Ang dami kong plano sa buhay. Gusto ko maging scientist. Gusto ko maging doktor. Gusto kong maging pilot. Gusto kong maging programmer. Gusto ko maging politician. Gusto ko. Gusto ko.
Ang dami kong plan sa buhay. Pinagpipilian ko kung med or ms muna. Pero naisip kong magms muna after graduation para at least may nakuha na akong master's degree if ever tinamad na akong magmed. At para lumawak ang field ko. Biochem, then Bioinformatics. Sana tanggapin ako ng DPSM. Hay. After nun, tsaka ako magmemed. Kahit saan na. Kahit 'di na UP Med, kasi kung nagmed muna ako, 'di na ako makakapagMS.
Sa panahon na 'yon 23 pa lang ako. Super bata pa. Before ako mag30, duktor na ako, bioinformatician, at biochemist. Oha oha. Tapos I wanna start my business. LOL.
Haha. Tapos gusto ko maglaw. Ahaha. Pero malabo na 'yon.
Hay! Ang dami kong gusto. Pero sa ngayon, wala na sana akong bagsak this sem. Ang minor subjects kasi, 'di binabagsak. Ano raw? Haha.
So 'yan ang Plan A ng buhay ko. Sana wala ng B, C etc.
Tulog na ako. Ang nonsense ko na naman.
Manunuod pa ako ng Miss Universe mamaya. Buhbye! :)