Oo. Napanood ko na ang movie niya. In fairness nagsasalita siya. Nakakatuwa. :D Pero gusto ko pa rin maging water fairy. Astig.
Katuwa ang Tropic Thunder. Reminds me of myself. Sabi nga rin nila. Whoo. Ang gwapings talaga ni Robert Downey Jr. Amoy panlaba lang siguro. [Korni.]
Ang Eagle Eye ay ok lang. Haha.
At wala na rin pala akong pag-asang makapanood ng The Curious Case of Benjamin Button. Badtrip.
Random Thoughts:
Quality not quantity.
+++++
Nakakabobo ang math. Feeling ko lang. Tipong confident ka dahil nasagutan mo lahat ng tanong sa module tapos pagdating sa exam deds ka. Ganun.
+++++
Hindi ako makapaniwalang may bagsak si Gumbee. OMG. Ang paggunaw na ng mundo ang sunod diyan.
+++++
Ang mahal ng print ng poster. At kanina lang sinabi ni Tita na may mas mura pala. AKALA niya raw Tarp. Badtrip.
+++++
May bago akong joke. Wahaha. Kaso ang korni. Surprise na lang.
+++++
Hindi purkit mukhang mura, hindi na iingatan. Nakwento kasi sa akin 'yong nangyari sa lab.
+++++
Marami talagang namamatay sa maling akala. Or something like that. Siyempre hindi nag-aapply sa lahat ng oras 'yong mamamatay part. Alam niyo na ba ang definiton ng figures of speech?
+++++
Minsan, ang sarap basehan ng common sense. Pero kung nasa Biochem exam ka, tapos sasabihin ng guro mo na common sense, iba na 'yon. Ika nga nila Api, ang spelling ng easy ni Doc Nic ay EC. Extremely Complicated.
+++++
Nakakatamad magmemorize. Hindi lang kasi sa pagmememorize nadadaan ang mga exam. Gumaganon? :D
+++++
Paranoia can kill. [Again, not literally. Maliban na lang kung may kakilala ka na ang pangalan ay Paranoia.]
+++++
Looks can be deceiving. Pero minsan, it's better to be deceived than makita mo ang tunay na kulay nito kasi mas safe. [Ata.]
+++++
May mani akong katabi. Ayokong kainin. Ang taas kasi na naman ng pride ko. Sabi ko kanina ayaw ko ng mani. O ayan o. Tumititig. Kainin ko na raw siya. :|
+++++
Huwag mangailam sa iba kung hindi mo naman alam kung ano ang mas karapatdapat niyang gawin.
+++++
Kukuha na ako ng mani. Waw. Ang sarap pala. :D
+++++
Kailangan matanggap mo kapag nagkamali ka. Hirap naman kasi kung ipipilit mo pa ang sarili mo sa mga bagay na hindi naman para sa iyo or somthing like that.
+++++
Hirap pigilan maging sarcastic. :|
+++++
Hindi ko pa napapanood 'yong malandyot na commercial ng mcdo.
+++++
Mas mabuting manahimik na lang kung walang magandang sasabihin.
+++++
Adik ako sa isang bagay ngayon. Kapag nahulaan niyo, may free treat kayo sa akin. Whee.
+++++
Masaya ako kapag naaalala ako ng isang old friend. Masaya ang feeling. Parang part ka pa rin ng buhay nila. Happy. Happy. :D
+++++
Mahirap sabihin na friend mo na ang isang tao. Mas mabuti sigurong sila muna ang magsabi na friends kayo kaysa magfeeling close ka.
+++++
Kumunsulta muna sa iba bago gumawa ng desisyon. Err.
+++++
Hindi lahat ng bagay biro. Amen.
Wala na akong masabi. Haha. Dami kong kalokohan.
O siya. May aanuhin na akong ano. Babays! :D