Naisipan kong gumawa ng blog entry. Nakabukas naman kasi ang wifi at may gusto lang akong sabihin.
Ayun. Ayun.
Bakit ba parang walang nakakapansin ng effort ko? Parang ang dami kong sinasacrifice maplease lang ang mga tao pero parang wala silang isinusukli kahit man lang kaunti.
Parang sayang lahat ng effort kong mapasaya sila. Pero, kung sa bagay, sino ba naman ako para magsabing "Hoy, ang dami ko ng ginawa for you, inoobliga kitang icomfort ako ngayon.".
Kung sino pa 'yong mga taong pinagsasayangan ko ng oras sila pa err. Basta err na lang. Tapos 'yong mga taong akala ko makakatulong, pinapaasa lang ako. Alam mo 'yon. Akala ko masaya na ako pero wala. Ganun pa rin. Hiwalay pa rin. Kahit anong effort ang gawin ko para maging kaclose ang mga tao, wala pa rin. Walang wala.
Hay. Salamat sa mga taong nagkecare kahit hindi ko sila pinagsasayangan ng iras tulad ng iba. Salamat at pinasaya niyo ako sa mga oras na super down ako. Hindi ko maisip na kayo pa ang gagawa nun para sa akin. Hindi ko ineexpect na kayo pa ang magkocomfort sa akin. Dahil sa lahat ng 'yon, salamat.
Hay. Matutulog na ako. Hay. :(