Haha. WTF ang title. Haha. May naiisip lang ako. Haha.
Nanonood ako ng Madagascar 2. Benta talaga ang palabas. Magkaugali kami ni Alex. Grabe. Haha. Panoorin niyo. Maaalala niyo ako. Tsk. :(
At ako ay, hindi pa natutulog ng maayos. Mga 2 hours pa lang ang tulog ko ngayon e last night 2 hours lang din nung kahapon at nung isa pang araw. Tapos kapos pa ako kumain, Tapos DDR pa ako kanina tapos DM at nakamax combo na 1037. Oha. Haha. Pagod na ako.
Nangangayayat na raw ako. YAY, sana pumayat na ako. As in. Gusto ko na. Haha. Para naman iba na image ko. Ayoko ng maging cute. Gusto ko maganda na. JOOOOKE. Haha. Umaasa lang naman. E ampangit ko naman e. Haha. Pabayaan niyo na ako. Minsan lang ako magfeeling. :))
Haha. Tapos ayun. Huhu. WTF ang test ko. Pero sure pass na naman e. Ayoko ng pagusapan. Haha.
Tapos umuwi ako. Ay nagSM San Lazaro ako. Namili na naman sa National Bookstore. Huhu. Adik talaga sa mga school supplies. Andami na nila. Hindi na kasya sa lalagyanan ko. Adik. Adik. Adik. Pusoyeros, alam niyo na ireregalo sa akin sa birthday ko. Haha. Grabe talagaaaaaa. Huhu.
Nagbooksale ako at nagkita kami ni Sir Bau. YAY, Grabe, kwentuhan to the max kami. YAY. Haha. Tuwa naman ako. Malandi na phone niya. Katulad na nung kay Tintin. Haha. Landi talaga ni Sir. Nakakamiss! :))
Naghiwalay na kami. At nagkita na kami nila Mommy. NagDDR saglit. Tapos nagDM. Haha. Adik? Tapos umuwi.
Walang kwenta ang araw na ito.
Naisip ko na naman. Ang naisip ko noon. At ngayon, At magpakailanman.
Mayroon talagang misteryo sa buhay ko ngayon. At hindi ko na masasagot pa dahil misteryoso rin ang taong pinagmumulan ng misteryo. DUH. Ewan ko ba. Naisip ko dahil TUTUT. Hay. Mapapansin naman agad kung kayo ang nasa kalagayan ko e. Pansing pansin. Ayoko maging feelingera and all that kaya ayun, wala pa akong nasasabihan ukol sa naiisip at matagal ko na iniisip na bagay na ito. Ampangit kasi pakinggan. And I won't even risk a thing para malaman pa ang kasagutan sa mga tanong ko. Pero gusto kong malamaaaan. Masyado ko lang pinoprotektahan ang image ko. Hay. Bakit ba kasi ganun. Bakit ba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Tsk.
Kailan ko pa kaya malalaman ang sagot sa tanong na bumabagabag sa akin ng ilang buwan na.
Malalim na ang gabi. Matutulog na ako at pupunta pa kami sa Bato Springs bukas. Babays. :)