Random thoughts ko. Na naman.
Huwag ng basahin kung hindi naman kayo interesado or whatsoever.
Ayun. Ayoko na. Ayoko na. Siguro for now lang kasi wala namang kasiguruhan ang lahat 'di ba? Pero sa ngayon, ayoko na.
Maraming nagbago. Maraming hindi na tama. Maraming napipilitang sumunod sa norm kahit ayaw nila. Maraming gago ang nagpapauto sa kanikanilang society. Kasama ako roon.
Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko maihayag ang tunay kong saloobin sa mga nangyayari sa araw araw. Ang sinasabi ko lang ay ang alam kong sagot na tanggap ng maramihan. Sino bang magsasabi ng mga sa salitang idinikta ng norm na nakakatawa at weird?
Alam kong lahat ng tao may itinatago. Ang kausap mo ngayon ay isa lamang mapagpanggap na nilalang upang bumagay sa kanyang society. Hindi nila kayang maging kung sino sila kasi alam nilang hindi sila matatanggap ng kanilang society.
Ganun din ako. Nahihirapan akong iexpress ang sarili ko. Ginagawa ko ang mga bagay na kinagawian ko ng gawin dahil iyon ang idinikta sa akin. Kung sakaling ipakita ko ang sarili ko, ang tunay na ako, baka manalo pa ako ng darwin awards. Pero kung lahat naman tayo ay magpapakilala as kung sino tayo, mawawala na rin ang norm dahil wala na tayong basehan lahat. Lahat tayo ay back to scratch. Gagawa na naman tayo ng bagong norm.
Ang hirap na talagang magpanggap. Hindi ka ganito kasi hindi ganito ang tingin ng tao sa iyo. Napapaoo ka sa mga bagay na gusto mo talagang hindian. Mga ganun.
Ang hirap makibagay. Ang sarap magkaroon ng sariling mundo. Buti pa ang mga taong grasa, nahiwalay na sa "systematized" at mapagdiktang society,. At least sila may sarili ng mundo. Nagagawa na nila ang gusto nila. Nagagawa na nila kung ano ang saloobin nila sa mga bagay.
Hay. Ang lungkot talaga. Gusto ko ng maging ako. Sawa na ako sa pagkatao kong hinubog ng maling akala. Sawa na akong magpanggap na iba. Sawa na akong magsinungaling sa mga bagay na hindi ko kayang aminin.
Nahihiya ako sa mga gusto kong gawin. Nahihiya ako dahil alam kong hindi ako matatanggap ng mga taong nakapaligid sa akin. Sabihin man nilang tanggap nila, sila mismo ay hindi maopen ang kanilang sarili sa katotohanan.
Ayoko na. Tigil na ako. Hanggang dito na lang muna.