Hehe. Naalala ko ang kantang iyan. At ngayon ko na lang narinig 'yan sa loob ng ilang buwan. Hehe. Paborito ko iyan noon. Nakakamiss. Nakakamiss lahat.
Manunuod kami ng Madagascar mamaya. Yihee. Ang cute cute talaga ni Gloria pero si Marty ang favorite character ko sa Madagascar. Whee.
Nanood ako ng Zombie Strippers kanina at nakakatawa siya. Haha. Basta. Try watching it. Full of gore and dark comedy. Hindi astig pero ok na. Haha. Tapos Don't Mess with the Zohan. Astig talaga iyon. Whee.
Nanood din ako ng Kung Fu Panda. ANG GANDA TALAGA. Anaconda 3 was BOORING. Sobra. Walang kwenta. At ang ayaw ko sa lahat ay ang mga halatang computerized effects. Yakers.
Hay. Magulo pa rin ang isip ko sa mga nangyari. Nagkaroon din ng kaunting paradigm shift. Kailangan ko na ring pumayat kahit kaunti. Tumaba ako this sem. Siguro dahil sa katamaran ko. Kailangan kong magbawas ng kahit kaunti baka mabawasan din ang pagkaantukin ko.
Pasensya kung ayokong kinocomfort ako. Kasi hindi talaga ako natutuwa. Oo alam kong okay lang 'to at pagsubok lamang lahat ito pero come on, siyempre wala tayo saparehong sitwasyon. Kayo kaya ang pumalit sa sitwasyon ko at icomfort ko kayo and magpromise ng ilang bagay pero after sometime makalimutan din ang lahat. Siyempre ang isang depressed na tao iisipin niya na lahat ng sinasabi mo ay gagawin mo. Tatatak 'yan sa isipan niya. Ikaw naman sinabi mo iyon para macomfort lang siya. After nun, wala na. Hindi mo na aalalahanin kasi hindi mo naman problem iyon. Hindi mo na aalalahanin dahil may ibang bagay ka ng gagawin. Hay.
Birthday pala ng aking pinakamamahal sa kaibigan ngayon. Si Miss Roxanne Hidalgo. Kahapon naman si Jannine Kryza Kuizon! Whee.
O siya. Maliligo na ako tapos manunuod na ng sine. Babush.
PS. Pasensya na talaga sa pinagsasabi ko. Ewan ko. :|