Nag-iisip na naman ako ng mga bagay na hindi na dapat iniisip. Tatanda agad ako siguro dahil dito.
Nanood ako ng Madagascar 2. Whee. Ang cute cute. :)
At malapit ko ng matapos ang Man's Search for Meaning. MAGANDA siya. Ewan ko sa iba kung nagandahan sila. Pero maganda talaga. Nagphilosophize ako ng ilang oras dahil doon.
Grabe. Parang rollercoaster ang utak ko ngayon. Iniisip ang aking past for my future. Grabe. Gusto ko ng kausap. Pero ang hirap makahanap ng kausap na talagang makikinig sa 'yo. Malapit na akong maging psychotic, believe me.
Grabe. May hallucinations na rin ako tulad ng babaeng naka rubber shoes. Haha. Pero basta. Waa. Ewan ko ba. Para akong nakadrugs palagi.
Lagi ko rin kinakausap ang sarili ko. Andami kasing misteryong nakabalot sa aking pagkatao. At mukhang unti unti na itong nabubuksan. Lahat ng bagay sa subconscious ko ay lumilipat na sa conscious mind ko.
Andaming bagay na dati'y pinalagpas ko lang na ngayo'y binabalikan upang malaman ang katotohanan. Ang hirap magsisisi sa mga bagay bagay ngunit kung ano ang pinagpasyahan ko noon ang nakaapekto sa current status ng buhay ko.
Alam kong pessimist ako pero minsan, ang mga bagay na buhat sa aking pessimism ang nagbubunga ng optimism. Ngayon, napili kong isipin na ikinabuti ko ang aking pagbagsak sa Chem31. Dapat 'di ba pessimist ako ngayon pero nagulat ako na tumingin ko sa brighter side of life. Napatingin ako dahil sa aking pessimism. Sikreto na kung bakit hehe.
Bakit din kaya ang sarap magday dream? Sobra. Simula kaninang umaga nagdedaydream na ako. Whee. Hehehe. Happy thoughts. Gory thoughts. Revenge thoughts. Hehe. Gusto kong maging opposite ng kung ano ako ngayon. Kung underachiever ako ngayon, gusto kong maging overachiever balang araw. Mga ganun.
Feeling ko ang weird ko. I find politics ang religion amusing. Well, not amusing in a sense na nakakatawa na ang politika sa Pilipinas pero masarap kasing pagusapan ang mga ganito.
Naaasar ako sa mga taong walang pakialam sa botohan sa US. Naaasar ako. Ang US ang pinakamakapangyarihang bansa sa mundong ito at ang bawat desisyon ng magiging pangulo nila ay makakaapekto sa pandaigdigang kalakaran. 'di niyo ba pansin iyon?
Naaasar ako sa mga paring inaabuso ang kanilang kapangyarihan. Sinabi ng Diyos na tayong lahat ay pantay pantay at sila lamang ang mga kinatawan para tulungan ang bawat isang nilalang sa mundo na maliwanagan sa tunay na pakay nila sa mundong ito at pagkilala ng Diyos na lumikha sa kanilang lahat.
Naaasar ako sa mga taong sinisisi ang lahat sa gobyerno. Sana tingnan muna nila ang kanilang sarili. Sila ba mismo ay sumusunod sa batas? Hindi rin 'di ba?
Lahat tayo ay nakakaapekto sa ating bansa. Kung ang maliliit na bagay lang ay hindi na natin magawa, paano pa kaya ang malalaki?
Ang nonsense na naman ng pinagsusulat ko. Masyado na akong nag-iisip ng mga bagay na hindi ko dapat intindihin. Pero sa tuwing sinasabi ko sa aking sarili na hindi ko dapat ito alalahanin, lalong tumatatak sa isip ko na dapat lahat ng tao ay aware sa mga ganitong bagay at sa kanilang mga actions.
Lahat tayo ang may pakinabang sa mundo. Siguro kung may malaking problema tayong ikinakaharap, isipin lang sana natin na problema lamang ito. Sa may mga tao sa paligid natin na nangangailangan ng tulong natin. Kahit mga batang lansangan, kahit sabihin mong patapon, ay may silbi sa lipunan kung aagapan natin ng lunas ang kanilang dalahin.
Kung lahat lang sana ng tao sa mundo ay nakapag-iisip ng malalim. Haaaay.
[me talking to myself]: Whatever Steph. Whatever.
Hehe. Pasensya na talaga sa random thoughts ko. Hehe. nasisiraan na ako ng ulo. Kailangan ko rin naman ilabas ang lahat ng ito. Others might find this post enjoyable to read. Malay ko lang. Pero alam kong majority ang mabobore sa aking pakikipagtalastasan sa aking sarili. Hahaha.
Babush. :)