Oo. Naghahanap ako ng bestfriend.
Pero bago ang lahat, nais ko munang batiin si Sir Mong ng happy birthday. At oo nga pala, wala pa akong naaaral ni isang subject na itetest ko this week.
Napag-isip isip ko lang. Wala pala akong naituturing na bestfriend. Madalas akong makakita ng photo album na may picture ang isang tao kasama ang kanyang "BEST FRIEND". Hehe.
Marami naman akong close friend pero wala akong maisip kung sino talaga ang best sa kanila. E kasi naman. Wala akong permanenteng friend. Lahat inaaway ko. Joke. I mean, wala talaga akong isang taong pinagkakatiwalaan ng sobra. Haha.
Pero naisip ko rin, hindi naman essential sa buhay ang isang bestfriend. Hindi naman purkit wala ka nito, hindi mo na kayang harapin lahat ng challenges sa buhay. Ika ko nga, every man is an island pa rin. Hehe.
Ang nonsense ko na naman.
Mahirap kasi kapag tinuturing mong kaibigan ang isang tao tapos hindi ka niya pala tinuturing na kaibigan. Kaya mas maganda minsan na sila ang maunang magsabi na kaibigan ka nila. At least kapag ganun, walang magiging feeling close at walang masasaktan. :D
E pano kung naghihintayan lang kayo? 'yon ang mahirap. Pero 'di ba parang term lang naman ang bestfriends sa kung ano man ang status ng pagkakaibigan niyo? Pwede rin namang bestfriends kayo ng 'di niyo namamalayan 'di ba?
At dahil diyan, mag-aaral na ako. Pucha wala na naman akong narereview.
O siya. Alis na ako. LOSER me.