Hehe. Gulat ba kayo sa AlTin pics? :)
After ng simbang gabi, diretso kami ng Blumentritt para bumili ng buntot ng baka, tuwalya, mani para sa kare kare at karne ng baka at baboy for the morcon. Tapos tambay kami ni Ina sa Jabee kasi bumili si Tita ng dibdib... ng manowk.
Diretso na kami ni Tita (si Mami pinauwi na) sa Quiapo. Mga 5am pa lang nun. Tiktak. Tiktak. Nagsimba muna kami sa Quiapo church at naligo sa holy water. Tiktak. Tiktak. 6 na at dumiretso na kami sa Excelente ham. 7.30 pa raw ang bukas. Nag-ikot kami sa buong vicinity ng tindahan ng ham. Tiktak. Tiktak. 6.30 umupo kami sa gilid ni Tita. Andaming tao. Lahat bibili ng ham. Tiktak. Tiktak. Biglang bumukas ang pinto at bumulusok ang tao papunta sa tindahan. Whee. Nakakuha kami ng hamon! 'yong buo with bone pa. Haha. Mas maraming bumibili nung per kilo na slice. E it's cheap ye know. Joke. Mas masarap kasi 'yong dikit sa buto.
Naaasar lang ako sa mga nagtitinda. 5am pa lang may tao na sa tapat ng Excelente ham pero 7.30 pa nila binuksan kasi INIPON muna nila 'yong tao. SANA 'di ba binuksan nila ng maaga. Mas malaki pa kita kasi alam ko may mga nakita akong mga nainip na. Bwiset. Tagal naming naghintay. Sana langawin tinda nila after ng Christmas! Che. Haha.
Diretso kaming SM at walang kaperapera kami ni Tita kaya ang pinangbayad namin ay ang mga naipong points sa SM advantage. Bread lang naman ang binili namin e. At naglakad na kami pauwi.
Dahil sa sobrang kapaguran, nagluto ako ng sinangag, ham habang naglalaba si Tita. Kumain habang pinariringgan ang orihinal na kumanta ng Last Christmas at Do They Know Its Christmas ng Band Aid na kinanta ng Band Aid 2 at Band Aid 20. Ayoko nung pangalawa. Astig 'yong oldest at latest kasi kumanta si Bono. AYLABYUBONOOOO! Haha.
Ayun. At ngayo'y nasa harap ng PC. Maya maya kasi tutulong na ako sa paghahanda ng food. As usual, hindi na naman ako natulog.
'di ba bagay si Alvin at Tin? :D:D
Look at the pics. :):)
Parang soulmates lang. :D
Isa pa. Ay wala na pala. :D
O siya. Bye na. Tulog muna me saglit. :)