Hala.
Balak kong huwag ng pumasok ng Chem 31 kasi tinutulugan ko lang. Tapos nameet ko sa isang lecture si Mr. Quirino na idol ko. UBER galing nya at may sariling LAB sa Australia. Nakanang.
Nagrob kami upang mag-ikot. Nakita ko na naman ang havaianas na nanunukso. Bumalik ng school, kumain, at naghintay kay Dr. Quiming. Ayun. Hindi nya pa nachecheckan ang gawa namin. Pero hindi kasi dala ni Ja kaya kinuha ko na rin.
Nagrob kami ni SC at BC. Nagkwentuhan at nauwi ang paglalakad sa Tom's World. At nagDDR kami. 2nd day ko pa lang magDDR. At basic pa lang ako. DUH. Kawawang bata.
At umuwi na.
Andami kong sheesmees.
Ngayon ko lang naalala na may isa akong kakilala at baka kilala niyo rin na may baby na. Boyish sila noon. At ngayon may baby na. Actually dalawa pala sila. 'yong isa, hindi niyo talaga kilala. Pero 'di ko talaga ineexpect na sa ganoong edad pala sila magkakababy. Wala talaga sa itsura nila.
Andaming kong naichismis kanina at andami ko ring nalamang iba. Boohoo. Hay. Weirdo talaga ng mga tao.
May mga bagay na hindi mo naman kailangang ichismis. Hehe. Pero sa kasalukuyan, nag-iisip ako ng juicy na chismis. Hm.
Sino itong si Mr. A na FC talaga. Nagkita na naman kami kanina. Sa unang tingin, mukhang CLOSE talaga kami. Sa katunayan, hindi. Matagal ko na siyang kilala pero naintroduce lang siya ng friend ko na gf niya at that time. Tapos ayun. FC na afterwards. Wala na nga akong balita sa ex niya e. Pero AYUN nga. FC talaga. Haha.
Sino naman itong taong ito na UBER yaman pero hindi halata? Hindi mo mapapansin sa umpisa pero the more na titigan mo ang clothes nya, mapapansin mong branded lahat ito. Tapos *tooooot*. Hahaha. :))
Last na. Sino itong taong ito na __________? Minsan gusto kong ________ ___ ____. Kasi ____, mas ok siya. Tipong ________ ________ talaga. Marami rin sigurong nakapansin na _____ ___ ____ after ______ ______________. Pero sana ________ __ ____ _______ _______ niya. Whoo. Fill in the blanks!
Haha. Pasensya ang kaunti ng chismis ko ngayon. Wala akong maisip na juicy. Sorry.
Nafifeel ko talaga na super LOSER ako. Basta. Ang LOSER ko. LOSER me.

Ayoko ng maging loser.
Waa.
Sana naging mayaman na lang ako.