Panapanahon ang pagkakataon.
Maibabalik ba ang kahapon.
Naalala ko lang ang kanta. Haha. Pinapatugtog ko kanina. Akalain mong kinakaya ng cp ko ang tristancafe? Haha.
Pero ayun. Maganda nga ang message ng kanta. Hay. Weather weather lang talaga ang buhay.
Naaasar ako ngayon pero ok na. 'di ko lang talaga maintindihan kung bakit ganun. Siguro ako na naman ang may problema. Kung kayo ang nasa kalagayan ko, you'll feel the same way. E ano bang magagawa ko? Tapos malalaman mo pa na ganun. Tsuk!
Beaaaaaaa. May ikukwento akooo. I-PM mo ako kapag nabasa mo 'to. Or bukas na lang. Haha. Natuwa na naman ako, wahaha.
May mga bagay sa mundo talaga na hindi ko makakamit at never magiging akin. Pero kahit ganyan ang ikot ng buhay ng bawat mamamayan sa mundo, kahit hayop nga e, marami pa ring mga bagay sa mundo ang hindi pa nadidiscover at nakalaan para sa atin. Oha. Haha.
Gusto kong magsorry sa ilang tao. Haha. Kahit hindi nila alam na nagsosorry ako, magsosorry ako. Hahaha. Naku. Napa-isip na naman kasi ako kagabi. Tsuk! Haha. Ayun. Ayun. Sorry. Stupid meeeee.
Gusto ko ring pasalamatan ang ilan sa walang sawang pagsuporta sa mga kagaguhang ginagawa ko. Wahaha.
Teka, nag-eemo na naman ako. Haha. Dahil siguro sa kantang Kanlungan. Pero in fairness, gusto ko talaga ang kantang 'yan. Hahaha.
Salamat sa mga nagpasaya sa akin sa araw na ito, Especially IDOL Ahmad. Winiwish ko na sana iadd niya na ako sa multips. Haha. Tsuk! Labyu Ahmad!! Yikee.
O siya. Mag-aaral na ako. Tinanggal ko lang ang random thoughts inside my mind.
Babush! :)