Haha. Ito na naman ako. Hello blogging na naman siguro drama ko.
Hanggang ngayon kasi 'di ko magets ang report ko. Hindi literally na magets pero hindi ko alam ang ilalagay ko sa discussion. E parang common sesne lang lahat. Duh. Sana ok reporting bukas. Sana lang. (goodluck)
1am na at gising pa rin ako. Hindi ako makatulog. Nag-iisip. Natatawa mag-isa. Ang dami ko palang nagagawang katarantaduhan. Ang dami. Haha. Ang plastic ko ba? Parang minsan kasi tinatry kong plastikin ang isang tao pero in the end, lumalabas din ang tunay kong ugali.
Hindi ko alam. Hindi ako masungit. Gusto ko magsungit pa rin. Feeling ko kasi kahit magsungit ako, I'll end up laughing in the end. Ewan ba. Hindi ko mapigilan ang mga hirit ko. LOL.
'di ko rin alam kung mabilis ba akong mapagpalagayan ng loob. Madali ba akong kausap? Haha. Kasi madalas 'di naman ako seryoso. Ah, baka naman ginagawa niyo lang ako pampalipas oras. Huhu. Ang sakit naman. Huhu. Alam mo 'yong feeling na 'yon? Huhu.
Ang emo ko. Pero ayaw ko. Ayaw kong gumamit ng balde este blade. LOL. Hindi ako emo. Haha. Gusto ko iba ang mag-emo para sa akin. Mas bongga 'yon 'no? Haha. Gusto ko bongga. Ayaw kong ako ang naaapi. Gusto ko ako ang nang-aapi. Gusto ko ako ang nagpapaiyak.
Haha. Ang ewan. 'di ko pa rin maintindihan sarili ko ngayon. Ano berr. Hindi ko pa rin mahulma ang sarili ko. Unpredictable pa rin ako sa sarili ko.Pffft. Pangit ata ang ganun. Paano ka makakilala ng iba kung sarili mo pa lang, 'di mo maintindihan? Grr. Ito na naman ako. Waa. Waa.
Hay. Ewan. At least masaya ako ngayon. Whoo! Haha. Masaya akong makipagkapwa tao. Masaya ako at nakakakilala ako ng mga bagong tao. Masaya ako at marami akong nakakausap. Masaya ako at madali lang ang experiment 1.
Whee.
O siya. Tulog na raw ako. Haha. Walang 27 bukas. Tom's World muna ako before reporting.
Good night everyone! (wave)