Waw. Ang galing galing.
Sa mga nagpunta kanina, na hindi nakuhaan, pasensya, naubos ang battery ng cam. Pasensya. Ok?
Pagpasensyahan niyo rin ako sa mga sasabihin ko.
Mga bagay na ginawa ko para sa DPSM movie at batch ID:
- Araw araw akong nagoonline para kausapin ang sangkatauhan, para magisip ng magagandang konsepto, ideya, gumawa ng script, maghanap pa ng mga ideya. Araw araw akong pinagagalitan. Araw araw sineseroman pero ginagawa ko para may magandang konsepto na maisip.
- Setting. Sa bahay namin. Magulo bahay. Nagulo ang bahay ng ilang araw. Hindi makakilos ang mga tao sa bahay ng normal ng ilang araw. PARA SA SHOOTING. Nagluto sila. Nagayos. Bumili ng ilang props. Gumawa ng ilang props. Nagpuyat. PARA SA SHOOTING.
- 'yong videocam. Naisip niyo ba kung bakit hindi pinagamit kanina ang videocam? Kasi baka masira. Baka mawala. Nahulog na nga ng isang beses e. Kapag nasira ba mababayaran? Asa.
- Gumawa ako ng script ng mabilisan kasi pinagmamadali ako. Isang oras may script na. Inedit, inayos. Ayos.
- Nagdirect kahit wala ng boses. Kahit walang nakikinig. Kahit lahat nagtatawanan. Nagdirect ng movie na wala naman masyadong nageeffort.
- Naubusan ako ng time kakaisip sa movie. Hindi ako masyado nakapagreview ng Biochem. Kung hindi ako gagawa, sino pa? Tinry naming iwan. Wala. Walang nagbalak na magayos. WALA. Kaya ayun, kami pa rin, no choice.
- Batch ID na. Akala ko tapos na ako. KAMI pa rin pala ang gagawa. Pucha naman.
- Editing, sa bahay pa rin namin. Nasira. Walang nagbalak gumawa. Ok. Kami pa rin.
- Umaasa ako na may gagawa ng poster ah? :| Pero gagawa KAMI ng trailer. Para exciting.
- Naguunli ako para may maGM sa inyo. Ng mga gagawin. Ng lahat.
- Pati make up, kami pa rin. KAMI pa rin.
- Pati cinematography at kami na rin ang kumuha. Kami nagarrange kung saang lugar. Kung saan magshushoot.
- Kagigising ko lang at ito pa ang unang pumasok sa isip ko.
Anong point ng lahat ng ito? Ang dami kong nagawa para rito kaya sana hindi namin inaksaya ang oras ninyo kanina. Kasi kami ANG DAMI ng nagawa pero kahit IPASA man namin ang ilang bagay sa iba, gumawa pa nga kami ng distribution ng trabaho, sa huli pala, sa amin din babagsak.
Kaya sana lang, huwag na kayong magreklamo pa.
One word: PUNYETA. Hehe. :)
O siya. Gagawa pa ako ng lab rep. :)