Monday, December 28, 2009

Matatapos na ang taon. Please move on.

May nagtanong na naman sa akin. May asterisk na.

It depends nga kasi kung sino. Pero alam ni P**** ang sagot. Ata.



WTF. Ano ba kasi ang point ng pagtatanong nun sa akin? Err. Anonymous na nga, ayaw pang ifill in 'yong asterisk. Ano berr. XD



O siya. Uulitin ko ulit, be specific. :)

Good aftie. :)


left at 7:38 PM

Sunday, December 27, 2009

Pili na. XDXDXD

AKO SI 5530. CLICK ME.

AKO NAMAN SI 5630. CLICK ME.

Pili kayo pls. XD


left at 5:45 AM

Wednesday, December 23, 2009

Happy Christmas to:

Cornmasters! Steph, Kat. Ja, Api, Nina, Rox, Pash, Marc and Jude.

Siramix! Ruth, Nikko, Pash, Naji, Cheng.

Kordie's Angels! Maray and Bea.

Irog! Nina and Lyssa!

BI! Ruth, Nikko, Pash, Naji, Cheng, Michael, Tin, Eunice, Jenn, Joemar, Faye, Sir Mong!

Family! Katz and Nikko.

Block 11!

Comsci friends!

Newton! Burbank! Thales! Padolina!



Haha. Love y'all! :P


left at 11:15 PM

Thursday, November 12, 2009

10 months ko rin kayong nakasama. Ayaw ko ng gawing 1 year. Haha. Ok na ako sa 10 months lang pramis. Haha.

January-November. Haha. Mahaba rin 'no? Daming lakad, gala, kainan, DDR, moments, chismis, kwentuhan, alitan, pamumundok, plurk, YM, issues etc. Haha.

Well, sasama pa rin naman ako kung major lakad or something pero I think it's the right time na bumalik na ako sa dati. Habang maaga pa, hanggang wala pa masyadong attachment. Mas mahirap kapag huli na. Dapat ngayon pa lang, tigilan na para huwag ng mahirapan pa. Haha.

Nahihirapan ako magmanage ng time. Sorreh. Ayun. At hindi ko naman kayo blockmates e.

Bakit ko naisipang gawin 'to? Parang natauhan ako nung kinocomfort si Michael kanina. Dapat kasi huwag masyadong maattach sa mga bagay bagay. Masasaktan ka rin sa huli. 'yan ang nasabi ko at ayun naisip ko nga lahat ng ito.

Clear na rin naman lahat 'no? Wala kayo, wala na rin atang plurk, wala ng babad sa pc. Try ko munang unahin sarili ko. Haha. Baka magimprove pa e.

Ayun. Labyuol. You took me out, out of the blueeee. (music)


At naluha ako.


left at 2:16 AM

Monday, November 09, 2009

Sira ulo ako e. Haha.

Ipagdasal niyo na lang ako bukas, please?



Pakyu pulang kabayo. XD


left at 1:32 AM

Sunday, November 08, 2009

May mga bagay talaga na hindi para sa'yo. Lumugar ka bitch.


Pakyu.


left at 1:58 AM

Saturday, November 07, 2009

Wala na talaga akong gana. Nauubusan na rin ako ng dugo dahil kanina pa nagdurugo ang tenga ko.

Wala na rin akong matinong blog entry ngayon. Hindi katulad dati na medyo may kahabaan ang aking nagagawa. Ngayon, puro kakarampot na pangungusap na para sa iba'y walang katuturan.

Nagkaroon ka na ba ng karanasan sa buhay na nag-alaga ka ng isda at tuwang tuwa ka sa pagpapakain nito? Sa pagpapakain mo, hindi mo na napansin na dumudumi na ang paligid at ni hindi sumagi sa isipan mo na linisin ang kanilang tirahan? At dahil sa kadumihan ng kanilang paligid, isa isa ng namamatay ang mga isda mo. Doon mo lang napansin na madumi na nga talaga ang kinalalagyan nila. Masyado mo silang binusog ng pagmamahal pero sa huli ikaw rin pala ang mawawalan?

Hay buhay. The more you give, the more pain you'll receive. Minsan masarap mabuhay mag-isa. Wala talagang mangengailam sa'yo. Tipong magagawa mo lahat ng gusto mong gawin. Walang magpapayo sa'yo. Pero paano kung dumating ang puntong hindi ka na mapigilan sa iyong ginagawa? Sino ang pipigil sa'yo? Sino ang maglalakas loob na baguhin ang takbo ng buhay mo? Wala. Wala ka ngang kasama 'di ba? Duh. Dapat kasi matuto tayong magpigil. Matuto tayong tumigil kapag sobra na. Dapat hindi na tayo umasa sa iba na gisingin tayo sa bangungot na ating kinalalagyan. Dapat alam na natin sa sarili natin kung ano ang tama at mali. Kung ano ang sobra sa sapat. Kailangan marunong tayong magtiis. Dapat unahin ang dapat unahin at ihuli ang mga bagay na hindi masyadong mahalaga. Dapat marunong tayong maghati ng oras. At higit sa lahat, dapat may panahong dapat tumigil muna tayo sa ating ginagawa para matingnan muna kung ano na ang nangyayari sa kabuuan.

Nasa huli talaga ang pagsisisi. Pero magsisisi ka pa ba kung sa bawat bagong pagkakataon na ibinibigay sa'yo, paulit ulit lang ang ginagawa mo, tapos magsisisi ka rin sa huli? Huwag na ring manisi kung alam mo sa sarili mong ikaw ang may gawa ng lahat ng kagaguhang nagaganap ngayon sa buhay mo. Ikaw ang gumagawa ng buhay mo, hindi ang iba. Masyado ka lang nagpapadala sa iba at ayaw mo lang aminin ang katotohanan. Ayaw mong mabahiran ng kasamaan ang pagkatao mo dahil nahihiya ka para sa sarili mo. Kung patuloy kang maninisi, hindi ka magbabago dahil hinahayaan mo ang sarili mong gaguhin ka at magpapagago ka na naman ulit sa susunod.

Shet. May katuturan ba ang sinasabi ko?

Hindi ko alam.

Sana nagsasaya ka na ngayon o. Dapat maghirap muna bago ang kasiyahan, dahil kung uunahin mo ang kasiyahan, habang buhay ka maghihirap. 4 na taon lang ang kolehiyo at ito ang magdidikta kung ano ang mangyayari sa iyong hinaharap. Kung hindi mo pinagbutihan ang apat na taon na ito, huwag ka ng umasa na maganda ang kinabukasan mo. Umasa ka na lang kung may milagrong darating o kung tsumambang makatama sa lotto para yumaman. Pero kung maghari sa piniling hanapbuhay? Maghari ang mukha mo.



Last na 'to. Kolehiyo na tayo. Pagbutihan na. Steph, magbago ka na. Kailan ba papasok sa maliit mong kokote na 1 taon na lang? Paano mo matutupad ang mga pangarap mo kung pag-aaral lang 'di mo pa magawa ng maayos? Kaunting tiis na lang, makakaraos ka rin. Kaunti na lang. Isipin mo, 1 taon ka na lang maghihirap. 1 taon na lang, 'di na magdudugo tenga mo, hindi ka na rin hihingi ng pera. Wala ng pipigil sa'yo. Ano ba ang 1 taon ng paghihirap sa habambuhay na sarap at kaligayahan?

Steph, isipin mo lahat ng mangyayari kung hindi mo pa pagbubutihan. Huling bagsak mo na dapat 'yan. Kaya mo 'yan. Kayang kaya. Gisingin mo ang sarili mo sa bangungot na iyong kinalalagyan. Kaya mo 'yan. Dati kaya mo naman e, masyado ka lang nagpapadala.

Kaya mo 'yan.






*Repeat 'til fade.*


left at 8:29 PM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.