Una sa lahat, gusto kong batiin si Binibining Kathleen Christine E. Aquino ng maligayang kaarawan! Yay. Yay. Ang saya saya!
Masaya ako at napasaya ka namin sa araw ng iyong kaarawan. VODKA! Salamat pala sa nakakalasing na gravy. Haha. Labyu. *hug*
Pangalawa, anak ng tinapang masarap, pumasa ako sa cs110 lec first dep! E duh, 'di na ako nag-aral nun. Wala nga akong kaalamalam na struct pala tawag dun. Haha. Char nilagay ko. Pero kukuha pa rin ako nung test para mas mataas. Waa. Ang saya!
Pangatlo, kahit buwiset 'yong favorite turned hinayupak na pc na 'yon, mabilis kong natapos ang Exercises. Sana natulungan ko si Arj at si Reg. Yay. 6.30 na sila natapos.
Pang-apat dahil kumanta kami sa gbox. Pero iniwan ko na sila.
Panlima, nakita ko si SARAH JOY HORLADOR! Sana itext niya na ako asap kasi 'di ko nakuha number niya haha.
Panganim, nakita ko si bespren matulog sa class. Mas malala pala siya sa akin. Haha. Peace bespren!
Pampito, kinakausap na ako ni 3! Aylabyu 3. :)
Pangwalo, personal na kaligayahan. (ninja)
8 lang kasi inaalay ko ang post na 'to kay 8. Labyuuuuu 8! (dance)
O siya. Kain na ako ng hapunan. Night. :)