Friday, January 02, 2009

'yan ang tono ng paborito kong kanta. Hulaan niyo na lang.

Hindi ang paborito kong kanta ang gusto kong alayan ng post ko sa madaling araw na ito. Kundi ang ilang bagay na napapansin ko sa mga nakalipas na araw. Naks.

Una sa lahat, wala pa akong nagagawa sa problem set sa Physics. Anak ng watermelon na sinawsaw sa ketchup kasi, ang HIRAP niya at hindi interesting sa akin ang Physics lalo na ang topic ngayon. Argh. Pero susubukan ko pa rin namang gawin. SANA magawa ko. Amen.

Masaya ako kapag marami akong bagong nalalaman na makakatulong sa pangaraw araw na buhay. Gusto ko rin ang mga trivia kasi nagmumukha akong matalino. Haha. Alam niyo ba kasi sa bahay, kapag may mga hindi magets sina Tita na simple chem or anything na may bio, physics, math, medicine o kung ano mang kuro kuro, sa akin nila tinatanong. Ano ako? Encyclopedia? Haha. Kasi raw nagapagaaralan ko naman daw lahat 'yan ngayon kaya dapat alam ko. Minsan ang sarap maging sarcastic sa kanila tapos maniniwala sila. Haha. Ang sama ko 'no? Pero ayun. Masarap pa rin isipin na pinagkakatiwalaan nila ang mga sagot ko kahit minsan iniimbento ko lang. Haha. At isa pa, walang desisyon sa bahay na hindi sinasabi sa akin. Yeah. Boss ako ng bahay namin.

Ang mga matatanda mahilig pumunta sa mga lugar na wala naman silang gagawin. Katulad kanina, biglang nagyaya sina Mami magLuneta. E walanghiya wala pa nga akong naaaral nagyaya na agad. Kapag nagtatanong ako kung ano ang gagawin, wala silang maisagot na maayos. Wala silang magandang dahilan. Pero oks pa rin kasi nakapanood naman ako ng libreng sharks. Anlalaki na nila ngayon! Whee.

Minsan din naman, kapag may arguments sa bahay, at ako ang kalaban, nag-iisip ako ng mga bagay na against sa sinasabi nila. Mabababaw na bagay na hindi nila masyadong magets. Pero habang dindefend ko ang sarili ko, bigla ko na lang maiisip na may malaking butas ang inistate kong mga dahilan at alam kong nasa maling track ako pero hindi nila iyon napapansin. Palaging ganun, kahit hindi sa bahay. Ewan ko ba. Parang alam ko na agad ang mga bagay pwedeng gamitin pambara sa mga sarili kong stand. Para bang sa chess, alam mo na agad ang pwedeng gawin ng kalaban kapag ginawa mo ang isang move, pero wala namang nakakapansin nun. Naks.

Haha.

Ano ba 'yan. Kung ano ano sinasabi ko. Dahil siguro sa MOP. O siya. Matutulog na ako at bukas na lang mag-aaral.


left at 4:06 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.