Eto na naman ako, magpupuyat para sa isa na namang pagsubok na dapat harapin bukas.
Napagalaman kong mas magaling magturo si Stryer kaysa kay Mathews.
Inililipat ko ang pahina. Kahit anong lipat ko, tila walang katapusan ang mga dahon sa libro. Kadalasan, 'di natin alam kung saan magtatapos ang nasabing chapter at tayo ay nagsawa na kaya't napilitang isara na lamang ang aklat. Walang nagudyok sa ating tapusin. Huli na kapag nalaman nating isang pahina na lang pala at tapos na. Sayang, may natapos sana tayo. Sayang.
Bakit ba hindi nating magawang magtiyaga? Tipong lagi tayong naiinip at pinipilit na lang tapusin agad ang mga bagay. Hindi man lamang natin tinatapos ang mga bagay na nasimulan na. Sayang naman talaga kung patapos na rin pala.
Nonsense ko na naman. Haha. Nakikiwifi na naman kasi ako. Bawal gumamit ng pc e.
Balik tayo sa ikinukwento ko. Katulad ngayon, patapos na pala ako sa chapter na 'to. Buti na lang hindi ako naggive up! Haha. Aja. :)
Bangag na naman ako. Nagchevers pa kasi sa MOP kanina. Argh.
Ayun. Ayoko ng magpakachever. Andaming post ngayon sa tabi tabi na medyo deep. Ayokong sumabay sa pagpapakadeep. Haha. Sa susunod na. Yaaaay.
O siya, wala ng tao rito sa baba. Nanakaw na me ng chocolates.
Gooood night. :)