Saturday, August 29, 2009

Multo ka ata e.

Nagpaparamdam pero ni hindi ko man lang makausap. Hindi nagrerespond kapag kinakausap.

Multo ka na ata talaga. XD


left at 8:45 PM

Friday, August 28, 2009

Haha. May bago sa akin sa Tuesday. Abangan. :)


left at 10:28 PM


Isa kang doormat. Naaawa ako sa'yo. Gusto na kitang kunin at labhan. Pero mukhang nakadikit ka na sa sahig.

Naaawa ako sa'yo. Pramis. Lagi na lang ganyan. Kahit sobrang dumi ng paa ng taong makikipunas sa'yo ok lang. Wala kang imik. At nananatiling doormat na lang.

Gusto kitang kunin, tanggalin ang tahi at gawing ibang bagay. Damit? Bag? Basta 'yong mga bagay na hindi inaabuso at sadyang dinudumihan.

Grabe. Nakakaasar na ang mga taong tumatapak sa'yo. Wala siyang pakialam sa pagbaho mo at pagdumi sa'yo. Ni hindi ka nila malinis. Punasan ka lang talaga sa kanila.

Hindi ka marunong humindi. Lahat ok lang. Wala ng natitira para sa'yo. Magtira ka please? Mahirap kapag binigay mo ang lahat lahat e. Mahirap talaga. At isipin mo muna sarili mo bago ang iba. Bago ka nila apakan at dumihan.

Huwag kang papayag sa gusto nilang mangyari. Ano ngayon at 'di sila makapasok sa pintong binabantayan mo? Marami pang taong aapak sa'yo na mas malinis ang paa.

Haaaaay.

Nakakalungkot.

Ang doormat. Ay tengkyu. Bow.


left at 7:15 AM

Sunday, August 23, 2009

Grabe umabot ng *toot*k ang ginastos namin. Ngayon ko lang narealize na hindi naman kailangan/importante 'yong iba. Though magagamit namin. Paano na lang kaya 'yong uber daming binili tapos 'di naman nila gagamitin?

Tae. Parang patay gutom, sorry for the term, 'yong mga tao. Grabe. Napakaswapang. Alam niyo 'yon? Ang dami kong nakitang mga taong nag-aagawan para sa isang tabo, balde, basurahan. Sira sira naman. Tapos walang disiplina ang mga tao. Grabe talaga. Nakakaasar. Ang sarap pagsasampalin. May nahawakan lang akong gamit sinabihan agad ako na "Miss, may may-ari na niyan." sabay sungit look. Duuuh. Aanhin ko 'yong lalagyanan ng kanin! Argh. Meron na po kami nun!

Parang kapag kinuha ko 'yon, makikipagpatayan na sa akin ang punyetang masungit na 'yon. 'yong iba naman bumili ng 5 bentilador. Duh? Grabe lang ha. Tapos 'yong iba naman isang box, as in box ng baso. Waw, may fiesta? Ang ilan naman nagearly christmas shopping na. Duh! Ang laki laki ng ginagastos nila, 'di man lang nila namamalayan. Lahat kasi binibili nila akala nila mura, e anak ng tinapang binulok dahil sa kaswapangan, 'di naman nila magagamit lahat 'yon e. Tae talaga. Nakakaawang nakakaasar ang mga tao.

Buti pa kami. Haha. Binili lang namin 'yong mga kulang sa bahay. At 'di na kami nakipagsaksakan na sa ilang bagay, tulad ng electric fan. Mura na lang ang electric fan kung half ng orig price. Pero kung may 12 na electric fans naman kayo sa bahay, para saan pang bumili ka? So 'di kami bumili. May mesang nilabas, oo na, mura, pero saan naman namin ilalagay?

Hay. Gets niyo naman ako 'di ba? Bumibili sila ng sandamakmak dahil akala nila nakakamura sila pero sa totoo lang hindi kasi hindi naman nila kailangan 'yong 80% sa mga binili nila. May point naman me 'di ba? Hay hay.

Ayun. Haha. At least may jug na kami, ilang plastic containers, mga wiring, at kung ano anong panlinis. At least hindi kami naatat. At least hindi kami sugapa. Tangina talaga. Haha. Kaasar.

Enough of this nonsense!!!

At may pitch na kami. Whee. Sana lang talaga ayos ang aming pitch bukas kaso may lab ako. Huhu. Wawa naman ako. :'( Sana masolusyonan. Hay.

At alam niyo bang umiyak ako nung isang araw? Share lang. Haha. Gaga ko talaga. LMAO. Ang babaw ko talaga. ROFL. Alam kong pagtatawanan niyo ako kapag nalaman niyo ang dahilan. :|

O siya. Kailangan ko pang imeet groupmates ko mamaya ng 8.

Morning. Wet dreams. :)


left at 7:20 AM

Friday, August 21, 2009

Nalulungkot ako. Dahil ba sa ayaw kong maging sila? Hay.

Nakakalungkot. Kailangan ko pang imbestigahan para maconfirm. Sumasakit na ulo ko.

Ayoko ng chumismis. XD Marami pa nga raw kwento sa mundo.


Ewan ko ba kung parang ang gloomy ng paligid. Dahil ba umuulan na naman? 'di ko rin alam. Hay. Hindi ako nag-eemo. Sadyang marami lang naiisip na sana 'di ko na lang iniisip.

Walang kwenta. Hay. Bakit kasi ganun e. Tae. Gusto kong pumatay ng tao. Gusto kong pumutol ng dila. Gusto kong umiyak. Gusto kong maglaslas ng leeg ng iba.

Walang kwenta na mga blog entries ko. Kanina nagbabasa ako, ang funny ng luma kong posts. Nawala na ata pati humor ko. Para na lang akong kahon na walang laman. Oo kahon lang kasi madali na ring masira. Hay. Nasisiraan na naman ako ng bait.

Bakit ba kasi ganun. Hay. Ayoko ng alalahanin ang HS. Ewan ba. Wala. Parang malayo na silang lahat sa akin. And ok lang kasi kailangan nating magmove on dahil college na tayo. Pero parang *sigh* 'di rin ako masaya ngayon. Parang may kulang. O baka ako ang nagkukulang sa blockmates ko? 'di ko sila matanggap kung sino sila. Pero sanay na naman ako e. Sanay na ako sa araw araw na buhay ko. Hay. Kailangang kasanayan kahit 'di gusto kasi ako rin ang kawawa kung 'di susunod sa agos.

Kailan ba ako makakahanap ng group of friends na maayos? Haha. Ayos ang cornmasters. Pero sila lang ang super duper ok sa block though minsan nag-eemo ako sa kanila. Haha. Ewan.

Ang nonsense ko talaga. Hay. Gusto ko ng private blog. Gumugulo na naman utak ko. Tapos ayun. Tinatry magGC. Hay.

Sana hindi ito basahin ng isang tao. Dati rati'y kinukulit ko siya ukol sa issues sa buhay ko tapos ngayon malalaman ko na lang na hinog na ang bungang mangga ng puno nila sa likod bahay. 'di niyo magets? Ako rin e. Lol. Basta 'yan. XD Alam mo 'yon? Hay. Nakikinig lang siya pero may hidden plans na pala siyang nakawin ang buto mo ng mangga para nga itanim sa likod bahay niya.

Nasolusyonan niya ang problema ko. Problema ko 'yon pero nasa kanya ang solusyon. Tae talaga. 'di ako makapaniwala.

Sarap niyang laslasin. Pero 'di ko gagawin. Ayoko makulong dahil dun. Ayaw. Hay.

Naaasar ako sa sarili ko. Sana after ng post na ito, happy thoughts na ulit. Super happy. At sana maging magaling na storyteller na ulit ako. Hay.

Hirap magpakalunod sa mga problemang hindi naman dapat sa'yo pero inaangkin mo.


Itutulog ko na lang, baka paggising ko wala na. :(


left at 8:07 AM

Monday, August 17, 2009

Naghihikahos na ako. Ubos na pera ko sa kabibili ng maliliit na bagay na kung susmahin mo ay napakalaki na rin. Sana inipon ko na lang para makabili ng mas mahal at mas astig na pets.

Oo, FFS ang aking binabanggit. Ang mahal na ni Nikko at Ruth at si Nikko na lang ang kaya kong bilhin. Huhu. Sana magkapera ako bukas. At sana bilhin niyo rin ako. Gusto kong tumaas value ko. Baba pa rin. Haha. Matagal tagal pa 'ata 'to e.

Ayun. Haha. Buy me na rin. At akin si Ruth at Nikko and the rest of the gang! Haha. Akin sila. At ayaw ko na kay Ejae. Ayaaaaw. Ayaw. Sayang sa money. Haha.

Wala namang bumibili sa kanya. Pffft.

O siya. Tulog na ako. Sana iba na master ko paggising ko. :)


left at 7:45 AM

Sunday, August 16, 2009

Ang dami kong plano sa buhay. Gusto ko maging scientist. Gusto ko maging doktor. Gusto kong maging pilot. Gusto kong maging programmer. Gusto ko maging politician. Gusto ko. Gusto ko.

Ang dami kong plan sa buhay. Pinagpipilian ko kung med or ms muna. Pero naisip kong magms muna after graduation para at least may nakuha na akong master's degree if ever tinamad na akong magmed. At para lumawak ang field ko. Biochem, then Bioinformatics. Sana tanggapin ako ng DPSM. Hay. After nun, tsaka ako magmemed. Kahit saan na. Kahit 'di na UP Med, kasi kung nagmed muna ako, 'di na ako makakapagMS.

Sa panahon na 'yon 23 pa lang ako. Super bata pa. Before ako mag30, duktor na ako, bioinformatician, at biochemist. Oha oha. Tapos I wanna start my business. LOL.

Haha. Tapos gusto ko maglaw. Ahaha. Pero malabo na 'yon.

Hay! Ang dami kong gusto. Pero sa ngayon, wala na sana akong bagsak this sem. Ang minor subjects kasi, 'di binabagsak. Ano raw? Haha.

So 'yan ang Plan A ng buhay ko. Sana wala ng B, C etc.

Tulog na ako. Ang nonsense ko na naman.

Manunuod pa ako ng Miss Universe mamaya. Buhbye! :)


left at 8:05 AM

Saturday, August 15, 2009

HAPPY BIRTHDAY ATE MAITA! Salamat sa kalahating cake na nilamon namin nina Ruth, Pey, Margie and Fon!

Oo na. Masaya na ako. Purrpek ko ang cs110 lab. Kung ano ang kinasaya ko ng umaga 'yon ang kinalungkot ko kinagabihan. TANGINA. 'di ko naintegrate ng maayos si Redlich Kwong. 'di na ako ganun kahusay mag derive at magintegrate. Kawawa naman ako. Sana pumasa ako. Waa. Waa.

Haha. Lecheng phychem 'yan. Kailangang mahasa ang skills. At 'yong topic kasi! Ano berr. THERMOCHEM. MY PERSONAL FAVORITE. Fail. Fail.

Marami akong naaalala. Tae.

Good night. :)


left at 3:57 AM

Sunday, August 09, 2009

Na burara ako. At lagi kong napipindot ang call. Kaya kung bigla ko kayong tinawagan, PLEASE LANG, huwag niyong sasagutin. Please.

If ever na tatawagan ko kayo, itetext ko beforehand. Ha? Please lang po. Sayang sa load. XD

Huwag isiping nag-uubos lang ako ng load. At isipin niyo, BAKIT KO NAMAN KAYO TATAWAGAN? Duh.

Magandang umaga! :)


left at 8:07 AM

Saturday, August 08, 2009

May bago na akong YM id at email add.


kordobitch@yahoo.com

Whee.


left at 8:17 AM


Una sa lahat, gusto kong batiin si Binibining Kathleen Christine E. Aquino ng maligayang kaarawan! Yay. Yay. Ang saya saya!

Masaya ako at napasaya ka namin sa araw ng iyong kaarawan. VODKA! Salamat pala sa nakakalasing na gravy. Haha. Labyu. *hug*

Pangalawa, anak ng tinapang masarap, pumasa ako sa cs110 lec first dep! E duh, 'di na ako nag-aral nun. Wala nga akong kaalamalam na struct pala tawag dun. Haha. Char nilagay ko. Pero kukuha pa rin ako nung test para mas mataas. Waa. Ang saya!

Pangatlo, kahit buwiset 'yong favorite turned hinayupak na pc na 'yon, mabilis kong natapos ang Exercises. Sana natulungan ko si Arj at si Reg. Yay. 6.30 na sila natapos.

Pang-apat dahil kumanta kami sa gbox. Pero iniwan ko na sila.

Panlima, nakita ko si SARAH JOY HORLADOR! Sana itext niya na ako asap kasi 'di ko nakuha number niya haha.

Panganim, nakita ko si bespren matulog sa class. Mas malala pala siya sa akin. Haha. Peace bespren!

Pampito, kinakausap na ako ni 3! Aylabyu 3. :)

Pangwalo, personal na kaligayahan. (ninja)


8 lang kasi inaalay ko ang post na 'to kay 8. Labyuuuuu 8! (dance)

O siya. Kain na ako ng hapunan. Night. :)


left at 1:32 AM

Friday, August 07, 2009

May mga bagay na kailangang itago mo na sa sarili mo. Kahit kating kati ka ng ikwento sa iba kasi super exciting siya at grabe ang impact sa'yo, hindi mo makwento kwento kasi 'di mo alam kung kapareho mo sila ng reaksiyon. Bakit nga ba ikukwento mo pa kung 'di rin naman nila maaappreciate katulad ng appreciation mo? Pero nangangati ka nga. 'di ka mapakali. At ayun. Tinry mo pa ring ikwento kaso ginawa mong mas juicy para mas maappreciate ng mga chismoso at chismosong chichismisan mo ng astigin mong kwento.

Nangangati ka pa rin. Pero marapat na itago mo rin sa sarili mo ang juiciest part ng story. Save some for yourself. Naglaway man sila sa kinuwento mo, hindi naman nila naubos ang laway nila kasi 'di mo nashare ang climax ng kwento mo.

Nagpapakanonsense na naman ako. Masarap din maging nonsense kasi mawawalan ka ng kausap. Maiirita sila. Tapos wala ka ng makakausap kasi irita na silang lahat sa'yo. Tapos masasanay ka na na walang kausap tapos unti unti na ring mawawala ang kati ng dila mo hanggang ayun, naglalaway ka na lang mag-isa. Mukhang tanga man, at least nasosolo mo ang laway moments mo. Hehe.

Sus. Sa point na 'to, 90.354% na ang gumive up sa pagbabasa ng post na 'to. Salamat sa natitirang 9.646% na nagpatuloy sa paglalaway sa aking kwento na nonsense na naman kaya mababawasan pa ng 5%.

Thank you 4.646% kasi kayo ang mga 'di naglalaway. Kasi kapag naglalaway ka sa isang kwento, kadalasan, nauubusan ka na ng laway in the middle. Kung matututunan mong magpigil maglaway sa mga nakukwento sa'yo, baka matapos at maverify mo ang mga kwento. Kapag sure na sure ka na sa nasagap mo, maglalaway ka na ng parang fountain sa saya. At least may bunga ang paghihirap mo. Mahirap magpigil ah. Lalo na kung laway. Joke.

Speaking of laway, kapag nagmove on ka ba babalik ka sa dati na parang walang nangyari o parang wala talagang nangyari sa lahat lahat? Gets ba? Haha. Tanong lang. Ang konsepto kasi ng moving on ay abstract. Hindi siya madaling hablutin. Hindi siya madaling intindihin. Iba iba ang konsepto niyan sa iba't ibang tao. Kaya kung nagmove on ang ilan sa inyo, sa ibang lugar na kayo gigising sa umaga. LOL. Korni. Sus.

Wala na akong magawa. Salamat 4.646% ng buhay ko. Haha. Wala talaga akong kwenta. Babay. (wave)


left at 6:53 AM

Sunday, August 02, 2009

Hello mga kababayan ko. Ako ito, si Bininibing Stephanie Pauline S. Cordova, nananawagan sa inyong lahat. Ako ito, humaharap sa inyo ng buong tapang para ipahayag ang isang hangarin. Ang isang bagay na dapat ninyong malaman sa lalong madaling panahon.











PUTRAGES. ANAK NG PUNYETANG PAGONG. HINDI MUNA AKO MAGPAPALOAD HANGGA'T HINDI NABABAYARAN ANG MGA HINAYUPAK NIYONG UTANG. HINDI ITO SI NIX, YANI, EJAE NOR BEA. 'YONG IBA LANG DIYAN NA AKALA NILA LIBRE NA ANG PINALOAD KO. OO. NAASAR AKO. NAGAGALIT AKO. PUNYETA. ANG SARAP NIYONG MURAHIN. KAHIT 20 PA 'YAN. KAHIT 10 O KAHIT PISO, DAPAT BAYARAN NIYO DAHIL ANG UTANG AY UTANG BALIGTARIN NIYO MAN ANG MUNDO. ANG ILAN DIYAN MAS MALAKI PA SA BENTE ANG UTANG. UTAAAAANG NA LOOB. PUNYETA. NGAYON NA LANG AKO NAASAR NG GANITO. HINDI AKO NAMIMIGAY NG LOAD FOR THE MASSES. PUTRAGES.




Maraming salamat sa pagbasa ng aking panawagan. Nawa'y mamulat kayo sa katotohanan.

Maraming salamat ulit at magandang umaga. :)


left at 6:45 AM


Hello mga kababayan ko. Ako ito, si Bininibing Stephanie Pauline S. Cordova, nananawagan sa inyong lahat. Ako ito, humaharap sa inyo ng buong tapang para ipahayag ang isang hangarin. Ang isang bagay na dapat ninyong malaman sa lalong madaling panahon.











PUTRAGES. ANAK NG PUNYETANG PAGONG. HINDI MUNA AKO MAGPAPALOAD HANGGA'T HINDI NABABAYARAN ANG MGA HINAYUPAK NIYONG UTANG. HINDI ITO SI NIX, YANI, EJAE NOR BEA. 'YONG IBA LANG DIYAN NA AKALA NILA LIBRE NA ANG PINALOAD KO. OO. NAASAR AKO. NAGAGALIT AKO. PUNYETA. ANG SARAP NIYONG MURAHIN. KAHIT 20 PA 'YAN. KAHIT 10 O KAHIT PISO, DAPAT BAYARAN NIYO DAHIL ANG UTANG AY UTANG BALIGTARIN NIYO MAN ANG MUNDO. ANG ILAN DIYAN MAS MALAKI PA SA BENTE ANG UTANG. UTAAAAANG NA LOOB. PUNYETA. NGAYON NA LANG AKO NAASAR NG GANITO. HINDI AKO NAMIMIGAY NG LOAD FOR THE MASSES. PUTRAGES.




Maraming salamat sa pagbasa ng aking panawagan. Nawa'y mamulat kayo sa katotohanan.

Maraming salamat ulit at magandang umaga. :)


left at 6:44 AM


Haha. Ito na naman ako. Hello blogging na naman siguro drama ko.

Hanggang ngayon kasi 'di ko magets ang report ko. Hindi literally na magets pero hindi ko alam ang ilalagay ko sa discussion. E parang common sesne lang lahat. Duh. Sana ok reporting bukas. Sana lang. (goodluck)

1am na at gising pa rin ako. Hindi ako makatulog. Nag-iisip. Natatawa mag-isa. Ang dami ko palang nagagawang katarantaduhan. Ang dami. Haha. Ang plastic ko ba? Parang minsan kasi tinatry kong plastikin ang isang tao pero in the end, lumalabas din ang tunay kong ugali.

Hindi ko alam. Hindi ako masungit. Gusto ko magsungit pa rin. Feeling ko kasi kahit magsungit ako, I'll end up laughing in the end. Ewan ba. Hindi ko mapigilan ang mga hirit ko. LOL.

'di ko rin alam kung mabilis ba akong mapagpalagayan ng loob. Madali ba akong kausap? Haha. Kasi madalas 'di naman ako seryoso. Ah, baka naman ginagawa niyo lang ako pampalipas oras. Huhu. Ang sakit naman. Huhu. Alam mo 'yong feeling na 'yon? Huhu.

Ang emo ko. Pero ayaw ko. Ayaw kong gumamit ng balde este blade. LOL. Hindi ako emo. Haha. Gusto ko iba ang mag-emo para sa akin. Mas bongga 'yon 'no? Haha. Gusto ko bongga. Ayaw kong ako ang naaapi. Gusto ko ako ang nang-aapi. Gusto ko ako ang nagpapaiyak.

Haha. Ang ewan. 'di ko pa rin maintindihan sarili ko ngayon. Ano berr. Hindi ko pa rin mahulma ang sarili ko. Unpredictable pa rin ako sa sarili ko.Pffft. Pangit ata ang ganun. Paano ka makakilala ng iba kung sarili mo pa lang, 'di mo maintindihan? Grr. Ito na naman ako. Waa. Waa.

Hay. Ewan. At least masaya ako ngayon. Whoo! Haha. Masaya akong makipagkapwa tao. Masaya ako at nakakakilala ako ng mga bagong tao. Masaya ako at marami akong nakakausap. Masaya ako at madali lang ang experiment 1.

Whee.

O siya. Tulog na raw ako. Haha. Walang 27 bukas. Tom's World muna ako before reporting.

Good night everyone! (wave)


left at 6:18 AM

Saturday, August 01, 2009

Pasensya na. 2nd blog for the day. Kung alam niyo lang kung gaano kagulo isip ko. Hay.

Gusto kong maging masungit. Pramis. Sa bahay kasi sobrang sungit ko. Gusto ko baligtarin. Sana mas masaya ako sa bahay at masungit sa labas nito. Gusto kong mambara na hindi pajoke. Ayaw ko ng pakialamera. At kapag nagpaload sa akin, magbabayad again kasi nga mainit ulo ko.

Ayaw ko na ngumiti. Ayaw ko na magmukhang(kahit mukha lang hehe) mabait. Gusto ko matakot(?) ang mga tao sa akin. Gets niyo ba?

Nakakaasar na kasi. Though I can say No, parang walang epek. Akala na naman nila Joke. Laging JOKE. Punyeta. Nakakaasar na talaga.

Gusto kong mapag-isa. Gusto ko maging anti-social pero asa naman 'di ba? Ayaw ko na magmukhang friendly. Hindi ako wikipedia para ientertain lahat ng katanungan niyo.

Nagsasawa na ako sa buhay ko. Kailangan ko ng ibahin ang personality ko 'di ata effective. Hay.

May mali talaga sa akin ngayon. Hay. Alien na ata talaga ako. Hehe.


Hay. Ayoko na maging korni rin. Pffft. Ayoko ng maging madaldal. Pramis. Gusto ko ng itapon ang mga nalalaman ko.

Gusto ko magguitar freaks.


left at 12:54 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.