Nalulungkot ako. Dahil ba sa ayaw kong maging sila? Hay.
Nakakalungkot. Kailangan ko pang imbestigahan para maconfirm. Sumasakit na ulo ko.
Ayoko ng chumismis. XD Marami pa nga raw kwento sa mundo.
Ewan ko ba kung parang ang gloomy ng paligid. Dahil ba umuulan na naman? 'di ko rin alam. Hay. Hindi ako nag-eemo. Sadyang marami lang naiisip na sana 'di ko na lang iniisip.
Walang kwenta. Hay. Bakit kasi ganun e. Tae. Gusto kong pumatay ng tao. Gusto kong pumutol ng dila. Gusto kong umiyak. Gusto kong maglaslas ng leeg ng iba.
Walang kwenta na mga blog entries ko. Kanina nagbabasa ako, ang funny ng luma kong posts. Nawala na ata pati humor ko. Para na lang akong kahon na walang laman. Oo kahon lang kasi madali na ring masira. Hay. Nasisiraan na naman ako ng bait.
Bakit ba kasi ganun. Hay. Ayoko ng alalahanin ang HS. Ewan ba. Wala. Parang malayo na silang lahat sa akin. And ok lang kasi kailangan nating magmove on dahil college na tayo. Pero parang *sigh* 'di rin ako masaya ngayon. Parang may kulang. O baka ako ang nagkukulang sa blockmates ko? 'di ko sila matanggap kung sino sila. Pero sanay na naman ako e. Sanay na ako sa araw araw na buhay ko. Hay. Kailangang kasanayan kahit 'di gusto kasi ako rin ang kawawa kung 'di susunod sa agos.
Kailan ba ako makakahanap ng group of friends na maayos? Haha. Ayos ang cornmasters. Pero sila lang ang super duper ok sa block though minsan nag-eemo ako sa kanila. Haha. Ewan.
Ang nonsense ko talaga. Hay. Gusto ko ng private blog. Gumugulo na naman utak ko. Tapos ayun. Tinatry magGC. Hay.
Sana hindi ito basahin ng isang tao. Dati rati'y kinukulit ko siya ukol sa issues sa buhay ko tapos ngayon malalaman ko na lang na hinog na ang bungang mangga ng puno nila sa likod bahay. 'di niyo magets? Ako rin e. Lol. Basta 'yan. XD Alam mo 'yon? Hay. Nakikinig lang siya pero may hidden plans na pala siyang nakawin ang buto mo ng mangga para nga itanim sa likod bahay niya.
Nasolusyonan niya ang problema ko. Problema ko 'yon pero nasa kanya ang solusyon. Tae talaga. 'di ako makapaniwala.
Sarap niyang laslasin. Pero 'di ko gagawin. Ayoko makulong dahil dun. Ayaw. Hay.
Naaasar ako sa sarili ko. Sana after ng post na ito, happy thoughts na ulit. Super happy. At sana maging magaling na storyteller na ulit ako. Hay.
Hirap magpakalunod sa mga problemang hindi naman dapat sa'yo pero inaangkin mo.
Itutulog ko na lang, baka paggising ko wala na. :(