Haha. Isa lang ang masasabi ko. Uber fun ang araw na ito. Yay!
Nagsimula ang lahat ng umalis ako ng bahay ng 10.15. Take note, 10 ang class ko. Haha. Funny. Pero dahil suicidal freak ako, nagjeep pa ako. Oha oha. 10.47 na ako nakarating sa skul. Happy!!! Kasi walang CLASS. OMG. Tapos evaluation lang. Malamang tinodo ko na ang evaluation kay Bongbong. Define TODO. Haha. Uber. Natatawa ako habang ginagawa. Puro SD at siyempre siya ang THE WORST haha. Tawa pa tayo. At least nakaganti ako.
Tapos Monday pa ang pasahan ng lab rep nila Kuya Paulgie so kokopya na lang ako sa Monday. Haha. Happppy. Hindi na ako nagmamadaling gumawa. Oha oha. :))
Tapos dahil wala ng klase, nagyaya si Bea magDDR. Haha. Kahit wala ang 200 na load ang powercard niya, tinodo as in TODO na namin ang paglalaro. Haha. Nakakatuwa. Nagdouble pad ba 'yon pa kami. At officially, difficult na talaga ako. Haha. At naadik si Paulgie at Bea sa Doesn't Really Matter. At ako ang mga favorite songs ko. Alam niyo na 'yon. Haha. Baka may magalit pa kapag binanggit ko pa 'yon. Wahaha. Tapos tinodo talaga namin. Ang tagal e. Tapos ang dami. Tapos load ng load si Bea. Haha. Yaaaay.
Uuwi na sana kami ng nagdecide kaming magcheesecake. Wahaha. Blueberry cheesecake akin at caramel walnut kay Bea. Haha. Ang ewan nung cashier habang kinakain namin 'yong cake. Orgasmic daw e. Hahahahahahahaha. At kinilig pa si Paulgie sa super sarap na caramel walnut. Hahahaha. :))
Tapos uwi na si Paulgie, sinamahan ko si Bea sa Faura. Nakakatawa. 'yong magic trick. Gash. Gusto ko nun. Kaso 150 e. Tapos maliit lang daw. Tapos nilalagay sa bao. WTF. Ano 'yong punyetang bao na 'yon. Kaasar 'yong emo haircut guy. At 'yong red shirt guy. Isa lang matino sa kanila. Basta, natakot kami ni Bea. Haha. E kasi. Basta basta. Pero maghahanap ako ng ibang bilihan ng trick na 'yon. Tapos magmamayabang ako sa kanila. Behlat. Gaganti ako.
Pagbalik sa UPM. Ayun. Tapos nakita ko si Dan. Ayun. Tapos nagsalo kaming tatlo nila Bea sa apple ice tea. Ayun. Haha. Tapos uwi na ako.
Habang papunta pala kaming rob, nakita ko si Tin. OMG. Haha. Namiss ko talaga 'yon. Tapos nagtilian kami. Wahaha. Akalain mong tinignan daw kami ng guard sa Supreme court sa lakas ng tili namin?? Haha. Funny.
Paguwi. Ayun. Nagkaputulan ng kuryente sa amin. 'yong mga illegal. Nakakatuwa. May sense of fulfillment. Tapos sana nakita niyo 'yong mukha nung nagputol. Natatawa siya. Sa wakas, nabawasa ng burden ang meralco.
O siya. Haha. Masyado ng masaya araw ko. Aaral na lang muna ako. Kailangan e. GC mode daw. Hahahahahahahaha. Woot. Tinulugan ko lang reporting nila. Kailangang basahin ulit. At umaasa akong maka one point something sa Math74. Haha. Aja me.
Alis na talaga ako. Haha. Babays!!