May alaga akong aso. Malaki na siya ngayon at mataba. Oks naman siya. Naaalagaan ko siyang mabuti.
Pero habang lumalaki siya, natutuwa ang mga tao sa kanya. Tuwang tuwa. Sikat na siya ngayon. At may fans club na.
Dati rati'y kasama pa ako sa mga live show ng aso ko. Pero ngayon, parang wala na. Unti-unti na nilang nakakalimutan ang nagpalaki sa super dog. Hindi na nila maalala kung sino ang nagaruga sa kanya. Kung sino ang nagpataba sa kanya. Kung sino ang naglagay sa kanya sa pedestal.
Minsan, gusto ko ng bumalik ang aso ko sa akin. Pero baka mababa na ang tingin niya sa akin kasi hindi ako katulad ng mga amo ng mga kasama niya. Nahihiya siya para sa akin.
Minsan nga naiinggit ako sa kanya e. Kasi napakasikat na niya. Sikat din mga kasama niya. Samantalang ako, ang amo niya, hayok pa rin sa magagarang bagay at sa mga fans. Asa naman ako. Siyempre hindi ko lalabanan ang alaga ko.
Pero dahil mahal ko ang aso ko, patuloy ko pa rin naman siyang inaaruga kahit alam kong wala na akong halaga sa kanya. Kahit hindi na niya maalala na ako ang amo niya.
Pinapanalangin ko lang na isang araw, aalis na siya sa kinalalagyan niya ngayon at bumalik ulit sa piling ko.
Ang aso ko.
Kung 'di niyo magets, basta. Malalaman niyo rin.