Parang gusto ko ng sumuko. WTF ang test sa chem35. Tipong hindi ko kakayanin talaga. Grabe. Nakakaiyak siya. :((
O siya. Grabe. Walang kwenta ang araw na ito. As in. Super whoosh lang.
Ngayon na lang ako nagkaroon ng araw na hindi exciting. E kasi ba naman, may nirequest ako kay Tita, bukas pa niya iseset up. Duh. Ayoko na maghintaaaaay! Oh well papel.
Sunod sunod pa ang test. Nakakaiyak talaga. Huhuhuhu.
Kanina nanood ako ng Santa Claus is coming to town. Isang lumang Regal Film. Nakakaasar 'yong part na dahil mabait ang main character, inabuso nila. Masipag kasi 'yong tao, super bait, wala ka na talagang hahanapin pa sa kanya. Dahil duon, naisipan ng bestfriend niya na idawit siya dun sa kalokohang ginagawa nila. Bullshit talaga.
Parang ganito kasi 'yon. Sa iyo, kaibigan siyang tunay. Sa kanya, basahan ka lang na pwedeng gamitin lang at itapon kapag gamit na. 14 years silang bestfriend biruin mo at nagawa niyang lokohin ang kaibigan niya kasi alam niyang mabait at hindi siya sususpetsyahan. Crap.
Natuwa ako sa asawa ng bida. Binigyan pa rin nila ng gift nung pasko. Kasi kahit iba pa raw ang tingin nung pamilyang 'yon sa kanila, friend pa rin naman ang turing nila sa mga 'yon. Wala silang pakialam kung ano ang gustong sabihin ng ibang tao sa kanila, basta sila, kaibigan nila ang tao at malinis ang intensyon nila sa mga 'yon. Naks.
Hay. Nakakabwiset pa 'yong anak da pelikula. Parang ang kitid ng utak. Kung ako 'yong anak, hindi ganun ang gagawin ko kung may mangyaring ganun sa pamilya.
Andami kong narealize sa pelikulang 'yon. Tama sila. Kung ang mga taong minamahal mo, mahal ka, 'di pa ba sapat 'yon para pagkatiwalaan sila? At kung hindi ka nagtitiwala sa pamilya mo, sino pa ang pakakatiwalaan mo? Ang mga kaibigan mo? Ang mga tao sa paligid mo na wala namang ginawa kundi diktahan ka ng mga dapat mong ikilos at gawin?
Hindi ka dapat magpadala sa mga sinasabi ng tao tungkol sa iyo. Kung ano ang alam mong tama, 'yon ang sundin mo. Kung alam mong wala kang kasalanan at hindi mo ginawa ang binbintang sa iyo, huwag kang magpadala sa emosyon. Gawin mo ang nararapat. Stand tall. Wala kang kasalanan at panindigan mong hindi ka masama. Hindi 'yong tipong mahihiya ka dahil sa mga bagay na ipinupukol lamang sa iyo.
Kahit alam mong katapusan na ng isang bagay, huwag kang susuko. Malay mo, climax pa lang 'yon at mas maganda pa ang ending. Ang kailangan lang natin ay maghintay at ibigay ang lahat ng ating makakaya para mapahaba pa ang chapter ng buhay natin na 'yon. May mangyayari ba kung tatayo ka na lang sa tatayo ka na lang sa tabi at biglang aalis ng hindi man lang siniguradong tapos na ang chapter ng buhay mo na 'yon? Para kang nanood ng sine ng hindi chineck ang huli credits kung saan may naipit pa palang isang mahalagang parte ng pelikula.
Tama na nga. Haha. Mag-aaral na ako ng Physics. Nonsense ko na naman. Grrr.
O siya. Babay! :)