Bakit kaya matulin ang araw? Hehe.
Pasko na naman. Parang kakapasko lang ah.
Marami naman atang nakakaalam na malungkot ako kapag pasko. Haaay. Oo. Sa tuwing nakakarinig ako ng mga christmas songs parang nauubusan ako ng lakas at gusto ko na lamang umupo sa isang sulok ng mag-isa.
Err. Bakit ganun kamo? Kasi naman. Warning: Emo. Nalulungkot ako dahil masaya ako. Paano ko ba ieexplain. Tuwing pasko, masaya ang mga tao sa paligid ko. Pinahahalagahan pa rin nila ako. Alam mo 'yon. Nireregalo nila ang mga gusto ko. Ihinahain nila sa hapagkainan ang mga pagkaing gusto ko. Ginagawa nila ang mga gusto ko. In short, mahal na mahal pa rin nila ako. Nalulungkot ako kasi parang hindi ko nagagawa ang mga bagay na gusto nila. Hindi ko nasasatisfy ang mga gusto nilang gawin ko. Bobo pa rin ako. Bagsak pa rin ako. Hindi na ako masyadong nakakatulong sa pamilya. Tamad ako sa bahay. Walang ginagawa. May tagalaba, tagaluto, tagasubo JOKE!, tagaplantsa etc. Yet, they still love me.
Ayun. Nalulungkot ako kasi hindi ko nga napupunan ang mga bagay na gusto nila pero sila sobra sobra pa magbigay. Nalulungkot ako kasi isang taon na naman ang nakalipas at wala akong ginawang sobrang kakaiba at super ganda para sa kanila. Alam niyo na 'yon.
Ang lungkot talaga ng mga pasko ko. Iniisip ko lahat ng ginawa ko sa buong taon na 'yon at iniisip ko rin kung I deserve that happiness na binibigay sa akin tuwing Christmas. Haaaay.
So ito na naman ako ngayon, pasko na naman. Nalulungkot dahil binagsak ko ang Chem31. Nalulungkot dahil hindi ko na naman nagawa ang simpleng gusto nila. Haaaay. Kay lungkot.
O siya. Tama na 'tong ka EMOhan na ito. Err. Babay! Matutulog na ako. Arnis pa PE ko bukas. Haynakow.
Babay! :D