Grabe umabot ng *toot*k ang ginastos namin. Ngayon ko lang narealize na hindi naman kailangan/importante 'yong iba. Though magagamit namin. Paano na lang kaya 'yong uber daming binili tapos 'di naman nila gagamitin?
Tae. Parang patay gutom, sorry for the term, 'yong mga tao. Grabe. Napakaswapang. Alam niyo 'yon? Ang dami kong nakitang mga taong nag-aagawan para sa isang tabo, balde, basurahan. Sira sira naman. Tapos walang disiplina ang mga tao. Grabe talaga. Nakakaasar. Ang sarap pagsasampalin. May nahawakan lang akong gamit sinabihan agad ako na "Miss, may may-ari na niyan." sabay sungit look. Duuuh. Aanhin ko 'yong lalagyanan ng kanin! Argh. Meron na po kami nun!
Parang kapag kinuha ko 'yon, makikipagpatayan na sa akin ang punyetang masungit na 'yon. 'yong iba naman bumili ng 5 bentilador. Duh? Grabe lang ha. Tapos 'yong iba naman isang box, as in box ng baso. Waw, may fiesta? Ang ilan naman nagearly christmas shopping na. Duh! Ang laki laki ng ginagastos nila, 'di man lang nila namamalayan. Lahat kasi binibili nila akala nila mura, e anak ng tinapang binulok dahil sa kaswapangan, 'di naman nila magagamit lahat 'yon e. Tae talaga. Nakakaawang nakakaasar ang mga tao.
Buti pa kami. Haha. Binili lang namin 'yong mga kulang sa bahay. At 'di na kami nakipagsaksakan na sa ilang bagay, tulad ng electric fan. Mura na lang ang electric fan kung half ng orig price. Pero kung may 12 na electric fans naman kayo sa bahay, para saan pang bumili ka? So 'di kami bumili. May mesang nilabas, oo na, mura, pero saan naman namin ilalagay?
Hay. Gets niyo naman ako 'di ba? Bumibili sila ng sandamakmak dahil akala nila nakakamura sila pero sa totoo lang hindi kasi hindi naman nila kailangan 'yong 80% sa mga binili nila. May point naman me 'di ba? Hay hay.
Ayun. Haha. At least may jug na kami, ilang plastic containers, mga wiring, at kung ano anong panlinis. At least hindi kami naatat. At least hindi kami sugapa. Tangina talaga. Haha. Kaasar.
Enough of this nonsense!!!
At may pitch na kami. Whee. Sana lang talaga ayos ang aming pitch bukas kaso may lab ako. Huhu. Wawa naman ako. :'( Sana masolusyonan. Hay.
At alam niyo bang umiyak ako nung isang araw? Share lang. Haha. Gaga ko talaga. LMAO. Ang babaw ko talaga. ROFL. Alam kong pagtatawanan niyo ako kapag nalaman niyo ang dahilan. :|
O siya. Kailangan ko pang imeet groupmates ko mamaya ng 8.
Morning. Wet dreams. :)