Pasensya na. 2nd blog for the day. Kung alam niyo lang kung gaano kagulo isip ko. Hay.
Gusto kong maging masungit. Pramis. Sa bahay kasi sobrang sungit ko. Gusto ko baligtarin. Sana mas masaya ako sa bahay at masungit sa labas nito. Gusto kong mambara na hindi pajoke. Ayaw ko ng pakialamera. At kapag nagpaload sa akin, magbabayad again kasi nga mainit ulo ko.
Ayaw ko na ngumiti. Ayaw ko na magmukhang(kahit mukha lang hehe) mabait. Gusto ko matakot(?) ang mga tao sa akin. Gets niyo ba?
Nakakaasar na kasi. Though I can say No, parang walang epek. Akala na naman nila Joke. Laging JOKE. Punyeta. Nakakaasar na talaga.
Gusto kong mapag-isa. Gusto ko maging anti-social pero asa naman 'di ba? Ayaw ko na magmukhang friendly. Hindi ako wikipedia para ientertain lahat ng katanungan niyo.
Nagsasawa na ako sa buhay ko. Kailangan ko ng ibahin ang personality ko 'di ata effective. Hay.
May mali talaga sa akin ngayon. Hay. Alien na ata talaga ako. Hehe.
Hay. Ayoko na maging korni rin. Pffft. Ayoko ng maging madaldal. Pramis. Gusto ko ng itapon ang mga nalalaman ko.
Gusto ko magguitar freaks.