The unthinkable happened. WTF kasi.
Nagsimula ang lahat ng 2 hours lang ako natulog dahil kung ano ano pa ang ginawa ko at kailangang gumising ng maaga. At gumising ako ng maaga. Nagexercise, kumain, naligo, the usual stuff.
Nagjeep ako at nakatulog. Paggising ko, nakalagpas na ako ng kaunti sa Faura. Dahil sa pride, pumasok ako ng PGH para malamang sarado pala ang OPD. Shet. Ang bobita ko. So daan ako palabas ng PGH papuntang Faura. Ang brisk walking ko ay nagtagal ng 30 minutes. Nakanang.
At ayun. Nagsasayaw na sila. Si Eunice at Jam lang ang comsci. Nag-aral ako ng math.
Tumambay na kami sa RH steps at napagkasunduang magpustahan. Ako, Ejae, Maray at May. At ayun. Ang dalawang pinakamababa ay ililibre ng dalawang mataas. So nagtest. Ok lang siya. At ililibre ko si Ejae. Highest si Maray. Nakanang. 4 points lower ako sa kanya. :D
Nagpractice. Gumawa ng chevers sa DPSM. Nag-ayos ng posters. Nanood ng movie.
Ayun. Sorry sa isang tao. Hindi ko talaga alam kung bakit ka nagalit. Masyado kasi akong insenstive sa mga bagay bagay. Ayun. Sorry ulit. Hindi na muna kita kukulitin. Cool down ka muna.
Astig ang Kwentong Sinigang. Waa. Peyborit ko. Ayos ang Overnight. Pati rin naman ang Seventh na akala ko puro narration at ang PPKPB na super bitin. Ayun.
Tumulong ako saglit sa Physics booth kasi dun ako magbabantay sa Monday. Pumuntang rob kasi naroroon si Tita. Hindi natuloy ang panonood namin ng sine kasi nagbalak siyang magOngpin for the preparation sa Chinese New Year.
Nagjeep kami at nakatulog ako. Siguro sa pagod. Ilang araw na ring kulang ang tulog ko. Bumaba kami sa jeep. Alam niyo naman ako, natutulog ng naglalakad. Basta nakikita ko lang ang sahig.
PAK.
Ayun. Tumama ang ulo ko sa isang bakal na chever. Hindi siya masakit. Pero grabe ang dugo. Napuno ang braso ko. Nalaglag salamin ko. Nakapikit ang isang mata ko kung saan nagdurugo ang sugat ko. Napuno ng dugo ang sahig.
Naiyak ako bigla. Nakita ako ni Tita at naghanap siya ng tulong. Naglakad kami sa tapat ng bilihan ng hopia. Umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Akala ko siguro bulag na ako. Akala ko mauubusan na ako ng dugo. Namanhid ako. Umiiyak ako. Lahat ng lungkot ko sa nagdaang mga araw ay tila lumabas. Lahat ng galit. Lahat ng poot.
Lahat ng tao naging concerned sa kalagayan ko. Grabe talaga ang dugo. Parang isang baso ang nawala. Parang shooting lang sa movie. Pinaupo nila ako. Tinalian ng dugo. At umiiyak pa rin ako. Dumating ang ambulansya. Pinahiga ako sa stretcher. Nakapikit pa rin ako. Hindi na ako umiiyak. Pero may iba pa rin akong nadarama.
Naramdaman ko 'yong parang sa pelikula. Nakapikit ka. Tapos may liwanag na sasalubong sa iyo. Kahit hindi ako dumilat, naaaninag ko. Nasa metro na kami. Pinababa ako. Hindi ko nakita ang mga taong tumulong sa akin. Nasa wheelchair na ako. Puno ng dugo ang mukha ko. Nilinis. At ayun, binuklat ko mata ko, duguan ako. Chineck up na ako. Paxray daw muna ang ulo. Tapos tatahiin. Mga 2 stitches lang daw. Dinala ako sa Radiology Department. Nagrefuse ako. Mahal e. Mas gugustuhin ko pang ipaxray ang tuhod ko kaysa sa ulo ko.
Ang tagal din namin dun, at napagpasyahan na namin ni Tita na sa PGH na lang magpagamot. Mahal magpatahi. 5k daw. Ako naman, palakad lakad sa ER. Ang kulit talaga. Pero wala na. Hindi na ako umiiyak. Normal na ulit. Masungit at asar na asar sa pesteng doktor.
Nagbayad kami ng 600 dahil ginamit namin facilities nila. Nagtaxi kami papuntang PGH. Pagdating dun, inasikaso naman ako at napagalamang kahit hindi na pala tahiin ok na. Nakalimutan ko ang name ni Doc. Whee. Labs ko na siya. May free plaster na may drawing pa ng bear. Whee. WALANG BAYAD PA. Bumili na kami ng gamot at umuwi.
Peste ang metro. 5k daw at malalim daw ang sugat ko, samantalang sa PGH mababaw lang daw at 'di na kailangan tahiin. At least nakatipid kami. At least makakabili na kami ng bagong cp bukas.
BTW, pauso sila ng protocol. Ang mahal mahal ng paxray ng ulo tapos kailangan daw yun. Paano kung hindi matanong ang pasyente at nagulat sa babayaran? Hay. Pati buhay ng tao ginawang business.
Pag-uwi sa bahay, dumugo ulit siya. At katitigil lang.
Ang weird. Wala ngang namamatay sa bagok ng ulo. Pero bakit kaya ako biglang naiyak kanina? Grabe. Akala ko super sama ng nangyari sa akin. Salamat sa lahat ng volunteer nung sa Eng Bee Tin. Salamat sa nagbigay ng rubber band bilang panali sa akin. Salamat kay Doc na sana hintayin ako sa med school. ASA. Salamat sa lahat ng mababait at concerned na tao. BTW, pag-uwi pala, may GMA na sa pinanyarihan ng chevers ko. Sayang. Sana nakunan nila ako. Haha.
O siya. Magpapahinga na ako. I badly need rest. Labyuol. :)