May blog entry ata ako na ganito rin ang title. Andaming nangyari ngayon at *ehem* :(. Malungkot ako. Sobrang lungkot. Ngayon ko na lang ulit nafeel ang kalungkutan. Hay. Isipin niyo, ako, malungkot. May mali ata. Ay teka. Maraming mali.
Nagsimula ang lahat ng naalala ko lang ng mga 1am na ngayon ipapasa ang Physics. E 'di cram ako. Pero sabi ko kay Mommy, gisingin na lang ako ng 4am. E 'di ginising niya naman ako. Sabi ko naman maya na hanggang 5.45 na ako nagising. Bullshit. Wala pa ring Physics. Pero ipinagpatuloy ko lang. Pumasok na ako.
Akala ko late na ako. 7.30 ako nakarating ng SSWC. So. Ginawa ko na ang ilang parts sa physics tapos hinihintay ko si Sir na ang tagal ko ng hindi nakita at hindi ko na matandaan name niya. [Naririnig ko 'yong kantang You're Beautiful sa kasalukuyan. Lalo akong nalulungkot.] Ayun. Nakilala ko ang ilang Pharm na classmates at ang dent block. So. Ayun. Dumating si Sir. May quiz daw. Anak ng tinapaaaaa. Wala akong kaalam alam. Pinagmasdan ko lang sila.
Naiirita talaga ako sa dalawang first year na nakamake up pa na kahit anong gawin mo UBER PANGIT naman. Tapos isa pang lalaking malibag tingnan. As in malibag. Puro libag ang katawan. Isang mukhang arnis stick. Bwiset ang pagmumukha nila. Naaasiwa ako.
So ayun. Dahil wala akong kakilala sa class, wala akong kapartner. Este nagkaroon pala. Si Mr. Justine. Ayun. Pinababa ko ang grades niya. Nakakahiya ako. 2nd year na ako, mukha pa akong bobita. Pero mas bata siya sa akin ng 4 months. Haha. So ayun ang QUIZ. Badtrip.
Hindi lang ako ang badtrip. Pati si Sir. Dahil kinalimutan daw namin ang Arnis. So go lang naman ako. Ayun. Magkukwis ulit kami next week kasi kadiri kami kanina. Nagpasukat na rin pala ako ng pajama este nung chever namin sa PE. 500 siya mga dudes, 500! Ang mahal. Shitty life.
Sumama muna ako sa ilang freshies at pagdating ng CAS, namataan ko na sila. Wala pa akong sagot sa Physics at nagspeech ako sa Caf ng lahat ng kaartihan ng classmates ko sa PE sa Caf. At may nakarinig ata. ANG SAMA TALAGA NG UGALI KO. I can feel it. Uber. Sagad sa maitim kong buto. Sagad na sagad. So ayun. Pinaphotox ko na 'yong Physics. Ayaw ko sana pumasok pero pumasok ako.
Ayan. Physics exam. Habang nagdidiscuss siya, ginagawa ko Physics 72.1 ko. Tapos binigay na ang papers. GRABE. Naiiyak ako sa score ko. Super. Alam kong chever na ako. Tapos nung diniscuss ang questions, PUTA. Ang dali. Lalo na nung problem solving 2 and 3. PUTA. Bakit hindi ko ba sinulat 'yong sa 2? 'yong sa three, bakit hindi ko naisi na nakatali siya sa wall! Puta. Siyempre kung sa ceiling 90 degrees 'yon. PUCHA talaga. PUCHA.
Nahiya ako sa score ko. Sino bang hindi? At pinakita pa ni Sir ang scores sa HARAP ng class. Kung alam niyo score ko, please lang, huwag niyong ipagkalat. Please lang. Nagmamakaawa ako. :(
Tapos na ang Physics. Nahihiya talaga ako. Gusto kong sumabog. Buti nakita ko si Tin. Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat. Thanks Tin. :( Uber. Sinamahan niya ako sa CR tapos bumalik na siya ng lib.
Ako naman, nakita ko si Gumbee. Tapos alam niya score ko. Hindi ko na mapigilang umiyak. Ang sarap umiyak. Pero waa. Natuwa naman ko sa sinabi niyang kapag mataas ang nakuha ko sa isa pang exam, ibabalewala niya ang first exam ko. Nafeel ko tuloy na ang bait ni Sir. Kanina kasi tumitingin siya sa akin. Alam ko na ako ang lowest. Kaya ayun. Gusto ko siyang pasalamatan sa chance na ibinibigay niya. Naiiyak talaga ako. Ang hirap hirap maging biochem student. Kailangan magaling ka sa mga pamatay na subjects. Hay. Naiiyak talaga ko.
E 'di nagpaalam na ako sa cornmasters. Uuwi na ako. Pero ayun nagcaf muna ako. Hinahanap ko si Tin e.
Ito 'yon. Nakasabay ko si Piknik sa pagbili ng food sa caf. Wala akong kaalam alam na si Piknik 'yon, so tuloy ako. Nung hinahanap ko na si Tin, sa GAB, nakita ko si Snoopy. Sinabihan niya ako. Tapos sabay kita kay Piknik! Sama ng sinabi niya sa akin. Tapos 'yong Alcohol sinabihan din ako. Siyempre nahiya ako kaya umalis na ako at naghanap ng ibang pwesto.
Alam kong alam nila na may nalaman ako. Basta. Magulo.
Palaisipan pa rin sa akin ang nangyari kanina sa caf. Ilang beses na kasing nangyari 'yan. Karma ba 'to?
Huhu Tin. Huhu. Basta. Haha. 'di ba Tin alam mo na? :|
Ayun. Nagbaker's passion kami nila Tin at Ruth tapos tinulungan ko si Tin sabay uwi na. Ito ako ngayon. Nagtatayp.
Andami kong mali sa buhay ko. Sana matama ko. Naalala ko tuloy 'yong babaeng gusto kaming hulaan. Ayoko talaga ng ganun. Ayoko 'yong naka mind set ka na sa mga mangyayari sa buhay mo. Hay.
Random thought [na matagal ko ng iniisip]: Sana talaga macut na 'yong pagANGKAT ng nurses mula sa 'pinas sa 2010. Hindi sa ayaw ko sa mga nurses, kasi kinukuha nila 'yon kasi in demand. Alam mo 'yon. Hindi naman talaga 'yon ang gusto nila. Gusto nila 'yon kasi MALAKI ang kita. At praktikal. Kung gusto mo ginagawa mo, makakagawa ka at makakatrabaho ka ng maayos, kikita ka rin ng malaki. Sana may point ako. Sana talaga hindi na sila magANGKAT para wala ng mga nurses KUNO na napipilitan lang. Hay. Gusto ko 'yong mga dedicated talaga sa trabaho. Whoo. Sana talaga. *fingers crossed*
Last na 'to. Brittle na talaga ng kuko ko. Nung batch ID shooting kasi, sumakit si right big toe. Ayun, wala namang nangyari sa kanya kaya OK lang. Tapos kagabi, napansin kong may black spot na naman siya. Omeegash. Masisira na naman siya. Pagtingin ko kanikanina lang, may black spot na rin 'yong left. OMAAAAYGASH. Sira sila pareho. Pucha. Ano bang meron sa akin? Lagi pa akong nagkakaroon ng pasa kahit hindi naman ako nabubugbog. Huhu.
O siya. Mag-aaral na ako. Hay. Daming random thoughts. May chismax pa. Ang gulo.
Labyuol.
PS. Overnight tayo after ng debut ni Arvi! Dali. At sinong gustong manood ng The Curious Case of Benjamin Button? GAAAHD. Gusto ko talagang manood. Samahan niyo ako. Huhu.
Awoo. :(