Tuesday, September 26, 2006

wala sa mood..

mei test kasi bukas..

arghh..

nakamaong pa bukas..

langya..

T__T

left at 6:41 AM

Monday, September 25, 2006

Waahh,., la ako intro..

Pero dun na talaga tayo sa mismong topic..

Tama nga yung sinasabi nila, hindi natin maiiwasan na mawalan tayo ng kaibigan pero hindi ibig sabihin nun, hindi ka na magkakaroon ng iba pa.. Ok, yun nga, wala na ang friendship or something na nagcoconnect sa aming dalawa ng aking kaklase. Kala ko yun na yung end.. Kala ko, wala na. Pero mali ako ng akala, madadagdagan din pala ulit yun.. Hindi lang isa bilang kapalit, kung hindi ay dalawa pa.. Haha, hindi ko ineexpect na tinuturing nila akong kaibigan.. Oo, kaibigan sa kaibigan, pero wala lang.. Haha.. Ganun talaga..

Totoo talaga yun.. Wag na tayong malulungkot dahil nawawalan tayo ng kaibigan..Ayon nga sa aking bestfriend na napakatanyag, every action has its opposite and equal reaction.. Di lang pala equal.. Mas malala pa.. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa dahil lahat ng ito ay isang pagsubok lamang.. Huwag nating iisipin na wala na, sira na buhay natin, dahil wala na tayong kaibigan.. Tanggapin natin na ang kaibigan ay hindi pang habang buhay.. Ngayon lang yan, pero sa susunod, makakahanap din sila ng mga bagong kaibigan. Kaya kung ako sa iyo, maghahanap pa rin ako.. Wala namang mangyayari kung magkakaroon ka ng bagong kaibigan ah.. Walang masama dun.. Talgang tanggapin na natin na nothing lasts forever.. Wag natin laging isipin na true friends will never leave you chuva.. Isipin lang talga natin na lahat ay mawawala rin.. Pero sa bawat isang hibla o tinik sa buhay mo, may darating pa rin na bagong pag-asa, mas maganda, mas masaya, kaysa sa mga nauna.. Oo, tandaan natin to.. Tama naman to eh, ito naman ang katotohanan ehh... Pero, kung talagang kaibigan mo talaga sya, tanggapin mo na lang na mawawala sya, pero wag ka malulungkot, dahil sa pagdaan niya sa buhay mo, kahit iwanan na kayo ng panahon, kahit iwanan ka na niya, pinasaya ka niya ng lubos.. Kahit mabago na ang lahat, kahit naging masama na sya, kahit kinalimutan ka na niya, laging tandaan na kahit sandali lang sya sa buhay mo, at least, hindi ka mabubuo kung hindi dahil sa kanya.. Kahit sabihin mo ng wala syang kwenta, pero kung wala sya dun, iba na ngayon ang buhay mo...

Bakit ba ako nagkakaganito? Haha.. Naghahanap ng pagsasabihan ng katotohanan.. Oo, tinatanggap ko, di ako totoo sa sarili ko, kaya nga ako yung type ng ato na naghahanap ng katotohan, pero sa paghahanap ko, narealize ko na hindi pala realidad ang ang kailangan ko..Hindi yun ang dapat hanapin ko.. Dahil saan man ako mapunta, saang sulok man ng mundo, hindi ko mahahanap yun, Nasaaakin lang naman kasi ang katotohanan.. Hindi ko na pala kailangan maghanap.. Ako mismo ang katotohanan, ang realidad.. Kailangan ko lang maging totoo sa sarili..

Medyo amsaya, dahil medyo madali ang steps ng dale candela.. Haha... Wala naman masyadong ginawa, napgpaclass picture lang.. Wala si JT at DEBOTA.. Haayy.. Okei lang..

La na ako masulat.. Gagawa pala kami ng turon bukas.. gagamitin ko ang special recipe ng Macalines.. Haha.. Aral muna.. GC mode.. ^__^

left at 5:12 AM

Sunday, September 24, 2006

haayy...

di ba ang blog ay parang personal diary?? Arghh..

Tinatamad na ako gumawa ng bagong blog.. Kainis.. Pakshet.. Kaya eto na lang.. Wag nio ng bisitahin blog ko... Pabayaan nio na lang lumuma... Haayy..

Madami kasi akong gustong isulat na hindi ko masulat sulat.. Malapit na malapit nang masira ang buhay ko... Parang nasa edge na sya ng isang cliff.. Konti na lang talaga ang natitirang panaho.. 90% ang probability na babagsak ako sa malalim na bangin.. 9% magsastay ako sa posisyon na iyon.. At 1% na lang ang natitira na makarating ako sa point na hindi na ako babagsak kahit lumindol pa...

Hay.. Nakikita mo ba... Dami problema, mababaw man o mabigat.. Sa eskwela o sa bahay.. Napaparanoid lang siguro ako no?? Pero ganun talaga ehh.. Sadyang kay lupet ng buhay sa akin..

Marami na talagang problema.. Nadadagdagan pa... Dumadami pa lalo.. Sa school marami, sobra.. Ambababa ng grades ko.. Nasobraha na ako sa kabobohan, sa pagkasobra nito, nagkakaroon na ako ng crab mentality.. Grabe... Kung alam niyo lang...

Tanggap ko rin na maraming taong hindi nakakaintindi sa akin.. Ewan, piling mga tao lang... Yung mga simple lang, di magara in any way...

Nagtatanong ba ako kung ok ba akong friend, kung masama ba ako, kung plastic ba ako.. At sabi naman nila hindi naman daw.. Hindi ko alam kung totoo or sinasabi lang nila para di ako magalit.. May isang nangahas na magsabi ng totoo, at natanggap ko naman yun..

Ok lng ba na masayahin ako? Ok lng siguro, yun nakasi yung image na napakita ko sa madla eh.. Hirap ng baguhin yun.. Si Steph? magseseryoso?? No way... Baka sabihin nila may problema ako or kung ano man...

Anghaba na ng ginagawa ko..
"wag mo pansinin ung ibng tao ok? kng masaya ka sa kung ano ka ngyon.. then be dat way! if ur happy........"
haha, salamat sayo.. Buti may tao pa palang ganyan.. ^__^.. Nakakaintindi...

Sorry nga pala sa mga taong ngayon lang ako nakilala ng lubos, or literally ngayon lang talga.. Ganito lang talaga ako.. Mataas talaga ang PRIDE.. Kasi talaga, para sa akin, pag nasabi ko na, di ko natalaga binabawi.. At oo nga pala, IMMATURE talaga ako, tanggap ko.. Pero mababago din naman yan eh, magigi rin akong mature, pero hindi ngayon, sa susunod siguro, next day or next year...

Wala na ako masabi, andami ko ng napost.. Sorry sa lahat... SORRY.. sincere yan.. Kayo na bahala kung patatawarin ninyo ako.. Lilinawin ko lang, di ako galit kaininuman, kala ko kasi galit kayo sa akin... Yun lang..

left at 6:04 AM

Saturday, September 23, 2006

kala ko ubos na kaibigan ko.. kala ko ganun na lang.. mawawala lahat sila... pero un pala,... nanjan sila para sa akin palagi..

ngayon ko lng nakayanan ipost to...

la na talga siguro nakakaintindi sa akin..

lalo na sa newton..

kasi ganito ako, ganiyan ako.. ganito, ganyan!!

kung alam lng nila..

kala ki talaga naubusan na ako ng kaibigan.. pero nadarama ko na nanjan pa rin pala sila kahit di ko na sila kaklase.. nanjan parin sila, handang gumabay... actually, naiyak din naman ako, pero d kasi ako ung taong naghahanap ng attention... aun.. nandunsila nagbibigay ng advice,. hinahanap nila kung anong mali sa akin.. nandun sila, nakikinig palage..

sobran mahal ko sila dahil alam kong naiintindihan nila ako, kung sino man talaga ako.. alam nila kung kelan ako seryoso, alam nila kung kelan hide, alam nila kung kelan ako galet at alam dn nila kung kelan ako malungkot,., at xempre pag malungkot ako, nanjan pa rin sila.. di nila ako kayang iwan.. nadarama ko ang pagmamahal nila..

di sila ung mga taong dahil kaibigan nila ako, kakampihan nila ako... sinasabi nila kung ano ang tama.. mabait sila.. sobra.. kung alam nio lng.. palagi ko silang ksama.. at palagi silang nanjan.. haayy.. mahal ko sila,.. sobrang baet nila.. hay...

pero alam ko talgang nauubos na kaibigan ko.. pero alam kong maubos man ung mga tinuturing kong kaibigan.. lumayo man ang lahat sa akin.. alam kong may tatayo pa rin sa tabi ko.. at alam ko, walang duda, sila un...

hayyy.. miss na miss ko na sila.. iilan lang sila pero, sure un, di ka nila iiwan.. T__T...

salamat sa inyo...
salamat sa lahat,,,
kilala nio naman sarili nio ehh..
kht di na tau classmeyts...
nanjan pa rin kayo..
nananatiling matatag...
nananatili jan..
palaging binabantayan ako..
laging handang sumuporta...
laging handang lumaban.. para sa akin..

labshu...
specially nyalimi nglub..
sana naging newton na lang talaga keo..

left at 11:11 PM


Tears In Heaven

by Eric Clapton and Will Jennings

Would you know my name
If I saw you in heaven?
Would it be the same
If I saw you in heaven?

I must be strong
And carry on,
'Cause I know I don't belong
Here in heaven.

Would you hold my hand
If I saw you in heaven?
Would you help me stand
If I saw you in heaven?

I'll find my way
Through night and day,
'Cause I know I just can't stay
Here in heaven.

Time can bring you down,
Time can bend your knees.
Time can break your heart,
Have you begging please, begging please.

Beyond the door,
There's peace I'm sure,
And I know there'll be no more
Tears in heaven.

Would you know my name
If I saw you in heaven?
Would it be the same
If I saw you in heaven?

I must be strong
And carry on,
'Cause I know I don't belong
Here in heaven.

left at 11:02 PM

Friday, September 22, 2006

maraming nangyari.. d ko kaya ilagay lahat..

immature ako.. alam ko un..

la ako masasabi..

buo na desisyon ko...

tapos na ang lahat....

left at 7:37 AM

Thursday, September 21, 2006

kalimutan ko to.. ang kanta sa field demo..

"kalen kalen tindera
kanin ulam tinda"


search ko lang ang lyrics.. haha.. =))

left at 6:57 AM


Medyo masaya... Actually masaya..

Nagsimula ang lahat.. sa math.. pero la namang significant na nangyari sa math.. uhmm.. ^__^
Uhm,, Birthday bash ni Precious ngayon.. Ah! oo nga pala, bago iyon, napabilang na pala si Loribelle sa aming grupo sa CS.. Natapos kagad kmi... Wee... labsu Lori.. Ayan, dahil sa bait ko.. Sina bi ko kei ano yung sagot.. Waa.. Actually kinuha niya notebook ko.. Ansama niya talaga.. Ayan, bili ako Jungle Juice, un ang pambuhos ko kay Precious... Haha... Si Petut bumili naman ng ICE CREAM at kettle corn.. tapos ayun, pinagawayan namin ang color ng tshirt... Sana RED, kaso.. tsk,, tsk,, lang pagasa ang red.. Kaya pink na lang.. Obvious naman, si Ejai na naman gagawa kasama rin pala tulong ko.. Habang nagbebertday bash sila, gawa kami,, Sayang! Di ako nakapagxperience! Hay.. At least kyut ung nadrowing namin.. ^__^

Ayan, lapit na pikchur taking.. hehe... Ayus sila.. meyk up.. Ako? asa.. Nagmeyk up na rin ako para makasabay sa uso... Nice.. (minsan lang yan..) Kasabay ko si Clauds.. at sobra akong nahumaling sa ganda niya.. wee... haha.. bagong crush..

Tapos, bigla akong nagPANIC!!! WAAAHHHH.. Di pa ako nagrerebyu sa ECO!! tae... pero k lng.. kahit maikling uras lang ako nagrebyu 2 lng nakalimutan ko...

Pag-uwi, nakasabay ko si.. MARZAN... Miss ko na xa,,. Nakausap ko na xa!!! sobrang saya ku.. ^__^... labshu..

ayun umuwi na ako.. nood aquamarine habang kumakain... den eto na! TADAA!! blog blog na..

left at 6:25 AM

Tuesday, September 19, 2006

haha.. enemy no. 1 haha.. lam na...

pareho kami kalen,. weee...

la ako masay..

kabig lang kasi ng kabig ehh.. la man lng pamalit... haha...

"I DONT CARE!" whatta punchline! wehehe..

la sa mood ang beybi..

natutuwa lng ksi sa mga ngyari.. ^__^

totoo.. natutuwa ako..

pareho nga kmi ng sitwasyon ni Larrs ngayon eh! hehe..

its really a small world after all..

left at 6:32 AM

Sunday, September 17, 2006

Acet vs mood swings, nagtataka keo no??

HAy naku, okay na sana ang araw... Kaso nagsimula sa nawala yung LRT card ko.. Sobra, nabadtrip ako.. As in sobra.. Kainis.. Hindi na ako tumuloy sa plano,., Di ako nagsimba sa Sta Clara.. Kainis talaga ako.. Lalo akong nainis pagdating doon... Mood Swing mode...

Pagdating dun.. Ayun.. Galit na ako sa mundo.. Gusto ko ng umuwi.. Iniisip ko na hinde naman ako papasa.. Na nagsayang lang ako ng pera... Na nagsayang ng oras.. Na lahat na.. Nagdabog na ako.. Sobra.. Binato ko bag ko.. Feeling ko sasabog na ako.. At sumabog nga ako... SUMIGAW SIGAW AKO..... Grabe.. Andaming tao... Pero nung ginagawa ko yun.. Feeling ko lahat ng tao sa mundo pinariringgan ako.. Feeling ko lahat sila against sa akin.. Feeling ko lahat sila galit sa akin.. After nun, para wala ng tao.. Lam mo ung feeling na angiisa ka.. ganun.. T__T

Gusto ko na umuwi.. Yan ang sinisigaw ko.. GUSTO KO NG UMUWI.. Ewan.. basta.. di ko talaga alam,.. Pero medyo umokei okei na ako.. Nakita ko na ang ibang Mascians.. Hayy... Room 9 ako.. 3rd floor.. hehe.. Kasabay ko si Grace.. Wala lang.. Andami kong di natapos na ewan an di ako siurado na nahirapan ako na hindi ko maintindihan talaga... Magulo isip ko... Sobra..

Umuwi kami sobrang dilim na,.. SOBRA TALAGA.. Sumabay kami kei Larrs, nangati paa ko.. Umalis na sila Larrs, ngangati pa rin paa ko.. Punta kami SM.. Makati pa rin paa ko.. 10:00 na ako nauwi... La na akong masasabi..

Mei nagtatanong kung okei ba acet.. Sagot ko? NO COMMENT.. yan ang totoo..

left at 7:48 AM

Saturday, September 16, 2006

Wala pa talaga.. Eh bukas na yun... Sana makapasa ako.. May Gen info, abstract reasoning daw.. hai.. Feeling ko di ko kakayanin..

Wala akong masabi.. Natulog lang ako magdamag.. Walang kapagapagasa...

Bakit ba ako ganito?? Hirap akong gumawa ng bagong habit, at hirap din baguhin ang nakasanyan na...

waa...

If we hold on together.. waahh... ang ganda talaga niyan.. ^__^

Wee...

left at 4:58 AM

Friday, September 15, 2006

ayan, back to normal.. sawa na sa ingles..

wee... mabuhay!

kanina... GC ata ako.. ewan.. masawa, masalimuot... makulet..

dami nangyari.. limot na ang iba...

ang iba, laging mananatili!...
asa.

mabuhay ulet..

si kalen ung kapartner ko sa english..

unga pala..

bagong lab tim..
CLAUDINE+JAY-V
haha
after classes, sakay kame sa van nila kathey.. punta kami ng DOST.. haha.. pagpunta sa msd bldg.. kita ko si sir braganza, pumayat! pero k naman,,,

sumabay xa pauwi.. haha..

nakausap ko tungkol sa project,,

k naman,,

ayos,,

galing magadvice.. subrang baet pa.. one of a kind ika nga..

si gaku, lunagpas, bumaba na lng sa tayuman...

si nr braganza taga tondo lang pala,...

la na ako masabe..

eto na lang,,

kung gsto mo malaman kung kelan ka pinanganak,, add ka ng 3 months sa month ng bertday mo..

yun ung month na ginawa ka..

haha,,,

left at 7:30 AM


Don't lose your way
With each passing day
You've come so far
Don't throw it away
Live believing
Dreams are for weaving
Wonders are waiting to start
Live your story
Faith hope and glory
Hold to the truth
In your heart

If we hold on together
I know our dreams
Will never die
Dreams see us through
To forever
Where clouds roll by
For you and I

Souls in the winds
must learn how to mend
Seek out a star
Hold on to the end
Valley, mountain
There is a fountain
Washes our tears
All away
Words are swaying
Someone is praying
Please let us come
Home to stay

If we hold on together
I know our dreams
Will never die
Dreams see us through
To forever
Where clouds roll by
For you and I

When we are out there
In the dark
We'll dream about the sun
In the dark
We'll feel the light
Warm our hearts
Everyone

If we hold on together
I know our dreams
Will never die
Dreams see us through
To forever
As high
As souls can fly
The clouds roll by
For you and I

left at 7:17 AM

Thursday, September 14, 2006

wee...

i dont know what to say this time.. i dont have any introduction because i dont have to introduce anything..

nothings wrong today.. but that doesnt mean theres something special.. today is just an ordinary day..

in fil, i made a love story about 2 people.. nah.. just a love story.. i dont want to narrate that fuckin' story... a product of my vast imagination.. pure, i said pure imagination.. no experiences or whatever..

kalen is so GC.. i dont want grade conscious people.. Kalaen, that doesnt mean that i hate you...

wait... 'bout Kalen.. we both went to the powder room in the maceda bldg.. i know where the teachers hide the fuckin' key to the good-smelling, so-clean-and-refreshing toilet bowl.. the one with the lock.. the other toilet were so smelly! yuck.. so i decided to take a pee there, in the good-smelling, so-clean-and-refreshing toilet bowl.. hehe.. but theres a problem.. i cant pull out the key from the lock.. teachers from the other schools came without any warning.. but i told them not to do their thing there because the toilet seats were so dirty.. haha.. then i let KALEN to do the work... and i do look like a security guard stabding beside the door.. she did it.. haha... she was blessed by God with good hands compared to my nail-so-short, chubby, dirty hands...

also, a miracle happened today.. i REVIEWED for the test in social.. i had proven that nora aunor's famous line 'WALANG HIMALA' wasnt true.. for me.. haha.. just kidding..

got nothing more to say.. goodbye.

left at 6:09 AM

Wednesday, September 13, 2006

sobra kanina nakakahiya.. 3 beses akong pumunta sa gitna ng quad at sumigaw ng kung ano ano! buti na lang MABAIT ako.. ^__^

masaya ngayon. 2 pm pa lang, wala ng klase.. ^__^ wee... tapos ayun, wla masyado ginawa... haha... gusto ko na talagang maging GC pero di ko pa rin kaya.. nagset na ako ng rules... frirst day of implementation. tae.. nakabreak kaagad ako ng apat.. can you imagine that? ill never be one of those grade conscious people.. ill never be like Kalen.. waahhhhh.... whats the fucking wrong with me? i feel that im nothing in this fucking world.. i cant even obey my own rules.. how about the rules of the country? the rules of life? nah.. never mind.. (ano ba to.. nagshift from tagalog to english..hehe..)

im going now... im going to study now..(is that a joke?) haha..

can you please tag on my tagboard?

wait.. illl pray for cean... you! yes, you! please pray for cean too.. ^__^

left at 7:09 AM

Tuesday, September 12, 2006

there is one person that i cant take anymore. he/she is so irritating...not because he/she's so talkative or what.. its because of something that i cant talk about right now...i dont want to mention names..... i dont want to talk about it anymore...

left at 6:08 AM


walang kwenta.... napakaGC ni kalen ngayon... at ni gaku.. at ng lahat ng tao.. buti pa ako di gc.. hehe.... okei araw dn pala.. taas kuha ko sa test sa physics.. ^__^

left at 6:01 AM

Saturday, September 09, 2006

okei na xa..
mei pic kami pero di ko mapowst... maxado malaki.. hai.. la ako masabe.. mejo mababa greyds ko,.. yoko ipowst.. teka eat muna me.. kanina pa ako nakababad dito... haha.. cge..

left at 5:59 AM

Thursday, September 07, 2006

Sobra, as in sobrang lungkot ko today.. Ngayon ko lamang nalaman na nagkadengue ang pinakamamahal ko, ang pinakabait, ang bispren kong si LARRAINE JASMIN DOON, o mas kilala sa ngalang ate larrs...

Well, bago yan, nagtest kami sa Math, napakabubu ko, di ko alam kung ano ung eccentricity.... Ambubu ko!!! Wala naman maxadong ginawa, tapos kaninang CAT di ko alam kung nilista ako ni reneDOG.. huhu.... So ayan, wlang nangyaring significant kanina.. except for one..
un nga, nagkasakit si larraine...

Sobrang bait ni larraine, sobrang talino, sobrang sarap maging kaklase,, Ako lang ang nagimpluwensya dito kaya naging madaldal.. Andami na naming pinagsamahan kahit 1 year lang.. nagsimula ang lahat nung field trip last year.. hayy.... tapos nun, ayun, bispren ko na xa.. Araw araw sabay na kami umuwi.. Naaalala ko pa nga na nagkaroon siya ng 2 lalake, si Gerard at Daggy.. Ehehe, tapos sobrang ganda nia pa .. lalo na nung prom... ^__^ Tapos ayun, nabuo rin ang nyalimi Nglub..^__^ hai...

Tapos, ngaun ko lang nalaman na nadengue xa, wla mn lang nagsabe.. Sobrang nalungkot ako kanina.. Isang taong napakabait nagkasakit ng Dengue.. So pagkauwi ko, tawag ako sa bahay nila.. Una kong nakausap tita niya, tapos ung tatay nia... Ambait din nung tatay sobra!!!!!!!!!! weee.... Nasa Calilung General Hospital daw si LArrs,...Nung monday pa raw nakaconfine...
Nagbibleed na raw yung gums, tapos na salinan na ng 4 na bag ng dugo.. May mga spots na nga eh... hay..Nagaalala talaga ako sa kanya... hmm...

Di na ako sasama sa Nyuton bukas... Mas kailangan ni Larrs ang supporta ko... Ipinagdadasal ko na sana gumaling na xa, kung hindi, iiyak talaga ako... Hay.. Mahal ko si Larrs ng sobra... T__T.. sana talaga gumaling na xa.......

left at 7:18 AM


Hello! Ngayon na lang ako nakapag update, kasi kahapon paguwi.. tulog kagad ako..

Nagsimula ang SERIES OF UNFORTUNATE EVENTS kahapon...

Pagpasok ko, nakita ko sina Kath A., Gaku, at Leahli.. Tuloy daw research.. So nag math kami..
FIRST unfortunate event, wala si Ma'am Nacion.. Hay, buti nalang nandyan si Ruffy.. Sabi niya, punta raw kami kay Ma'am De Paula, so ayun, punta kami... Nasakanya pala! Hehe, so tuloy na.. Lumabas na kami.. Ayan na, ang SECOND unfortunate event.. Baha, as in... So naisip namin na wag na lang ituloy, punta kami sa Jollibee, bili ako ng tsoko malow pay.. Pero tumuloy kami.. Ayun! go! Lusong sa baha, nakita pa nga namin si Ma'am Pollo, lusong din sa baha.. Tapos aun,, LRT na.. Pagdating sa EDSA, punta kami Metro Point, ayun, go go, kain sa Jollibee, nappatuyo ng paa.. tapos dumating yung THIRD unfortunate event... Tae, as in sobra, la kaming letter,, tapos ayun, nawalan na kami ng gana.. as in.. Pero salamat kay Leahli, sumigla kami... sabi niya basta! Nakakasigla.. So ayun, akyat kami... Netopia pa nga pinuntahan namin, 20 php per hour.. K naman, Ginaya ko pa pirma ni Maritess..Tapso di panamin xur ang kasarian ni NUna.. haha.. nagsearch pa kami ng pic.. Kailangan ehh... Tapos ayun... Katabi ng komputer shap na yun nakalagay... ang FOURTH unfortunate event.. 15 PHP PER HOUR..

Hai, nagjeep na kami papuntang DOST.. Tapos ayun, naalala ko yung pers taym na pagpunta ko dun.. Ndaanan namin ung roadway to heaven.. Ayun... nalaman kong buhay pa si MR. BRAGaNZA, pero dumating ang FIFTH unfortunate event.. Sira ung lutuan, or ung pangmelt ng glass.. T__T.. Nawalan kami ng pag-asa kaia,... Nag Mall of Asia na lang kami...

Nag papic kami.. at ito ang pics..


hahaha... 2nd tym pa lang ni Leahli.. ehehe.. Pero ang kyut nia.. Tapos, ang LAST unfortunate event, 15php ang bayad sa dance maniax.. huhu.. Wala kaming ganung kalaking halaga.. T__T..
kaia kain na lang kami sa KFC.. (na naman?!??) pero si Tita bumili ng Greenwich.. ^__^
ngaun na lang ulet ako nakakakain ng greenwich apter 2 years..
Seryoso un.. Pagkakuha ng pic, umuwi na kami... hai... ganyan talaga...

Umuwi na nga ako, tapos tawag kei Gaku, den kai Chunkee, then, tulog na!!!

basta.. ang main event na nangyari, nalaman kong buhay pa si MR. Braganza...

left at 6:33 AM

Tuesday, September 05, 2006


Feeling ko ako yung nagkamali.. Ako naman kasi, napakakulet.. Nakakainis,..

Di ko rin naman alam kung bakit xa nagalit.. Ako nga ba ang dahilan?

Niloloko ko palagi xa, inaamin ko.. palagi kong sinasabi na hindi siya malaking kawalan, pero sa totoo lang, oo... Miss ko na siya.. Siya kasi ung taong palaging nandiyan para makinig sayo.. Tunay talagang kaibigan si Marzan... Ganyan lang talaga yan, nagdadalaga na ehh...

Wala na ako ibang masasabi...

Marzan, sorry na sa lahat ng kasalanan ko sa iyo.. Ay mit yu na talaga... Sobra...

left at 6:35 AM


Walang ginawa ngaun!

hehe..

lalayas ata kame bukas..

sana..

^___^

eto na lang...

friends ko..

NYALIMI!!
go nyalimi..
sobrang miss ko na nyalimi...
wee...
clockwise: Daggy, Carlo, Stefen, Larrs, Jaye (gud lak jaye!!) ang syempre aku... hihihi...
hai... pero nyuton na me...
^__^
wee..






Nyuton Pix:
hehe.. ang arte no.. apter yan ng sabayan..
pagkatapos nga niyan nanood kami ng MORTUARY na sobrang korni...
sayang sa pera...
T__T
clockwise: Chrissy, Roemel, aku.. (x_x), Cean, Esther, Sally, Kier, Yani (kyut!) at un lang... ay si Miggy pa pala!!!
ang kurni...
hehe...
waa..
la ako mashabe..








Gaku at Ako part 1

hai.. part 1 pa lang yan.. nung bumili kami ng mga abubut..











Part 2: Ang pagbabalik..
kadiri no.. hehe.. ganyan talaga...












hai.. wala na akong masabe...

wah..

sana talaga matuloy kami bukas..
^__^

left at 5:56 AM

Monday, September 04, 2006

Ako kasi yung taong maingay na alam naman kung kailan titigil. Ako rin kasi ang clown ng klase, ang nagbibigay ng punchlines araw araw, nagpapauso ng mga walang kakwentakwentang bagay na pinagkakaguluhan nila at lahat lahat ng maiisip mo na kagaguhan. Minsan nga naitatanong ko sa sarili ko na sa lahat ng ginagawa ko, may naiinis kaya sa akin??? Alam ko naman na lahat ng mga tao ngayon ay plastic, yung mga taong galit sayo pero kapag kaharap ka nila ay kala mo mapagkakatiwalaan mo sila. Ang pagiging plastic ay kakambal ng pagiging backstabber. Sa totoo lamang, mas mabuti pang maging pranka at sabihin ng harapharapan kaysa siraan mo patalikod. To tell you the truth, ganyan ako. Pag alam kong sinisiraan na niya ako, tinatapat ko na siya at tinatanong kung galit ba siya sa akin. Kung galit ako sa kanya, sasabihin ko sa kanya in an assertive way, yung mga maling dapat niyang baguhin.

Hay, balik tayo sa totoong topic, nakakainis nga ba talaga ako? Ako, siyempre, hindi ko masasagot yan. Alam niyo naman kasi na ako yung batang parang kulang sa pansin, pero sa katotohanan hindi pagpansin ang aking gustong makamit. Minsan, nagiingay ako or nagpapatawa, dahilan sa gusto ko lamang ito. Gusto ko lang kasi ipaliwanag na hindi naman sa lahat ng oras, gustong magpapansin ng isang tao, minsan gusto niya ring itago kahit na katiting na parte ng kanyang buhay. KAtulad ko, ako ay isang taong open sa lahat ng bagay. Nakikita lang ako ng mga tao as makulit masiyahin pero ang tunay ay pessimistic ako. PAlagi kong iniisip ang mga negative outcomes kesa positive.

Ako rin kasi yung tinatawag na pikon. Mahilig ako mang asar at manloko ng kapwa ngunit kung turn na nilang asarin naman ako, feeling ko dinudumihan na nila ang buong pagkatao ko. Kung sa totoo lamang, inis din ako sa mga taong feeling mo kawawa. Yung mga taong inapi ka o mayroong ginawang masama sayo kaso papakita nila sa madla na ikaw ang nagkasala. For an example, galit yung taong yun sayo at sinisiraan ka niya behind your back, siyempre magagalit ka. Aawayin mo sila at iiyak sila sa lahat ng tao. Iisipin tuloy nila na totoo yung mga rumors na kumakalat tungkol sayo. Dehado ka niyan. Isa ko pang kinaiinisan yung mga taong alam na nilang galit ka na, tatanungin ka pa nila kung galit ka sa kanila. Kasi, bakit andaming taong mga tanga at ang konti ng mga taong mayroong common sense??

Sa lahat ng nabanggit ko sa itaas, pwede nio na masabi kung nakakainis ba ako o hindi. Hindi niyo na kailangan sabihin pa sa akin. Sagutin nio na lang sa inyong isipan kung nakakainis nga ba ako o hindi....


left at 8:12 AM


Eto ang sandosenang pagkain na hinding-hindi ko hihindian. In no particular order. Hehe.

[01] Choco Mallow Pie. Akala ko dati, wala nang dadaig pa sa Peach Mango Pie. Subalit ako ay nagkamali. Gustung-gusto ko yung kombinasyon ng tsokolate at marshmallow na tunaw. Ang mas lalo pang nagpasarap sa kanya, hindi masyadong matamis yung tsokolate, medyo mapait-pait pa nga e. Kaya ako napapa-Jollibee lagi ngayon e dahil dito.

[02] Half-ziti with Meat Sauce. Kung mayaman lang ako, eto ang gagawin kong midnight snack araw-araw. At hindi ako magsasawa. 98 pesos sa Sbarro, kaya para makatipid, madalas, nagtutubig na lang ako (dinadagdagan ko pa kasi ng White Pizza pag yun na yung hapunan ko). Yun nga lang, depende sa branch kung gaano kadami ang ise-serve sa iyo. Sa Rob Place Manila, medyo madami-dami sila maglagay. Sa Southmall at Festival, hindi ka mabubusog. Masyadong mahal ang Whole Ziti. Nirereserba ko para sa mga espesyal na okasyon. *wink*

[03] Kwek-kwek. Kung hindi mo alam na ito yung itlog na kulay orange na sinasawsaw sa suka, saan ka bang planeta nanggaling?!? Wala pa akon injection para sa Hepa A, pero shet, bahala na. Masarap talaga siya kahit pa sabihing pagkaing kalye. Nga pala, kung kwek-kwek ang tawag pag quail egg, ano naman ang tawag kapag itlog ng manok na may kulay orange na harina? Sagot: kwak-kwak.

[04] Tokwa. May binibilhan ako ng tokwa dito sa may Pedro Gil. Walong piso isa, kaya dalawa lagi binibili ko. Masarap na side dish. Sulit na meryenda. Kapag nagpiprito nito dito sa bahay, isang mangkok ang kaya kong ubusin. Pwede na rin ang tofu sa ChowKing. Mahal nga lang.

[05] Beef Motong, Meryenda Size. Nabanggit na rin lang ang ChowKing, diretso na ako dito. Gusto ko lang muna linawin, kahit singkit ako, wala kaming lahing Oriental. Hindi kami Chinese. Hindi Japanese. Hindi Vietnamese. Kahit ano pang -ese. 100% Pinoy po ako. Pero mahilig ako sa noodles. At ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang Beef Motong ng ChowKing. Dapat may kalamansi. Kasi kung wala, nakakasuya. Hindi pala ako marunong mag-chopsticks. Hehe. Pwede naman kutsara at tinidor eh! =p

[06] Cadbury Dairy White. Adik ako sa tsokolate. Hindi ako nawawalan ng tsokolate sa apartment. Magugunaw ang mundo ko, pramis. Sa totoo lang, ang pinakagusto kong tsokolate ay Three Musketeers (malambot kasi at walang nuts; oo, ayaw ko ng mani sa tsokolate). Pero hindi ako madalas makakita nun e. Cadbury ang pinaka-abot-kamay. Syempre, abot-kamay na rin lang, gawin ko nang abot-bibig. Hehe.

[07] Mango ice cream. Kahit anong brand. Kahit umaaraw o umuulan. Kahit galing supermarket o nabili kay mamang sorbetero. Basta mangga, masarap.

[08] Jolly Spaghetti with One-piece Chickenjoy, Extra Rice, Iced Tea. Ako po ay batang Jollibee. Sinawaan kasi ako sa McDonald’s nung high school (paglabas mo ng school, McDonald’s ang sasalubong sa iyo). Kapag mag-isa lang akong kumakain, na dumadalas sa kasalukuyang panahon (awwww… hehehe, ang drama!), sa Jollibee ako kumakain. At ito ang madalas kong order. Nami-miss ko ang Jollibee sa 4th floor ng Megamall (kung saan ako nagtrabaho last summer) kasi sila ang naglalagay ng pinakamaraming sauce sa spaghetti. Ang crispy chickenjoy ay self-explanatory. Halos lahat naman ng Pinoy, gusto ng malutong na balat ng manok.

[09] 7-11 Baconsilog. Recent discovery nang minsang magpuyat ako sa Maynila at walang-wala na akong pera. Sulit. 35 pesos lang, 39 pesos pag may iced tea. Taliwas sa unang akala, maraming bacon. Bitin nga ang kanin e.

[10] Pepsi Twist. Naiinis ako kasi dati, sa KFC ka lang makakapag-order ng Pepsi Twist. Ngayon, maski sa kanila, wala na rin! Minsan, meron sa Tokyo Tokyo, pero depende sa branch. Gusto ko yung after taste niya. Madalas kasi, nasusuya ako sa tamis ng Coke. Pero ang Pepsi Twist, swabe. Yun na yun. Kaya lagi rin itong nasa ref namin sa apartment.

[11] Mango Iced Tea. Eto, either gustung-gusto mo siya, o ayaw na ayaw. Kakaiba ang lasa. Pero trip na trip ko. Humahagod sa lalamunan at masarap na pamatid-uhaw. Eto ang “juice” counterpart ng Pepsi Twist. Masarap kasama pag nagpupuyat para sa isang exam.

[12] Nescafe Ice. Kung hindi ito naimbento, malamang, marami-rami rin akong exam na hindi naaral na matino. Ito ang epektibong pamgpagising ko kapag madaling-araw na, hindi pa ako tapos mag-aral at gusto nang lumuwa ng mga mata ko. Mas masarap kapag tinimpla dalawang oras mag-review at nilagay sa freezer bago inumin.


left at 7:52 AM


Hai.. Wala maxadong ginawa ngayon.. Ang main event ng araw? as usual, TLE... Pero bago magkaroon ng TLE xempre mei math muna...

Math- Hehe, lapit na birthday ni Ma'am Gumboc... 5 days na lang.. Ambait niya talaga.. Siya na ang bago naming favorite teacher ni Gaku... Hai, bago pala magmath, sobrang nakakainis ung ginawa ni Mr. *toot.. as in sobra.. back to the story.. Ayun, pinagbigyan niya lahat ng bumagsak.. Astig no...

TLE- haha... nagmasa, nagprito.. di ko namalayan na tapos na pala lunch.. ^__^ kakatuwa.. Tapos pinuri pa ni Ma'am yung gawa namin.. Whee... Kakatuwa talaga..

MAPEH- wla.

English- hehe.. ang galing ng mga kagrupo ko... hihihi.. pandisplay lang kame ni grande...

Physics- WALA NA AKONG MAALALA....

la na akong maalala na nangyari kanina.. Feeling ko tiloy nakatunganga lang ako buong maghapon... T__T,,,

Mejo masaya na nakakainis ang araw na ito... hehe... AI! di ako marunong guamwa ng letter,... Panu kami lalayas bukas?? Huhuhu...

left at 7:08 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.