Ayan. Pakain ni Jude. Wahaha.
Nakakatuwa lang isipin kasi si Kat at Istep hindi pumunta noong christmas party ng block pero pumunta ngayon kina Jude. Astig din e 'no?
Nagmadali pa ako papunta e wala pa namang tao run! Nagchever muna kami sa rob nina Kat, Istep at nakita rin namin si Fer. Dumaan sa Tom's World para maninghot si Fer ng kakaiba raw na amoy at naglakad lakad.
Biglang nagtext na si Jude na nasa brickwall na sila na walang bricks. Dali dali kaming pumunta. WAW. Bagong gupit si Jude kaya nagpakain! Wahaha. Astigggg. Ako rin 'pag nagpagupit magpapakain din. Hehe. Joke! Ayun. So naghintay kami. Habang si Jenn, Fer at Tin ay sinisilip ang pototoy ni Oble. Wahaha. Mga maldita talaga.
Naglakad lakad kami papuntang Ibarra's kasi doon magpapakain si Jude. Sana. Pero hindi. Nilibreeee ako ni Jude ng pamasahe! Lakas ko talaga kay Kuya Jude.
Napagalaman namin ang iba't ibang bagong whatever. Ang hindi magalaw na screen saver na whatever. Ang blizzard whatever [pinakamabenta sa akin 'to]. Ang flying whatever. Ang dancing banana whatever. Ang super whatever at kung ano ano pa. May IW pa nga at WOW e. Haha.
At pumunta na sila sa bahay naming tatlo este sa bahay nila Jude. Kaming tatlo ang unang kumuha ng pagkain. Wahaha. Nilantakan namin ang BBQ. Haha. Adik kasi. Masarap ang amplaya nila. Masarap ang canton na may pampatulog. Nagpacanton kasi si Jude. Masarap ang kaldereta ba 'yon. Masarap lahat. At akala ko PIPINO ang mangga. Haha.
At ang pinakapeyborit ko ay ang buko salad na uber sarap. Wahaha. Tapos tumungga si Alvin ng san mig light na hindi naman magaan. Tapos natutuwa ako kay Aids kasi naaalala ko ang tanag jokes sa kanya. Pero hindi ko sinasabi na tanga siya. E kasi naman, nilagay sa baso ang beer tapos uminom sa bote. Astigin din e 'no?
Ayaw nila rin palang magsikantahan. Ewan ko ba. Sa birthday ko ah. KAKANTA KAYO. Hehe. Ayun. Sinaniban kami ng coke kasi ang lakas ni espirito. Korni...
Nanood din pala kami ng Alvin and the Chipmunks. Naaalala ko ang cornmasters. Me is Alvin, Istep is Simon, Kat is Theodore and Marc is Dave! Whee. Ang cute cute talaga nila. Hehe.
Nakilala ko rin pala ang dancing senyoritas. Ang maliliit na Jude. :D At ang puppy bear na mukhang sirena. Haha. Nakakatuwa. :):):)
4.30 na at kailangan na naming umalis. Naiwan sina Tin at Fer. Umalis na kami nina Istep, Kat, Jenn, Tano, Alvin, Monica, Aids and Marian. Nilibre ako ng Jude ng pamasaheeeee. Pero walanghiya siya. Dapat nag Divi na lag ako para dalawang sakay lang. Whee.
Tapos dahil walang tulog, tuliro ako kanina. Bumaba ako ng Bambang kasi namalikmata ako. Akala ko Tayuman na. So naglakad ako papuntang SM. Namili kami ni Tita. Bumili ako ng vooooddkkkkaaaaa. Whee. :):):) Vodka is LOVE! Ayun.
So eto ako ngayon. Kagagaling sa simbang gabi. Nagupdate kasi nabura ang ginawa ko kanina.
Hehe. Masaya naman ako. Watch out for my year ender special. :)