Tuesday, April 07, 2009

Ubos na nga. Tama ang nabasa niyo.

Pumasok ako, nagmamadali, iniisip na late na sa enrollment, iniisip na tres sa Physics. Matatapos ang araw na malalaman kong mali lahat ng nasa isip ko.

Ok naman. Naghihintay kay Bongbong. Kasama sina Ruth, naglakbay sa Rob upang sila'y magddr. Hindi muna ako naglaro, tumitig lamang. Wala pa kasing resulta ng Physics.

Bumalik ng school, nakita si Tin. Nagpagupit din. Ngunit ayaw niya ng nasabing haircut. Kamukha niya raw si Willy Wonka or Dora ngunit sabi ng karamihan mukha siyang virgin mop or wig. Mahaba pa ang buhok nya para maging Dora o WW. Pero pasado na sa pagiging mop o wig. Sa katunayan, ok naman siya. Kulang lang talaga ng body. Kaya ayun. Huwag ka ng malungkot. K naman ang hairlaloo mo.

Pumunta sa surprise party ni Alex at Jamie at super fun! Nakilala ang puppy at nalamang brain food ang buto ng manok. Too bad hindi ako nakapagluto. :(

After ng masayang kainan, nakatanggap kami ng mensahe na lumabas na ang resulta sa Physics. Alam na.

Umiyak ako. Umiyak sila. Nagyakapan. Tanggap ko na. Pero ngayon ko lang nalaman na 45 ang kwatro sa Physics. Tae. Inisa isa ko na bawat semestre. Nabadtrip ako. Naasar sa sarili. Pero nangyari na e. Ubos na ang luha. Ako'y naglakad papuntang OUR. Nagantay. Nakita ang friends.

NagDDR sila. Ok. Hindi pa rin ako naglaro. Tapos McDo. Monster float tapos mahabang kwentuhan. Masaya. Ahaha. Si ano lang 'di makarelate e. 'di bale na. Orosa-Pauling-Ptolemy-Coppernicus naman ang section niya if ever e. Ahaha. Nakakatuwa.

After noon, DDR ulit. 'yon nauna sa Timezone ngayon sa Tom's na. Naglaro, at naadik magDOUBLE. Ang galing ni Nikko. TAE. Expert sa double. Love shine, maghihigante ako. :P

At umuwi na kami. Daang P. Gil. Nagkahiwahiwalay.

Umuwi ako ng may kaunting saya sa puso bagama't masaklap ang nangyari sa araw na ito. Malungkot, oo ngunit nagpapasalamat sa mga taong chever. HIGH FIVE! Ahaha. Or 'yong tres at uno chevers namin ni Jude. :)) Saya. Masaya.

Pagkauwi. Kain. Plurk. Internet. Aalisin muna ang bad thoughts.


Hay, at ngayong 3am na, matutulog na. 3.30 na pala.

Sana ok na ako. Sana nga.


PS.
Hindi ako pwedeng magcrossreg dahil sa Math75 ko. Hindi pwede ang 70 series for the 50 series kasi 3 units ang atin at 5 sa kanila. :(


left at 8:13 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.