Oo. Nag-arnis ako at oks naman. Nagmadali akong pumunta ng CAS. Sa pagmamadali ko, hindi ko napansin na papalapit ang isang kaibigang matagal ng hindi nakakausap, tinapik ako, at ako nama'y ngumiti.
Sayang ang pagkakataon ko. Makakausap ko na sana siya. Ngunit marami pang gagawin para sa Physics. Tumuloy tuloy ang pagmamadali ko. Kumopya ng lab report, ng assignment, chumismis at kaunting review.
Nagtext ako sa kaibigang nakita. Hindi pa kami pwedeng magkita. Busy pa siya. Natanggap ko rin ang text ng mga kaibigang CM at hindi sila papasok. Naisip ko naman, sayang ang oras ko sa paglalakad at pangongopya. Kung hindi pala ako papasok sana kinausap ko na lang ang friend ko.
At pumasok ako. Kami lang ni BC ang CM. At nag-usap kami ng maraming topics tungkol sa reality. At napuno ang ilang pages ng burnbook. Hindi nagpaquiz si Sir pero nagpaattendance. Oks naman sa akin na pumasok ako. Walang nawala. At may kaunting incentive.
At wala na akong gagawin. Nagrob, naghintay sa PE nila.
6 hours ng pagkukwentuhan. 6 hours ang sinayang ko. Oh well. At least may mga chismax along the way.
At mababa ang score ko, as usual, sa biochem. ISA TALAGA AKONG MALAKING ASA.
Hay. Bakit ba kasi unfair ang buhay. Pucha.
BTW, nabasag na naman ang LCD ni Jude. Sorry Jude. Sorry talaga. Super sorry.
Tapos, kanina pa ako nababagabag, bakit hindi ko makita ang kabutihan ng isang certain na taong ito? Tipong lahat alam na mabait siya. Na cool siya. Na lahat. At ako lang ang hindi pa pinagkaitan ng taong 'yon ng sinasabi nilang kabaitan niya.
Tapos sino rin ba ito, na hanggang ngayon, hindi ko pa rin magets? I mean, wala atang nakakagets ng gusto niyang ipakita sa atin. Iba siya. At kasalanan ko bang ganun siya kacheesy? Inaway ko pa. Bohaha.
O siya. Babays na. Oral report mode na. Kailangan ng matapos e. :(
PS
CM, wala ba tayong Valentines celebration? Suggest naman kayo. Yahu.