiging one year delayed ako kapag 'di ko pa siya makuha next sem. GAHD. Huhuhuhuhu. :( KAILANGAN KITA MATH74. Naiinggit talaga ako sa nagmamath74.

Hay. Anlamig na naman. Mukhang matutulog lang ulit ako mamaya, unfortunately. Huhuhuhu. Sana naman makapag-aral naman ako.

Tumutugtog ang As Long As You Love Me sa aking iPod ngayon.

Wala na akong masabi.

Tuwa pala ako kaninang SocSci kahit natulog ako. Asteeeg. Sana nagPolSci na lang ako or BehSci. Haha.

Love thy neighbor.

Regalo ko ah. :)

Baboooosh. :)

PS. Sana ok ang resulta ng test ko sa Bio at Chem18 bukas. *fingers crossed*


left at 3:13 AM

Monday, July 14, 2008

Eto na naman ako. Gagawa ng entry na puno ng walng katuturan at puro chismis at kasiraan ng ibang tao. Pasensya na. :|

Walanghiyang Bio10 'yon. Kung ano ano pang pinagrereview ko, super broad nung test at wala duon lahat ng minemorize ko. Ayaw kong sabihing madali pero mas madali siya sa iniisip kong test. Mas madali nga siguro ang Bio pero ok na ang Biochem para sa akin. Kahit sa tuwing nageexam ako ng chem subjects natutuyot ang laman ng utak ko. Haha. At least enjoy naman ako kahit papaano.

Roxy babes. Hay. mukhang naasar ko siya kanina. Uber kulit ko kasi. Alam niyo naman ako. E nagrerebyu ang Roxy babes ko. Naasar tuloy. Hay. At may mga nakalap akong balita kanina. Kaso personal kaya ayokong ipost. Pero nakakatuwa. Nakakarelate ako. :)

Kay weirdo talaga ng Bio. Ewan ko ba roon. Natatakot naman ako sa para bukas. Kasi Move Test. First time kong gumalaw sa isang test. Mukhang nakakakaba siya. Tipong 2 minutes lang per question. 'di na naman carry ng makitid at maliit kong utak 'yon. Pero sana palaring pumasa. Hay. Kinakabahan na talaga ako. Ngayon pa lang.

Natatawa ako kanina. Nasa caf kami. Tapos umulan ng malakas. So ayun, bwoooosh, sabi nung hangin. Tapos nagprotesta kami at nagsigawan, "Brownout, BROWNOUT". Kapag kasi nagbrownout sa GAB, super dilim. Super dilim = WALANG TEST. So ang ingay namin. Ako si JAJnninekanin, Herrapalengkera, Apisalapi, Stephaniemaytigyawatangmani, Kathleenanlene, Joshiebeybs, RoxysexyGUMBEE, at Moikeltricycle. So ayun. Haha. Maya maya, basa na paa ko. Ika ni Herra. "Basa na paa ko!" Sabay sigaw kong "BINABAHA na TAYO!" Tawanan to the max kami sabay sa panonood ng mga lamesa at silyang hinahangin sa caf kung saan lahat ng tao ay tumunganga panandalian upang mapanuod ang kahindik hindik na pangyayaring ito. Haha. Lumipat kami sa lob ng GAB lobby kung saan may nakita kaming 6-inches long na hotdog at duon nagsiupuan. Napansin ko rin na sobrang OILY na rin ng mukha ni Joshiebeybs. Ok lang yan. Kyut naman siya e. At lahat ng tao mas kyut sa kanya.

Dumatin din sina Jesteen na kamukha ni Cogie Domingo na nagmutate ng dalwang beses, si Bathalang Spicy at si CHANDA ROMERO. Haha. Nag-ingay. Nakita si Mr, Neozep na nakasuot ng UP jacket na mukhang naggagaling sa ilalim ng lupa ang boses. Haha. Ansama ko na talaga.

Bio na at nagtest sila at ako ay natulog sa test as usual. Hindi na talaga mapigilan e. At ritual ko na 'yon para pumasa. :D Asteeeeeg. Tapos ayun. Wala talagang kwenta ang BIO. Para sa akin ah. Opinion ko to. Walang kokontra. Ang kumontra kamukha ni BJ. :D

Ang Chem 18 pa pala. Akala kom kasi ako lag ang bumagsak sa hinayupak na subject na iyan. Hindi lang pala ako. AT mukhang mas mataas na makukuha ko this sem. Sana nga. Hindi ako nagmamayabang. Inulit ko lang kasi akaya alam ko na ang pasikotsikot ng Chem18. *Kasalukuyang nakikinig ng You and I Both at kasalukuyan ding minamahal si Jason Mraz* Hay. Sana naman mataas na makuha ko para, wala lang, Inulit ko na nga singko pa. Napakakadiri ko naman 'yon. Sana ayos ang resulta bukas.

BTW, haaaay. Ewan ko ba. Nakiepal ako kasi kanina sa Math74 class nila. Eto na naman ako. Namimiss ko ang math, kasi sa math nageenjoy ako. 'di man nakakauno at least naeenjoy ko ang asignaturang iyon. HAAAY. Nakakamiss ang Math. Buhay 1st sem ko ay parang patay. Walang buhay dahil walang math.

Yak. Kung ano anong pinagsasabi ko. Dapat 'Random Thoughts' ang title ko. AY. Kanina ko lang nalaman na wala na sa UPM si Allister. Antanga ko talaga. Ang huli ko na sa balita. Hay.

Babay na. Sa susunod na lang muli. Lab test bukas sa bio. Labyuol. :)


left at 1:55 AM

Saturday, July 12, 2008

Tapos na rin ang kaunaunahang hell week sa buhay 2nd year 1st sem ko. Medyo okay naman. Mahirap pa rin siyempre pero alam kong mas mahirap ang sunod na dalawa kong test. GAHD. AS in super. Lecheng Bio10 'yan. SOBRANG dami ng PESTENG isasaulo. Gahd. Peste talaga ang Bio. Mas ok pa talaga ang Chem kahit mas mahirap. At least tinetest dito ang kagalingan mo sa pagaanalisa hindi sa kagalingan sa pagsasaulo. Argh-amino. Haha.

Ispiking of Argh-amino, ako na ang number one disciple na. Sinasamba ko siya bilang si Bathalang Spicy na finger lickin' kickin' GOD. Harhar. kaysaya ng buhay kasama ang aking sinasamba(Yak.) Si poging Andriandsome din pala. haha. Naasar na rin pala ata yun sa akin. Lakas ko kasing mang-asar. Gusto niya raw makita ang araw na tahimik ako. Haha. Huwag na niyang naisin pang dumating ang araw na iyon. Nakakatakot yun. Super. Haha. Naaalala ko tuloy yung incident kay Angkico. Haha. Nakakatakot ako nun. Gahd.

Wala. Ayokong bumagsak muli. Nakakatakot. Peste talaga. Haaaay. O siya. Magpiprint na pala ako. Hay. Buti na lang may continuous ink ang aming printer. Harhar. :D

Babay na.

PS. Gusto ko ng latest album ni Jason Mraaaaz. :| Mamahalin ko ng tunay ang magbibigay ng CD sa akin. Yeheeeey. :)


left at 4:53 AM

Friday, July 11, 2008

Panakaw na entry. Sumaglit sa madugong sagupaan ng organic chemistry at gen. chemistry 2. Waa. Nosebleed na ako. Sobra.

Nabasa ko kasi ang blog ni Kath kaya naisipang gumawa ng enty ukol roon.

Tama. Tama. Hindi lahat ng matalino sa paaralan ay nagsusucceed sa life. Minsan, sa sobrang talino, nagiging mapili sa mga oportunidad na inooffer sa kanila. Sa tingin kasi nila sobrang galing na nila at sila na ang pipili ng daan sa buhay na tatahakin nila. Life's a surprise, kaya kapag may inoffer sa iyo, huwag ka ng magdalawang isip pa. Baka magsisisi ka rin sa huli.

Oo, ethnocentric sila. Binibase nila sa sarili nilang kakayahan ang kakayahan ng iba, lalo na sa lebel ng utak nila. Sa katalinuhan. Pero, hindi ba't 'di lang 'yon ang basehan? Hirap talagang makipagsabayan sa mga taong ethnocentric. Marami pang aspeto ang buhay, hindi lang ang pagkakaroon ng matataas na grades.

Si Bill Gates, hindi tapos sa kanyang pag-aaral, pero tingnan mo, siya ang pinakamayaman na tao sa buong mundo. Si George W. Bush, may binagsak na subject nung bata siya, pero ngayon presidente na ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Nasa diskarte 'yan. Hindi sa PURE intelligence. Paano kung matalino ka tapos mahiyain naman? Sayang katalinuhan mo. Mabuti pa ang hindi ganun katalino, pero makapal ang mukha.

Ang aking ina, hindi ganoon katalino pero madiskarte kaya marami na siyang narating na ibang bansa. Ang aking Tita Liza, noong nag-aaral pa sila hindi siya ganoon katalino, pero masipag siya kaya sa lahat ng kanyang mga kabarkada, siya na ang umuunlad ngayon.

Nasa TAO 'yon. Wala 'yon sa katalinuhan. An ang katalinuhan kung hindi ka rin marunong gumamit? Hay.

Wala na akong masabi. Keri natin 'to. :)


left at 3:37 AM

Wednesday, July 09, 2008

Whoo. Maling akala. Maling akala. AKALA ko kasi ngayon 'yong nondept. :) Ayaaaan. Haha. Bukas pa pala. Kung sakaling ngayon 'yon, sayang kasi 5% ng grades namin 'yon.

Napagod pala ako sa PE kanina at nagdesisyon na ring hindi pumasok ng SocSci2 sa kadahilanang marami pa akong aaralin. 2 dep ex nga 'yon thebaaaa. So ayun.. Haha. Aral aral kahit 'di ko gawain 'yon.

Alam niyo bang bumalik na si iPod? Haha. At may kasama siyang 2 speaker. Isang maliit at isang medium. Nakakamiss ang mga kanta rito. :), I loooove my iPod. :)

Magpapagawa rin pala ako ng bagong ID bukas so kailangang pumasok ng maaga. :D So ayun lang. Wala na akong masabi.

Short post lang. Super kulang ang oras e. :|

Bye! :)


left at 2:06 AM

Monday, July 07, 2008

Naririto na naman ang koreana niyong kaibigan. Yo.

Sorry talaga at puro ako ang nasa inbox nyo sa multips. Donsha worry sa suturday na lang ulit ako mag-uupdate. Pasensya naaaa...

At ayon. 2 Dep ex ko this week at 3 the next. Gahd. Nakakaawa ako. :( Maawa nama kayo kay korean friend! Nakakainis. Andami ko pang di nagegets kay Sir Villarante. GRABE. Naku, nakakairita siya magturo. At magdodrawing rin pala ako para sa aking bio lab, not to mention the fact na kulang pa si Physics lab manual. Life's so cruel. DPSM is cruel. DPSM is my life. Ano raw? Haha. Basta. Cram cram cram.

BTW, haha. Mukhang maaasar ang BCS sa pinagsusulat ko sa aking application form pati sa application form ni Andrian aka Jonas aka Dudong, ang batang lumipat sa Biochem mula OT. Grabe talaga siya. Pinahirapan niya si life.

Hay naku. Kung kailangan niyo ng translator ng super lalim na tagalog, ako'y naririto para ibuhos ang lahat ng aking nalalaman ukol sa tamang gamit at baybay ng wikang Filipino. Orayt? Haha.

Wag sana magalit ang BCS. At wala pa akong money na ipapambabayad bukas. Ang hirap manghingi ng pera. palapit na kasi birthday ko at naghihikahos na sila. Whew. Regalo ko ah. gusto ko ng.. cake, monopoly, 5x5x5, libro(kahit ano basta oks or John Grisham), mga bagay na di ko ineexpect makuha, mga blind spots ko(parang johari window lang ah) yung mga tipong alam niyong magugustuhan ko, tsinelas din pala size 9 ako, flats pwede rin. Basta. Yung alam niyong magagamit ko at magugustuhan ko.

Wish me luck people. Sana sa Sturday maayos ko na si multips para mabrowse niyo na lahat ng pinaglalagay ko rito. At umasa kayo na gagawa ako ng matinong post. Haha. SANA. :D

Labyu ol.

PS. Nanuod ako ng Blue Moon kanina. Wala lang. At gusto ko ng DVD ng mga palabas na gusto ko. Alam niyo naman ang tipo ko. Haha. Labyu ol muli. :)


left at 2:11 AM

Sunday, July 06, 2008

Kulot na ako. Bow. Ayokong magpost ng pictures. Baka MAGULAT kayo at ipanakot sa mga daga. :)

Masyado na rin palang maraming pics sa phone ko. Gusto ko ng iupdate ang albums ko rito. Nabubulok na e. Haha. Mas maraming kahindikhindik na litrato ang naririto. :D

Kasalukuyang nag-aaral ng hinayupak naChem18. Haaaaay.

Wala akong maisip na matinong post. :|

BTW, andaming emo ngayon. Si Kath at si Vina. parepareho ang theme ng kanilang *ehem* entries. Grabeeeee. Haha. Wala akong balak magsulat ng mga ganun. Alam niyo naman ako. Kung alam niyo nga. E di niyo naman alam, so di rin kayo makakarelate. Wala ring mangyayari kapag nagpost ako ng ganun? So wala lang. In short, di ako magpopost ng ganung topic dito.

Pero ansarap basahin ng posts nila. Wala lang. Marami kang malalaman. Nagulat ako dun sa blog ni Vina. Di ko ineexpect na ganun. Ma matindi pala. Na whoo! Mukha kasing bata si Vina kaya di masyado halata kapag may *ehem* na siya. So ayun, nagulat ako.

Kamukha ko na si Dalja. Haha. Parang kagagaling ko lang sa Korea pag-uwi ko kanina. Brown hair kasi at kulot. Matino naman siya. :)) Nakakatuwa.

Isa pa pala. Pasensya sa GM lalo na yung ukol kay Nemo. Wala lang. Nakikipagsabayan kasi ako kay Josh. Pasensya na pala. Pasensyaaaaaa.

Kasalukuyan kong naririnig yung SO SEXY na kanta. Naaalala ko si Katkat. :D

Wala na akong masabi. Malapit na birthday ko. Regalo ko. At gusto ko ng cake. Alam niyo naman paborito ko. Haha. hihintayin ko ah. :) At 5 ang depex ko in 2 weeks. Birthday gift ng DPSM. Amp. Amp talaga DPSM. Magkacram na naman ako.

Wala na talaga akong masabi. Nahihilo ako sa hokbu ko. Pasensya sa walang sense na entry. Sa sususnod na ako gagawa ng matinong post. Nakagawa na nga ba ako? Haha.

Kasalukuyan ding LUMILINDOL. :)

Last words. "Ooooh so SEXY!"


left at 12:53 AM

Thursday, July 03, 2008

Short post lang.

Hello muli. Waa. Alam niyo bang kabibili ko lang ng isang mamahaling ballpen at NASIRA ko agad siya? Ugh. Chem major pa naman ako. Dapat alam kong magrereact yun sa ganoong chemical. Ugh. So bobo of me.

May test DAPAT sa Bio ngayon. Kaso wala. Nag-aral pa naman ako! At nagpakaGC! Tapos wala rin palang kahihinatnan ang lahat ng iyon?! Waa. Amp.

At natulog lang pala ako buong Chem18. Bow. Nasanay na naman kasi ako matulog ng umaga. As in 4am-5am. Ganun.

Magpaparent na ako ng LABGOOOOOWN. Ang mahal na ng sabong panlaba. Huhu. May iodine pa ang aking labgown. Ayheychu Pasia. Next time may bayad na talaga. Ayokong ipalaba. Sayang nga sa sabon. Yak na ang amoy niya. Dumikit ata ang amoy nung nagsuot. Joke. Hehe.

O siya, alis na ako. Wala pa akong Org chem. Poor ko talaga. Katkat, yung hair dryer ah. :D

Ang aking pagmamahal sa inyo ay mula sa kaibuturan ng aking puso. :)


left at 1:52 AM

Wednesday, July 02, 2008

Whoo. Try ko kayang gumawa ng entry na english ang language. Namumuro na ako sa pananagalog lalo na kapag ako'y nagtatala ng ilang bahagi ng aking buhay. At pasensya sa mga nagdurugo ang ilong sa aking pananagalog. Nagmamahal lamang ako ng ating sariling wika. Sa araw na ito, susubukan ko kung aakma sa akin ang pagsulat ng isang talata na gamit ang wikang banyaga. Alinsunod sa mga batas ng gramatika, baka ako'y magkamali dahil hindi ako sana'y gamitin ang wikang ingles sa pakikipagtalastasan. Pinakikiusap ko sambayanang magparami na huwag akong tawanan. Maraming salamat po.

My day was boring. Super boring not to mention the fact that I had attended a "seminar" for my Soc Sci 2 class. Starting the day with cool air revolving around the room, its molecules spinning faster and faster across my room was a big problem. I woke up late and saw my cellphone full of messages from Joyjoy and Katkat. I am late.

I got up quickly and ate my brunch. I took a bath and went to school.

UN station was FAR fron Alva. And I forgot that I was wounded yesterday in my ankle, thanks for my new shoes. I limped towars Mercury drug and bought a pack of band aid. And Joyjoy met me in front, no in the middle of aisle 1 in Mercury drug. Then we wnet to P. Gil for the bookbinding session, in courtesy of Copytrade. 85php per bind, hardbound. Then walked straight to Jollibee UN.

Taxi. These days taxis can make us spend so much money. But this time, riding one looks like the cheapest and most convenient way to go to Courtzone. And goiung there was so FAST. I didn't realize that it was so near. GAHD. I remember last week where we spend more than 50pesos for the roundtrip ride from there to Escoda. Amp. Amp.

We played most of the time (and playing was the main reason why we are there) and before playing, we saw *ehem* John. Too bad Rafael wasn't around. We played. And also did some footworks. Etc etc. Blah blah blah. And I felt the Cloud9(Ask me for more details.)

Joyjoy and I played 3 games, in which I lost my first and won the last two. BEHLAT. Haha. I was late for my next class.

For about 20 minutes we waited for a cab to arrive and ONE of them don't like us to be his passengers. Take note of his plate number. TWJ 861. I am planning to report him. Maybe tomorrow. Argh. I hate that judgemental, ethnocentric, stupid driver. His car sucks. Argh. The next cab that was't picky drove through us and we got a ride.

Skip. Skip. Fast forward. Blah blah. Ms. Tootoots is talking about BLAH BLAHS. And I felt sleepy at times but it was Alex who feel asleep. She didn't know that I took a picture of her. HAHA. :D

Then, before going home, I went to Alva to see Katkat. We claimed the book and I wnet home.

I also texted a bunch of losers. Narrow kinded people trying hard to be one of us. Thinking that winning a senseless conversation(started by them) can make their lives easier. Narrow minded people who thin WE are abusing our capacity to take them(the normal ones, as they say they are) down. How judgemental they are not thinking before taliking. Not thinking of the consequences. A bunch of bullshit people.

They even don't know what the word DECENCY meant. How poor.

Haha. Natapos ang aking mailang ilang talata ng purong wikang banyaga. Ako ngayo'y naririto para sabihin mahal ko pa rin ang wika ko. Haha. Wala lang.

O siya, bukas na lang.

PS. Hell week na next week. Waa. Lord help us. :(


left at 2:45 AM

Tuesday, July 01, 2008

(Dapat kahapon pa ito. In short, late post!)

Tralalalalalala. Bago magsimula ang lahat, ang mababasa niyo rito ay pawang katotohanan lamang. Huwag ng magreact bukas sa aking ipapahawag dito. Pasensya kung *ehem* nakakatawa nga ang nangyari sa akin kanina.

Nagsimula ang umaga. Ako ay nangangatog. Ako ay nangangamba. 'di ako sure sa sagot ko sa asignaturang PHYSICS! Ngunit, katulad din ng mga nakaraang araw, buwan, taon, ako ay mahuhuli na sa klase. Nagmadaling mag-ayos. Nagmadaling maligo. Ngunit masyadong makupad maghanap ng babagay na sapatos sa aking damit. Dali dali kong hinugot ang sapatos na matagal ng nakabanban sa gilid at tila'y nabubulok na. Maganda siya sa paa. Malambot pa. :D

Hindi nagtagal nakaratin na ako sa aking destinasyon. Awoo. 'di ako nahuli at nabigyan pa ng pagkakataong makita ang gawa ng aking minamahal na kamag-aral. :D Tama ang aking hinala! Tama ang aking ginawa! At nakipagkwentuhan na ako sa kanila. Kumakalat na pala ang Kikomachine ko! Yebah. Ikalat natin ang kakornihan sa mundo! Haha.

Ayoko ng ikuwento ang itinuro ni JB. (Kung bakit JB, alamin niyo na lang sa akin.) Dumating pala si Ginoong Maniquis na "gagong gupit". Haha. (Sama ko este sama talaga ni Api. Amp.) Ayon sa mga nakasaksi, bumata ng limang taon ang panlabas na anyo ni Ginoong Maniquis. Haha.NATULOG AKO SA CHEM 18 LEC NI SIR ROBI. Bow. Haha. Hindi na yan kagulatgulat. Hindi ko lang talaga naiwasang antukin. Nasa gitna pa ako ng silid aralan ng panahong iyon. At hindi ko kakurso ang mga naroroon. Kahiyahiya siguro ang aking itsura. Buti na lamang hindi tumulo ang laway ko. :D

Nananghalian kami sa Piadina. Nakalimutan ko ang kinain ko. Kasama namin si Ginoong Alexis Villaflor na kung tititigan ay kamukha ni DAVID DIAZ. Mapapansing pareho sila ng istraktura ng mukha. Mapapansin ding lumalaki na ang katawan ni Ginoong Diaz este X. Asteeg, hindi ba? Nagkataong may mga batang nasa unang taon pa lamang, at tinanong si Ginoong X kung siya ba ay nanood ng boksing kahapon. Haha. Alam ninyo na ang sumunod na nangyari.

At bumalik ako sa mainit at naglalagablab na GAB at iniisip ang pang-aasar kay Api dear ng biglang may humiyaw "BROWNOUT! Wala ng klase!" Ako'y natuwa. Ako'y nanabik. At nawala sina Biningbining Macalino at Biningbining Aquino. Nalaman ko na lamang na nasa kwarto na sila ng binuksan ko ang pinto ng GAB102(yata) at napatigil ng ilang segundo. Madilim kaya hindi ko naaninag kaagad ang kanilang presensya sa loob ng kwarto. Dali dali kaming pumasok ang aking oso na si Ginoong Navarro sa loob. At hindi nagturo ang aming guro, bagkus may ipinabasa para sa susunod naming pagkikita.

Wala na akong gagawin sa puntong iyon kaya nagkiller killer na lamang kami at natuluyan ko ang paggaya kay Biningbining Macalino. At sa kadahilanang ayaw ko ng Chem18, sumama ako sa kanilang Hum2 at nalamang ito pala ay isang asignatura kung saan uupo ka lamang hanggang sumakit ang pwet mo. Nagbasa lamang ako ng The Client. At napapansin kong inaantok na ang sambayanang block11. Nainis ako sa kanilang guro na nagbukas ng ilaw at para akong sugo dahil sa akin nakatapat ito. Grabe. Walng kwenta ang klaseng iyon. Dahil sa ako ay antukin, hindi ko naiwasan ang pagkaantok, at sa ilang saglit lamang, tulog na ako. Nagising ako dahil ginising ako ni Biningbining Macalino dahil pinapagising ako ni Vanilla Ice cream na kadiri ang lasa dahil super boring. Dali dali akong umupo ng maayos at nag-ayos ng bag, Tapos na pala ang klase.

Sumabay ako ng uwi kina Andrea, Gumbee at DIBINA. Hindi ko inaasahan na sa pagtapak ko ng aking paa sa isang sahig sa dugtungan ng RH at GAB, mapapatid ako sa mga isang sentimetrong nakataas ng sahig(alam niyo naman kung gaano kapangit ang pagkakadugtong sa RH at GAB), natanggal ang swelas ng sapatos ko. Yeboi. Natanggal. At si Gumbee, tinulungan ako, sa pamamagitan ng PANG-AASAR, PAGTAWA at higit sa lahat, PAGSIGAW(nga ba?) NG " LOOK AT CORDOVA'S FEET" SA HARAP NG MADLANG TAO. I thank you, bow.

Nakauwi rin ako kahit napilitang magjeep papunta sa kanto ng WOW Bakery.

Umuwi. Kumain. Nagbasa ng The Client. Nakatulog. Paggising nakita ko si Tita hawak ang libro sa *toot*. Naasar. Sinisi kay Tita ang kanyang pagka OC. Naasar na naman sa Bio book na matagal ng kinaaasaran. (Alam niyo naman kung bakit. Amp.) Naasar. Natulog. Nagising. At naalalang marami pang gagawin. Haha.

Ayun. Eto ako ngayon, night shift mode na naman. Yak. Babalik na pala ulit si Padi, ag aking iPod. Yey.

PS. Pasensya sa aking mahabang post. Haha. Wala rin pala siyang kwenta.

PS para sa PS. Kath, salamat sa pagbabanggit ng aking neym. Ansaya ko. Harhar. :D


left at 5:30 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.