
Haha.
Una sa lahat, wala akong tulog dahil sa exam. DUH. Haha. Ay teka. Wala na naman atang exam WAHAHA. Pumasok lang ako sa RH115 para magpalamig. :) At 'yon lang. Ayoko na talagang mag math pero ayun, pumasok pa rin ako kasi sayang. :))
Yey! Mataas naman ang standing ko. Haha. Sa wakas. May subject na ako this sem na sure pass na. Wahaha. Kaso as usual, inantok ako sa lec. Tapos ang epal pa. "AAAAAAHHHHHHHHH. Oo nga 'no. AMAAAAAAAZING." WTF.
Tapos naglunch kami. Kumain ako ng chicken nuggets na star shaped, then heart shaped, the star shaped, then heart shaped! YEY. Ang cuuuute. :)) Tapos lab mode.
xxxxx
LAB MODE.
Super F-U-N. Haha. Ayaw pa naming maghiwalay ni Jetin kanina kasi wala lang. E itong si Ejae, ayaw sa akin kaya sila ni Jetin ang partner. Kami ni Ate Cris. Nakakatuwa si Ate Kris. At siyempre ang mga lab. May sariling mundo kaming 4. WAHAHAHA. Naaalala ko ang nipple-like graph, ang *toot* like graph, ang pen-testing graph. Wahaha. Ang funny talaga. At dahil sa description namin, na kahit ano raw pwede, naka 46 out of 25 ako. Yipee. Haha.
Nakakatuwa si Sir. Andaming alam sa mundo. Tapos puro medical terms pa. Wahaha. And hindi ko talaga makalimutan ang favorite graph niya, at ang *TOOT* like graph. BASTUSIN! Pero astig 'yong nipple-like e, super tulis ng nipple. At take note, si SIR ang nagsuggest na mukha siyang nipple. Wahaha. Funny talaga.
Tapos gusto ko rin 'yong nagtalo si BJ at si Sir. Wahaha. BTW, tawa ng tawa si Sir kapag ang WEIRD ni ano. Haha. 'di ko rin mapigilan tumawa. Sana nakita niyo ang facial expression ni Sir. :)) Tapos, uwian na. :(
xxxxx
Haha. Pumunta ako ng SM. Bumili nung papermate na correction pen. Ay teka, advertise niyo lang. Kung gusto niyo ng correction pen na mabilis matuyo, maganda ang quality, maputi at matagal maubos, itong papermate ng correction pen ang bilhin niyo. 2 sem na 'yong luma ko e. E paubos na kaya bumili ulit ako Oha. :)
Nagnational bookstore muna ako at nakakita ng isang book. Ok naman siya. Gawa ng isang pinoy. Pero pagbasa ko, may similarities kami sa pagsusulat. Naisip ko tuloy, pwede pala akong maging writer. At may natipuhan din pala akong book kanina about ano. Basta ayun. Haha. Tungkol sa pinapahulahoop ko. :):):)
Dumating si Tita. At nagDM ako sa Quantum. SHEEEET. 474 max combo. Haha. Ang galing ko na talaga. Pucha. Haha. Joke. 'di ako kasi nakapagDDR ngayon kaya DM na lang. Tapos next token ko 200+ na lang kasi mas mahirap ang kinuha ko. Oh well. Pero proud ako sa 474 max combo ko. ![]()
At ayun. Nag-ikot kami. At namili. At namakyaw. At umuwi.
Naalala ko. Napakamasokista ko na talaga. SHEEEEEEET. Alam niyo ba. Kahapon sinuot ko 'yong polo ko na parang ballet shoes. So nagkaroon ako ng tig-isang blister sa paa. Tapos naisipan kong isuot siya ulit ngayon kasi ang tagal ko ng 'di ginagamit. So ayun. 3 na ang blister ko ngayon at masakit pa rin ang paa ko dahil naiipit sa goma ng sapatos. OUCH. SAY OUCH. Haha. I'm a fucking masochist! SHEEEEEEEEEEEET. :|
Wala na akong maikwento. Ay punta kayo sa tumblr ko. Nandun ang FAMOUS quotes ko. :) Tapos ayun. Gusto ko na talagang magBADMINTOOOOON. Waa. Nakakaiyak talaga. Badminton beybeh. Ang una at huling sport na mamahalin ko. :(
O siya. Babay na! Gabi na dearies!
PS. Ruth, sige, sasama ako sa inyo! Kaso huwag niyo akong pagtatawanan. :( YEY!
PPS. Ako lang ata ang nagandahan sa SM. Oh well. Iba talaga ang taste ko sa movies. :P
PPPS. Cornmasters! Hay. Nag-iisip na ako ng sem ender parteeeeeeeeeey natin. Yahu. Yahu! :)