Sunday, August 31, 2008


left at 10:56 PM


Pampanga. Ang epal ko talaga. Talagang sumama ako. Hehe. Ang asting ng cornmasters with Sex Goddess. Haha. Food trip sa likod ng bus. Whee.

Basta masaya. Kapag nagpost ako ng pics, doon ko na ilagay ang mga details. Pero super saya. Biochem! Magpost kayo ng pics ah. Pleaaaaaaaaaase. :(

BTW, naasar ako sa mga taong.. Alam na. Nakoooooo. Mukha ba akong monster para katakutan? Hehe. Natatawa ako. Basta. Kung 'di niyo ako feel, lalong 'di ko kayo feel. Pucha. Hehe. :)

Dumaan din pala kami ng Butterfly Haven na pinuntahan namin dati noong first year kami sa MaSci. Alala niyo pa? Whee.

Overall, masaya naman. Kaso marami pang dapat gawin. Maalala sana.

Bukas na ang long post. :D Go Pampanga!

PS.

Naalala ko ang "affair", tapos nag Sexmoan tapos Nag Macabebe(ang pagbasa, meykabeybi) Haha. :))


left at 3:56 AM

Friday, August 29, 2008

Waa. Gusto kong magtennis. Meron ba niyan sa UPM? Gusto ko talaga. Waa. Kasi naman ako, kung kailan tapos na ang ESF naisipang mag tennis. Waa. Ja, Istep, Kat, Claudz, Gumb! Ituloy natin! I WANT TENNIS. Nagpapabili na nga ako kay Tita kanina. Haha. Umoo naman ang lola mo. :)

Hay. Bukod dun, bukas na ang Hum2 fieldtrip. SHARPAYrown ang lola(ako naman) niyo. Hehe. Sama ng sama hindi naman kaHum. Mahal ko kasi cornmasters. :) Ayun, magiimpake na mamaya. Whee. Puro biskwit binili ko. Alam niyo naman na adik ako sa biskwit, lalo na ang oreo. :| Hehe. Sana maging masaya. :) JAAAAAAA. Pusoy tayo ah! Me gonna bring 2 decks ng card. Whee. So adik talaga ako. :)

Isa pa pala. Walang kwenta ang test kanina. AT nainis ako sa PESTE. Alam na. Alam na. Whee.

BTW, natuwa ako sa plano ng cornmasters sa future. Isang coffee shop sa Germany or UK na ang pangalan ay "Kahit Saan" para sa mga taong ang sagot sa tanong na "Saan mo gusto kumain?" ay KAHIT SAAN. Hehe. Ako ang baker ng coffee shop. Master Baker talaga! At si Cheese Corn ang taga design ng cakes. Magaling siya diyan e. Si Ice Corn ang sa coffee, smoothies etc. Si Corn Dog ang sa liquor. Alam niyo naman 'yon. :) Si Pop Corn ang mascot, waitress at kahera. Si Baby Corn ang bahala sa puhunan. Whee. Ang cute 'no? :) Sana matuloooooy. :D

O sige, me gonna alis na. Manunuod ako nung Planet Terror, The Maid at Unrest. Mukhang maganda ang Unrest. Kasi mga med students 'yon na nagdidissect ng cadaver tapos....Whoo! Alam niyo naman ako, magmemed ako. Kaya bagay sa akin 'yon.

O siya. Babay! Sana masaya bukas. :)

PS.

PAKISABI SA AKIN KUNG MAY TENNIS SA UPM. Thanks. :)


left at 11:53 PM


Haha. Sana maging masaya tayo!

BTW, magpost tayo ng pics dito ah!

Hehe. Makikilala na ako ni Boni Baby. :)

Doon ang cornmasters sa likod ah. :D


left at 11:41 PM


Oo. Tama ang hinala niyo. Badtrip ako kaninang chem lab. Hindi niyo ba napansin na parang 100x kong sinabi ang word na badtrip kanina? Grabe naman kasi kayo, chem lab mates. Ina. Kapeste talaga.

Una sa lahat, sinabi namin ni Istep na huwag guluhin 'yong reagents. Nagkagulo lahat sila after ng lab. Tapos 'yong huwag isaksak 'yong dropper sa loob ng bote, sinaksak niyo pa rin.

'yon din. 'yong sa dropper. Kung hindi pa namin sasabihin, hindi pa kayo magbibigay. Actually ang kaunti lang pala noong mga nagpahiram. Sorry kung nawala 'yong sa inyo. Maraming nabasag last time at iniwan niyo sa amin. Alangan namang itago namin 'yon as remembrance. Isa pa, ang aga niyo umalis tapos maghahanap kayo ng gamit sa amin. Sheeeet. Sana hinintay niyo at kinuha agad.

Lahat tayo nawawalan at nauubusan ng gamit sa lab. Hindi ikaw lang. Hindi ako lang. Hindi maiiwasan 'yon e. Huwag maging makasarili. Grabe. Paspecial kasi 'yong iba. Sheeeet.

Peste. Gusto kong malaman kung sinong group ang naglagay ng watch glass doon sa lalagyanan. Sigaw ako ng sigaw, sigaw kami ng sigaw, walang umaamin na nilagay pala sa lalagyanan. Akala ko kinain niyo na. Kasi nangangain kayo ng wire gauze, iron rings, takip ng reagent. pati watch glass pinatulan. Gusto kong isuksok sa mata niyo 'yong watch glass e. Kabadtrip.

Isa pa 'yon tipong hindi man lang isinasauli sa harap 'yong hiniram tapos umaalis agad. Kung nandun pa kayo, at least hindi na namn kailangan pang sumigaw.. E hanap kami ng hanap. Iniwan lang dun sa working place nila. Tapos kalat kalat pa. UTAAAANG NA LOOOOOB. Peste talaga.

Sa mga tumulong especially Mr. Shuttlecock. Thanks. Kung wala ka, nakapatay na ako ng tao ngayon.

Sana sa susunod na lab, iwasan na natin 'to. Nakakabanas e.

Goodluck at HAVE A NICE NIGHT! :)


left at 2:42 AM

Thursday, August 28, 2008

Malungkot ako ngayon. Sobra. Ay, pasensya pala muna at malakas akong magpost. Wala kasi akong nilalabasan ng mga nadarama ko e.

May mga tao akong namimiss. Sobra. At kilala biyo kung sino kayo. Actually 2 lang sila. Sila ang dalawang taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Sa halos lahat. Kahit sa pinakawalang kwenta, walang sense, super paranoid thoughts ko. At inaabsorb nilang lahat 'yon. Nakakamiss ang mga taong nandiyan palagi para makinig. Nakakamiss.

Nalulungkot ako at malayo na sila sa akin. Malayo na nga, may mga problema pa akong hinaharap ngayon. Andaming pressures. Nakakaiyak na talaga. Sana lagi silang nandiyan sa tabi ko. Kasalukuyan kong kausap ang isa sa kanila at kausap ang isa pa kanina.

Iba sila e. Basta. Iba. Sobrang iba sila. At sobrang namimiss ko sila. Hindi ako natatakot umiyak sa harap nila. Hindi ako natatakot magalit o kung ano man ang nadarama ko, hindi ako natatakot ipakita sa kanila, Matatanggap kasi nila kahit ano pa 'yon.

Sana talaga dumating ang panahon na makita ko ang isa sa kanila. Pero amlabo. Ang sia sa kanila, sana makita ko soon. Dami kasi namin parehong mga exams. Mahirap isabay.

Ang emo ko sa giuro tingnan. Hay. Pero nakakalungkot talaga ang feeling kapag wala sa tabi mo ang mga taong sumosoporta sa iyo ng sobra. Hehe. Salamat sa iba pero kulang. 'yon lang. Hehe.

Basta. Sana makita ko sila. I miss the old days. :(

Pasensya muli sa post. Wala talaga siyang kwenta. :|


left at 7:04 AM


Dahil materialistic ako, utang na loob, pakibayaran na sa akin mga utang niyo. Hindi ako nagtatapon ng pera. Paksiyet. Tapos magugulat kayo kapag sinisingil na kayo.

Isa pa, 'yong 5000 bills ng Monopoly ko, pakibalik. Peste. Nakilaro na nga, 'di pa binalik. Paibalik ah! Hindi ako magagalit. Matutuwa pa nga ako sa inyo e.

Basta. pinaghihirapan ko ang pera, kaya pwede ba magbayad kayo ng utang niyo. Peste.


left at 3:57 AM


Hehe. Wala lang. Kabadtrip pa rin as usual.

Waa. Nalate ako kanina! Hindi ko alam na 7am pala ang klase sa Physics. E 2 meetings na ang hindi ko naatenan. Huhu. Tapos ang chem 18 ko ay nakakaiyak. Hindi ko na talaga kaya ang Biochem. Ang hirap. Gusto kong umiyak na ewan. Hay. Namayani pa rin ang kaplastikan ko.

Isa pa pala, nagdugo si right big toe kanina. As in. Pero wala akong naramdaman. Halaaaaa. Dahil ba nagiging masokista na talaga ako? At sarap na sarap ako kapag kinakagat ko labi ko. Waa. Waa. :|

Natuwa ako kanina kasi may mga taong nakausap ko ng matino. I mean, hindi ako natuwa dahil sumasangayon sila sa akin pero natuwa ako sa fact na tama ang sinasabi nila. Kung kinakailangang kontrahin nila ako, ok lang. Basta. Natutuwa ako sa kanila.

Kausap ko rin si Baby Corn. Hehe. Special guest lang siya ng cornmasters pero super love ko siya. Ansarap niyang kausap at marami siyang words of wisdom. Naks. Hehe. Basta. Natutuwa ako sa kanya. Huhu. Siyempre mahal ko rin ang cornmasters. Iisa ang tinitibok ng aming damdamin. Hala. May ganun na pala! Hehe. Basta. Hehe. Go burnbooooook.

Kung marami akong kinaaasaran ngayon, marami din akong kinagigiliwan bukod kay Baby Corn. Hehe. Basta. Nirerespeto kasi nila ang mga opinion namin. Hindi rin kasi sila pakialamero at echusera/echusero. Badtrip pa rin kasi 'yong iba e.

Tama nga ang sinabi nila, Biochem, magopen forum na tayo. Willing ako. Promise. Kayo ba willing? Hindi labag sa kalooban niyo? Basta. Gusto ko na rin ng harap harapan para wala ng napaparanoid, nagfifeeling etc. Kabadtrip talaga.

Sa mga hindi ko kinakausap, hindi ibig sabihin nun na galit ako sa inyo, baka hindi ko lang kayo napapansin pero may ibang ayoko talagang kausapin. Paranoid din kasi ako. Weird pero totoo. Kaya nga ayoko mahuli sa mgha chismax kasi baka kasama na ako sa mga iyon.

Wala akong taong kinagagalitan ngayon. Badtrip, oo. Kinaiinisan, oo. Kinaaasaran, oo. Pero hindi siya galit kasi naaasar/naiinis lang naman ako sa ikinikilos nila. Hindi naman kami nag-away at nasira ang friendship namin whatsoever. Hindi ko naman din kasi kaclose ang mga kinaaasaran ko. Kausap, oo. Pero friend? Hehe. Basta. Iba kasi ako magdefine ng friend. Baka hindi. Hindi ako mabilis magkaroon ng kaibigan. Hindi rin ako mabilis magturing ng isang tao bilang kaibigan. Basta. Kaya kung may naasar or something man sa akin, ok lang sa akin kasi hindi naman siya kawalan. Ay basta. Hehe. Ansama ko talaga. Hehe.

Oo, tama nga ang nasa thoughts mo! Hindi rin ako kawalan. Hehe. Shellfish kasi ako. Hehe. Made up of calcium carbonate. Makapal ang mukha. Hehe. Natatawa na lang ako.

Ang haba na naman ng post ko. Paksheeeet.

O siya. Kahit walang kwenta ang post ko. Hehe. Sana makapag-aral ako ng maayos sa org chem lab. Tapos, sana masaya ang fieldtrip! Hehe. Aylabcornmasterswithspecialguest. :)

Babush.


left at 3:05 AM

Wednesday, August 27, 2008

Pagawa tayo ng T-shirt at button pin. Ang button pin ay 12 pesos lang isa. Gawa kayo ng design at ako na magpapagawa. Pati na rin sa t-shirt. Yipee. Pero 'di ako sure sa price ng shirt. Hehe. :)

BTW, galingan natin ah! Whee.


left at 12:47 AM


Pagawa tayo ng T-shirt at button pin. Ang button pin ay 12 pesos lang isa. Gawa kayo ng design at ako na magpapagawa. Pati na rin sa t-shirt. Yipee. Pero 'di ako sure sa price ng shirt. Hehe. :)

BTW, galingan natin ah! Whee.


left at 12:44 AM

Tuesday, August 26, 2008

Hindi ko kayo pinipilit na magbasa ng blog ko. Hindi ko kayo sinasabihang magreply sa lahat ng post ko. Dati nga wala talagang nagviview e. Naiisip ko tuloy sana ganoon na lang ulit.

Happy thoughts muna. Kasi mamaya baka magkapatayan na tayong lahat. Hindi na kami UMPIRE! Hindi na. Hindi na. Maglalaro na kami sa interclass competition! Akalain mo 'yon. Alam kong hindi ako magaling. Malakas pumalo siguro oo. Pero gusto ko talagang maglaro. Yey! Hehe. Masaya 'to. If ever na si Kuya at Ate talaga ang partner, ako na ang magiting na Coach ng Team Pla. Hehe.

Gusto ko pag papasok kami sa Courtzone, bubukas ang gates. May usok sa dalawang gilid. Spotlight. Lalabas kami. May hawak na raketa sa right hand. Tapos sisigaw si Ja na nakasuot ng Spartan attire "Team Plaaaaa, huwat is yer profession?" Lahat kami "Awoo awoo awoo!" Hehe. Astig! Haha. We'll make history. 9 players na sumabak sa interclass competition. Asteeeeg. Haha. Pinakakaunti, tapos isa sa mga pinakamagaling. Naks. *clap clap*

O siya. Tumungo na tayo sa gusto kong pag-usapan.

Babalik na lang ulit siguro ako sa private blog ko. Masyadong maraming nagrereact sa mga post ko e. Kaya nga 'di ba gumawa ng blog? 'di ba 'yon ang purpose ng blog? Gahd. Peste talaga.

Sasabihin ko sa inyo, hindi ako mabait. Hindi talaga. Sa tuwing inaasar, pinagsasabihan niyo ako, ginagawang tanga, pinagtatawanan, alam ko. At sorry, nagtatanim ako ng galit. Lagi lang siguro ako nakangiti pero you'll never like it when I'm angry. Kung kailangang pumatay ng tao papatay ako. Sa tingin ko nga mas grabe pa ako kay Api e. Walang hiya ako tandaan niyo 'yan. Hindi ako weakling.

Oo nga pala. I'm the GREAT pretender. I always pretend it's okay, I'm fine, sige ako na lang pero deep inside, pakshet, bakit ako pa? bakit 'di na lang si ano, bakit ganito, ano ako yaya, ano ako katulong? Ganyan ang tumatakbo sa isip ko. Minsan naman, kapag feel ko talagang tumulong, tumutulong ako kahit walang kapalit. Pero manipis na linya lang ang namamagitan sa dalawang 'yan kaya you'll never know the difference.

Nabadtrip ako recently sa isang tao. As in sobra. Huwag mo ng ipagdiinan pang bobo ako. Maliit na pagkakamali, pinalalaki. Ayoko ng magsalita pa kasi malaki ang chance na mabasa niya ito. Plastikan na lang tayo. Mas maganda pa. Kabadtrip e. Sobra. Sana basahin mo 'to para masigawan kita kahit sa blog lang. PAKYU. Fuck yourself. Shet ka. Tangina. Puta. Nakakaasar. Peste ka. Rot in hell. Magsama tayo sa hell. Peste. Ina. Leche talaga. Ansarap mong gawing kuto at titirisin kita ng pinong pino. Tutusukin ko rin ang cloaca mo. Bubutasin ko colon mo. Tangina. Kabwiset ka talaga. Mamamatay ka rin. Peste. Peste.

Leche talaga.

Ukol naman sa last post ko, especially ang reply ni Mao, kung ayaw mo na akong kausapin ok lang. Kung galit ka sa akin. Ok lang. Gusto mo maghanap pa ako ng mangkukulam para mapakulam mo na ako? Ano ba gusto mo? Hindi kita pinipilit na magbasa ng blog ko ok?

Andaming pesteng tao. Peste. Hindi lang kayo ang problema ko. Marami pa. Dinadagdagan niyo ang iniisip niyo. Lagi niyo kasing iniisip napaka happy-go-lucky kong tao. Marami pang mas mabigat na issues ang kailangan kong harapin. Peste talaga.

Ayan. Ginawa ko ang entry na ito para isaboy niyo sa mukha ko ang lahat ng kabahuan ko. Sige, go, reply lang kayo. Ireply niyo lahat ng ayaw niyo sa akin.

Magswapangan na lang kasi e. Tutal swapang naman tayong lahat e. At least walang plastikan.

Hindi lang kayo ang kinaiinisan ko. May isa pa diyan. Peste talaga. Walang hiya ka. Ako na nga mabait sa iyo, ikaw pa palaging masungit. Peste ka. Gusto ko na mag-iba ng cp number. Para wala ng mangugulo.

Peste.

HAVE A NICE DAY. :)


left at 11:59 PM

Monday, August 25, 2008

Oo. Stop. As in tigil.

Tumigil na.

Sorry sa mga matatamaan ko ah. Sasabihin ko muna na hindi ako perfect. Hindi ako ang best classmate niyo or anything. Minsan, wala rin akong modo dahil sa pangaasar ko sa inyo. Nililinaw ko lang. Hindi kasi ako magaling magmalinis.

O siya. Sasabihin ko na.

Kapag may test, iwasan na natin magsabi na "Hindi ako nakapag-aral." o "Wala akong alam." kung nakapag-aral naman talaga. Kasi, sa totoo lang, nakakaasar. Tapos tipong mataas ang grades tapos sasabihing, tsamba lang. Weird. Hindi tsamba 'yon. Pahumble pa kayo e nakapag-aral naman talaga kayo. Sa pagiging "humble" niyo, lalong lumalabas ang, sorry for the word, kayabangan niyo.

So ayun lang. Iwasan na natin ang mga ganyan para hindi na matawag na mayabang, crab or whatever. Nakakaasar lang e.

Huwag niyo ng itanong kung sino. Alam naman ng lahat kung sino ang ganyan at ganito e. Kung ganyan kayo, pakiiwasan para hindi na kayo kaasaran o ibackstab ng mga tao.

Salamat. :)


left at 2:34 AM


Sheeeeet. One day before the exam na naman. Ayoko na. Siguro external features at muscles lang ata ang memorize ko. Sheeeeeeeet. Hirap talaga magmemorize. Hindi ko forte ang pagmememorize. Peste. Hay.

Hirap pa kasi pepwersahin ko utak ko magmemorize ng mga bagay na hindi ko naman kakailangin sa buhay ko. Pakialam ko ba sa structure ng palaka? Tao ako. TAO. Hindi palaka. :) Badtrip.

Ayun, dahil nanunuod ng Dyesebel sina Tita, sinasamantala ko ang pagkakataon. Nagcocomputer kahit 'di naman kailangan. I want to get away from reality. Shet. Tapos ang mga nababasa ko pang mga post napakadark ng theme. Waa. Nakakahawa. Andami nila na ganuon ang theme ng post.

Hay. Dahil nahahawa nga ako. Sasabihin ko na. Andami ko ng kinaaasaran ngayon. Mula sa mukha ni pokpokgirl, sa mga taong mukhang basura, sa mga taong mga fashion victims hanggang sa mga pesteng crab diyan, pesteng leech mga pesteng hingi ng hingi ng favor. Peste. Kung kaya niyo ng gawin, pakigawa naman. Huwag ng umasa. Pakshet. Hindi ako utusan kaya pwede ba, huwag mo akong utusan. Tapos magagalit ka diyan kapag hindi ko ginawa. Paksiyet.

Pero nangingibabaw talaga ang pagkagalit ko sa mga pesteng leech ngayon. Napakapeste ng mga leech na 'yan. Anyayabang umasta. Please, huwag niyo ng ipamukha sa akin na bobo ako, leche. Oo na, alam ko na, kailangan niyo pa bang idiin na bobo ako? Nakakapeste rin ang mga taong sabi ng sabi na "Wow! Ang talino mo naman! Paano mo nagawa 'yan?" Shet. Sino kayang mas matalino. 'yon na nga lang alam ko, makikishare pa. Ang masama, swapang pa. Hindi siya magsheshare ng alam niya. Nakakapeste talaga ang mga taong sugapa. Kainin niyo na grades niyo. Sana mas maganda ang trabaho ko sa inyo pagkagraduate. Peste. Peste.

Nakakapeste rin ang pagiging humble ng mga tao e. "Hindi ko alam 'yan e." Siyeeet. Anong palusot 'yan? Peste. Kahit itago mo pa, alam kong nag-aral ka sa bahay ng buong magdamag. Huwag kang pahumble. Peste.

Kaya kung may naaral kayo, peste. Huwag na kayong magsalita. Ako nga minsan kapag nakapag-aral. Tatahimik lang ako sa gilid. Hindi ako MAYABANG. Kasi baka kainin ko lang salita ko. Peste.

Hay. Magdadala na lang ako ng chocolates bukas at itatago ko. Tutal, swapang naman tayong lahat e. BTW, pati 'yong cake na rin. badtrip.

LABYUOL.


left at 2:10 AM

Saturday, August 23, 2008

Haha. Master Baker ang lola mo kanina! I baked 3 cakes. Haha. Asteeeg. Natutuwa ako. Ipopost ko ang pics kapag may time. Natutuwa ako. Marunong na akong gumawa ng icing na may kulay! Nice. Hehe. At may 2 block ako ng choco sa bahay. Isang white isang semi-sweet. :)

Wala akong ginawa ngayon kundi ikutin ang Divi then Binondo then Sta. Cruz. Haha. Natatawa ako. Napagod ako. Kulang pa pala 'yan! Dumaan pa kami ng SM.

Hehe.

O siya, manunuod na ako ng Master Showman. Feeling ko kami na lang nanunuod nito. Hehe. Babush!


left at 7:14 AM

Friday, August 22, 2008

Directions:
1. Put your player on shuffle.
2. For each question, press the next button to get your answer.
3. YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS.

IF SOMEONE SAYS "IS THIS OKAY" YOU SAY?
Innocence- Avril Lavigne [Ano raw?]

HOW WOULD YOU DESCRIBE YOURSELF?
Standard Lines - Dashboard Confessional

WHAT DO YOU LIKE IN A GUY/GIRL?
Only Human - Jason Mraz [Siyempre tao! Hehe. :)]

HOW DO YOU FEEL TODAY?
Low - Flo-rida feat. T-Pain [Haha. Pwede!]

WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?
My Way - Frank Sinatra [Naks, nakakaiyak naman! Ayos, sumasakto na a!]

WHAT IS YOUR MOTTO?
Face Down - Red Jumpsuit Apparatus [Asteeeeg!]

WHAT DO YOUR FRIENDS THINK OF YOU?
Eye of The Tiger - Alvin and The Chimpmunks [Mukha pala akong MATA!]

WHAT DO YOUR PARENTS THINK ABOUT YOU?
Choke On This - Senses Fail [Papatayin na nila ako? Ahaha. :D]

WHAT IS 2 + 2?
Vindicated - Dashboard Confessional

WHAT DO YOU THINK OF YOUR BESTIE?
Everything - Michael Buble [Naks! Naiyak muli ako! Tama na naman kasi! Whee.]

WHAT SONG WILL THEY PLAY AT YOUR WEDDING?
Makes Me Wonder - Maroon 5 [Haha. Parang mali? Ampangit. Parang kawawa naman asawa ko.]

WHAT IS YOUR HOBBY/INTEREST?
Screaming Infidelities - Dashboard Confessional [Dashboard na naman? Andami kong kanta sa iPod ko a.]

WHAT IS YOUR BIGGEST FEAR?
Dirty Little Secrets - All American Rejects [Sapul na naman! Haha.]

WHAT IS YOUR BIGGEST SECRET?
False Pretense - Red Jumpsuit Apparatus [Waw. :)]

WHAT DO YOU THINK OF YOUR FRIENDS?
Taking Chances - Celine Dion [Waw! Haha. Sapul na naman!]

IF YOU COULD CHANGE THE WORLD, WHAT WOULD YOU DO?
Thunder - Boys Like Girls [Kidlat daw ba ako?! Haha.]

HOW ARE YOU FEELING AT THE MOMENT?
Alam mo na yun - Bloomfields [Yeah. Alam mo na 'yon!]

DO YOU HATE ANYONE?
Stolen - Dashboard Confessional [Sila na naman? Oo, ninakaw ang pagkatao ko. :|]

DOES ANYONE HATE YOU?
Remember Me this Way - Jordan Hill [Uy! Sino 'yon? :D]

BEFORE YOU GO TO SLEEP, WHO/WHAT DO YOU THINK OF?
What I've Been Looking For - Ashley Tisdale [Shet. Vain! Papanaginipan ko ang sarili ko! Haha.]

I AM...?
Just Once - Quincy Jones [Siyempre isa lang ako. At isang beses lang gagawin. :)]

Haha. Natuwa ako sa resulta! :)


left at 3:20 AM


BLIND ITEMS :

  1. Touch my ear. Tawagin natin siyang Deodorant. May nakahuli kay Deodorant na hinahawakan ni Deodorant ang sariling tenga, likod ng tenga tapos tenga ulit. Hinihimas niya ito. Tapos hinahawakan niya papalit palit, pinky, ring, middle,4th('di ko kasi alam ang tawag e) at thumb ang tenga niya. Pumipilantik ang daliri niya. Ginagawa ito ni Deo habang nagdidiscuss ang guro at lahat ng tao ay nakikinig. Bakla kaya si Deo?
  2. Chismax guru. Ang gurong ito na itatago natin sa ngalang Alkane ay mahilig chumismax. Ang mahirap sa gurong ito, kapag hindi mo na siya guro, may tendency siyang magkwento ukol sa iyo, o sa block mo. Malakas siyang chumismax, mula sa dating estudyante to friends. Kailan kaya machichismax ang gurong ito para magtino?


left at 2:01 AM


Tama ang title ng previous post ko. Weird things happen lately. Yup. That's true.

Maya maya'y may mga blind items ako. Pero mamaya na. Itatayp ko lang ang mga bagay bagay na bumabagabag sa akin ngayon.

Una sa lahat, ang cornmasters. Haha. Mahal ko ang cornmasters. Buti nandiyan silang lahat palagi. Nagdadamayan kami. At iisa rin ang tinitibok ng aming puso. Ang "BURN" book. Yeah. Ang treasure ng samahan. Haha. Hanggang ngayon pala hindi ko pa rin nauupload ang pic ng cornmasters. :) Isascan ko mamaya. Ilalagay ko sa aming multiply. Whee. Add niyo kami ah! Post ko mamaya ang magiging url na aming multips. :)

Yeah. Burnbook. Andaming tao ngayon na nakakabwiset. Nangunguna si Milk at Leech. Huwag niyo ng itanong kung sino. Cornmasters lang ang nakakaalam. Peste sila. Argh. Pakamatay na kayo.

Naiinis ako sa mga taong crab. Dyuskopo. Magshare naman kayo ng mayroon kayo! hindi naman nanakaw ang katalinuhan e. Think win-win! Hindi 'yong ikaw lang ang magbebenefit. At please, huwag naman kayo gumamit ng tao. I mean, kakausapin lang kapag kailangan or makikipagkaibigan kung mauuto or something 'yong tao. Tapos kapag 'di niyo na kailangan, iiwan niyo na lang. Ansama talaga. NAKAKABADTRIP. Kahit hindi kayo si Milk o Leech, please, iwasan nating lahat 'to. At kung mayroon tayong nalalaman, ishare naman natin. Hindi 'yong para sa sarili lang gagamitin. Shet. Kami naman nagbibigay e. kayo din sana. Give and take kumbaga. Peste talaga. Ang leech. BLOOD SUCKERS! Pakshet. Mararamot. May crab mentality. Hindi ba kayo natutuwa at umaangat din ang kaibigan mo(kung 'yon nga ang turing mo sa kanya, hindi isang host). Mga parasite. Shet.

Isa pa pala, saya magMonopoly! I won! Hehe. Natatawa ako kay Ja. Walang wala sa kinita ko kanina. Haha. more than half talaga. I love Monopoly. Lalo na ang nagbigay sa akin nun. Naks!

BTW, 'yong nakapag-uwi ng 5000 bills sa Monopoly, pakibalik. Makikilaro na nga lang, hindi pa isasauli ng maayos. Kulang e. Sobrang walang natira. Sorry sa words, pero nakakabadtrip talaga e. Sana sa susunod na makikilaro kayo, ibalik niyo ng maayos. Ginamit niyo ng kumpleto tapos ibabalik niyo sa akin ng kulang? Unfair naman 'yon. Please. Pakibalik. Nakakaasar. Ayan. Nasabi ko na. Nakakaasar. Oo nga, kayo ang bumili nun for me, pero sana iniingatan niyo rin. Ayun lang. Peste talaga ang nagtago. :|

Nakuha ko na rin ang isa ko pang lanyard! Wawawheeee.

Speaking of Wawawee, si PS daw ay nagsayaw at pumiyok kanina. HAHA. Natatawa ako.

Sasama pala ako sa field trip ng Hum2. Shaypeyrown mode ako. Cornmasters! tabi tabi tayo a! Whee. :)

BLIND ITEMS mode!:

  1. Touch my ear. Tawagin natin siyang Deodorant. May nakahuli kay Deodorant na hinahawakan ni Deodorant ang sariling tenga, likod ng tenga tapos tenga ulit. Hinihimas niya ito. Tapos hinahawakan niya papalit palit, pinky, ring, middle,4th('di ko kasi alam ang tawag e) at thumb ang tenga niya. Pumipilantik ang daliri niya. Ginagawa ito ni Deo habang nagdidiscuss ang guro at lahat ng tao ay nakikinig. Bakla kaya si Deo?
  2. Chismax guru. Ang gurong ito na itatago natin sa ngalang Alkane ay mahilig chumismax. Ang mahirap sa gurong ito, kapag hindi mo na siya guro, may tendency siyang magkwento ukol sa iyo, o sa block mo. Malakas siyang chumismax, mula sa dating estudyante to friends. Kailan kaya machichismax ang gurong ito para magtino?

Hehe. Ayan na lang muna. Babush!


left at 1:57 AM

Tuesday, August 19, 2008

Ako na ang official chismoserang lotku! Haha. Hulaan na ito!

Warning: Ang mga taong nandito sa blind items ko, o napabilang sa blind items ko ay huwag magagalit. Ito ay pawang obserbasyon lamang. Salamat!

Blind Items(?):

  1. Close to you. Sino ang couple na ito na noong 2nd sem last year sumibol ang "something" sa kanilang relasyon. Magkaibigan lang sila. Ang girl ay tawagin nating Remote at ang boy ay Control. Napansin naming magkasama sina Remote at Control. Nagrereview ang sangkatauhan sa isang lugar ngunit pilit nilang nilalayo ang sarili nila sa sangkatauhan. Umupo silang dalawa sa isang upuan at lumayo sa mga mata ng nakararami. Mapapansin natin sa ngayon na lagi silang magkasama at palaging naghahanapan sa isa't isa. Aware naman si Remote na may GF na si Control pero mukhang iba na talaga ang lebel na kanilang pagkakaibigan. Macontrol pa kaya ni Control ang emotions niya?
  2. Kuyukot. Sino ang taong ito na sa super low ng pants and panty, lumabas ang kuyukot? Ang masama pa rito, lalaki ang nakakita kaya nahirapan ang lalaki na sabihin ito sa kanya? Madalas natin siyang makitang naka low waist pants kung saan labas na ang garter ng panty niya. :D

Hehe. Sa susunod na 'yong iba. :)


left at 4:20 AM


Wala. Maikli lang ang post na ito. Tungkol sa mga tao, mga bagay bagay. Hay. At isang blind item.

Una muna, ang mga taong ang tingin kay Kat ay mababa at tanga. Nakakaasar kayo. Alam kong masarap asarin si Kat pero haller? Matalino at sensitive si Kat. Please naman huwag niyo namang isipin na manhid ang tao. Siyempre may feelings 'yan. Mabait si Kat pero inaabuso niyo. Kabadtrip. Kapag nalaman ko kung sino 'yon, lagot ka. Respetuhin mo naman si Kat. Mabait lang 'yong tao kaya hindi na minsan nagpapakita ng galit. Pero tandaan natin na kahit mga pasensyosong tao, napupuno din. Lahat may hangganan. Lahat may limitasyon. Ok lang kung joke e, SAMPALIN daw ba? Nanay ka ba ni Kat? Pati nga nanay ni Kat hindi ginagawa 'yan e. Sino ka ba sa buhay ni Kat? Napakaimportante mo ba? Shet talaga. Sana tigilan mo na. Kasi nung nagalit si Kat sa akin, tinigilan ko na siya. Ang jokes at pranks na ginagawa ko sa kanya ay ang mga bagay na hindi makakasakit sa damdamin niya or hindi below the belt. For the last time, sasabihin ko ulit, RESPETO.

Isa pa. Alam kong hindi siya nagbabasa ng blog ko or anything pero kung kilala niyo, please, huwag niyo ng sabihin sa kanya. Hindi ako galit sa taong ito. Mabait siya oo pero simula ng may nangyari sa kanya, nafifeel kong lumalayo na siya sa block. Tapos nung sinabi kong swerte siya sa guro niya, sabi niya sa akin, sana daw suamma ako sa kanila. Sabi niya kasi naghahanda na sila. Haller? Kung maghahanda ka, sana nagspend ka na ng mas maraming time mo sa block kasi baka last mo na 'to. Kung lalayo ka pa, parang sayang ang time na makakapiling mo ang block mo. Madaling maghanap ng bagong kaibigan, pero I think its not yet time. Sana naman hindi niya sinabi 'yon. Feel ko tuloy, ibig sabihin niya, hindi ako makagetover sa block. Hindi sa ganun. mahal ko ang block at sasama ako sa block kahit anong mangyari kung may pagkakataon hinid 'yong lalayo ako at mag-iisip na 'I don't belong here anymore' or something like that. Hirap kasi ng ganun e. Pero kung 'yan ang gusto mo, then go. Medyo nairita lang ako sa narinig ko. Pero hindi ko sinasabing galit ako sa taong ito.

Blind Items(?):

  1. Close to you. Sino ang couple na ito na noong 2nd sem last year sumibol ang "something" sa kanilang relasyon. Magkaibigan lang sila. Ang girl ay tawagin nating Remote at ang boy ay Control. Napansin naming magkasama sina Remote at Control. Nagrereview ang sangkatauhan sa isang lugar ngunit pilit nilang nilalayo ang sarili nila sa sangkatauhan. Umupo silang dalawa sa isang upuan at lumayo sa mga mata ng nakararami. Mapapansin natin sa ngayon na lagi silang magkasama at palaging naghahanapan sa isa't isa. Aware naman si Remote na may GF na si Control pero mukhang iba na talaga ang lebel na kanilang pagkakaibigan. Macontrol pa kaya ni Control ang emotions niya?
  2. Kuyukot. Sino ang taong ito na sa super low ng pants and panty, lumabas ang kuyukot? Ang masama pa rito, lalaki ang nakakita kaya nahirapan ang lalaki na sabihin ito sa kanya? Madalas natin siyang makitang naka low waist pants kung saan labas na ang garter ng panty niya. :D

'yan lang muna.

Sige alis na ako. Babush! PE time pa bukas. :D


left at 4:17 AM

Monday, August 18, 2008

Wala lang. Naisipan ko lang gumawa ng short entry. Whoo. :)

Isa na namang entry mula sa booring na bata. Hehe. So kaninang 5am nanuod lang ako ng Fool's Gold. Maganda siya. Whee. Gusto ko talaga ang Matthew-Kate na love team. Hehe. Nakakatuwa. Adventure, love story, comedy, action all rolled into one! Maganda talaga.

Tapos book 3 na ako sa Twilight. Maganda pero as usual light pa rin. Mas malalim ang The Turning. Maganda siya pero iba pa rin ang feeling kapag nababanggit sa akin ang HP o ASOUE. Hehe. Basta. Pero I think mas ok naman siya sa Narnia. Hehe.

At! kaya antagal kong magbasa, gumawa pa kami ng pizza. Hehe. Yum! Ang sarap. Siyempre may kulangit, pawis at libag ko 'yon. Joke. Hehe. Malinis 'yon. Gumamit kami nung machine panghalo. :D

Nga pala, bukas sana walang test sa Physics. Tapos sana WALA si Sir Lapz para makapagMonopoly kami. Whee. I looooove Monopoly. Isa kasi sa dahilan ay ang mga nagregalo nito. I love you guys! :)

O siya, alis na ako! :)


left at 2:39 AM

Saturday, August 16, 2008

Kung alam niyo lang.

Nagising ako ng 6 para makapasok ng 8. 4-6 kasi ang test sa OrgChem at wala akong matututunan kapag nag-aral sa bahay. Pero 10.00 na ako nakarating. Alam niyo naman kung gaano ako katamad.

Dumiresto ako sa roundtable kung saan nakita si Aika at Steph. Hehe. Tapos may TSHIRT na sila! WAA. ANDAYA! MAGANDA PA NAMAN. So ayun. Diretso kami sa uber gandang KFC kung saan tumambay kami mula 10.30-2.30. Haha. People come and go. Napatunayan ko. Kami kasia ng pinakamatagal dun. Kasama namin si Api. Gusto ko ngang kunin 'yong plank e. Para akin lang talaga 'yong pwestong iyon. Hehe. Nagdiscuss lang kami.

Nawala agad ang alam ko nung nagtest. Super hirap. As in. Miniminimouse na ako. Huhu. Tapos nung sinabing 2 minutes na lang, nagoverflow ang information! Buti mabilis akong magsulat. Sana pumasa ulit ako katulad nung last time. Hay. Nakakainis na minsan ang kabobohan at katamaran ko. :(

So, sabay sabay na kaming umuwi nina Aika, Danette at Jiggy. Pagkababa ko ng Tayuman, naghintay ako na magred ang stoplight kasi magpapaload ako sa tabi ng Jollibee. Noong magpapaload na, nakabukas ang bag ko at wala na ang CP ko. 'di ko na alam ang gagawin ko pero may isang stranger na tawagin natin sa pangalang Mouse ('di ko kasi nakuha name niya.) na nagsabi sa aking nadukutan ako. So habol kami. Tapos sabi ni Mouse tumawag muna kami ng pulis. So nakahanap kami, sa tabi ng ESP. So tinawag ko at nagsumbong. Tinuro ni Mouse nag magnanakaw at nahuli. Dalawang buntis. Wala na sa kanila ang cp ko. Tapos pinasakay na sila sa police car. Grabe talaga. Ambait ni Mouse at nung kasama niya. Ayaw nilang sumakay sa police car kasi baka daw sabunutan sila. Natatakot. So nauna sila sa Station 3.

Mouse and kasama ni Mouse, thank you. Kung 'di dahil sa iyo.

Loadan sa ilalim ng LRT station, sorry. Babayaran kita kapag nagLRT ako sa Tuesday.

Ako naman sumakay sa police car. Wala akong magawang emosyon. Pero alam kong usually umiiyak ang mga nadukutan, so umiyak ako. Pumunta kaming Jose Reyes Hospital para ipamedico legal. Nakaexperience ako ng "police brutality" kasi tinadyakan ng police pero I won't consider that as a brutal thing kasi it's part of their job. Kung 'di mo tatakutin, walang mangyayari.

Ako ang nagbayad ng 60php for the medicolegal kasi sinabi na sa akin na may possibility na makuha ang cp ko.Ano ba ang 60 sa 14,700? Hay. So eto naman ako, kinukulit si Mamang Pulis para sa isang telepono para makatawag. Nagulat sina mami. Whoa! Tapos inexplain sa akin ng pulis na buntis sila kaya raw nila nagawa 'yon. Kung maibabalik daw ba ang cp, patatawain ko raw ba? Ang sagot ko OO. Siyempre, kailangan kong mabawi si cp. Kapag pinakulong ko 'yan, 'di ko na makukuha ang cp ko. Isa pa ay kawawa naman ang mga batang nasa sinapupunan niya. So, ayun, cp na lang ang pinili ko. Kahit hindi sila nakulong, ok lang. At least may puso pa rin ako, at hindi na ako reresbakan ng sindikato nila. Mukhang malaking sindikato e.

Tumawag ulit ako sa bahay para sabihing pumunta na lang sa JRH. Walang tao sa bahay. As in. Si Tita, Olib at Mami ay pinuntahan ako. Si nanay lang at Boy ang naiwan sa bahay. Tinawagan sila ni Manong police at nalamang malapit na pala sila sa FEU. Pinabalik ko. Nahulog ko pa nga ang cp nung police e. Sorry po! :|

Dumating na sina Tita at napagkasunduan na nga lang na kunin na ang cp ko. After 2 hours bumalik na ang 2 pulis at binalik na si cp. 'yong isang magnanakaw, nalaglagan ng bata. Alam kong karma, pero wala tayong magagawa. Kawawa 'yong bata. Wala siyang kasalanan. Pero dahil nabuo siya, ginawa ng nanay niya ang lahat ng kaya niyang gawin, mabuhay lang siya. Hay.

Masaya ako at bumalik na ang cp ko. Swerte na ako. 'yong iba kasi nasasaksak pa. E ako, walang galos. Hay.

Marami akong natutunan sa araw na ito, pero bago ang lahat, masasabi kong swerte ako. Wala lang. Ienumerate natin.

May mga narealize ako ngayon. Marami na kasing pagsubok ang dinaanan ng Sy Family over these past few weeks. Super. Hay. Malungkot. Malungkot. Magulo.

Narealize ko at naprove ko sa sarili ko na walang FATE. (naalala ko ang previous post ko.) Kung ano ang ginawa mo ngayon, makakaaffect sa life mo later. Hindi naman ibig sabihing bukas mararamdaman mo na and the like pero long term ang epekto niya. Tipong magugulat ka na lang. Naalala ko si Ma'am DLR, life begins at 40. Kasi kung ano ang bisyo mo before you reach 40, drugs, alcohol, sex, lalabas lahat ng epekto nito when you reach 40. Ayun lang.

Ewan ko ba. Gusto kong magbago para at least maganda ang future ko. Eto na naman kasi ako, naguguluhan. Napapaisip ng mga bagay na dapat hindi ko na iniisip. Minsan kasi, hindi mo maiwansang maging philosopher at magphilosophize kapag mag mga bagay na palaging lumilitaw sa mukha mo.

Hay.

Hehe. Sorry sa pagmamayabang sa ilang parts. Pero hay ewan naku WTF etc.

Ayoko na munang magsalita. :| Bukas na ang blind items. My mind needs to rest. Masyado na siyang napagod today. I hope na ito ang worst day of my life. Sana nga. :)

Ay isang blind item muna.

Black and white. Sino ang hottest new couple na ito na hindi bagay? I mean, physically, hindi talaga! Napag-alaman ko na kaya pala palaging wala ang isa na ito sa isang lugar ay dahil pinupuntahan niya ang juggers niya! Clue: 'di sila bagay. :)

BREAKING DAWN MODE NA! Pampawala ng problema! Whee. :)

PS. Kuya Mao, sana natuwa ka sa gift ko. Ang recipe sa Tahong Espesiyal ng Pamilyang Sy. :)


left at 6:21 AM


Kung alam niyo lang.

BUKOD sa sobrang hirap ng Chem 31, isa pa ang Chem18. Gahd. Isipin mo dalawang chem 'yon. Plus, Biochem pa ako kaya mataas ang expectations nila.

MagChem18 mode muna tayo. Sir Christopher Jay Robidillo. Ang guro ko sa subject na ito.

Grabe. Ako ang pinakaunang tao na kumuha ng test sa subject na ito. I mean, naunahan ko lahat ng magtetest dahil may conflict sa mga schedule ko. May chem lab kasi ako ng hapon, 5.30-7.30 nung araw na iyon at kinabukasan, ang test ko ng orgchem para sa sunod na batch. So nagpaalam ako kay Sir na maaga ko magtetest noong Thursday. Natatawa pa ako kasi pinipilit niyang mukhang HAMSTER si Nina. Actually, BROWN HAMSTER. Haha. Tapos nag-eemote na HAMSTER pa nga e. Ang kulit niya. E ako naman daw, anong hayop. Tinanong niya ang chinese zodiac ko, sabi ko monkey at hindi kasama sa chinese zodiac ang hamster kaya tinawag niya ulit si Nina na RABBIT. Mali, BROWN RABBIT pala. Haha. Natatawa ako. Ang irog ko pala ay isang rabbit.

Noong nagtest ako nung Friday, 7.30 pa lang nasa tapat na ako ng DPSM. Kasabay ko pa ngang pumasok si Sir e. Tapos pagdating ng 8, 'di na ako nag-aral kasi alam ko parating na siya. Tiktak. 'di siya dumating. Nalaman kong may klase pala siya. 8.15 dumating na siya, kausap niya 'yong PT girl. So chismisan sila. E dumating si Ibo, nag-usap muna kami. Tapos niya na ang breaking dawn! Ayun. Nung natapos na ang pakikipagchismisan ni Sir, pumasok na kami ng DPSM lib. Anlamig pero binuksan ni Sir ang aircon. Tapos iniwan niya ako. Ang LAMIG kaya nakatulog ako. (Hehe, may nabago ba?) Nagising ako nang nakarinig ako ng libron binalibag, nahuli ako ni Sir na natutulog. "Bakit ka natutulog?" tanong niya. Sagot ko naman pampatalino. Hehe.

So ayun, nagsolve ako at SUPER hirap. Sobra talaga. Binalikan niya ulit ako sabay sabing "Ok ba ang test?" Sagot ko naman hindi sabay sabi niyang "Lahat naman tinuro ko, ano ba ang naging pagkukulang ko?" sabay labas. Pagbalik niya sabi niya "Joke!". Haha. Joke time naman. Umalis siya. Haha. Tapos habang naghihintay, naririnig ko ang mga hinaing ng mgaclerk ng DPSM. Narinig ko rin ang NAKAKATAWANG tawa ni Nelson. So bumalik na si Sir with food. Nagoffer siya ng chocolate na binebenta ng BCS, pero I declined, nasa kalagitnaan kasi ako ng pagsosolve. E 'di kumakain na siya, fish ang ulam niya sabay sabing "gusto mong fish Steph? Tara, kain tayo." Haller? Nagtetest ako. nakokonsyus din ako kasi sinisilip niya sagot ko. Huhu.

Trivia: Parang rabbit kumain si Sir. :)

Tapos basta, nakakakonsiyus siya. After niyang sabihing 15 minutes na lang, nanggugulo na siya. Sabi ko kasi ang hirap sagot niya naman "Steph, una pa lang kitang nakita, alam kong may X factor ka." Sagot ko "Sir, baka puro X naman ang sagot ko dito!" at sumagot muli siya "Ok, sige, may CHECK FACTOR ka." Ok. Ang korni. Hehe. Nung 5 minutes na lang, nagkacram na ako. Hula mode na lang. Tapos super trial and error. Sabi ko "Mukhang babagsak na naman ako.." Mahina lang. Pero may sinabi siyang ikinatuwa ko ng sobra. "Gagawin ko ang lahat para makapasa ka." *teary-eyed* GRABE! Muntik na akong maiyak dun. Grabe ang words of endearment ng lola mo! Huhu. 'di talaga siya tulad ni Cris. :)

Nikuha niya na ang test paper ko. Sabi ko huwag munag buklatin kasi nahihiya ako. Sabi niya ok lang. Hay salamat. Hehe. Nakakatuwa talaga. Tapos tinanong niya kung saan ako nagpakulot. Maganda daw kasi. Hehe. Sabi ko sa index lang etc. Kinuwento ko rin ang perm ni Annie na 5k. Sabi niya isang Bruice na 'yon! Tama nga siya. May balak daw siyang magpakulot ng katulad sa akin. Sosyaaaal! Haha Sabay alis na ako sa DPSM.

Nakakatuwa talaga si Sir. Tapos magaling pa magturo. Haha. Ayun.

Diretso ako ng Orgchem. Nagpatalbugan kami ni Sir Villarants. Haha. Mas magaling pa rin ako. HAHA. Pero oks naman. Natuwa ako dun sa ito-ang-mundo joke. Natuwa kasi siya. tapos dun sa Superman. Sabi niya, Mansuper.HAHAHAHA. Super funny...KO. Haha.

Tapos chem lab na kami ang monitor na super daming reagents at kami ulit sa 8b at super daming hiniram sa stockroom at super gulo ng buhay. As usual kami ulit ang nagkaroon ng plus points. Tapos kami ni Kat, kumain pa sa baba at nakita pa ang BOYPREN niya. Hehe. BTW, ankalat nung umalis na ang lahat.

Naadik ako sa canal control. Saan ba makakaDL yun?

Ayan. So pag-uwi ko sa bahay ginawan ko ng secret recipe si Kuya Mao tapos nakatulog. Saglit lang ako nakapag-aral. Sniff.

Next post na ang kasunod. :)


left at 5:20 AM

Thursday, August 14, 2008

Quickie.

Waa. 2 ang test kong Chem. Please pray for me. Hope I pass both. Hirap talaga ng chem.

Wekenduwit.

:)


left at 12:40 AM

Wednesday, August 13, 2008

I hate NELSON. I really hate him. Waa. WALA AKONG NATUTUTUNAN SA KLASE NIYA!

Ayoko ng magtest ng Chem31 sa Saturday. tapos ang test 4-6pm pa. Hay. Sana naman may maintindihan ako sa gurong iyon sa Friday. Badtrip talaga. Isama mo pa ang fact na may Chem18 test ako sa Friday. PESTE talaga. Bakit ba kasi bumagsak pa ako sa subject na iyon. Oo, kasalanan ko 'yong ibang factors, pero haller?! KAYA niya na akong ipasa nun e. MADAMOT kasi. Haaaay.

Masyado lang siguro akong naaasar sa mga kinalalabasan ng mga exams ko. Bio na naman bukas. BAGSAK na naman 'to. BAGSAK. Minsan ginawa mo na ang lahat, BAGSAK pa rin. Palagi na lang. Mukhang sa OrgChem ganun din ang mangyayari. OrgChem ang top priority ko this sem e. Talagang binubuhos ko 40% of my time here. Nako. Tapos baka BUMAGSAK lang. Badtrip.

BTW, nakalimutan kong ikuwento ang Bio. Hehe. At mukhang next week ko pa mapopost ang pics. Contacts lang naman ang makakabasa so intrigahin ko muna si Ralph.

Feeling ko bakla siya. Hehe. Noong kasama niya si Jaya, bumabaluktot ang wrists niya. Haller? At yung "chuva sa chenes". Kahit kailan hindi ko pa narinig si X na magsabi ng ganyan! Haha. Tapos minsan, hindi mo alam kung natutuwa ba siya o nagkukunwaring galit kasi baka masira ang reputasyon niya. 'yong ganoong tipo. Hehe.

Tapos barahin daw ba ang joke ko! Sabi niya kasi mas madali ang plants kaysa sa mga animals kaya dapat daw mataas ang scores namin. Sabi ko naman, mas madali ang animals kasi medyo nakakarelate kami. Sagot niya "Bakit, palaka ka ba?" Haha. Grabe. Sagot ko naman, matagal ko ng hinahanap ang leaf sheath ko. Haha. Malapit daw sa nose 'yon e. Toingkz! Korneeeee.

Peste talaga ang mga guro. PAHIRAP sa buhay. Ilan lang ang okay. Si Grace, si Liya. Ok din si Jalton at Totoy. Hay. Hehe. Si Adela naman amp. Pero mas AMP si Mishi. Hay. Tsk tsk. mas okay si Chris kaysa kay Cris. Haha. Basta. Weird talaga nila.

Bukas ko na alng kwento ang kinuwento ni Jalton kanina.

BABAY! :)


left at 4:58 AM

Tuesday, August 12, 2008

Haha. Nothing special. Saya kanina sa Physics. Haha. Steeeeeel ball is love. :) Nakakatuwa habang inilalagay siya doon sa parang launcher. Tapos irerelease! Parang may giyera sa room kanina. Asteeeg. I loooove it. Haha. So ayun. Happy naman ang Physics kahit akala ko mapapatay ko si Roxy kanina dahil narelease ko 'yong steel ball e nagsusulat pa si Roxy sa onion skin! Sorry Roxy.

Tapos NAKATULOG ako sa OrgChem. Huhu. E second to the last meeting na 'yon before the depex. I NEED TO MAKE ARAL. :( Huhu. Kawawa naman ako. Isang depex sa OrgChem na na nagself study lang ako. Mutha naman 'yown theba? Haha.

BIOOOOO. Hay naku. Nakalimutan ko si iskiliton. Nagalit ata sa akin si Josh. Josh, sorry naaaaaaaa. :'(.. Wag na galeeeeeeeeeeeeet. Pero kung ayaw mong makipagbati, 'di huwag. BEHLAT.

Masaya Bio. :) Haha. Dinamitan namin sila. They're so cute! Mapost nga. Haha. Nakakatuwa. Mukhang spartan si Ragi. Haha. Tapos ayun. Ok lang ang score ko. Hindi ako natuwa pero hindi ako bagsak. OK lang. Amp.

Basta details na lang bukas, este mamaya. Pati mga pics! Babush!

PS. Si gurl. Yak talaga. HAHA.


left at 6:00 AM

Monday, August 11, 2008

Hay. Whatta day. Feeling ko na naman babagsak ako sa Bio. :( Ewan ko ba. Bobo kasi ako. 'di ko hilig ang pagkakabisa ng mga bagay na hindi naman kailangan sa buhay. Pakialam ko ba kung ang large intestine ko ay six feet long! Huhu. Babagsaaaaak na naman ako. :( Ewan. Hindi talaga ako bilib sa aking sarili. :(

O siya. Kay Kathleen Aquino ko iaalay ang mga 70% ng post na ito. Dapat nung Thursday ko pa siya gagawan kaso may mga ginawa pa ako. :)

Kathleen Christine Estanislao(?) Aquino

Ang kaibigan kong babae na naging kaklase ko noong 4th year hanggang sa matapos ang kursong BIOCHEM. Hehe. Isang mabait at tahamik na tao. Minsan, hindi tahimik. Maingay. Mahilig magpusoy dos. Mahal si FH at ang kanyang Yellow friend. Mahilig sa chismax. Mahilig sa food. Mahilig sa Havs. Hehe. Mahilig sa green jokes. Korni. 18 na. Legal na. Mukhang mabait pero evil din minsan. Kasamahan ko minsan sa mga kagagahan ko. Whee. Lab ko si Kath.

Noong una ko siyang nakilala, akala ko napakaangelic niya. May pagkagreen din siya. Hehe. Tapos may misunderstandings pa nga kami noon. Pero wala na 'yon. Napatawad na ako ni Kath. Hindi ba? Hehe. Sorry ulit. Nasa akin pa nga 'yong email mo na 'yon e. Hindi ko pa nabubura at ayokong burahin. :) Basta. Mabait siya. Maaasahan. Kinokopyahan namin palagi sa Ad. Chem noong fourth year. Asteeeg! Palaging tama ang mga sagot niya. Hehe.

Hindi kami masyado pang close noong fourth year. Close niya sina Gaku, Leahli. E ako sina Lori. So medyo magkaibang mundo pa kami. Pero nung nalaman kong hindi ako nakapagbiochem at nakakuha siya, talagang pinilit ko ang sarili kong magbiochem(nakapasa din kasi agad si Steph, e hinahabol ko 'yon hehe. Labyu steph. :)). Nakapasok din ako ng biochem sa wakas at doon na nagstart ang mga adventures namin ni Kath. :)

Simula first sem, kami kami na ang magkakasama. Palagi ko ngang kasama si Kath kasi super blockmate ko siya noong 1st sem. Hehe. Ansaya! Marami akong nalaman sa kanya. Magaling pala siya magbadminton. IDOL! Hehe. Tapos second sem, lalo kaming naging close, siyempre with Stephmaylabs. E dumating na rin sa buhay niya si FH. Hehe. Ang galing nga e. Hehe. Isipin mo 'yon. Tapos pinagbuklod na kami ng Pusoy Dos. Hehe. Lagi kaming napapagalitan ni Nutty dahil doon. Hehe. Pero oks lang.

Dumating pa nga sa puntong akala ni Nutty, sinisilip namin ang mga tanong sa exam kahit 'di pa namin exam. may grudge ata ang mammary gland na iyon sa amin. Pero ok lang. tapos na naman 'yon e. Tapos ayan. Nagsummer sem. Ok naman. Pero ako hindi. Hehe. Alam na. Haha.

Ngayon, si Kath ang kilala kong cutqueen. Mahilig kasing magcut. Tapos, sa tinagaltagal niya sa Masci, ngayon pa lang siya natutong magmagic. Hehe. Pero magaling siya ah! Haha.

So ayun. Si Kath. Salamt Kathleen sa lahat. Hehe. Sa mga moves mo, sa mga pictures mo, sa mga pagsipsip ko sa mga nutri mo. Salamat. Aylabyu. Kulang ang collge life ko kung wala ka. Naks! Hehe. Kaya nga ginantihan ka namin noong birthday mo. Sana natuwa ka. Aylabyu beybilabs. :)

O ayan. Haha. Wala pa rin pala akong naaaral sa OrgChem. BAGSAKAN na! Hehe.

BTW, may blind item ako for tonight. Isa lang ah. Lumipad na kasi sa isip ko ang iba ko pang blind items e.

Hermaphrodite. Sino ang nilalang na ito na hindi natin malaman kung babae o lalaki? Sa unang tingin, masasabi mong babae siya. Pero ayon sa aking nakalap, magdati siyang girlfriend. Ang tunay niyang kasarian ay hindi ko pa rin maisip. Tomboy nga ba siya o bakla? Madalas mo rin kasi siyang makitang nakikipagharutan sa mga lalaki. Pero sabi nila ang taong ito ay manyak daw?! HUWAAAAT! Magulo. Malandi. Weird.

Babay na! Hehe. :)


left at 4:05 AM

Sunday, August 10, 2008

Okay okay. Quickie post.

Waa. Wala pa akong naaaral. Kasalukuyang kausap ang Tita ko. At 11.32 na. So, walang tulugan na naman ang drama ko. Baaadtrip. Sana makayanan magreview. Tutal, sanay na naman ako. So magpupuyat na naman ako. Another nocturnal night.

Natapos ko na ang The Turning at The Wheatfield. Parehong maganda. Gagawa ako ng review tom. At magpopost din ako ng mga pics at MAS mahabang post. Hehe. Tungkol kay *toot*. Magugulat kayo kung sino. Hehe. Sana naman matuwa ang gagawan ko ng post bukas. :)

O yan lang. Sige. Babush.

PS. Belated muli Katkat! And happy birthday to Iana and Karen! :)


left at 4:32 AM

Wednesday, August 06, 2008

(Quick Post)

Hehe. Spreyn. Dahil sa badminton.

Nagbadminton kami kanina. E advance na kaya may talon talon effect na kami, nakalimutan ko na tawag dun. Sa tuwing tumatalon ako, nababaling ko sa right leg ang bigat ko. After ng PE, whoo! Sumakit siya.

Nakatatlong ganoon kami. Tapos high clear, high clear drop, drive then smash. Hehe.Nag-iimprove na ako! Maayos na akong magsmash ngayon at magdrive. Asteeeg. Salamat Master Inno. :) Galing. Haha.

Tapos, nagmadali pa ako. Akala ko late na ako. Tapos wala akong nadatnan doon. WALA KASI SI JALTON. WALANG KLASE. Amp. Nakakaasar. Pero ok na rin. Nagkaroon kasi ako ng time tumingin ng *toot* at *toot*. Haha. Napadpad ako sa National Bookstore at nakakita ng mga libro. AS usual, bumili na naman ako. At nakakuha ako ng Lost and Found ni Carolyn Parkhurst for only 50 pesos. Tagal ko ng hinahanap 'yon! Sobra. At nakakita na rin ako. Discounted pa. Mula 700+ 'yon ah. ASTEEEG. Tapos may dalawa pa akong binili. Mukhang maganda e.

Patapos na rin pala ako sa Beyond The Waves. Hehe.

O siya! Bio mode na. Sana. Mukhang makakatulog na naman ako. Kagigising ko lang kasi. 4-8.40 tulog ako. Haha.

Babay! :)


left at 3:14 AM

Tuesday, August 05, 2008

So. Haha. Patay na si Ragi. Ang magiting na palaka na nagsakripisyo ng kanyang buhay para lang may mapag-aralan kami sa bio. Baka multuhin ako nun. Hehe.

Nagstart ang day ng.. hindi masyado maganda. Nagising ako ng 6am. E ang pasok ko ay 7am. Mabagal akong kumilos. Trapik palagi sa Avenida. Gahd. Kawawa naman me. So nagmadali ako. Hindi na kumain ng agahan o uminom man lang ng gatas. Haha. Wala ng time. Ang pinakanakakabadtrip lang dito ay ang fact na absent si Jude. Amp. Naku! Nagmadali pa ako absent lang pala ang magiting kong guro sa physics. Oh well. Kumain ako ng carbo mula sa makel sa physics lab. Buti hindi napansin ni Manong Renato. Hehe. Tapos diretso kami ng library ni Istepibeybs. May test kami kanina sa Biolab kaya kami nag library. E eto naman ako. Antok na antok dahil *toot*. Hehe. Kaya nakatulog ako ng isang oras sa lib.

Pagbaba, dahil may org chem pa kami, ok naman. Sinabi ko sa sarili ko na magrereview ako sa bio. Pero WALA. Nakatulog din ako sa orgchem. Waa. Wala talaga akong kwenta. Tapos ayun. Ok naman ang test. Mee-nee-mee-nee-may-NEMO? lang ao sa test. Hehe. Hula hula ng mga terms na naaalala ko. Haha.

Pansin ko lang, nawawala na talaga ang gana ko sa pag-aaral. Hehe. Pero kapag ginaganahan naman, wala rin. Hindi kasi ako malakas magmemorize. Buti pa si Josh. Huhu. E ako?! Hay. May pornographic memory kasi si Josh. 'yong tipong tititigan niya lang tapos macoconvert sa porn kaya mas madali niyang namememorize. Ayheychoo Josh. Haha.

Tapos, frog mode na kami. Hehe. Bago magfroggie at dahil wala si Mr. Lapuz, nagmagic muna kami. Nagulat ako nung sinabi niyan "Mamaya na 'yang magic. Mamaya na ang mga spell na 'yan. Mga mascians talaga o." Haha. Nakakagulat. Batch pala ni sir nagflourish ang Magic Era. Sa batch daw nila kasi galing 'yon. Haha. Asteeeg. Magaling din kaya si Sir? Haha.

So ayun. Nakakatuwa si Ragi. Siya 'yong ginamit ni Sir sa pagdedemonstrate. Haha. nakakatuwa nung tinutusok tusok ang batok niya. Parang ang sadista ko at ang masokista ni Ragi. Haha. Tapos ayun. Kahit anong tusok at kahit gaano karaming chloroform ang gamitin, 'di talaga siya mapigilan. Kay kulit ng aking Ragi.

May mga times pa nga na tinihaya namin siya tapos sabi ni Claudz "Itusok mo sa butas niya!" Hehe. Ambastos! Rape! Tapos magugulat daw kami kasi pang spray daw 'yong sperm cell niya. HAHA. Natatawa ako. Tapos ayun. Nalaman ko na ang carpus at carpal ay iisa. Haha.

Nung binabalatan na namin siya, ang kulit niya pa rin. Wala na ngang balat ang 3/4 ng buong katawan niya, nagjejerk pa rin siya. Ayon kay Sir, reflex na lang daw 'yon. Pero hindi ako naniniwala. Namatay lang si Ragi noong nilubog na namin sa formalin at nangulubot na siya.

'di ko lubusang maisip. Bakit kaya hindi pinagbabawalan ng PETA ang mga ganitong gawain? Sadistic kaya siya in nature kasi buhay mong binabalatan ang isang kaawa awang palaka. Pero nag-enjoy ako ah! Haha. Nakakatuwa kasi. Sana sa susunod tao naman. In short, makapasa sana ako sa UPmed. Hehe. ASA!

Nga pala. Kaya pala hindi na pumapasok si Mr. Maniquis kasi financially challenged siya. Dalawa kasi ang binagsak niya last year so nawala na si scholarship. Akala ko naman namatay na ang loko. Haha. Pero sayang. Pero ok lang. Haha. Chismax lang naman.

Mga Da Who:

  1. Korni No More. Sino itong taong ito na hindi na nagpapatawa at umiepal sa mga class jokes? Napag-alaman namin na siya ay mahilig ng sumama sa higher years. Nang magsimula ang school year na ito, bigla rin siyang naiba. Magugulat ka talaga sa biglaang transformation. Pangarap niya raw kasi ay humirit ng oks.
  2. Hidden Desire. Sino itong taong ito na kahit hindi niya aminin, may special something talaga siya sa taong itatago natin sa pangalang Sinulid. Si Sinulid at ang taong ito ay laging magkasama. Mahihinuha nating kaibigan lang talaga ang turing ni Sinulid sa taong ito pero kahit itanggi pa niya, halatang may gusto talaga siya kay Sinulid.
  3. PokPokLook.** Sino itong taong ito na mukhang pokpok palagi ang itsura? Sa tuwing makikita mo siya. maaasar ka talaga. The look. Grabe manamit ang taong ito. At ang kanyang kilos ay akmang akma sa kanyang sinusuot. Ang kanyang suot palagi ay mga kita kuyukot styles. :)

**May mga taong pangit pero habang nakikilala mo gumaganda. Wala lang. Marami akong kaibigang nagagandahan ako pero para sa iba, hindi sila ganuon kaganda. Hindi lang siguro sa physical characteristics nakikita ang kagandahan ng isang tao. Kapag napapalapit ka na kasi, siguro nasasanay ka na sa mukha nila at nakikita mo palagi ang ugali nila kaya isinasantabi mo na kung ano ang pangit sa pisikal nilang anyo. Alam mo na kasi ang tunay na pagkatao nila at hindi na kailangan pang pagbasehan ang anyo. May mga tao namang, sige, sabihin na nating maganda, pero habang nakikilala mo, parang naghahanap ka ng pangit sa kanila. Tipong maganda kaso masama ugali kaya sasabihan nating *toot* siya. 'yong ganun. Nahahaluan ng pagkatao ang anyo. Hindi purong pisikal na katangian lang ang nagdidikta kung maganda o pangit ang isang tao. May point sana ako. Hehe.

O siya, magdedeyt na kami ni St. Augustine. Babush!


left at 1:55 AM

Monday, August 04, 2008

Kissables ang title kasi naadik ang nanay ko sa Hersheys Kissables. Ang tagal ng nakatambay si kissables sa box at ako lang ata kumakain dahil ayaw daw niya. Ngayong last supot na lang, saka niya natripang kumain at ngayon lang nalaman na masarap pala ito. Weird.

Pero totoo ang mga haka haka. Mas masarap ang kissables kaysa sa MMs. Hehe. Oo. Mas malasa kasi. Haha. Nakakaadik. Kailangan ko pa ng tsokolate. Kahit milo nga pinapapak ko e. Sarap talaga. Whoo. Para akong nasa langit sa tuwing kumakain ako. Haha.

Physics! Wa. Kabobohan. 2 hours lang ako nagreview para sa isang depex! Gahd. Kakaiba talaga ako. Gusto ko ng thrill. Hay. Makapasa sana. Go stock knowledge. Teka ano ba talaga? Stock o stored? Stored o stock? Haha. Whatever. Kung ano man 'yon, 'yon ang ginamit ko sa test kanina. Haha.

After nun, tulog muli sa Chem 18. Kaboring na subject. Walang kwinta. Tapos diricho daw ba sa 2nd floor ng GAB para hanapin ang mga bluckmets nimo. Hehe. Tumambay muna sa GAB203. Nangulit. Nakipagchismisan. Nanggulo. Hay. Peste talaga. After nun, studio pic time!

Haha. Nagpastudio pic kami kasama ang aming mga alaga. :) At ang saya ng shoot. Kaso pakshet, huli na ng malaman kong bukas ang zipper ko sa pic. Like duh. Kung kailan maluwag, as in sobrang luwag ng pants ko, tsaka siya bumukas. Ang pinaka pestest part dito ay BUMUKAS PA HABANG NAGPAPASTUDIO PIC KAMI. Amp. Pero ok lang. Ang cute pa rin naman ng cornmasters, ang aking pinakamamahal na mga tao/nilalang na nakilala sa Biochem. :) Aylabyoguys.

AT PESTE. Bulag na ako. Hindi ko mahanap hanap ang Sisig Republic kanina sa foodcourt kaya sa Paotsin na lang kumain. Anak ng tupang pumatol sa tipaklong, ANLAPIT SA INUUPUAN PALA NAMIN ANG SISIG REPUBLIC. Bulag. Lagbu. Blind. Amp. Kaytanga tanga. Tumatanda na talaga ako.Ganito ba talaga kapag 16 ka na? Huhu.

At bumalik na kami. AT super magic kami. Haha. 12 ata kaming nagmamagic kanina. Isipin mo 'yon tapos labanan. Haha. 12-8. Siyempre kami ang 12. Ako, Josh, Api, May, Vina, Ja. Haha. Asteeeg. Ang OA na nga namin e. At si KATH marunong na! Aayaw ayaw pa. Haha. Si Cristian din nagpapaturo na. Akalain mo rin, si Viv, magaling na. BTW, palakpakan natin si Viv, perfect siya sa Physics. Asteeeg. Buti pa siya. Sana ako kahit kalahati lang ok na. Haha.

Ayun. Tapos photox mode. Hehe. Leche. Buti pa sa Alva. Wala talagang kwenta ang CAS,. :| May grudge?

About tom naman, gumawa lang kami ng dissecting pan. Haha. 'yong pambake na lata tapos nilagyan ng wax na tuwang tuwa ako. At si Tita rin pala. Pinaglaruan namin 'yong wax. As in! Nakakatuwa. Tapos naamaze ako nung binuhos 'yong wax sa pambake thingy. WOW. AS in WOW. Makikita mong pumuputi siya. Tapos, papunta sa gitna. Super amazing talaga! Haha. Gusto ko sanang bidyuhan kaso medyo mahirap. Hehe. Tagal e.

Speaking of bidyo, may bidyo ako ni JC at Yas. Post ko rito kapag may time.

O siya, BIO mode na ako. Please pray for me. Haha. :)


left at 3:17 AM

Sunday, August 03, 2008

SURVEY: ALL ABOUT YOUR CLASSMATES

1. Coolest guy in class?
-Jesteen? Cristian? Haha. Ah. Si Daddy Nikko!

2. Prettiest girl in class?
- Uh. Macalino beybeh? Define maganda. Haha. :)

3. Most Intelligent girl?
- Tinatanong pa ba 'yan?! Goddess siya! Bathala! Si DANETTE MONZON! Diyosa ng GE at lahat ng DPSM subjects! Haha.

4. Most Intelligent boy?
- Si Gumbee. Teka, boy ba si Gumbs? Goddest 'yan e. God, Godder, at siya ang GODDEST! Haha. Talino. Asteeeeg. Kaso SHUTTLECOCK.

5. Great in speaking in english?
- Si KatKat, Macalino, ChiComm., Mao. Halos lahat. Liban sa akin. Obobs ako e.

6. Science Wizard?
- Science Goddess kamo! Danette! Wala ng iba!

7. Calculator-Brain?
- Danette ulit! Hands down! :)

8. Writing and Poetry?
- Writing? Kami ni Kath. Haha. Joke. Si Macalino. Adeek e. Ganda ng mga fanfics. :)

9. Music?
- Sina Cristian. :) Haha. SI JESTEEEEEEN. Asteeeeg. Haha. Sina Maray, Herra din siguro. :) Kapag kumakanta kami. Haha. Ako pala rin. Hihi.

10. Sports?
- Lorenaaaaa, Jesteeeeeen. Haha. Sila 'yong magaling e. Number 1 sa fun run last year. Haha. Si Vina? Kaso lampayatot 'yon e.

11. Computers?
- Uh. Sino ba? Haha. 'di kami comsci majors. XD

12. Arts?
- MOIKEEEEEEEEEEEEEEL. at ANDREAAAAAAAAA. The best sila. Haha. Ako na rin. Hihi.

13. Dancing?
- Moikel, indayog na kasi. Si Andrian. Si Mao din pala.

14. Who's the bravest boy in class?
- Bravest? Uh. Wala akong maisip. Si MARC. Lakas ng loob hindi pumasok e. Haha.

15. Who's the bravest girl in class?
- Si Lao. :)

16. Most Quiet Classmate?
-Walang tahimik. Kahit sina Jamie maingay e. Walang tahimik. Haha. Si Roxanne? Joke. Haha.

17. Who was your last classmate you
talked to?
- Talked? As in usap? Si Steph. :)

18. Who is your bestfriend?
- Si Istep. Si Kath. Si Api. Si Ja. In short, cornmasters. At Chicomm. Halos lahat naman ok e. Si Lao din. :) I miss LAAAOOOO.

19. Worst Enemy? Your worst nightmare?
- Si... ALAM NIYO NA. :)

20. Most Funny classmate? /*bakit di na lang funniest?*/
- Funny? Maykel. Ako. AKO. Haha. naku. Si Kat ok din. Ako nga I think e. Haha.

21. Most Serious Classmate?
- INNO. :|

22. Who is your adviser?
- Martin and Li. :)

23. Girl or Boy?
- Pareho? haha.

24. Kind or strict?
- Isang kind, isang strict. :)

25. Who are you seating beside to?
- Laging sina Api, Steph o Kath. Papalit palit lang kami.

26. Who is in front of you?
- Laging.. Wala? Haha. Depende sa mood ng mga tao.

27. Most Hated Classmate?
- Si.. Hindi siya bagay, hindi siya tao. Alam na.

28. At your class, is it fun or boring?
- FUN. Tinatanong pa ba? :)


30. Proud?
- Siyempre. Labyublakmeyts. :)

Haha. Asteeeeeg.


left at 3:16 AM


Naaasar ako. Peste! Alam niyo bang ang hirap intindihin ng librong University Physics ni Young and Freedman? E kasi ba naman, super complicated. Kaso no choice kasi ang Physics 71 ay para sa kanya lamang. Hindi uubra sina Giancoli at Serway/Faugn sa kanya. How sad. Hina pa naman ng brain ko.

Hehe. Mayroon na rin palang laman si iPod na movie. Manay ko po 2. No choice. 'yon kasi 'yong hiniram namin sa Video City kahapon. Hehe. Kinopya lang ni Tita sa PC. Ika nga niya, mas madaling kopyahin ang gawa sa 'Pinas kesa sa imported. Kaya ayun, natuwa ang loka at kinopya ang Manay Ko Po 2. Gusto ko nga ng The Simpsons e. Oo, gusto ko nun, walang aangal. May mga tao kasing ayaw sa The Simpsons. Hello? Ang ganda ganda kaya 'non! Pero kung sabagay, hindi lahat ng tao gusto ang mga gusto mo. Hay. Pero ang ganda talaga nun. Asteeeg.

Ano pa ba? Ayun. Pasensya sa mga taong tinanggal ko muna sa GM list ko. Wala lang. Hirap kasing maglagay ng tao sa GM list tapos hindi naman sila nakakarelate sa mga pinagsasabi mo. NaOOP lang sila. Kaya mas maganda kung tanggalin na lang. At least, hindi pa sila magagalit or something.

O siya. Mag-aaral na me. Babay!


left at 2:54 AM

Saturday, August 02, 2008

Walang kwenta. Walang KWENTAAAAAAAAAAAAANG araw. Nagising/ Nanuod ng Rambo 'yong latest) at The Air I Breathe. Pareho namang maganda. As in. 'di ko ineexpect na maganda. Hehe. So ayun. After nun, nagPC saglit. Tumingin tingin. Sumilip silip.

Tinawag ako nila Tita. Magsasauli na raw ng VCD na hiniram sa Video City. Huwag na raw maligo. Nagchange ako ng "used" clothes. Hehe. Pero nagpabango naman ako. Hehe. Namasyal na rin sa SM. Nagpumilit akong magpabili ng sapatos. Sa So! Fab kami bumili. Hehe. Wala na kasing iba pang magandang store. Actually maganda ang quality ng mga sapatos dito. Kaya kung gusto niyo ng flats, dito kayo bumili. Maganda, malambot at matibay. Hehe.

At nawala ang nanay ko. Naadik pala sa kakatingin ng mga VCD. So napilitan kaming bumili ng At World's End at Scary Movie. Nagpupumilit akong magpabili ng Forrest Gump, which is my favorite movie.. Na super gusto kong panuorin dahil super tagal ko na siyang hindi napapanuod. Hay. Ang ganda talaga ng palabas na ito. Super. Romance, drama, comedy at may kaunting action all rolled into one. Hay. Super ganda talaga. :) 'yong Scary Movie, favorite nila Tita, isama mo pa lahat ng movies na ganyan ang genre. Hehe. Favorite ko din naman.

Pag-usapan natin ang movies. Marami akong favorites. The Departed, Smokin' Aces, If Only, Transformers, Spiderman Series, The Prestige, The Guardian, Babel. Marami akong pelikulang nagagandahan. Marami namang napapangitan. Mapili ako. Pero hindi ako nahihilig sa isang genre lang. Adik ako sa movies. Super adik. Kung adik ako, mas adik sina Tita. Wala pa ako, adik na sila. Gusto nilang genre 'yong super comedy, super gory movies and the like. Ganyan. Bata pa lang ako, naimpluwensyahan na ako sa mga horror movies kaya ngayon wala ng epekto sa akin ang super gory movies. Sanay na ako at sanay na kami mangilatis ng mga pangit o magandang patayan, saksakan, puslitan ng dugo etc. Astig 'no? Sobrang dami ko ng napanuod. As in sobra. At halos lahat naaalala ko pa. Hehe. ASTEEEG. Hirap din maging movie addict. Hindi ko mapigilang manuod kapag may bagong movie sa bahay. Hindi ko mapalampas ang ilang mga CD. Waa. Kahit may test, nanunuod pa rin ako. Hay. Kaya mga kids, huwag gumaya sa akin ha! :)

So ayun. Nanghiram pa sila ng 2 CD at napanuod na namin kanina. At ngayong 1.13 am na, may balak pa silang manuod ng Scary Movie. Nocturnal mga tao dito e. Super. Haha. Kaya nga nagagaya ako.

Habang nanunuod ako, may naaalala akong 2 bagay kanina. Isa sa pinapanuod ko, isa sa ginagawa ko habang nanunuod. Sa pinanunuod ko, ang bida ay kamukha ni *toot*. Hehe, Naaalala ko si *toot* nuong napanuod ko ang movie. Mas pangit na version lang 'yong sa pelikula. Haha. Nagpaparamdam si *toot* ah! Isa naman ay kumakain ako ng *ubo* kanina. Naalala ko si *ehem*. Adik kasi si *ehem* sa pagkaing iyon. Haha. Nakikipagagawan pa siya dati dun. Haha. Natatawa ako. Wala lang.

Minsan din nakakalungkot ang ganun. 'yong tipong may naaalala ka. Hehe. Mga dating kaibigan, kaklase na nawalay na sa iyo. Huhu. Nakakamiss sila pero minsan naiisip ko mas masaya naman ako ngayon, so wala lang. Hindi na rin masyado nakakalungkot. Siguro nakakatuwa na lang. Siyempre puro happy memories ang madalas nating maalala kung may naaalala tayong tao. Hay. Wala lang.

O siya. Aaral pa ako ng Physics. First dept sa Monday. I'm gonna die. :(


left at 6:18 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.