Ayoko ng mag-arnis. As in. Nahuli kami ni Sir kanina. At binantaan pa ako na wala AKONG quiz bukas. Ayoko na. Ayoko na.
Nagbalak kaming magdrop ni Dan. Naknampucha, AYAW kaming idrop dahil NASUKAT na raw ang punyetang supot na mukhang pantalon. Pucha. 500 pa 'yon e kay Cantoms 300 lang. Black pa 'yon. E ang amin red. Yuck.
At WALANG lec kanina. Kaya nagkarate kid na lang kami sa rob. Kumain, naglib ako. Wala akong naiintindihan sa Physics. WALA PA AKONG DALANG CALCU. Buti nakita ko si Dan. Whee. Labyu Dan.
Rebyu rebyu kami sa lib kasama sina Gumbee. Iniwan ko sila. Tapos ayun. Dun ako sa may periodical section. Nakatulog ako. Nagising na lang ako ng makita si Jude. Hinahanap niya sa Mao. Hm. Haha. Tapos ilang minuto ang nakaraan bago ko naalala na may sasabihin pala ako kay Jude. Ayun. E 'di bumaba ako. Tapos nakita ko sila. Nagdikit kami ng posters ng ZINDRO. MANOOD KAYO! Woohoo. Sir Li, DESPAIR. Tapos Sir Mong talaga LUST. Whoo. Exciting.
Tapos balik rebyu na ako. Nakilala ko si Erica sa lib. Kinausap niya ako bigla. Sabi niya, mukhang nahihirapan na raw ako. At ayon, pinagpray niya ako. Ang bait bait niya. Kaso, *TOOT*. Basta. Pero mabait siya. At super nalift ang spirits ko dahil sa kanya. Ang saya, :)!
Tapos 4.30 na ng nagdecide akong bumalik sa society, nagbasa ako nung last test ni Sir. Kumain ng baked mac na lasang panis na ewan, inasar sina Kuya Edd, ginulo ang mga nagTTT [table to table] ng Kwentong Sinigang.
At nagtest.
Skip na natin ang boring parts, ang drama, ang kacheveran. Whoo.
At umuwi na kami.
At ito na ako ngayon.
RTR tayo bukas. 11.30 to 1. Cast, dalhin niyo damit niyo. Thanks.
BTW, salamat muli kay Erika. SALAMAT. Super.
Awoo. Mukhang nakabawi ako sa test. :)
O siya. I'll make chevers na. Babush. :)