Haha.
'yan lang ang masasabi ko.
Nagmadali pa akong pumasok para sa wala. As usual, late si Mam Len. Nagpaphotox na lang kami ng baga ni Irog.
Tapos nagclass.
Tapos nagchevers.
Tapos nagcerealicious.
Tapos nagkwentuhan.
Tapos umuwi.
Ayun. Hindi ko alam kung bakit naspill out ko lahat kanina. Siguro dahil super nagkapatongpatong na ang mga bagay na nangyayari sa akin layely na hindi maganda. Masakit siyempre para sa akin ang mga nangyayari pero wala akong lakas ng loob. Hay. Ang hirap talaga. At ayun. Umiyak na naman ako kanina. Ang loser ko talaga. Hay.
O baka naman wala sa akin ang problema? Haha.
Tapos ayun. 'di kami marunong magoperate ng chevers. Poor talaga.
Hay.
Sinabi ko pala na gusto ko si Mel Brooks. Ang galing nya kasing writer/director/producer. Uber. And siya ang idol ko. Haha. Ang galing kasing gumawa ng parody. The best ang Robin Hood: Men in Tighs, History of the World Part I at siyempre ang Dracula: Dead ang loving it. Naaamaze ako sa sense of humor niya. Idol ko siya. Uber. Sana maging kasing galing ko rin siya. Hay. Burn niyo naman ako ng tatlong movie na 'yan. Ok lang din kung isama niyo ang Spaceballs. Haha.
Tapos ang Michael Learns to Rock. Favorite ko rin. Isang linya pa lang sa isang kanta nila, malalaman ko na agad na sila na ang kumanta e. Ewan ko ba kung bakit type ko music nila. Hay. Ipagburn niyo rin naman ako ng lahat ng album nila. Haha. Please? :(
Haha. Wala na akong makwento. Haha. Kailangan ko pala ng burnbook. Ang dami kong isusulat.
BTW, may bagong cornmaster. Sana pumayag siya. Watch out. :)
O siya. Baybay. :)