Wala pa akong tulog. Kaparehas kahapon ang sleeping pattern ko. Gising ng gabi to madaling araw. Tulog ng tanghali to hapon. Ang kinaibahan lang, hindi ako matutulog ngayon. Itutuloy tuloy ko.
Mga 7.30, naglakad na kami ni Tita papuntang SM para mamili ng tinapay, pumuntang Laloma para bumili ng lechon at pumuntang Blumentritt for the karne of the baby back ribs and calderets my fave.
Tapos tumulong sa kusina. Whee. Gagamitin ko ang damit kong pangchef! Kaso mickey mouse siya at pangbata. Pero cute pa rin. Hehe.
At ngayon, nakakarindi na ang Secondhand Serenade na paulit ulit pinatutugtog ni Tita sa radyo naming malaki ang speakers at pauulit ulit na Your Call. Ano ba ang nagustuhan ni Tita sa Secondhand Serenade? Haha. Tapos Eraserheads. Tapos Parokya. Haha. Adik talaga Tita ko.
Haha. Sana hindi ako makatulog mamaya habang nagluluces. Whee. Sana masaya tayong lahat sa pagsalubong sa bagong taon. Sana wala tayong sugat lahat. Talon tayo para tumangkad ah?
Whee.