Friday, March 06, 2009

Isang tao. Isang naglalakad. Hindi alam ang pupuntahan. Alam niya kasi na wala na siyang patutunguhan.

Sira na buhay niya. Wala na. Wala na. Nahihirapan na siya. Pressure sa bahay. Pressure sa school. Mahirap na subjects. Hell weeks. Hindi na niya kaya. Hindi sapat ang kanyang kaalaman para sa sitwasyon ngayon.

Minsan, gumagaan ang loob niya sa ilang maliliit na bagay tulad ng paglalaro ng DDR, paggawa ng blog entries, pagplurk, pagpetsoc. Pero hindi 'yan sapat sa lahat ng dapat niyang naabot para sumaya ang nakararami.

Hindi niya rin kayang pasiyahin ang lahat ng tao sa paligid niya. Pilitin man niya, wala. Ayaw naman e. Pero alam niyang kaya niyang maging mabuting kaibigan. Kaya niyang makinig.

Pero sa ngayon. Wala. Wala. Hindi na niya kayang makinig. Sumusobra na kanyang mga problema.

Sa kasalukuyan, ang pagsusulat lang niya sa blog niya ang tanging pagtakas niya sa realidad. Ang tanging pagtakas niya sa lahat ng problemang humahabol sa kanya.

Masaya siya kaninang umaga. Pero nagbago ang lahat pagdating ng hapon. Wala. Wala.

Walang nakikinig sa kanya. Wala na siyang makapitan. Nanpanghihinaan na siya ng loob. Wala naman siyang magawa.


Habang naglalakad, naluha siya. At paikot ikot siya. Wala na siyang patutunguhan. At siya ay naglakad.

Iniisip niya ang mga taong nakapaligid sa kanya. At siya ay naglakad.

Iniisip niya ang mga taong akala nila'y nakakatulong sa akin pero wala. Wala naman sila talagang naitutulong. At siya ay naglakad.

Iniisip niya ang mga taong gusto niyang tulungan pero parang pinagkakaitan siya ng kabaitan at oras. At siya naglakad.




Naglakad siya ng parang walang bukas. Walang pakialam kung masagasaan na. Nagjeep na lang siya pauwi para makalimutan ang lahat.

Nakauwi siya ng masaya. Ngunit kahit anong ipilit niya, hindi niya na mapigilang lumuha.



Hindi na talaga niya kaya.


left at 12:42 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.