[nonsense alert]
Hay. Naaadik ako sa Senses Fail. Idols talaga. Haha. Ako lang ata ang nakakaappreciate sa kanila. Mahal ko silaaaaa. Wahaha. Maganda naman ang mga kanta nila.
Ang tanong ko, halata ba?
Miss ko na ang buong CM. Palaging watak watak. Sana may bonding moments naman ang CM. Malungkot ako kapag walang chismax ang CM. Malungkot ako kapag kulang ang CM. Kulang ang araw ko kapag hindi ko nakita ang ni isa sa kanila sa isang araw. In short, kulang ang araw ko kapag Sunday.
Ang tanong ko, halata ba?
Nababagabag ako sa maraming bagay ngayon. Lalo na ang isang taon ko ng iniimbestigahan. Malaman ko lang ang sagot, yes or no lang 'yan ah, oks na sa akin. Tatapusin ko na ang pagiimbestiga. Matagal tagal pa bago matapos ang ito pero I'll try. Mas magandang tapusin ko na siya. Kakayanin ko kayang tapusin? Abalang abala kasi ako rito e.
Ang tanong ko, halata ba?
Eto na naman ako, naaadik sa plurk. Balak ko siyang iabandon kapag naka 85 na ako. Ayoko ng 80 kasi walang saysay ang emoticons e 'yon ang habol ko. Hay. Inuubos nito oras ko gabi gabi.
Ang tanong ko, halata ba?
May test daw sa Monday. E wala raw pasok e. Paano 'yan? Desidido pa si Ma'am. Wala pa akong naaaral kasi may Physics test kanina na duguan as usual. 4 PS, 15 points each. 20 items lang ang MC. Bullshit. Nakahabol nga ako, may bago na naman akong iintindihin. Tinatry ko namang mag-aral pero pag test na, poof! Nadedrain ang memory ko. Isipin mo, may Math test pa sa Saturday. Tapos oral report bukas. Tapos biochem 14.1 sa Sabado. Nag-aaral ako pero pacram palagi. Tamad ko kasi.
Ang tanong ko, halata ba?
May isang teacher ngayon, naaasar lang ako. Ipagkalat daw ba na *toot* ako sa subject niya? Nakakaasar lang. Sana sa Sabado ko na lang nalaman para may thrill. E paulit ulitin daw ba. Ano bang gusto niyang palabasin? Genius ako?
Ang tanong ko, halata ba?
NagDDR na naman kami kanina. At sa Saturday after ng exam. Tapos ayun. Medyo naadik na sina DDR mates. Haha. Oks naman kahit tres bobitas kami. Nyahaha.
Ang tanong ko, halata ba?
Kailangan ko pang aralin ang irereport ko bukas. Waa. E kasi naman ako, bobita, so baka mabulol ako bukas at paupuin na lang ni Sir. Pwede kayang magtagalog? E tangingots ako magEnglish e. Waa.
Ang tanong ko, halata ba?
Lastly, dahil wala na akong maisulat. *TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT*.
Ang tanong ko, halata ba?