Isa kang doormat. Naaawa ako sa'yo. Gusto na kitang kunin at labhan. Pero mukhang nakadikit ka na sa sahig.
Naaawa ako sa'yo. Pramis. Lagi na lang ganyan. Kahit sobrang dumi ng paa ng taong makikipunas sa'yo ok lang. Wala kang imik. At nananatiling doormat na lang.
Gusto kitang kunin, tanggalin ang tahi at gawing ibang bagay. Damit? Bag? Basta 'yong mga bagay na hindi inaabuso at sadyang dinudumihan.
Grabe. Nakakaasar na ang mga taong tumatapak sa'yo. Wala siyang pakialam sa pagbaho mo at pagdumi sa'yo. Ni hindi ka nila malinis. Punasan ka lang talaga sa kanila.
Hindi ka marunong humindi. Lahat ok lang. Wala ng natitira para sa'yo. Magtira ka please? Mahirap kapag binigay mo ang lahat lahat e. Mahirap talaga. At isipin mo muna sarili mo bago ang iba. Bago ka nila apakan at dumihan.
Huwag kang papayag sa gusto nilang mangyari. Ano ngayon at 'di sila makapasok sa pintong binabantayan mo? Marami pang taong aapak sa'yo na mas malinis ang paa.
Haaaaay.
Nakakalungkot.
Ang doormat. Ay tengkyu. Bow.