Friday, August 07, 2009

May mga bagay na kailangang itago mo na sa sarili mo. Kahit kating kati ka ng ikwento sa iba kasi super exciting siya at grabe ang impact sa'yo, hindi mo makwento kwento kasi 'di mo alam kung kapareho mo sila ng reaksiyon. Bakit nga ba ikukwento mo pa kung 'di rin naman nila maaappreciate katulad ng appreciation mo? Pero nangangati ka nga. 'di ka mapakali. At ayun. Tinry mo pa ring ikwento kaso ginawa mong mas juicy para mas maappreciate ng mga chismoso at chismosong chichismisan mo ng astigin mong kwento.

Nangangati ka pa rin. Pero marapat na itago mo rin sa sarili mo ang juiciest part ng story. Save some for yourself. Naglaway man sila sa kinuwento mo, hindi naman nila naubos ang laway nila kasi 'di mo nashare ang climax ng kwento mo.

Nagpapakanonsense na naman ako. Masarap din maging nonsense kasi mawawalan ka ng kausap. Maiirita sila. Tapos wala ka ng makakausap kasi irita na silang lahat sa'yo. Tapos masasanay ka na na walang kausap tapos unti unti na ring mawawala ang kati ng dila mo hanggang ayun, naglalaway ka na lang mag-isa. Mukhang tanga man, at least nasosolo mo ang laway moments mo. Hehe.

Sus. Sa point na 'to, 90.354% na ang gumive up sa pagbabasa ng post na 'to. Salamat sa natitirang 9.646% na nagpatuloy sa paglalaway sa aking kwento na nonsense na naman kaya mababawasan pa ng 5%.

Thank you 4.646% kasi kayo ang mga 'di naglalaway. Kasi kapag naglalaway ka sa isang kwento, kadalasan, nauubusan ka na ng laway in the middle. Kung matututunan mong magpigil maglaway sa mga nakukwento sa'yo, baka matapos at maverify mo ang mga kwento. Kapag sure na sure ka na sa nasagap mo, maglalaway ka na ng parang fountain sa saya. At least may bunga ang paghihirap mo. Mahirap magpigil ah. Lalo na kung laway. Joke.

Speaking of laway, kapag nagmove on ka ba babalik ka sa dati na parang walang nangyari o parang wala talagang nangyari sa lahat lahat? Gets ba? Haha. Tanong lang. Ang konsepto kasi ng moving on ay abstract. Hindi siya madaling hablutin. Hindi siya madaling intindihin. Iba iba ang konsepto niyan sa iba't ibang tao. Kaya kung nagmove on ang ilan sa inyo, sa ibang lugar na kayo gigising sa umaga. LOL. Korni. Sus.

Wala na akong magawa. Salamat 4.646% ng buhay ko. Haha. Wala talaga akong kwenta. Babay. (wave)


left at 6:53 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.