At gagawa na naman ng walang kakwenta kwentang entry na hindi naman enjoyable at nakakabwiset at times.
Actually may gusto talaga akong iblog ngayon pero hindi ko alam kung paano ko iboblog haha.
Sa paghawi ko pala ng buhok, maraming nakapansin ng sugat ng katangahan ko. Haha. At nanibago ata sila sa pagmumukha ko. Nakanang.
Napag-alaman ko rin palang maganda manood ng youtube sa cellphone ko. Hindi nagbubuffer. ASTIG. Sarap manood. Tuloy tuloy.
Siyangaps, napahiya ako for the third time dahil sa overnight. Hay. Wala na. Ayoko na. Talo na kami. Ayoko na. AYAW KO NA.
Nakakabadtrip. :(
Tapos nakita ko na naman 'yong pesteng pusa kahapon na ang weirdo ng itsura. Nakita ko na naman siya. GAAAHD. Ayoko na nung pusang iyon. Lumalapit pa sa akin. Duh. Sana masagasaan siya pagtawid. Ay wag na lang. Kawawa naman. Haha. Pero baka makita ko na naman ang dugyot na pusa na 'yon habang naglalakad bukas.
BTW, nag-usap kami ni stalker 3 kanina. SOOOO. Kahit hindi ko nasulyapan kahit likod lang ni Stalker 1, kinausap naman ako ni stalker 3. Buti. Sa wakas. Kilala niya ako. Yahoooo. Haha. Pero solid Stalker 1 ako.
Nakita ko rin pala si Headband kanina. Ngumunguya ng food in a weird way. May kasamang nasa opposite sex niya. Ayii. Chever niya kaya??? :)
Tapos ayun. Ang porkchop. Kahit ayaw mo dahil maraming taba, kapag nakikita mo, natatakam ka, at magugulat ka na lang at nag-abot ka na ng pera sa tindera. Poof! Nabili mo ng hindi mo namamalayan. Parang buhay lang.
At! Basta. Haha. Tama na ang kwentuhan. Alis na ako.
O siya. Ingat kayong lahat. Babush.