
Hehe. Katamaran. Binabalutan na naman ako ng katamaran. Nagsimula na ikalawang semestre at tila lahat ng ipinangako ko sa sarili ko bago pa magsimula ang semestreng 'to ay unti unti ng hindi nagagawa. Err.
Kailan ba kasi ako magiging GC? Kailan ba kasi ag araw na mas uunahin ko ang studies ko kaysa sa mga bagay na mas nakakaenjoy? Kailan ba ako magsusunog ng kilay at magpapatatoo ng kilay? Kailan ba? Kailan? KAILAN!
Ewan ko ba. Hindi ko talaga kaya magseryoso sa pag-aaral. Wala bang pointers diyan? Paano ba maging GC? Hindi ko rin kasi alam kung ano ba talaga ang ginagawa ng mga taong GC. Paano kaya sila nakakapag-aral ng todo e limitado lang naman ang oras?! Err. Mayroon sigurong mga time extender or time stopper ang mga GC people. Haaaay.
Ang hirap talaga. Huhu. E asa pa akong gawing 2.0 ang chem31 ko plus majors. Nakakatamad magbasa. Mas masarap magtext, manood ng TV, magmultiply, magsearch sa net ng kung ano ano. Pero kung tatanggalin naman sa buhay ko ang cellphone, TV at PC, matutulog lang naman ako magdamag. Kung tatanggalin ang kama, magdedaydream lang ako. Kung tatanggalin ang utak ko, PAANO PA AKO MAKAKAPAG-ARAL?
Err. Hay. Mahirap maging tamadski. :(