Nonsense ulit ang isusulat ko kaya huwag niyo ng basahin kung ayaw niyong magbasa ng nonsense na post, ok? Pero kung balak niyong magbasa ng chismis, go go go! :D
Nagbalak akong magbukas ng friendster account para makita ang buhay ng mga taong "friend" ko sa friendster at ito ang aking mga naiisip habang tinitingnan ko profile nila.Kung ano ano pa ang pinagsisilip ko. You'll never know.
- Nakita ko friendster ni Pamela. Hehe. Screen name 'yan. Pwedeng babae pwedeng lalaki. Pangit pa rin siya at kadiri ang pagmumukha. Masasabi kong buti na lang, buti na lang. Si Pamela ang taong ayoko ng makita sa buong buhay ko pero ito pa rin ako, kalikot ng kalikot ng mga kung ano anong account niya. Bwiset.
- Si Geraldine naman ay isang kaibigan. Naaasiwa ako sa pagmumukha niya. Naaasar ako. Ewan. Inggit ba ito? Selos? Hindi ko alam. Mas magaling ba talaga siya sa akin? Mas sa lahat ng bagay? Hindi ko alam. Nakita ko ang pictures niya at takte, nainggit ako sa isa. Basta. Ewan ko. Pero hindi ko na sinilip ag profile nung kasama niya sa picture. Naasar ako ng kaunti sa sarili ko kasi bakit naiinggit ako e wala naman kaming pinagsamahan nung kasama niya. Hehe. Basta. Nakakaasar pa rin. Waa. Hay. Bakit siya hindi ako. Why?
- Habang binubuksan ko 'yong kay Geraldine, binuksan ko rin ang kay Kevin. Ok, magkaiba sila. Parehong kaibigan pero, basta. Ito namang si Kevin, ampangit ng kinakasama. Yuck. As in. Hindi bagay sa kanya. Kaibigan ko rin 'to dati. PERO YUCK. Parang hindi siya marunong pumili. Ampangit talaga. Alam kong pangit siya, pero AMPANGIT talaga ng kinakasama niya. Yuck. Gusto kong burahin ang mukha ng kinakasama niya sa planetang ito. Haha. Basta. Yuck. Ayoko na rin siyang makita muli.
- Binuksan ko rin 'yong kay Carolina, haha. Natuwa naman ako. Habang tinitingnan ko pictures may iniimagine ako. Haha. Pwede pwede. May nakuha na akong ideya para sa *toot*. Hanggang ngayon kasi pinagdedesisyonan ko na ang *toot*. Alam kong matagal pa pero chever ang *toot*. Wahaha. Basta basta. Whee. Ewan ko ba. Hay.
At kung sino sino pa ang tiningnan ko ang profile. Naaasar pa rin ako kay Geraldine, naiinggit siguro. Masaya kasi siya. Dapat sa kanya maging malungkot. Pangit pa rin si Pamela at Kevib. Si Carolina ay nagbago naman. Ang ilan naman, ganun pa rin. Pero silang apat ang may epekto sa akin. Nagiba ang mood ko ng makita ko profile nila. Argh.
Hay. Sa *toot* nakakuha ako ng ideya kay Kristin. Gumaganon? Pero gusto ko 'yong parang kay Carolina. Figure out niyo na lang. Wahaha.
Alis na ako. Haberday Roemel Jeusep Luna!
PS. Lahat ng pangalan na nakasaad sa itaas ay may koneksyon sa tunay nilang pangalan. Wahaha. Maliban dun kay Roemel, totoo 'yon e. :D